Imbyerna Moments

Habang papsasok ng mall…

Sikyu woman: Ma’am, check lang po sa bag.

Ako: Okey (Bukas ng bag at mga plastic na dala)

Sikyu woman: Ano yang nasa loob ng kahon, speakers? Hindi yan pwede dito. Bawal yan.

Ako: Eh saan ko po iiwan ito?

Sikyu woman: Balik ka doon sa pinagbilhan mo at doon mo iwan yan.

Ako: What? (Mega-hakot ng mga gamit at plastic bags)  Hindi na lang ako papasok diyan sa tindahan niyo!

Bwisit na sikyung yun. Pilosopo!

***************************************************

Sa flag ceremony…

Staff 1: Doc, may mga gusto daw magparegards sayo galing doon sa Provincial Budget Office.

Ako: Ha? (Pumalakpak ang tenga) Sino?

Staff 1: Yun o. Yung matangkad na maputi (sabay turo sa isang grupo ng mga kalalakihan dalawang metro lang ang layo  na nakatingin sa aming 2) tsaka yung mga kaibigan niya.

Ako: (ngiting malandi) Ah, ganun ba? Di ko naman sila kilala.

Mga kalalakihan: (kumaripas ng takbo sa hiya)

Ako: Ano ba tong mga lalakeng to? Parang mga batang Grade 6. Kalapit-lapit ko lang naman, bat di na lang sila lumapit at nagpakilala? 28 na ako, hindi na ako highschool na pwede lang daanin sa pagreregards. Mga bwisit. 

Moral lesson sa mga kalalakihan: Kung may gusto kayo sa isang babae, at gusto niyo talaga siyang maging syota, make the effort na magpakilala. Nag-aantay lang naman kami, no? Kung kami naman ang gagawa ng first move, naaasiwa naman kayo. Ano ba talaga ang gusto niyo ha? Tapos nagtataka kayo kung bakit wala kayong gelpren. Hello! Kelangan pa bang imemorize yan?

15 Tugon to “Imbyerna Moments”

  1. dencios Says:

    huwag kang manigaw.

    haha

    parang kakaiba naman ata na nagtakbuhan sila?

    pero seryoso. minsan ganun talaga e. siguro parte ng kilig at hiya. initial reaction siguro kasi nakakita ng maganda tulad mo. ikaw naman masydo ka naman nagalit agad.

    pero kung ako may gustong i-meet, deretcho na yan! kaso ang gusto ko wala sa Dubai e. Hehe

    naimagine ko pala itsura mo sa sikyung yun. haha. hamu na. wala kasi siya pambili. ikaw madami kaya pinolisopo ka.

  2. dencios Says:

    base pala ako at mukhang ako ang una mong naalalang komentan hehe.

    lakas ko talaga sayo. pakiss nga!

  3. marvin Says:

    ‘di ko nga rin maintindihan ‘yang ganyang ugali ng mga hombre. magpapapansin ‘tapos tatakbo! ano ‘yun? mga pa-cute! nde nila alam nakakapikon talaga. naiintindihan kita doc sa ganyang sitwasyon. ahihihihi. echusera kong maxado! nag-feeling gerlat naman ako! hihihii.

  4. joycee Says:

    wah nakakainis naman yung mga boys na yun waaah! torpe to the nth level! tsk!

  5. Prinsesa ng Drama Says:

    Hi kamusta na po?🙂

    Naku nakakaimbyerna nga naman yung guard. hehe.😀

    May torpe pa pala sa panahon ngaun? hahaha.
    Naku dapat di sila nachochope. hehe. Walang mangyayari nga kung ganun, naghihintay lang naman taung mga girls eh. hehe.😉

  6. yeye Says:

    natawa naman ako dun. regards lang hahahaha. tsssss…

  7. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD Says:

    hahahahaha pinapabalik ang speakers! may mga ganyan ngang sekyu. sabi sa akin, bawal po mag-iwan ng laptop….omg! saan ko naman yon pwedeng iwan kong di pwede sa baggage counter? kaya di na lang ako pumasok…

  8. kwentulang marino Says:

    “baka naman may hawak kang heringilya (syringe)?!”

    takbo!!!

  9. potsquared Says:

    lokong sekyu yun ah.. bakit daw bawal ang speaker.. bomba ba yan?

    di ba nakakahiya na magpakilala ang lalake sa babae.. baka kasi mabastos kayo… ilang beses na kasing nangyari sa akin yan.. di naman ako mukhang rapist.. mukhang manyak lang… anuber…

  10. Nikko Says:

    hahaha…
    natawa naman ako dun sa mga lalaking nagtatakbuhan..

    parang mga elem lang…
    kasi kapag HS mas lalong magpapacute lang eh..

    hanggang dun lang nga sa cute…😀

    napadaan lang po…😉

  11. reichan15 Says:

    napadaan lang po at hindi mapigilan ang sariling mag comment..hehe…

    adek ung sikyu na un ah..kung sakin nangyari un pinatalsik ko na hmp..hehe

    at sa mga boys..isa sa mga katangian na ayaw ko eh ung pagiging torpe..kagigil kasi..panu kung gusto ko din ung guy..dyahe naman kung ako pa ang kikilos..yoko nga..hanap na lang ako ng iba hehehehe..

  12. xG Says:

    nangyari na sa akin
    yang sa pangalawang senaryo
    akala yata ng mga tambay na yun
    e hayskool student ako

    ampotah

    e mas mahal pa yung sweldo ko
    sa pinagsamasamang buhay nila e
    hahahahaha

  13. Jomar Says:

    ako nga ate e crush ko yung accounting namin kaso nahihiya ako, sya lang talaga hindi ko makausap sa company namin as in sya lang. hehe any advise?

    change topic lang, ate payag kb? may facebook kb? enge naman link nang badge mo lagay ko lang sa connections sa site ko. hehe pa email nalang po yung link sa avihs_06@yahoo.com🙂 maraming thank you

  14. diakositaps Says:

    hehe, na-miss ko tong si angel.

  15. ronelM Says:

    tugon:busit na guard n yan..hahah spearkers lang ayaw ng pa2skin


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: