Kakikayan Bag

Noong elementary ako, nag-aral ako sa isang private na Catholic school. Isa akong sunud-sunurang bata ng mga panahong yun kung kaya’t dala ko ang lahat ng mga libre at notebook namin sa school sa aking knapsack na mala-pangmountain climbing backpack  sa laki. Hindi pa kasi uso noong mga panahong iyon ang mga locker at stroller (Ganyan kasi noong mga sirka 1980’s… Oo na, matanda na talaga ako!). 

AmandaandHerPinkAirPackBackPack-main_Full 

Hindi ako yan ha? Mas cute ako sa batang yan. Hehehe, joke!

 Ang sabi sa isang artikulong nabasa ko, upang makaiwas sa pagkakaroon ng ng mga pananakit ng likod, dapat daw ang dala sa backpack ng isang bata ay hindi lalampas sa 15%  ng kanyang timbang.  Dahil hindi na ako bata, hindi na rin ako gumagamit ng backpack at manigas kayo kung iniisip niyong sasabihin ko sa inyo kung ano ang timbang ko (Haller! Secret na lang yun!), pasisilipin ko na lang kayo sa mga laman ng aking bag at kayo na lang ang humusga kung nagyayaya ba ako ng low back pain.

Iwarning ko na lang kayo: May pagka-ugaling Girl Scout ako. Gusto ko, always ready. Kaya’t kung kakasya lang ang refrigerator namin sa loob ng bag ko, malamang ipinasok ko na rin.

white bag

Ito ang aking puting bag na ginagamit ko pag pumapasok ako sa trabaho. Pasalubong ito sa akin ni Mader noong umattend siya ng conference sa Italy.  Siyempre, hindi ko naman magamit ito pag nagbibiyahe ako sakay ng bus papuntang lungsod  o di kaya’y nagmomonitoring o umaattend kami ng meeting sa mga malalayong munisipyo dahil dumihin siya. Kung kaya’t, itong isang bag naman ang ginagamit ko sa mga panahong iyon:

black bag

Itong itim na bag ay paborito kong gamitin dahil heavy duty siya, meaning, kahit saan, kahit kailan, kahit ano pang suot ko, pwede ko siyang magamit (parang condom lang… hehehe…). At kung ang puting bag ko ay galing Italy, galing namang Divisoria itong itim na bag ko. Patunay lang na praktikal akong tao at hindi ako particular sa brand o di kaya’y presyo ng mga gamit ko. Basta kasya ang lahat ng mga gamit ko at hindi naman siya asiwa tingnan at hindi naman ako mapagkakamalang Manang sa suot ko, okey na yun sa akin. In short, hindi ako high maintenance.

front view 

At ito pa!

rightside viewleftside view

 Andami no? Ang sabi nila, makikilalala mo raw ng mabuti ang isang tao sa laman ng bag niya. Kaya ito ang mahabang listahan ng mga pang-araw-araw na gamit sa loob ng bag ko:

1. Natasha wallet na may lamang sangkatutak na mga resibo, bus tickets for reimbursement sa office, mga IDs, mga calling cards,  mga letrato ko, ng mga kaibigan ko, ng mga ex-boyfriends (oo na, dapat matagal ko nang tinanggal ang mnga litrato nila, kaso hindi ko rin alam saan ko itatago kung kaya’t nag-aacumulate na lang sila sa wallet ko), P3500 na naka stapler (pambayad ng bills yan kaya nakastapler), P900 na dapat kong ikasya hanggang sa susunod na swelduhan at P53 worth of coins.

2. Pink and gold yosi bag na may lamang isang kaha ng Philip Morris, 2 lighter at 2 Snow Bear. Dahil sa aking yosi bag, naging tanyag ako sa mga kuripot na residenteng nagyoyosi noong intern pa ako sa ospital dahil ginagawa nila akong hingian ng yosi kahit na kung tutuusin, sila naman ang may sweldo at ako ang estudyante. Paminsan-minsan ay sila na rin mismo ang kumakalkal sa bag ko at naghahanap sa pink and gold na yosi bag na yan upang makanakaw ng tingi-tinging sigarilyo.

3. Brown make-up case kung saan may 2 shades ng lipstick, isang compact case, 4 eyecolor shades, 1 cheek brush, 1 cheek blush, 1 eyebrow pencil, 1 eyebrow hair blade, 1 eyelash curler, 1 mascara.

4. Pink pencil case with 2 pencil, 1 black ballpen, 1 red ballpen, 1 stapler, 1 stapler remover, 1 sharpener, 1 pair of purple scissors at 1 box ng staple wire

5. 1 Blue Mini-calculator. Para sa mga calculations ng health stastistics at annual operation plans.

6. 1 Blue and white na case na may lamang black shades.

7. Mini-notebook with signpen para sa mga quick reminders at taking down of notes. Noong isang linggo, habang nag-aatend ako ng training sa isang hotel, dahil sa aking katangahan ay nawalan ako ng P2500. Ginamit ko kasing sulatan ng notes ang sobre na naglalaman ng perang iyon. Kaso nakaligtaan ko siya dahil naging busy ako sa paghahanda para sa aking presentation during the training, kung kaya’t nailapag ko somewhere yung sobre at nakalimutan ko na siya. Pagkaalala ko sa kanya, nasa opisina na ako at noong tumawag ako sa hotel upang mag-inquire tungkol dito, wala ring nangyari dahil hindfi rin nila ito nakita. In short, para akong nagcharity works at namigay ng sobra sa dalawangh libo sa kung sino mang Pontio Pilato na nakapulot nito. Leche.   

8. 1 4 GB na purple na Kingston USB na may nakasabit na light blue  transparent beads na key chain 

9. 1  2 GB na gold na Sony USB na may nakasabit na purple na key chain ng isang tribal man na bigay sa aming magkaklase bilang pasalubong ng professor namin sa medical school noong siya ay pumunta ng Cambodia. 

10. 1 Smart Bro USB/Modem

11. 1 sanitary napkin. Pruweba na babae po ako at di ako bakla-kla-kla-kla-kla-kla!

12. 1 tablet ng Dolfenal. Para sa mga hindi inaasahang sakit ng ulo.

13. 1 orange folding fan. Wala kasing aircon paminsan sa mga bukid-bukid.

14. 1 60 ml bottle ng ethyl alchol. Pang-iwas H1N1. At dahil tamad talaga ako paminsan maghugas ng kamay na kailangang kasingtagal pa ng pag-awit mo ng “Happy Birthday” ng dalawang beses.

15. 1 30 ml bottle ng Vitress cuticle coat. Para hindi ako matanungan kung mahangin ba sa labas.

16. 1 75 ml bottle ng Lewis and Pearl Ice Water cologne. Mabigat kasi ang magdala ng pabango, lalo na kung babasagin pa ang bote ng pabango, tulad ng sa akin. Ayon din sa aking experience, mas mainam na pangtanggal ng amoy kayoyosi lamang ang cologne kaysa sa perfume. 

17. 1 50 g bottle ng Lewis and Pearl Rain loose powder. Mas gusto ko kasing gumamit ng loose powder kaysa sa compact. Wala lang, feeling ko lang, mas maputi ako pag loose powder ang gagamitin ko. Hehehe… 

18. 1 green comb 

19. 1 Philips 1G MP3 with headphones.

20. 1 set of headphones for N85. Hindi ko pala nasama diyan sa listahan ang gold-colored case na naglalaman sa aking cellphone. Asan siya ng mga panahong kinuha ko ang mga litratong ito? Syempre, kumukuha ng letrato! Hindi ko naman pwedeng ipicture ang cellphone kung ito mismo ang kumukuha ng mga litrato di ba? Haller! Logic!  

05072009028

At may pahabol pa pala! Ito na yung gold-colored case na naglalaman ng aking cellphone at ang set of keys ko with kasamang pink girl na key chain na bigay pa sa akin ng aking kaklase noong nasa 3rd year pa kami ng medical school.  

 Kung pwede pa sanang ipasok, gusto kong magdala rin ng payong (kaso nabibigatan na ako kaya hindi ko siya laging dala), credit card (kaso wala naman ako nun. Wish ko lang! Hahaha… ) tsaka 1 bote ng mineral water. Kaso wala ng space sa bag ko  =)

 

14 Tugon to “Kakikayan Bag”

  1. eloiski Says:

    naks! grabe naman! ang daming laman! wowowoow!
    balak ko din gumawa ng post tungkol sa bag ko eh kaso di pa ngayon! hahaha!

  2. hisnameisdencios Says:

    lakas ng dating sakin ng babaeng nagyoyosi😀 may certain kick lalo na pag sexy. malamang ikaw na yun! hehe o asan na pic mo na dala dala mo yan? hehe

    puede ba akong pumasok sa loob ng bag mo everytime kelangan mo ng taga masahe hehe

  3. joycee Says:

    Handameee laman! Wahahaha, ako gusto ko din malaking bag kase madame din ako dala lage. Naiinis nga lang officemate ko saken kase anggulo ng bag ko, sya na nga nagaayos ng bag ko everyday eh.🙂

    Welcome back Ate!

  4. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD Says:

    hehe ang doktor na na-meet ko na dito sa olutanga ay si doktor arañez. nagkasama kami sa birthday party ng isang madre dito at nagbigay din siya sa amin ng talk on ah1n1.

  5. yeye Says:

    awts huli! may yosi haha

    andaming laman ng bag ah. hehehe ako din kelangan mejo malaki bag ko para lahat ng gamit kasya🙂

    ui andami niyang ex. hahaha. buti ako isa lang pic ng ex ko. mas madami pa akong pix kesa sa kanya hehehehe

    ay mess you doc🙂

  6. p0kw4ng Says:

    ahahaha ang dami!

    di naman sa kuripot ako pero badtrip ako sa nagyoyosi na panay ang hindi..ang sa akin kasi kung may bisyo ka eh kailangan kaya mong sustentuhan,ahahahaha!

  7. potsquared Says:

    grabe.. parang isang kabinet yung laman ng bag mo… sa paraan ng pagdescribe mo.. nalula ako.. ehehehehe miss na kita angel!! saan ka ba nagsususuot ah..

  8. ldspinay Says:

    ang daming laman!

  9. eatpancit Says:

    Girl scout nga.🙂

  10. xG Says:

    hindi ako nagbabag
    natrauma ako
    dahil inagaw sa akin yung bag ko
    nung berdey ko😦

  11. dencios Says:

    update na! hehe

  12. aksoriyalmo Says:

    grabe, sobrang dami niyan. kulang na lang pati refrigerator! hehe.

    ako mahilig mag bag! wala lang, epling lang ako! hehe.

  13. Special Life Events Photography Says:

    Nice! Girl scout ka nga talaga Doc. Pero impernes naman sa iyo ha, puro functional naman yung laman ng bag mo. Mabigat man siguro pag kinasya mo na lahat yan sa isang dalahan lang, mabuti na yung dala mo lahat. You never know kung kelan mo kakailanganin ang kung ano man di ba?

    Special Life Events Photography: Capturing life’s special moments for as low as Php 5000 for 4 hours of unlimited shots and a 20 page colored photobook!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: