Adventure sa Cebu a.k.a Mga Kapraningan ng Board Exam

Wahahaha… Antagal kong nawala. At sa tagal ng aking pagkawala, hayaan niyo na akong magmalanobela sa aking mga isasaulat dito sa blogasperyo.

Wait lang. Baka magkanda-click na kayo ng mga X diyan sa pinakaupper right hand corner ng window na ito… Hello? Andyan ka pa ba? Magparamdam ka! Yooohoooo….

Hindi ko naman siguro itinago sa inyo na naging abala ako sa aking pagrereview para sa nalalapit kong board exam noong mga nakaraang buwan. Isang linggo bago ang eksaminasyon ay lumipad na kami patungong Cebu.  At dahil mahigit anim na taon na rin mula ng huli akong bumiyahe at sumakay ng eroplano, excited na excited ang lola ninyo kese hodang mukhang lata ng pinagtagpi-tagping aluminum ang eroplanong sinakyan namin. Nagmukha pa akong tangang click ng click sa button sa ibabaw ng aking upuan na inaakala kong reading lamp, yun pala ay button ito na tumatawag sa flight stewardess. At dahil katangahan ko ang dahilan kung bakit napahiwalay ako sa flight ng mga girls kung kaya’t malugid kong tinanggap ang hagikhikan at walang kamatayang asar-talo mula sa mga kaklase kong kalalakihan sa isang oras na byahe ng eroplano. Mabuti na lang ay naging useful din sila sa akin kahit papano dahil pinakarga ko sa kanila ang aking limang hand-carried baggages. Dapat lang. Wala silang choice. Paminsan-minsan naman ay masarap gamitin ang excuse na babae ako at karapatan kong ilabas ang pagka- gentleman ng mga kalalakihan sa paligid ko. Di vah?

Sa unang lingo bago mag-exam, hindi kami masyadong nakapaggala liban sa kalahating araw na pagbisita sa Ayala Center. Nalula kami at ayun na, lumabas ang aming pagka-promdi. Picture dito, picture doon. Nagkandabagsak ang mga panga ng mga kalalakihan namin sa paghalina sa mga naggagandahang legs ng mga chicks sa Cebu, na siguradong makikidnap kung dito sila sa amin magsusuot ng mala-panty sa ikli na shorts na yan. At andami pang Jampong (aka Koreano). Syempre hindi rin mawawala ang mga dirty old foreigners na bitbit ang kanilang mga mga native-looking girlaloos na mukha namang mga yaya. Hay naku, sa totoo lang, ayoko na sanang umalipusta dahil magbabagong-buhay na ako pero ineng, kung mas matanda pa sa lolo mo ang boypren mo, kahit mayaman pa yan at gagawin ka niyang reyna sa kanyang mansion sa Tate, maaatim mo ba talagang makasiping ang amoy-lupang yan?

Eniweys, bago ako masidetrack, dalawang araw bago ang exam, ay nawala na ang coolness ng lola niyo at nagbreak down na ako. Oo, tao lang po, may tear ducts din ako. Bigla na lang pumasok sa aking isipan na kahit andami ko nang librong nabasa, kahit andami ko nang tanong na nasagot, natanto ko na kulang pa rin ang alam ko at hindi pa ako handa. At pinalibutan na ako ng takot. Hindi ko kayang umuwi sa amin at harapin si Mader at sabihan siyang hindi ako pumasa. Ayun, hagulgol to the max na ang nangyari. Dito na pumasok to the rescue ang lalakeng itatago natin sa pangalang Richard Gutierrez. Hindi dahil sa kamukha niya si Richard, hindi rin dahil sa may kakambal siya, kung hindi dahil sa para siyang si Richard Gutierrez sa “When I Met You” sa buhay ko. Ang aking kaklase, kabarkada at katoma na lampas anim na taon ko nang kilala subalit ngayon ko lang naging ka-close.  Ang lalakeng binasahan ako ng mga passages ng bibliya na nagsasabing “Trust in the Lord”, “There is hope” at “His ways are not your ways, His thoughts are not your thoughts”.  Ang lalakeng bumisita ng kwarto namin gabi-gabi upang kuwentuhan ako at tinulungan akong makalimot sa aking mga pangangamba. Ang lalakeng nagpakain sa akin ng brownies na pinadala ng kanyang girlfriend noong Valentine’s Day. Ang lalakeng nahalina yata sa aking angking alindog. Wahahaha, joke lang. Tigilan ko na ngang pag-usapan itong si Richard at baka mademonyo na naman ako. Umiiwas na nga ako sa gulo. Hmph!

O siya, araw na ng exam. Alas-syete daw dapat andun na kami sa testing center. Kasalukuyan akong nagtututhbrush ng biglang tumawag  sa cellphone ko ang Nanay ko. Imagine niyo na lang na habang puno ng toothpaste at bula ang bibig ko ay sa halip na “hello, ma?” ay isang malakas na hagulgol ang narinig ng Nanay ko mula sa akin. Ayun, waterworks early in the morning. At hindi pa natapos dun. Dahil pagkatapos na pagkatapos ng unang eksaminasyon (Biochemistry) ay lumapit ako sa aking bespren at humagulgol ulit. Na, sinong magsasabing isa akong tigasin? Kung makita lang ako ng lahat ng mga naging ex-boyfriend ko noong mga panahong yun, sigurado akong aatakehin sila sa gulat dahil wala sa personalidad ko ang maging iyakin. Hindi ko na nga alam paano ko nagawang ubusin yung pananghalian kong 1-piece chickenjoy at burger habang sige sa pag-iyak, pero malamang dahil matakaw naman talaga ako, kaya ayun, naubos ko rin siya. Kahit noong sinasagot ko na yung pangalawa at pangatlong eksaminasyon sa araw na iyon, ay pabalik-balik pa rin ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Hindi naman ako nakikipagkontes kay Judai pero drama queen talaga ako noong mga panahong iyon. At ng nakauwi na kami at inaakala kong naubusan na ako ng iluluha, bigla namang tawag ulit si Mader na siyang ilang beses ko na namang hinagulgulan.

Madrama ba?  Oo na, andrama ko. Pero ikaw ba naman, kung ang ineexpect lang sayo ng lahat ay pumasa o mag-top, tapos  12 exams ang kailangan mong ipasa with at least no exam less than 75%, tapos percentile ranking  at iniisip mong, there’s no way na maipapasa mo yung pinakaunang exam, tapos maririnig mo pang nasa samplex lang daw ng ibang mga eskuwelahan sa Cebu  yung 75% ng mga tanong dun sa exam na pinakanahirapan ka talaga, sige nga. Hindi ka ba naman mapraning niyan?

Sa tulong ng Diyos, ni Richard at ng aking mga kaklase, tumahan din naman ako. Or siguro nga, nadehydrate na rin ang mga tear ducts ko at wala na siyang luhang mailabas. Andun na yun. Wala na akong magagawa. Kaya nag-aral na lang ako para sa mga sumunod na exams. Ako yung matutulog pa lamang ng 2 AM kahit na kailangan ko nang gumising by 5 AM para maghanda na para sa susunod na araw ng exam. Tatlong sachet na ng kape ang nilalagay ko sa isang baso para lang sigurado akong matapang na matapang ito. Para kaming mga timang ng bespren kong nagsusumikap na makaubos ng pagquiquick reading sa  700 pages ng Surgical Recall sa gabi bago ang examinasyon sa Surgery. Kami ring dalawa ang huling naiwan sa pension house dahil nagsialisan na silang lahat para pumunta sa testing center, habang nagpupumilit pa kaming magquick review ng Pharmacology. Hanggang sa wakas, natapos din ang apat na araw ng pinakanakakawindang na eksaminasyon sa buong buhay ko.

At syempre, pagkatapos na pagkatapos ng exam, nagyayang lumamyerda na ang mga kaklase ko. May manonood ng sine, magshopping, mamasyal… Si bespren, anong trip? Uminom.  At kahit na antok na antok na ang beauty ng lola niyo, siyempre dapat samahan. Hindi naman kami umalis ng Christian-oriented pension house, ipinuslit lang namin ang dalawang bote ng Tequila paloob lingid sa kaalaman ni Manong Guard at doon kami sa kuwarto ng isang klasmeyt naming nag-inuman. Okey na sana noong una, masaya, kuwentuhan kaming magkaklase, hanggang sa napansin naming medyo knockdown na si bespren. At dahil roommates kami, responsibilidad kong samahan siya pabalik ng kwarto namin. Tama ba namang sa kalagitnaan ng paglalakad namin sa hallway, habang marahan naming sinisigurong walang nakakarinig sa amin habang akay-akay namin siya, ilang talampakan na lamang mula sa pintuan ng kwarto namin, ay saka naman siya nagsusuka? Ayun. Dahil sa takot kong mahuli kaming nag-iinom doon (kasi nga po, bawal), ako na ang kumuha ng dustpan, mop at balde at nagpunas sa kanyang mga isinuka.

 Ganyan ko kamahal ang mga kaibigan ko.

Wahahaha… Leche. Pasalamat siya at lasing na lasing siya dahil kung hinde baka pagmumukha niya ang ginawa kong mop para dun sa mga sinuka niya.

Okey, fastforward na nga tayo. Medyo gabi na at sigurado akong inaantok na kayo. Dalawang araw magkatapos ang araw ng huling exam, kasalukuyan na kaming naghahanda upang matulog. 11 na ng gabi. Nanonood kami ng palabas sa Cinema One ng isang roommate ko habang nasa banyo si bespren nang may narinig akong kaluskos ng mga paa sa may hallway. Ang unang pumasok sa isip ko, “Shit. Baka may sunog.” Tapos, biglang may malakas na kumakatok sa aming pintuan, binukas ko at ang pagmumukha ng aking klasmeyt na bading ang tumambad sa aking mukha. “Girl, may result na.” Kinabahan na ako. At kahit nakapajama na ako ay dali-dali naman kaming tumakbo lahat sa kuwarto ng kaisa-isang kaklase naming may Internet access sa kanyang laptop. Kasalukuyan naman nilang nirorollcall ang mga pangalan ng mga kaklase namin sa listahan ng mga pumasa. Una kong nakita yung pangalan ng kaapelyido ko. Hindi man kita kamag-anak o kakilala, congratulations. Natakpan ng ulo ng kaklase ko yung sumunod na apelyido. Pero natakpan man niya yung sumunod na apelyido, tumambad pa rin yung pangalan ko.

YES!!! PASADO AKO!

Yakap dito at yakap doon. Tawag ako kaagad sa mga magulang ko na gumising yata sa lahat ng mga tao sa bahay namin para lamang sabihing pumasa ako at makausap din ako sa telepono. Ilang yakap na naman mula sa mga kaklase ko. Sigawan, iyakan at mahaba-habang kuwentuhan pa ng matagal. Alas 2 na yata ng umaga ng bumalik kami ulit sa kanya-kanya naming mga kuwarto.

Saka ko lamang napansing nakalimutan ko palang magsuot ulit ng bra at kanina pa pala ako yakap ng yakap sa mga kaklase ko, mapababae man o lalake ng walang kabra-bra.

 Oh well… Sana walang nakapansin. Hehehe…

27 Tugon to “Adventure sa Cebu a.k.a Mga Kapraningan ng Board Exam”

  1. jem Says:

    waw..ang sarap talaga ng feeling ng tagumpay..😀

  2. joycee Says:

    Okay so hinde ako magsasawang magsabi ng congrashuleyshuns! Grabe kung pagsasama-samahin lahat ng luhang iniyak mo ilang dram kaya yun???

    Pero tapos na lahat, pasado ka na at syempre kasama mong nagdidiwang lahat ng taong nagmamahal sayo!

    Hello kay Richard.. Hihi..

  3. cindyrella Says:

    CONGRATSSSSSSSS!!! i know you really worked hard for it! pa burger ka naman!! hehe!! maganda ba sa cebu? hehe!! lilipat na kami doon! weeee!! alam mo ok lang maging emotional, naku ganun din ata mangyayari sa akin kung nandyan ako sa kalagayan mo eh!! ^^ mwahhhH!!

  4. simplefula09 Says:

    whheeeew…….padaan po..
    “CONGRATZ” galing galing…..
    pa yanig kna….hehehe

  5. Matahari Says:

    Congrats! Malingaw jud ko magbasa aning imong blog.

    YOu can understand bisaya right?

    Congrats ulit!!!

  6. Heleyna Says:

    Sis!!! Binasa ko to word by word haha. Anlupet drama rama…ako nga ngayon pa lang naiiyak na pero ise-save ko na lang mga luha ko para mas madami pag nag review na ko. Tatalunin kita at ako ang makakakuha ng Best Actress sa Urian Awards lolz.

    Si Richard? Hmp..hihi Yoko mag-react baka paluin mo ko ng mop na may suka wahaha.

    Haha at nakalimutan mo mag-bra sayang wala ko dun para binuking kita..bakat ba sis? wahaha. Congrats! Mwa Mwa! Pang-ilang bati ko na ba to?

  7. p0kw4ng Says:

    oist congrats ulit!

    ako din binasa ko bawat letra..kaya nga di ko naintindihan kasi hindi per word eh,hihihi

    ang saya no na sa kabila ng pagod eh makikita mo ang tagumpay! hay sarap naman ng panay ang yapos tapos walang bra…isa mo pang premyo yun!hihi

  8. ewanko Says:

    takte!tawa na naman ako ng tawa dito hahahaha
    dehydrated tear ducts. lol. apir tau jan doc hahahaha

    biochem daw talaga pinakamahirap sa xam ng med. nakakaiyak nga talaga yan.

    sa cebu pa pala kayo nagtake. wow naman. wala ba sa davao? sayang naman. pero atleast nmakasakay ulet sa airplane. weeeeee….ay ung sa upuan ba? unba gamit nun? akala ko nga nun pag pinindot ko un, sasabog ung eroplano. hahaha😀

    yeye (http://idlip.net)

  9. rio Says:

    congrats ulit doki..buti at andyan si papa richard na nagpapatahan sau..ayiii…hehe

    hindi naman na siguro nila napansin na wala kang bra…
    sympre..to the highest level din ang nararamdaman nila..
    ikaw ba dok,napansin mo din na walang bra yung iba mong naakap??

    congrats ulit…libre consultation ha..

  10. jeniffer Says:

    hehe.. saya ng bagong board passer eh noh. PAINOM ka naman!🙂

  11. glesy the great Says:

    so wala ka parin.. naiinip na ako…. ahehe.. cheers;p-glesy the great

  12. potsquared Says:

    congrats uli!! sana pala nakayakap ako noon… tsk.. sayang.. SAYANG!

  13. muymuy Says:

    sabi nila exotic beauty daw ang tawag sa mga babaeng may bitbit na puti..hehehe ang kulit noh parang bayawak lang…hindi mo ba keri ang mga DOM??hahaha..

    natawa ako dun sa walang kang bra!..yaan mo na yun hindi na siguro nila napansin yun sa sobrang kasiyahan ng nadarama nyo…

    CONGRATZZZ ulit doc!..

  14. eloiski Says:

    wow!
    congrats!
    pa hug din ako! wapak!
    hakhak!
    paburger ka naman ate!

    doctor ka na… kaya doc na tawag ko sayo hindi na ate!
    hakhak!

  15. gudang Says:

    wow napadaan lang ako.. at tamang tma ata.
    CONGRATS na rin😀

  16. Ax Says:

    nacongrats na kita dati. pero syempre congrats pa rin kita ngayon!

    er. yan ang tinatawag na super hug! hehe.

  17. Pepe McKunat Says:

    CONGRATULATIONS!
    ang galing wah.
    IDOL!🙂

  18. kirksydney Says:

    Pssssst!

    Penge naman akong fan sign for my blog’s 1st anniversary. Here’s the link to the entry: http://kirksydney.com/2009/04/apinebersari/

  19. yeye Says:

    DOC ANGEL I TAGGED YOU!😀

    pagbalik mo ha. salamat🙂

    i miss you!

  20. watusiboy Says:

    congrats po uli doc. ang saya saya naman. sa sobrang saya, nakalimutan mo nang magbra. hehe. i’m sure, ang doble yung saya nung mga lalaking niyakap mo na nakapasa🙂

  21. glesy the great Says:

    wala pa rin? sumusobra ka na.. ahehe.. balik ka na.. masyado ka naman pamiss.. cheers;p-glesy the great

  22. Ax Says:

    napadaan lang! hehe.

    nakow, wala pa rin nga talaga!

  23. dencios Says:

    weeee anu pa ba masasabi ko, kungdi KONGRATUWALEYSYONS!
    pagamot ng libre ha? hahaha at sa wakas nadagdag na naman ng mga pretty doc ang Pinas!🙂

  24. walongbote Says:

    nyahaha.. ang haba nga.. sabagay.. ang tagal mong nawala..
    di mo pa kami binoblowout ah dok..
    kelan ka kuha ng residency mo? at ng specialization?

  25. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD Says:

    Hello po. Bago nyo po akong kapitbahay dito sa wordpress. Galing po ako sa blogspot pero nagmigrate na po ako. Add ko po kayo sa blogroll ko ha…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: