angelnawalangpakpak

— Oo, ako nga si [Mistress] —

Si Angel aka [Mistress] aka siangelnawalangpakpak ay isang dilag na ang edad ay malapit-lapit ng mawala sa kalendaryo. Ang pagsusulat ay hilig na niya mula pa noong Grade Six siya kung saan isinasayang niya ang kanyang talento sa pagsusulat ng mga iskript para sa mga karakter ng mga komikstrip na pangit ang pagdrowing na kanyang ipinapabasa sa kanyang mga pinakamalalapit na kaibigan. Siya ay tubong down South, walang kaalam-alam sa politika at kasalukuyang unregistered pa sa Comelec. Lingid sa limang taong nag-aral siya sa UP kung saan siya natutong uminom, manigarilyo at gumawa ng mga bagay-bagay na pinagbabawal at hindi dapat gawin ng mga dalagang Pilipina, karamihan ng edukasyong bumuo sa kanyang pagkatao ay nagmula sa mga pribadong paaralang pinatatakbo ng mga paring Katoliko. Ngayong isa na siyang recovering party girl, kadalasan siyang abala sa pag-aasikaso sa pagpapabuti ng kanyang career, ang isa sa tatlo sa kanyang pinaghahawakang degree, ang pagiging Duktor sa Medisina.

Pinanganak siya noong taong 1980, kasagsagan ng panahong John en Marsha at That’s Entertainment. Bilang isang batang 80’s, siya ang produkto ng mga sangkatutak na palabas sa telebisyon ng panahong iyon na wala namang katuturan (maliban na lamang sa Batibot! Very educational, hindi ba?) kaya’t hindi na nakapagtataka na madalas siyang sabihang mababaw ang kaniyang kaligayahan. Pero tanggap niya yun, kasi hindi siya palaaway. Peace-loving si Angel. Sinubukan niya minsang magpaka-bitchy, pero tinawanan lang siya ng mga kaibigan niya.

May araw rin kayo! Sabi niya sa kanila.

Simple lang si Angel, madaling mapasaya, malakas tumawa, madalas na napagkakamalang suplada ng mga taong hindi siya kilala. Matalino siyang bata pero napakatanga sa pag-ibig. Paminsan-minsan lang siya nagpapakita ng arte sa katawan kaya madalas siyang nagiging “one of the boys.” Gimikera si Angel, pero madalas walang kapera-pera. Napakapraktikal niyang mag-isip, mababaw ang kaniyang kaligayahan at mahilig siya sa mga bagay na unique at kakaiba. Siya ay independent, open-minded, at pwedeng isampa at mamumuhay sa kahit saang lugar mo siya dalhin. Ang ilan sa mga bagay na sikreto niyang gustong-gusto ay mga lalakeng marunong magluto, mahahabang e-mail at teks, si Papa Piolo, pagkain ng kwek-kwek habang nakaharap sa sunset, at ang panonood ng mga baduy na pelikulang Tagalog na pinagbibidahan ng mga sikat na loveteam.


Ang pangalang [Mistress] ay produkto ng dalawang dahilan. Una, ito ay simbolo ng pagtatanggap sa kung ano mang itinakda ng isang relasyong walang katuturan sa lalakeng kanyang minahal kahit na kailanman ay hindi magiging kanya ng buong-buo. Kanya ng itinigil ang walang kwentang relasyong ito ilang araw matapos simulan ang blog na ito. Pangalawa, hango ito sa pambabaeng bersyon ng Master na isang pabirong tawag ng kanyang mga kaibigan sa kanya dahil sa kulay ng kanyang lablayp at dunong ungkol sa mga bagay na may koneksyon sa buhay pag-ibig at sa pakikipagrelasyon. Ang hindi nila alam, wala ring kaalam-alam si Angel sa mga bagay na ito dahil marami rin siyang nagawang mga pagkakamali at katangahan sa larangan ng pag-ibig. Subalit, kung marapatin mo talagang humingi sa kanya ng payo ukol sa pag-ibig, hindi kita pipigilan at padalhan mo na lamang siya ng e-mail sa thefilipinamistress@yahoo.com.

Mas gusto na ni Angel ngayong tawagan siyang siangelnawalangpakpak kaysa sa thefilipinamistress. Tapos na ang serye ng pagiging thefilipinamistress niya. Ang serye ng pagiging siangelnawalangpakpak ay magsisimula pa lang.

Lipad, Angel, lipad.

— Hulaan niyo kung sino ako diyan sa apat na yan —

Maraming inaaasikasong blog si Angel, liban pa sa kanyang personal blogs sa Friendster, Blogspot at Multiply. Ang isa pa sa kanyang blog kung saan siya ay abala sa pag-Iingles at lumalabas ang kanyang tunay na kulay ay makikita sa link na ito.

17 Tugon to “angelnawalangpakpak”

  1. BURAOT Says:

    tenkyu sa pag link. lilink na din kita… niaaayos ko lang yung pic mo sa blogroll ko. heheheh.

  2. siangelnawalangpakpak Says:

    ehehehe…. salamat kuya. itong pic pala ang kinuha mo para sa blogroll mo. hehe. kung marunong lang ako sa mga kaek-ekan ng pagbloblog eh mas magandang header sana ang maibigay ko. kaso hinde, kaya yan na lang munang pic ko. hehe. salamat ulit.

  3. jojitah Says:

    hi angel!!! *hug!*

    magka-batch pala tayo sister! may topak ka din sigurado. hahaha!

  4. siangelnawalangpakpak Says:

    *hug!* back. hihi.

    topak? konti lang. parang ikaw din. LOL…

    tnx sa pagbisita =)

  5. taps Says:

    idol ko si angel no wings.

  6. foobarph Says:

    sana mapadpad ang iyong angking talento sa pagsusulat sa aming munting website, TOP.🙂 kailangan kasi namin ng karagdagang anghel para makapagbigay ligaya para sa mga taong mahilig magbasa ng pocketbook. ahehe

  7. siangelnawalangpakpak Says:

    taps: idol din kita. bilib talaga ako sa mga linya mo. napaka-original. wish ko lang, naging lalake ako, nang magamit ko naman ang mga ito. hehehe, joke.

    foobarph: naku, kuya. salamat sa pag-imbita. pag-iisipan ko muna ng mabuti yan. gusto ko ring sumulat niyan, promise, kaso wala pa akong inspirasyon sa ngayon. pero, balang araw, susulat talaga ako diyan.

  8. chim Says:

    hi ate. hihi. natuwa ako sa pag basa ng posts mo. nakikidaan lang.🙂

  9. siangelnawalangpakpak Says:

    thanks sa pagbisita. daan ka ulit! =)

  10. muymuy Says:

    halu!…

    nag-eenjoy akong magbasa ng blog mo…

  11. siangelnawalangpakpak Says:

    salamat muymuy. ang kyut naman ng name mo. =)

  12. potsquared Says:

    nag enjoy ako dito.. hehehehe ang kulit ng mga entries.. ehehehe.. para kang kapamilya ng mulawin.. LIPAD! ANGEL!

  13. siangelnawalangpakpak Says:

    hindi naman halatang idol ko si angel locsin ano? hehehe… salamat sa pagbisita, pot. sa totoo lang, nagulat ako ng nagcomment ka dahil matagal na yata akong masugid na nagbabasa ng blog mo.

  14. Jomar Says:

    Opps na padaan lang, Ganda nang Blog u. hehe sana nagkaroon din ako nang talent sa pagsusulat,

    don’t Worry babasahin ko yung mga Post mo.. and magiiwan nang marka (comment)

    Add din kita sa link ko😀 t.c

  15. muymuy Says:

    ei doc!..alam kong busy ka dahil malapit na ang pagsusulit, gusto ko lang sabihin sayo na nami-miss ko na mga kaek-ekan mo dito…hihihi

  16. prinsesangdrama Says:

    hi po! naaliw ako sa mga nakasulat sa blog mo! keep it up.

  17. darbs Says:

    Sa wakas, nakapaglakas loob na ring magbigay ng puna sa kaharian ni anghel. mahiyain din ako especially sa isang anghel na walang pak-pak. napadaan lang maam!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: