Hindi Ako Nag-aral Upang Maging Abortionist Lamang

Warning: Mahaba ito…

 

 

Noong clerk  pa ako at nakatoka ako sa Surgery Department ng ER, natatandaan ko noong tinawag ako ng isa kong co-clerk na assigned naman sa Obi-Gyne. Dahil walang lasing na magpapatahi ng kanyang basag na mukha sa akin noong mga oras na yon, sumama naman ako sa kanya doon sa Inspection Room, kung saan niya pinapahiga at pinapabukaka ang kanyang mga babaeng pasyente. Akala ko nung una, papakitaan nya ako ng isang kyut na kyut na bagong panganak na sanggol.

 

Fetus pala ang ipinakita niya.

 

Sa kalagitnaan ng mga pabalot ng disposable na gloves ay ang isang 11-week old na newly-aborted fetus, mainit-init pa dahil kalalabas lamang nito mula sa uterus ng kanyang ina. Kita na ang malalaking mata ng fetus at ang kanyang kyut na kyut na mga kamay at paa. Nakakapangilabot. Nakakaawa. Nakakapanlumo. Naaalala ko tuloy noong nasa elementarya pa ako na pumapasok ako ng Adoration Chapel (nang hindi pa ako napapaso o nalulusaw na parang abo) sa tabi ng simbahan ng aming eskuwelahan. Sa hallway papasok ng Adoration Chapel ay maraming mga posters ukol sa abortion, kasama na rito ang mga ubod ng graphic na mga larawan ng mga pinaabort na fetus sa iba’t ibang edad sabay ng mga katagang “Pro-life” at “No to Abortion.”

 

Dinala ko yata sa aking paglaki ang mga imaheng iyon kung kaya’t nag-iinit talaga ang aking mga singit kapag nakakatanggap ako ng mga pasyenteng mga 16-17 years old na putlain at profuse vaginal bleeding ang inirereklamo. Tatanungin mo kung buntis, sasabihan ka ng ina nila na hinde at NBSB pa raw ang anak nila. Siyempre, tahimik lang si Ineng. Ganyan naman lagi ang mga guilty. Sasalpakan mo siya ng pregnancy test at kung positive, hala na, saka na niya aamininin sayo na alam niyang buntis siya at kesyo nagpahilot siya sa albularyo/uminom siya ng pinadikdik at pinakulong dahon ng ewan/may ininom siyang gamot na pampalaglag na nirekomenda ng kanyang boypren na second year Nursing student. Alam na yata ng kahit sinong Nursing student ngayon ang mga gamut na pampalaglag at kahit pinagbabawal itong mabili over the counter ay nakakalusot pa rin ang ilan. At kahit itali niyo pa ako ngayon at isabit sa puno ng acacia ng nakatiwarik ay hindi ko sasabihin sa inyo kung ano ang gamot na iyon. Isa lang ang masasabi ko, hindi siya gaanong mabisa pag iniinom, isinisilid ito sa pagkalalim-lalim at pagkaliit-liit na butas ng cervix. Unless kamag-anak mo si Lastikman o di kaya’y may lithotomy bed ka sa bahay niyo, kahit ang mga duktor, hirap itong ipasok sa lecheng butas na iyon kung kaya’t ilang beses itong inuulit at mas nararapat talagang sa hospital ito ginagawa bilang bahagi ng management sa isang tunay na nangangailangan nito.

 

Bilang isang duktor, marami rin akong mga kaibigang lalake ang lumalapit sa akin upang magtanong ukol sa paglalag. Ganito ang karaniwang kinalalabasan ng aming pag-uusap:

 

Manyak na friend: Huy angel. Pwede bang magtanong?

 

Angel: O pare. Anong problema?

 

Manyak na friend: Kasi may kabarkada ako… Eh, nabuntis yung syota niya.

 

Angel: Ganon?

 

Manyak na friend:  Tapos pareho pa silang nag-aaral.

 

Angel: Ayan, kasi naman… Ilang buwan na daw?

 

Manyak na friend: Mga dalawang buwan ata.

 

Angel: Sigurado ka bang hindi ikaw yan at sinasabi mo lang na kabarkada mo?

 

Manyak na friend: Lukaret. Hinde ah.

 

Angel: Eh, tapos?

 

Manyak na friend: Anong pwedeng inumin ng babae para malaglag yung baby?

 

Angel: Lason. Magpakamatay na muna siya bago ko sasagutin ang tanong na yan

 

Wala akong pakialam kung gusto mong ikalat ang iyong mga punla kahit hindi ka pa kasal, wala ka pang trabaho o di kaya’y sadya ka lang talagang manyakis. Hindi rin ako magpapakaipokrita at magsasabi sayo’ng huwag ka na munang makipagsex hangga’t hindi ka pa kasal. Naiintindihan ko namang masarap talaga ang magpainit ng katawan at malunod sa mundo ng kahalayan kahit pa nga ba ito ay masasabi nating bawal. Ang sa akin lang, wag mo kong idamay at gamitin ang aking propesyon at ang ating pagkakaibigan sa iyong pagkakamali at katangahan. Susuportahan kita sa lahat ng bagay, kung alam mo na ang dapat mong gawin, sasamahan pa kitang bumili nito (inaamin kong sinamahan ko ang isa kong kaibigang duktor dati na bumili ng isang klase ng herbal vitamin daw na pamparegla) pero kung iniisip mong sa akin manggagaling mismo ang kinakailangan mo ay wag ka nang umasa dahil hinding-hindi kita reresetahan ng gamot na magagamit mo sa paggawa ng kamalian sa isa nang pagkakamali.

 

Kaya’t kung ikaw ay may iniirog at ayaw mong mabuntis o makabuntis, isa lang ang pinapayo ko: MAGSUOT NG KAPOTE. Hindi condom kasi 99% effective lang yan. Ang ibig kong sabihin ay raincoat. Ewan ko lang kung titigasin pa ang inyong etits at gaganahin pa kayong makipagsex niyan pag suot niyo na yung mga malalaki at mabibigat na dilaw o di kaya’y dark green na raincoat ng mga pulis at sundalo.

 

What a turn-off.        

 

Isa pang pahabol na kuwento. Noong clerk ako sa Internal Medicine, may isang maitim at matabang 16-year old na babae, kasama ang kanyang ina ang lumapit sa akin dahil buong araw na raw masakit ang kanyang tiyan. Dahil nanghinala akong melasma ang dahilan ng pangingitim sa kanyang mukha at tila bilog na bilog ang kanyang tiyan, tinanong ko si Neneng kung buntis siya. Ang sabi ng ina, mataba lang daw talaga ang anak niya at estudyante pa na wala naman daw boypren. Sabi ko, ipapregnancy test ko muna siya. Patakaran rin kasi ng departamento ng Internal Medicine na ipapregnancy test muna ang mga kaso ng abdominal pain sa isang babaeng nasa reproductive age pa at saka ipapasa sa kung anong departamento dapat ang humawak sa kaso niya. Nagpumilit, hindi naman daw buntis ang anak. Hindi ko raw ba puwedeng bigyan na lang kaagad ng gamot. Hindi naman ako tanga para magbigay kaagad ng gamot para sa sakit ng tiyan ng hindi ko pa naeexamine ang pasyente ng mabuti. Kaya sabi ko, manang, hindi talaga pwede. Buti na lang, naiihi na si Neneng. Sabi niya balik lang daw sila, ihi daw muna siya sa CR sa labas ng ER.

 

Maya-maya, nagsisigawan na ang mga tao sa labas.

 

Habang umiihi si Neneng sa toilet bowl ay sabay labas naman ng kanyang bagong panganak na sanggol. Mabuti na lang ay nahila niya kaagad ang umbilical cord na nagdudugtong sa tiyan ng kanyang sanggol at sa kanyang bahay-punlaan, kung hindi ay tumama na sana ang ulo ng bata doon sa toilet bowl.

 

Muntikan pang tuluyang magsawsaw sa mga ihi at tae ng ibang tao ang kanyang dinedeny-to-death na newborn baby.  

 

At ang nanay ni Neneng, halos wala nang pagmumukhang maipakita sa akin habang sabay sabing, “Mahilig kasi yan silang mag-overnight swimming ng mga kabarkada niya. Baka may sperm na lumalangoy-langoy sa pool na pumasok sa ari niya kaya nabuntis.”

 

Si nanay talaga. Ayaw pang tanggaping malandi talaga ang anak niya.  

19 Tugon to “Hindi Ako Nag-aral Upang Maging Abortionist Lamang”

  1. kirksydney Says:

    Tsk tsk baket kaya may mga taong ganyan. Ako nung nabuntis ko ex girlfriend ko, ni hinde pumasok sa utak ko yang ganyang bagay.

    Pers taymer pala ko dito. Pakagat naman sa Limonada mo. Haha.

  2. pepe21 Says:

    add kita blogroll ko.
    cnu pla si JONELL? iyong kinoment mo sa akin.
    tama iyong sagot mo.
    masama iyong gagawin nila. kung ginawa iyon,di palakihin na lang nila. tzk. bad cheetah!

  3. buzzing flowerpecker Says:

    tama ka doc…pakamatay na muna yung mga walang any sense of responsibility…bago pa may ibang being silang mapa-abort!

    tsaka tama ka rin. Hindi ko magets minsan kung talagang in denial, konsentidor, o talagang bulag yung mga nanay pag anak na nila ang pinag-uusapan. of all people…mukhang sila naman yung pinaka-epektib ang radar sa mga ganyan…kung anak yun ng kapitbahay…malamang bawat detalye ng pagbubuntis alam. hehe.

  4. mnel Says:

    pasensiya na po. hindi naman ako talagang mapagmura pero…

    PUTANGINA.

    Ano ba namang klaseng rason yang sinasabi ng nanay niyang iyan? PUTANGINA. Sperm na nagsswimming? PUTANGINA talaga.

    Naniniwala ako na sa tahanan dapat natututunan ng kabataan ang tungkol sa sex at sa pagbubuntis. Eh kung ganyan naman ka-ipokrita yang nanay na yan, no wonder nabuntis ang anak niya.

    Alam ko yata yang gamot na yan… =P

  5. batopik Says:

    HAHAHA! ANG LANDE KASI KAYA YAN NAPAPALA! MINOR DE EDAD PA LANG EH MASYADO NG MAKAMUNDO. KAYA HNDI UMUUNLAD ANG PILIPINAS EH. HAHA. ANU DAW? HAKHAK.

    KAWAWA NAMAN YUNG MGA BABIES NA GANYAN… KANINA NGA NUNG BINABASA KO YUNG FETUS DUN SA FIRST PART NG POST NA TOH AY KINIKILABUTAN AKO. NAIIMAGINE KO YUNG FETUS NA PARANG TYANAK NA EWAN. HAKHAK. SORRY PO, PRANING LANG TALAGA.. PERO SERYOSO, KAWAWA YUNG MGA GANUNG WALANG MUANG SA MUNDO NA BASTA BASTANG PINAPATAY NA LANG… TSKTSK..

  6. FerBert Says:

    yan din sabi nung kaibigan ko kung baket sya nabutis.. nagswimming daw kase sila baka daw may lumangoy na sperm kaya sya nabuntis.. hahahahaha.. tumawa na lang ako at pinamukha ko sa kanya na hindi nya ako maaring gawing tanga..

    magpapasama na lang ako sayo bumili nung pamparegla tutal alam ko naman kung ano yun eh.. hahaha.. joke lang

  7. brotherutoy Says:

    kung ako ang parish priest mo, irerecommend ko sa lahat ng parishioners ko (pati youth) ang post na ito, focusing on the use of kapote.ü

    pro-life din ako, doc. noong una, di ko makuha ang logic ng simbahan dito pero ngayon, alam ko na. basta nabuhay, may karapatang dapat igalang. simple, diba?ü

    eto, kwento-kwento lang ng mga kaibigan kong nurses. totoo bang galit at dinadabugan ang mga doktor at nurses sa mga pasyenteng nagpa-abort?

  8. taps Says:

    May girlfriend ako na nagpalaglag.

    Unahan ko na kayo, hindi ko alam na ganun ang plano nya. Alam kong nabuntis ko sya, I sent help.

    Nasa states kasi sya nun. Kumbaga, humabol kami sa championship. Rak en Rol bago sya pumunta sa states, at ayun nagbunga ang pagdidribol namin. 18 ako and she’s 17.

    I sent money for her medical bills, money for the plane ticket(dahil mas okay manganak dito mas mura kahit sa st lukes pa compared sa panganganak sa states) mas magagaling ang mga doktor dito tulad ni angel. (hamputang seepseep!)

    Pero after a week, she said nakunan daw sya. At syempre devastated ako. Not because of the money i gave her. The excitement, una kong anak dapat yon.

    Pero di ako tumigil, pinapunta ko ang pinsan kong doktor dun sa babae, pinacheck, and positive nga she had abortion. At umamin din naman si babae sa akin after 5 years. Yun nga lang sinabi ko sa kanya na papatayin ko sya kapag nakita ko sya dito pakalat-kalat dito sa pilipinas. kaya hanggang ngayon di pa umuuwi.

    Pangalawa, THE CYTOTEC Girl. Maraming ganyan, ako pa inutusan na ibili sya ng cytotec. ANg purpose ko sa mundong ibabaw eh mag produce ng mga naggagandahang mga bata, tapos gusto nya gamitan ng cytotec. Lukaret.

  9. taympers Says:

    weeeh…. i like this entry my lesson. lesson? wag magnightswimming kasi may mga naglalangoy na sperms. hahaha… ako din prolife ako. pwera biro at bola, im loving this blog na.

  10. joshmarie Says:

    kailangan talag ng mahiwagang kapote.🙂 at angel di ko pa nakukuha yun award mo. kunin ko sa next post ko ha? mwah!

  11. siangelnawalangpakpak Says:

    KIRKSIDNEY: gosh, parang ang pogi ng pangalan. ahahay… gusto kong magblush. wahahaha, joke. eniweyz, buti naman at hindi mo yan naisip. mabuhay ka! so, ilang taon na baby mo ngayon?

    PEPE21: tnx, pepe. si JONELL ay isang malaking pagkakamali. wahahaha… i just realized it. kalimutan mo na yun. umandar lang ang aking pagiging absent-minded… salamat sa pag-add!

    FLOWERPECKER: sa aking palagay, sa sobrang pagmamahal ng mga ina paminsan sa kanilang mga anak, ay ayaw na nilang makita ang mga imperfections ng kanilang anak. kung kaya’t hindi tumatalab ang radar nila pag anak nna nila ang pag-uusapan. ganun din kasi ang nanay ko sa akin paminsan. wahahaha… ang alam ng nanay ko, good girl na good girl ako. harharhar.

    MNEL: sa maniwala ka man o hinde, sinabi rin ito ng aking biology teacher dati noong highschool, na pwedeng mabuntis ang isang babae kapag magswiswimming siya sa pool. Hmmm…

    Eeek! Maganda yung konseptong sinabi mo, kaso bakit mga magulang ko, hindi man lang ako naturuan tungkol sa sex at sa pagbubuntis? =)

    BATOPIK: Hushu… ikaw talaga. If i know, makamundo ka na rin nung menor de edad ka na. Ehehe, joke, joke, joke. Ako lang pala yun…

    FERBERT: Ahaha… Sana sinabihan mo yung kaibigan mo kung niloloko ka ba niya… Since alam mo na kung ano ang gamot na yun, sureness, samahan kita bumili ng pamparegla. Kaso lang, kelan ka pa nagsimulang magkaroon ng menstruation?

    Joke lang. Peace.

    BROTHERUTOY: speaking of pro-life, hindi ako pabor sa abortion pero pabor ako sa artificial contraceptives, for reasons of practicality. naku, paano ba yan, brother? wag kang magagalit sa akin, ha?…

    and yes, hindi ko dinedeny na kapag abortion ang kaso ng pasyente, hindi masyadong friendly at accomodating ang mga ER nurses at OB-Gyne residents dito sa aming lugar. Somehow kasi, naapektuhan ng kanilang sariling paniniwala ang kalidad ng kanilang trabaho. Dahil ako ay utus-utusan lang ng aking residente dati, wala naman akong karapatan na hindi maging mabait sa pasyente kung kaya’t kahit inis ako sa dahilang nagpaabort siya, inasikaso ko pa rin siya ng parang kahit sinong karaniwang pasyente. Matter of ethics yan and professionalism, ika nga.

    TAPS: Wow, pare. Nagulat ako. Haba ng comment mo ah…

    Bago ang lahat, ipangalandakan ko muna ang sinabi mong “mas magagaling ang mga doktor dito tulad ni angel”… Hahaha. Kahit ang layo nito sa katotohanan, salamat na rin =)

    Eniweyz, una, bilib ako sayo kasi umamin ka. Pangalawa, nakakabilib din na willing kang maging responsible enough to help raise it at nanghinayang ka dahil pinalaglag niya. Masama talaga ang ginawa ng mga ex-GF mo na nagpapaaabort. Kaso lang hindi sa pabor ako sa ginawa nila pero, hindi mo rin sila mablame. Mas madali kasing maging masaya at excited sa isang sanggol na produkto ng unwanted pregnancy kung ikaw ay isang lalake dahil hindi naman ikaw ang magdadala nito for 9 months, hindi rin ikaw ang makakaranas ng sobrang sakit habang binabanat ang iyong pekpek sa panganganak at hindi rin sayo ang mga susong sasakit at babagsak pagkatapos ng breastfeeding. wala pa dito ang mga masasamang connotations ng ating society kung alam nilang ikaw ay isang unwed mother, as compared to the laxity at praise ng ating male-dominated society when dealing with unwed fathers.

    Pero, don’t get me wrong. Pro-life pa rin ako.

    TAYMPERS: Ikaw talaga. O siya, clarify ko na nga. After ejaculation, ang sperm ay maaring maiwan sa loob ng vaginal canal ng 2-3 days, as long as favorable ang temperature at acidity ng kanyang environment. Ang tubig sa pool ay chlorinated at masyadong malamig. Bago pa man makalangoy ang sperm mula sa ari ng lalake, mamamatay na ito sa lamig at alkalinity ng tubig ng swimming pool. Therefore, hindi pwedeng mabuntis ang isang babae sa pagswiswimming lamang sa pool, kahit pa ba bago siya magtampisaw sa tubig ay nagjakol ng nagjakol dito ang isang buong fraternity.

    And don’t get me wrong, hindi rin ibig sabihin nito ay hindi mabubuntis ang isang babae kapag nakipagsex siya sa isang lalake ng underwater. Isang urban legend lang iyan =)

    Tama na nga. Baka sabihin ng mga tao, inaagawan ko na ng role si Dr. Margarita Holmes o di kaya’y para medyo sexy naman, si Asia Agcaoili. LOL… Salamat sa compliment! Balik-balik ka lang.

    JOSHMARIE: Bunso, di ba may boylalu ka na rin? May kapote ako dito. Dark grey. Baka gusto mo hiram. Joke, joke, joke!!!… Okey lang yun tungkol sa award, basta pinasa ko na. Kaw na bahala kung ano gusto mong gawin doon. Ehehe… Mwah din!

  12. foobarph Says:

    isa lang ang masasabi ko…

    fuck all damn people na in favor sa abortion.

    yes, i agree in using any contraceptive measures to prevent pregnancy.

    but once na nakabuo ka na, panindigan nyong dalawa.

    punyeta. galit ako.

  13. rio Says:

    kakalungkot lang isipin na ang mismong nanay pa nya ang nagpupursigi na ipalaglag ang magiging apo nya.sabihin na natin na disgrasya ang nangyari sa anak nya pero hindi pa din sapat iyon para tanggalan nila ng karapatan mabuhay ang bata.tsk tsk…hey buhey..

  14. brotherutoy Says:

    meron pala akong true story (read: tsismis).
    may kasama ako sa work dati.
    magsyota sila during their college days.
    nabuntis ang babae.
    di sila nagdalawang isip ipa-abort kasi nga nag-aaral pa sila.
    after some time, sila pa rin ang nagkatuluyan at nagpakasal.
    di na sila magkaanak, after nun.
    saklap, ano?
    ngayon, proponents sila ng pro-life at testimonial lagi nila ang story nila sa mga prayer meetings.

  15. Borack Says:

    naalala ko noon, akala namin ng dati ko’ng katipan ay nagkabunga ang ‘eksperimento’ namin handa naman ako sa ‘consequence’ ng ginawa namin pero obviously siya at ang kanyang magulang ay hindi, handa sila ilaglag ang bata, na di ko talaga matanggap. turns out na false alarm pero ‘di ako makapaniwala sa nangyari…

  16. utakmunggo Says:

    at sinong stupidong tao pa ang naniniwala hanggang ngayon na pwedeng magswimming ang sperm sa labas ng vagina at matutunton pa rin ng mga ito ang itlog sa fallopian tube? sosme. sarap pukpukin.

    ayoko sa mga taong ganyan. basta na lang hihilata pagtapos eh papatayin ang bunga ng panandaliang aliw. dapat sa kanila putol etits at tahi kiki. ayan. sumabog na ang dandruff ko sa inis.

  17. repah Says:

    hi doc angel/.. ayan bgay na yung neym mo sau.. kung ako tinanungan nyan.. hay.. sasabihin ko sa knya maglakad sya ng paluhod sa quiapo para mabura sa isipan nya ang ilaglag ang baby..

    hi grave.. bat kc may mga taong di muna nag-iisip bgo nila gawin ang isang bagay.. marami tuloy ang nagsusffer na mga kalerkeyhan nilang pinaggagawa..

  18. siangelnawalangpakpak Says:

    FOOBARPH: relax, kuya. ang blood pressure mo… eniweyz, parehas ata tau ng beliefs: yes to contraceptives, no to abortion. nakakabuwisit talaga pag hindi kayang panindigan ng mga tao ang produkto ng kanilang masasarap na sandali. pwede naman nilang ipaadopt kung ayaw talaga nilang alagaan. dami namang mga walang anak diyan ang naghahanap ng sanggol na kanilang mapapalaki na parang tunay nilang mga anak.

    BROTHER UTOY: ang saklap nga. yan na ata ang tinatawag na KARMA… eniweyz, mabuti naman at pinagsisihan din nila eventually ang kanilang ginawa. hopefully, since mukha namang ipinagbabayad na nila ang kanilang ginawang kasalanan, maawa pa rin sa kanila si Lord at nawa’y mabiyayaan pa rin sila ng anak eventually.

    BORACK: oh my. pati magulang na rin pala ngayon ay payag nang magpaabort, wag lang magbunga ang pagsasama niyo. siguro, ayaw na ayaw talaga nila sayo. hehe, joke… eniweyz, seriously speaking, kahit ako nagulat din. hindi kasi karaniwang ugali ng mga magulang ang pumayag na magpalaglag lalo na kung Katoliko sila.

    UTAKMUNGGO: Ate, yung highschool teacher ko ng Biology, ganun din ang paniniwala. Strange no? Medyo natakot tuloy ako dati magswimming sa mga pool. Ehehe. Buti na lang naghealth-related course ako nung college… Ang dandruff mo, wag mong ipahalata. Bawas ganda points yan sa ating mga pang Ms. Universe. Hehe, joke.

    REPAH: Sa tingin ko, mahirap kasi mag-isip pag masarap ang plano mong gagawin. Ahahay… Kung iisipin lang natin, wala pang P10 ang condom sa pharmacy. Pwede naman silang gumamit nun, di ba?… (Di ako sure sa price ng condom. Di naman kasi ako bumibili nun. Virgin pa ako. Ahahay… Pero sa pagkakaalam ko, parang less than P10 lang ata yun)

  19. shine Says:

    nakabubuntis poh ba khit nag papabreastfeed? reply nlang sa cphone q # 09066057082..tnx


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: