Pasasalamat Ni Doktora

Sa magulang kong sabay akong iniyakan habang iniiyakan ko sila sa bawat tawag nila sa akin sa telepono.

Sa mga kaklase kong walang sawa akong binusog sa tawa at kakakain ng Da Vinci’s pizza upang kahit ilang minuto lamang sa isang araw ay hindi ko naiisip ang mga lecheng “most common…” at “which of the following…” na yan.

Sa mabait na Manong  na masipag na winawalis yung mga upos ng yosi doon sa veranda na resulta ng aking mga walang kuwentang panic attacks.

Sa aming Dean na araw-araw kaming tinexan ng mga inspirational passages from the Bible na nakatulong din sa pagtahan ko sa aking paghahyperventilate.

Sa Nanay kong hindi na raw makatrabaho ng maigi dahil sa pag-aalala sa akin.

Sa mga naging roommates ko sa Cendet na tinanggap ang aking kakulitan at sandamakmak na  “Ano nga ba yung sagot sa…” kahit na naiistorbo ko rin ang kanilang pag-aaral. In fairness, may dilang anghel daw ako dahil karamihan ng mga tinanong ko, lumabas sa exam. Hehehe…

Sa bespren kong mahigpit kong niyakap at hinagulgulan pagkatapos kong hula-hulaan at ipag-bintut-bintut ang mga sagot sa karamihan ng mga tanong sa eksaminasyon sa Biochem at nagsabing “Hoy, lukaret! Ano ka ba? Ang drama mo!” 

Sa kabarkada kong duktora na walang sawang padalhan kami ng aking mga kaklase ng ice cream at magic Red Ribbon ensaymada na may powers daw na magpapass ng board exams. 

Sa Lola kong matagal ng yumao na malamang lumapit kay Lord at kinumbinsi siyang gumawa ng himala at dinggin ang mga dasal ko. Nakulitan siguro.  

Sa lalakeng nagsilbing Richard Gutierrez sa aking mala-When I Met You na love story dito sa Cebu. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng iyong mga “I miss you” at yung “Mwah” dun sa isang gabing tinext mo ako pero dahil kasalukuyan pa akong nag-aantay ng sign mula kay God tungkol sa ating dalawa kung kaya’t para sa ikabubuti ng nakararami, tukso, pwede ba? Layuan mo muna ako. 

Sa  mga kaibigan ko dito sa blogospero na hindi nagsawang magkumento kahit na halos dalawang buwan akong walang ni-Hi ni-Hoy sa kanilang mga blog.

Eto na ang kinalabasan ng aking hiatus. 

Maraming maraming salamat. 

INUMAN TAYO!

7 Tugon to “Pasasalamat Ni Doktora”

  1. joycee Says:

    Congratuleyshuns pu ulet! dapat talaga hinde tayo nakakalimot magpasalamat sa mga taong nakasama naten sa hirap.

    Simula pa lang yan.

    Godbless you! =)

  2. Ax Says:

    congrats! kahit di naman tayo close talaga, eh congrats pa rin! hehe.

    sana nakilala kita bago ka naging doktora. pero, wala tayong magagawa, hehe.

    congrats ulit!

  3. Heleyna Says:

    Nakakaiyak haha ewan ko sis pero naiiyak ako haha. Ansaya and at the same time nalulungkot ako..pakiramdam ko aabutin ako ng ilang takes bago pumasa..tamad ako mag-aral haha. Pero kung totoo man to:

    “ice cream at magic Red Ribbon ensaymada na may powers daw na magpapass ng board exams.”

    Pramis kakain ako nyan araw araw sa internship ko kahit maging obese pa ko. Wapakels. wahaha

    Miss you sobra..and congrats ulit doktora!

  4. ewanko Says:

    doc asan ka po dun sa list hehehehe🙂

    lupet nung top 2 hahahaha. syempre love your own! hahahahaha

    congrats ulet.
    biochem talaga ang pahirap hahahaha

    yiheeeee…richard gutierrez! hahahaha

    -yeye

  5. potsquared Says:

    saan ka ba magpapainom? sama ako jan!

  6. muymuy Says:

    ano kaya ang ibig sabihin ng “i miss you” at “mwah”…haayyyy pero mas mabuti na ang mga katagang “oh tukso layuan mo ako”…hayyy..

    inuman na ba??!!!…

  7. siangelnawalangpakpak Says:

    JOYCEE: Thanks girl. Nakailang congrats ka na yata sa blog ko, di man lang kita napapasalamatan. Maraming-maraming salamat!!! =)

    AX: Thanks din. At bakit parang nanghinayang ka yata na hindi mo ako nakilala bago pa ako naging ganap na lisensyadong duktora? Asiwa na bang maging friends tayo? Huhuhu… LIsensya lang yan. Ako pa rin ito, hehehe…

    HELEYNA: Sis na maganda! Lukaret… Akala mo lang yun, pero tingnan mo… Ganun din ang akala ko, pero sa awa ng Diyos, pumasa naman. God’s will yan. I’m sure ganun din ang mangyayari sayo… Samahan mo pa ng magic ensaymada galingb REd Ribbon, wala nang duda. Papasa ka rin! Hehehe… Miss you too girl at thanks din ng maraming-maraming-marami =)

    YEYE: Andun ako sa list. Hanapin mo yung may ANGEL sa pangalan. As in, ANGEL, ANGELA, ANGELICA, ANGELITA. Pwede ding ANGELO o di kaya’y ANGELITO. Hahaha… Yoko pa ring iannounce ang pangalan ko. Mahirap na, at baka may fans ko pang isearch ako sa google. Wahahaha… ang kapal ko! hehehe… Thanks girl! May kiss ka sa akin pag mahanap mo ang pangalan ko dun sa 1000 plus na pangalan sa listahan. Hahaha…

    POTPOT: Dito sa amin. Lika na. Anong gusto mo, hard o soft lang? Kahit magdamagan pa. Hahaha…

    MUYMUY: Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung anong ibig sabihin nun? Siguro nga meron pa ring dugong konserbatibo na dumadaloy sa dugo ko – kahit konti, pero meron pa rin – at hindi ko pa rin alam kung lumalandi ang isang lalaki sa akin o hinde. Magpapapinom ako. Dali na, sakay na kayong dalawa ni POtpot ng eroplano at punta na dito sa amin at baka may maabutan pa kayong drinks… Tulad ng water. Ice cold water. Hehehe, joke lang… =)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: