“Mamahalin Mo Pa Rin Kaya Ako Kahit Mataba Na Ako?” — Sam Milby (Big Love)

Belated Merry Christmas everybody!

Una sa lahat, may dalawang comments sa Kuwentong Kubeta na sa aking katangahan ay sa halip na iapprove ko ay accidentally ko pang nadelete. Sakali mang mapabisita ka ulit dito sa aking pamamahay at mapansin mong hindi ko naipost ang comment mo, sori talaga. Pasensya na. Paminsan talaga, hindi matatakpan ng aking kagandahan at alindog ng katawan (Wahaha! Pagbigyan niyo na ako. Christmas gift niyo na sa akin ang pagbigyan ako sa mga ilusyon ko!) ang aking pagiging tanga. Baka sabihin mo, suplada ako. Hinde ah. Tanga lang talaga. Pakisulat na lamang ulit ang iyong comment. Yan ay kung hindi ka lang naman tamarin.

So, kamusta naman ang mga pasko ninyo?

Masaya ako ngayong pasko dahil umuwi dito sa amin ang kapatid kong si Sis K. Sa Maynila kasi siya nagtratrabaho bilang isang social worker-slash-psychologist. At dahil Pebrero pa noong huli kaming nagkita, nagulantang na lamang ako sa laki niya ngayon. Tabain na si Sis K at kung sa pag-aakala naming papayat na rin siya sa wakas sa pagtratrabaho niya sa Maynila, eh, isa pala itong malaking pagkakamali dahil lalo lamang siyang tumaba ngayon. At ang masama pa nito, pagkakita niya sa akin ay ito ang una niyang sinabi sa akin:

“ANO NANG SIZE NG SHIRT MO NGAYON?”

Syetness. Obviously, kung ang mataba may nakikita nang kapintasan sa akin, isa lang ang ibig sabihin nito.

MATABA NA  RIN AKO.

Huhuhuhuhu…

May insecurity na nga ako dahil sa hindi ako rich kid at hindi ako naregaluhan nila Mader at Pader ng braces kung kaya’t lumaki akong sungki ang ngipin ko, pati ba naman sa katawan ko? Ano na lang ang magagamit kong pang-akit nito? Talino? Syet. Mas lalong wala ako non. Kayamanan? Pweh! Umalis ka na nga dito sa harapan ko! Kabaitan? Hay naku, mga babae lang ang naiinlab sa mga lalakeng pangit at mababait dahil bali-baligtarin man natin ang mundo, karamihan ng mga lalake ay superficial (O, wag nang magprotest. Mahahalata lang na guilty ka). Kahit kasya pa naman ang mga damit at pantalon ko, hindi ko maipagkakailang may kasikipan na rin ang mga ito sa akin. At kahit may mga namamansin pa rin naman sa aking boys, hindi ko ring maipagkakailang nabawasan na ang mga members ng Fan’s Club ko. Kung ano-anong tricks na yata ang natutunan ko upang takpan ang mga rolyo ng taba na namumuo sa aking waistline at sa kung saan-saang bahagi pa ng aking katawan. Andyan ang magsuot ng binders, mga empire-cut na blouse, jacket, blazers at iba pa, pero ang totoo, kung magpopost ako ng picture ko dito sa  na nakatwo piece ako, baka magsitakbuhan na kayong lahat at mawalan na ako ng readers dito sa blog ko.

Kaya huwag na kayong mag-alala, magkakamatayan muna tayo bago ko gagawin yun.

Paano naman kasi, kasabay ng pag-aaral ko para sa Board Exams ang kumain ng marami at uminom ng sandamakmak na kape. Siyempre, kailangan ng glucose ang ating mga brain cells dahil doon sila kumukuha ng enerhiya upang makapagfunction ng mabuti. Malamang yan rin ang dahilan kung bakit walang supermodel na rocket scientist, dahil kulang sa glucose ang kanilang mga brain cells. At may nabasa rin akong research dati na nagsasabing ang mga babae, upang makapag-aral ng mabuti, ay kinakailangang sabayin ang pagkain sa pag-aaral. Ang sabi pa nga sa akin ng kaibigan kong si HotNurse dati, mas mabuti nang tumaba ka at pumasa ka ng board exams kaysa sa pumayat ka at sumeksi pero bagsak ka naman.

Ewan ko na lang kung matutuwa pa si HotNurse kung makita niya ako ngayon. Mabuti na lang at nasa Dubai siya ngayon kung hinde ay malamang pagtataguan ko na siya.

Panahon na para mamaalam na ako sa mga panahong puwede pa akong magtago sa deskripsyong “chubby”. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko dahil magbabakasyon ako ng Maynila sa Marso at siguradong magugulantang ang mga kabarkada ko noon sa kolehiyo  pag nakita ako.

Kaya ayun, naisipan ko na lang magsimulang magjogging sa may oval araw-araw.

Hindi pala jogging. Madaya pa rin kasi ako. Brisk walking lang dahil kalahating round pa lang ng pagjojogging eh halos hikain na ako sa paghingal at kung hindi lang ako nahihiyang magpakita ng kahinaan sa mga jogging friends ko ay malamang napahiga na ako sa gitna ng racetrack sa sobrang pagod.

Noong isang araw, katatapos lamang ng klase at naglalakad na ako palabas ng eskuwelahan. Gawain ko na ang pumunta ng oval sa Grandstand araw-araw upang mag brisk walking/jogging ng isang oras pagkatapos ng klase. Habang naglalakad ako, timing namang  nakita ako ni Airsoft at pinara niya yung kanyang Ford sa tabi ko.

“Uy, Angel, hatid na kita.”

Nahiya naman ako. “Sige lang, Airsoft. Huwag na. Nakakahiya naman.”

“Ano ka ba? Halika na. On the way lang naman yung bahay niyo sa bahay namin.”

“Sige lang. Pupunta pa kasi ako ng GrandStand para magjogging.”

“Ganun ba? Sige, hatid na lang kita sa Grandstand.”

“Naku, baka ma-out of the way  ka na niyan.”

“Ano ka ba? Pwede naman akong dumaan ng Grand Stand tapos diretso pa rin yun papunta sa bahay namin.”

“Ay, huwag na, Airsoft. Nakakahiya naman.”

“Heh! Ano ka ba?”

“Huwag na. Thank you na lang.”

“O sige. Ikaw bahala.”

At humarurot na si Airsoft sakay ang kanyang gray na Ford, habang kinain ko na lamang ang abo ng kanyang pag-alis at pinagmasdan ang puwet ng kanyang magarang sasakyan.

Kung bakit pa kasi ako mahilig tumanggi ng grasya.

“Hoy, Airsoft, pakipot ko lang yun. Bumalik ka dito!”

Pero siyempre, hindi na niya ako narinig.

Katulad pa rin ng dati, pagdating kay Airsoft, nasa huli ang aking pagsisi.

P.S. Baka inaakala niyong nag-iinarte lang ako at hindi naman talaga ako mataba, o siya, magpopost ako ng picture ko. Pamasko ko na rin ito sa isang blogistang matagal ng nag-tag sa akin. Galing pa yan sa default pic ng Friendster ko. Kung sasabihin niyo pa ring nag-iinarte lang ako dahil hindi naman ako mukhang dambuhala dito, tol, nasa pagdadala lang yan (Insert EVIL LAUGH here). At syempre, blog ko to. Ang laki ko namang tanga kung magpopost ako ng litrato ko na ampangit-pangit ko. Hmph. Once in a lifetime lang mangyari to kaya, pwede ba? Pagbigyan niyo na lang ako. O siya, kunin niyo na ang inyong magnifying glass at eto na:

1_931323223l

Sa totoo lang, ampangit ko pala talaga. Hahaha… Ewan ko tuloy kung bakit ito ang naisip kong ipost. Bukod sa halata ang sungki ko eh nagmukha tuloy taghiyawat yang mga nunal nasa mukha ko. Oo, kung may nakilala kayong duktor sa ospital na inulan ng nunal sa mukha at sungki ang ngipin, ako na yun. Huwag niyo naman akong takbuhan at matakot na kayong magpakunsulta sa akin. Kailangan ko rin ng pangkain at pangload, okey?

At dahil abala ako sa pgtratrace ng pathway ng mevalonic acid na kinoconvert into 5-pyrophosphomevalonate which will be decarboxylated into isopentenyl pyrophosphate which will then be isomerized to 3,3-dimethylallyl pyrophosphate and then condensed to geranyl pyrophosphate, which will then be condensed to farnesyl pyrophosphate, which when combined with another molecule of farnesyl pyrophosphate will form squalene which will be converted to lanosterol which by shortening of the carbon chain from 30 to 27, removal of the two methyl groups at c-4, migration of the double bond from c-8 to c-5 and reduction of the double bond between C-24 and C-25 will finally result into cholesterol, at mukhang hindi na siguro ako magkakapanahon pang makabalik ulit dito sa blog ko bago magbagong taon, hayaan niyo na ring maaga akong babati sa inyong lahat ng:

HAPPY NEW YEAR!!!

P.P.S. Happy beerday nga pala sa ating blogistang friend na si Potpot na sa aking kamalasan ay nakadiskubre sa isa pa sa aking mga pinakatago-tagong blog. Hehehe. Sori po at hindi ako nakasama sa pakulo mo kahit nagpromise ako. Plug na lang kita dito sa blog ko, okey? At sana’y dumugin ka rin ng mga blogistang babati sayo. Happy beerday ulit! =)

P.P.P.S.  At baka magtampo sa akin ang kaguwapong si Brother Utoy na mas bata pala sa akin ng isang taon. Totoo ba yun? Hmmm… Pakita nga birth certificate, pwede? Happy birthday din sayo, Bro!!! Sigurado rin akong dudumugin ng mga babati sayo sa blog mo. Ang masasabi ko lang sayo: God Bless! Happy birthday ulit! =)

Advertisements

Para Kay HotNurse

Hi!

 

Kamusta na? Matagal na rin mula ng huli tayong nagkita. Wala lang. Naalala lang kita. Katapos lang kasi ng Homecoming sa dating hayskul natin kaya siyempre, ikaw kaagad ang unang pumasok sa isip ko. Ikaw kasi yung paborito kong kasamang nagliliwaliw sa iba’t-ibang booth sa eskuwelahan habang lumalafang ng chicken barbeque at kung anu-ano pang pwede nating ipasok sa mga masisiba nating katawan, habang tila tumatakbo kang kongresman sa dami ng mga dinadaanan nating kinakawayan mo at inaapir na kabrod/kaibigan/kaklase/kamag-anak/dating syota/kaibigan ng dating syota/kababata/kateammate/katong-its/kaaway. Tuwang-tuwa ka pa nga habang kinukuwentuhan mo ako tungkol sa mga dating nagyari sayo ng iyong mga naging syota sa mga kada madilim at pribadong sulok ng eskuwelahan na ituro mo. Wala ka na yatang pinalampas. Halos lahat yata ng sulok ng unibersidad natin ginawa mong motel. Bakit sa akin wala? Ehehe, joke lang. At dahil hindi ko naman trip ang magkomento sa bawat sexapade na ikuwento mo dahil hindi ka naman blog, sige lang ako sa pagnguya ng aking chicken barbeque habang naghahanap ng water fountain, dahil sa kuripot ka at ayaw mong manlibre man lang ng pambili ng sopdrinks.

 

Oo na, inaamin ko, miss kitang damuho ka. Namiss ko ang may kaholding hands noong Alumni Homecoming habang nagpapakalasing tayo kasama ang mga dati mong klasmeyt ng hayskul, na walang ginawa kundi tratuhin kang parang diyos dahil mukhang may bago ka na namang nabiktima. Oo, alam ko yun. Alam kong isa lang ako sa isang daang babaeng ipinakilala mo sa mga kaibigan mo. At kahit sinabi naman natin sa kanilang magkaibigan lang tayo, sa bawat hawak ng kamay mo sa akin, sa bawat pagsama mo sa akin papuntang CR, sa bawat pagtabi at pagtanong mo sa akin kung “Okey lang ako?” eh sigurado akong nag-iisip na sila na malamang nga ay tayo.

 

Hindi rin naman ako magdedeny. Oo, type nga kita. Kamukha mo kasi si Geoff Eigenmann at siyempre, feeling ko naman eh ako yung pinaputot na bersyon ni Nikki Gil pag kasama kita. Pero alam mo, nagpapasalamat na rin ako dahil kahit hindi naging tayo, may natutunan na rin ako dahil sayo. Tulad ng walang ibig sabihin kapag ang babae ay dinadala sa bahay at ipinapakilala sa magulang. Ilusyon ko lang na may meaning yun. Bago kasi kita nakilala, akala ko, kapag ang babae dinadala sa bahay upang ipakilala sa magulang, ibig sabihin nito, gusto ka talaga ng lalake. Leche. Hindi naman pala. Ginawa mo lang yata akong tropeyo sa mga magulang mo dahil sa nars ka at nakabingwit ka ng duktora. At dahil gustong-gusto ng tatay mo ng mga babaeng nakaputi ay pumayag naman akong hindi na tanggalin ang puting blazer ko, kahit sobrang init naman, noong dinala mo ako sa bahay niyo. Sa totoo lang, feeling ko noon, tatay mo yata ang mas type ako kaysa sayo.

 

Naaalala mo ba noong halos nag-away tayo at halos magdrama ka na sa mga tineteks mo sa akin dahil nakipagdate ako sa Intsik na businessman na nakilala ko sa gym? Yung sabi mo muntik niyo nang puntahan ng mga kabrod mo yung discohan na pinagmamay-ari ng kadate ko kung saan kami nagdate, kese hodang may kasamang dalawang bodyguard yung Intsik na kadate ko? Syempre, kilig na kilig naman ako sayo. Kaso, leche ka. Landi mo lang pala yun. Pinaasa mo lang ako sa wala.

 

Bwisit. Ito na nga yata ang epekto sa panliligaw pagpapacute mo sa akin na dinaanan mo lang sa pagpapakain sa akin ng kwek-kwek at balot. Nagayuma mo yata ako. Shiyetness.

 

Kaya noong naospital ang Lola mo at kinailangang operahan, pumayag akong maging watcher ng Lola mo sa ospital. Nagtataka tuloy yung mga nars at mga trabahante sa ospital na kilala ko kung bakit si duktora nagbabantay ng pasyente at halos lahat nag-akalang Lola ko rin ang Lola mo. Halos ikiskis ko na ang aking hinaharap sa paglandi sa mga kakilala kong surgeon sa ospital para lang mabigyan at makumpleto ang sutures at iba pang mga gamit na kakailanganin para sa operasyon ng Lola mo. Umabsent din ako ng isang araw sa klase para samahan ka at ang iyong mga magulang habang inantay nating lumabas ng Operating Room si Lola. Sinabi ko pa ngang Lola ko ang Lola mo sa mga duktor na kakilala ko na mag-oopera sa kanya para pagbutihin nila lalo ang pag-aasikaso sa Lola mo.

 

Tapos, wala. Hay naku. Leche ka.

 

Lumipas na ang isa’t kalahating taon magmula ng una tayong nagkakilala sa Ward 2 at hiningi mo ang cellphone number ko. Ilang buwan na rin ang nakalipas mula ng huli kang nagparamdam. Hindi mo na nga ako nagawang kamustahin magmula ng lumuwas ka ng Maynila, maliban na lamang sa iilang pagteteks mo sa akin upang magtanong ukol sa mga health-related issues: kung pwede ko bang puntahan ang Lola mo sa bahay at insertan ng heplock, kung ano ang pwedeng sakit ng kaibigan mong may lumalaking bukol sa likod, kung ano ang pwedeng ibigay na gamot sa dalawang linggong ubo, kung may kakilala akong duktor na gumagawa ng bypass surgery dito sa probinsya. Pwede ba? Hindi ako Information Agency. Hndi rin ako MIMS/PIMS. Hindi rin ako Red Cross. At mas lalo namang hindi ako telephone directory. Magsearch ka na nga lang sa Google, pwede? At baka sakaling nandodoon lang ang karamihan ng sagot sa mga tinatanong mo. Hindi yung sasayangin mo yung load ko, oras at kakayahan na magagamit ko pa sa mas makabuluhang bagay (tulad ng pagblobloghop) tapos ni magtanong kung kamusta na ako, wala. Palibhasa alam mo namang hindi ako makatanggi sayo. You had me at kwek-kwek kasi.

 

Oo na, inaamin ko. Type pa rin kita, damuho ka, kahit hindi mo naman ako niligawan at hindi naging tayo. Oo na, tanga na kung tanga. Siguro nasa Dubai ka na ngayon at nakikipagsapalaran diyan bilang isang OFW. Wish ko lang, mareyp ka sana ng Arabo. Ang kinis-kinis mo pa naman.

 

Okey. Joke lang yun. Ingat dyan. Lab yu. Uwi ka na dito.

 

P.S. Wag mong kalimutan ang kasunduan natin na kapag 35 na ako at hindi pa ako nag-aasawa eh pwede kitang hingan ng anak. Wag kang ma-excite. Ulol. Invitro fertilization lang ang pwedeng mangyari.

 

P.P.S. At dahil alam kong hate na hate mo itong picture na ito dahil pangit ka dito at maganda ako, itong picture mismo ang ipopost ko sa blog ko. Sori. Blog ko ‘to. Walang pakialaman.

 

geoff-eigenman-and-nikki-gil1 

                    

 P.P.S.

Kasisilip ko lang ng pictures mo sa Friendster. Hindi ka na kasing-cute tulad ng dati. Hindi na kasi tayo laging magkasama. Ahaha. Joke. 

           

 

 

 

 

 

         

Para sa Bespren Kong Lasing

Pare,

 

Ewan ko ba kung bakit naisip mo pang sayangin ng panahong iinom sa limot yang syota mong walong taong binilog ang iyong ulo. Kung tutuusin, antagal mo ng tanga at pumayag ka pang tatlo kayong gelpren niya. Kay tagal ko nang sinabi sayong unahin mo nang makipagbreak dahil sigurado naman akong yun din ang kahihinatnan nang lab story niyo pero hindi ka talaga nakinig. Gwapo nga siya, oo, pero ansama naman ng ugali. Ikaw lang ata ang nakakaalam kung ano ba talaga meron siya at hindi mo siya nakuhang iwanan. Hindi naman siguro dahil sa lagi ka niyang pinapakain ng Purefoods hotdog itlog na alam kong paboritong-paborito mo. Ginayuma ka ata ng damuhong iyan.

 

At ngayon, nang nakipagbreak siya sa yo, nagulat ka pa. Heller! Antanga mo talaga. Gusto mo pa siyang kulitin at hingan ng explanation. Para ano? Eh, sigurado naman akong kahit sampung beses pa siyang mag-explain sayo eh, hindi ka pa rin makukuntento hanggang sa papayag siyang muling makipagbalikan sayo. Dahil alam kong yun naman talaga ang gusto mo, di ba?

 

Pare, bigyan mo naman ang sarili mo ng dignidad. Ang talino mo. Ipakita mo namang matalino ka nga. Halika, uminom tayo. Hindi upang makalimot. Pero upang iselebreyt ang iyong pagkalaya. Hindi iyang halos walang preno ang paglagok mo ng serbesa. Depressant ang alcohol. Hindi siya amnesic (amnesthic? anasthetic? amnesthetic? ah, ewan). Kaya kahit sampung taon kang uminom diyan, hindi magagawang ibaon sa limot ng alcohol ang mga nangyari sa inyo ng syota mong manloloko. 

 

Ayan tuloy. Sa sobrang kalasingan mo, hindi mo na alam ang nangyari sayo kagabi. Ikwento ko sayo:

 

Bwaaarrkkkk…

 

“Hoy pare, okay ka lang?”

 

Bwaaaarrrkkkk…

 

Habang nakaupo ka sa maruruming tiles sa sahig ng isang kilalang restaurant, niyakap mo ang toilet bowl na parang ito ang iyong matagal nang nawawalang kaibigan.

 

Bwaaaarrrrkkk…

 

Kumalat ang nakapandidiring halo-halo mula sa tacos, serbesa, mani at ang iyong hapunan sa sahig at dingding ng maliit na kubeta, na tila isang di pinahalagahang produkto ng sining. Yung residenteng duktor na kaibigan natin at tanyag sa kilalang pampublikong ospital dito sa atin? Ayun, kumuha ng mop at nagmistulang isang dyanitor habang kanyang pinunasan sa sahig ang mga isinuka mo.

 

Bwaaarrkkkk…   

 

“Pare, okay ka lang diyan?”

 

Bwaaaarrrkkkkk….

 

 

 

Ang kumuha ng Dean’s Award sa aming eskuwelahan ay sa wakas nakatagpo na rin ng kanyang katapat.

 

At ang kanyang pangalan ay San Miguel Strong Ice.

 

 

 

 

P.S. Base sa aking karanasan (o, kung may magviolent reaction diyan, at least sinabi ko namang, base sa aking karanasan ito. Maaring iba ang karanasan niyo sa akin), hindi masyadong nakalalasing ang ordinaryong beer kung ikukumpara sa iba pang mga hard drinks. Pero kung mabilis mo itong iniinom na parang may humahabol sa yo at galaw ka ng galaw na parang may kitikiti sa puwet, mabilis mo ring mararamdaman ang epekto nito.    


Paano Hindi Mahuling Nanloloko

dontcheatonyourgirlfriend

“Everybody cheats.” — Dr. Gregory House

 

Masyado kasing seryoso (?) ang aking mga itinala noong nakalipas na mga araw, kung kaya’t kwentong lablayp naman tayo.

 

Hindi lablayp ko dahil mas magulo pa yung kwentong yun (liban sa walang kakwenta-kwenta) kaysa sa estado ng pulitika sa Mindanao, kung hindi ang lablayp ng ibang tao. Ganyan kasi ang mga taong ganap na chismosa tulad ko. Mga lablayp ng ibang tao ang gustong pakialaman.   

 

Nabasa ko kasi yung ipinost ni Taps kanina tungkol sa mga requirements ng isang malusog na paglalabing-labing. Naalala ko rin yung ipinost ni Joshmarie ukol sa lab istori nila Karyll, Dingdong at Marian. Kahit na hindi naman talaga ako miyembro ng fans’ club ng kahit ni isa sa kanilang tatlo (hindi dahil sa kapamilya ako pero dahil sa hindi ko lang talaga nakahiligan na ang showbiz simula ng nawala na ang That’s Entertainment at Ang TV), naisip ko tuloy ang konsepto ng panloloko o ang pag-tututaym. Cheating, ika nga, sa salitang Ingles.

 

Marami sa mga kakilala kong duktor ang guilty sa panloloko. Mga confy kasi ang karaniwan sa aming mga duktor, akala mo kung sinong henyo na kamukha ni Jericho Rosales. Syetness. Hindi naman. Mukhang fungi naman pala. Hindi rin ako ipokrita at magmamalinis na hindi ko rin ito nagawa dati. Oo, tama ang narinig niyo. Guilty ako sa panloloko dati. Oo nga’t feeling mo, isa ka talagang dyosang ubod ng ganda na pinagnanasaan (kahit na hindi naman) at kinaiinggitan ng marami pero sasabihin ko sayo, kalokohan talaga ang gawing yon. Bali-baligtarin mo man ang mundo, alam mong mali talaga ang ginagawa mo at sa bandang huli, para ka lang maiinis sa sarili mo dahil tinuringan kang matalino pero nagpakatanga ka para lang sa wala.  

 

Okey. Tama na ang drama. Tapos na yun.

 

Mabalik tayo sa mga kaibigan kong manloloko. Ewan ko ba kung bakit sa dinami-dami ng mga babae sa klase namin, ako mismo ang nakakaalam kung sino sa mga kalalakihan namin ang guilty sa panloloko ng kanilang mga gelpren. Hindi naman siguro dahil sa ganap akong chismosa (ngayon naman, dineny ko. Anuba, ang gulo ko, no?) pero karamihan ay basta na lamang ikinukuwento sa akin ng mga kaibigan ko sa labas ng bilibid, este, medskul, yung tipong “Angel, kilala mo si Doc _____ ? Kabatch mo ata yun. Di ba gelpren nya yung kaklase mo? May nagsabi sa akin na may nililigawan daw siyang nars sa OR.” May ilan namang manloloko na feeling gwapo (kahit na tadtad naman ng icepick ang pagmumukha) at ang kapal ng mukha na kusa pang magkukuwento sa akin tungkol sa kanilang Number 2 at hihingi pa yan sa akin ng payo, dahil alam nilang kumpara sa ibang mga babae sa aming klase ay ako lang ang hindi huhusga at magsusumbong sa gelpren nila. May sarili kasi akong prinsipyo ukol sa kung bakit hindi ako nagsusumbong. Bahala na. Buhay niyo yan, ika nga. Ayokong makialam sa kanila dahil ayoko ring pakialaman nila ang lablayp ko. Hindi ako yung tipong nagsusumbong at kusang magbibigay ng impormasyon sa mga kaibigan ko na niloloko lang siya ng boypren/gelpren niya pero kung tatanungin niya ako kung meron akong alam, narinig o nabalitaan, hindi rin ako magsisinungaling sa kanya.

 

Ayoko talaga ng nanloloko. Inuulit ko, AYOKO.

 

Pero, kung gago ka talaga at gusto mo talagang makaranas na manloko, sabay gamit ang excuse na “Parehas naman kaming nag-eenjoy. It’s not as if pakakasalan ko na siya o iiwan ko ang girlfriend/asawa ko dahil sa kanya. Bata pa ako, karapatan ko ang makakilala ng iba pang babae habang pwede pa,” puwes, bahala ka sa buhay mo. Kahit sabihin ko pa sayo na matakot ka naman sa karma, sino ba naman talaga ako para pakinggan mo.

 

Kung kaya’t kung manloloko ka na rin man lang, kaibigan, ito lang ang masasabi ko.

 

SANA LANG HUWAG KANG MAGPAHULI.

 

On that note, eto ang ilan sa mga paraan upang hindi ka mahuli ng iyong Number 1. Hindi ito dahil sa kinukunsinti ko ang kagustuhan mong manloko. Ang sa akin lang, kung pagkatapos mong sundan ang mga tips na ito at isa ka talagang napakalaking tanga na lapitin ng malas dahil nahuli ka pa rin ng misis/girlfriend mo, siguro naman ay may karapatan na siyang putulin ang etits mo.

 

Enjoy!

 

1. I-organize ang iyong lablayp.

Mainam na gawain upang makaiwas sa gulo ay ang pag-aasign kung sino si Number 1, Number 2, so on and so forth. Siyempre, si Number 1 ang pinakaunahan sa iyong listahan ng mga top priorities sunod sa Diyos, kay Mommy (dahil alam ko namang Mama’s Boy ka. Huwag nang ideny!), pag-aaral/trabaho, pagkain, isports, iyong dinadala mo sa mga outing ng iyong pamilya, ang nagmamay-ari ng litrato na pinapaskil sa iyong wallet, ang kamang iyong pinakamadalas na tinutulugan, ang pinaka-No.1 sa speed dialing features ng iyong cellphone at pinagkakagastusan at taga-ubos ng karamihan sa iyong allowance/sweldo. 

2. Ispot the difference between Number 1 at Number 2.

Upang hindi ka magkamali, siguraduhing magkaiba si Number 2 kay Number 1. Kasama na dito ang itsura, interes at lalong-lalo na ang pangalan. Ayaw mo naman sigurong mahuling bumubulong-bulong ng “Mary” sa tenga ni “Neri”. At katangahan din ang magkaroon ng gelpren na magkamukha dahil doble din ang iyong boredom factor kasi nga nakakasawa. Ikaw daw ang magkaroon ng syotang parehas na kamukha ni Angel Locsin, ewan ko lang kung hindi ka magsawa.

Ah, hindi ba? Key, sori.

3. Iwasan ang paggamit ng cellphone.

Ang pinakamadaling paraan para mahuli ay sa paggamit ng cellphone. Hindi ako mahilig kumalikot ng cellphone ng mga naging boypren ko (sa dahilang, ayoko ring kalikutin nila ang cellphone ko, hindi dahil sa meron pa akong mga tinatagong kalandiang textmate pero dahil sa sensitibo ako pagdating sa aking privacy) pero hindi ko maitatanggi na paminsan, nanggagalaiti ako sa kagustuhang umusisa. Karamihan ng mga gelpren/asawa ay magsasabing karapatan nila ang sumilip sa cellphone ng kanilang boypren/asawa. Para sa mga babaeng nagsasabing hindi nila ito ginagawa, maniwala kayo sa akin, mag-CR lang ang boypren nila sandali, hala, ayun na si babae, nag-uunlock ng pincode ng cellphone ni lalake.

Maiiwasan ang mahulihan ng mga kahina-hinalang text messages sa pamamagitan ng pag-isplika kay Number 2 na hindi ka mahilig magtext, sabay sabing napakaimpersonal na gawain ito. Kung katulad ka rin ng halos 90% ng mga binata sa Pinas, malamang bahagi ng iyong strategy sa pambibiktima, este, panliligaw ay ang pagteteks at ang pagdaan sa pagiging isang textmate, pwes, siguraduhin lamang na ibubura mo ang iyong mga mensahe sa Inbox. Mahirap na ang mahulihan ng mga napakainit na text messages niyo ni Number 2. Huwag ring kalimutang i-activate ang automatic na pagbubura ng mga mensahe sa iyong Sent Messages folder.

4. Kalimutan ang Friendster.

Sabihin mo kay Number 2 na wala kang Friendster. Malamang kasi, kung patay na patay siya sa iyo ay isesearch ka niya at sisilip-silipin ang iyong profile ng paulit-ulit. Siyempre, kung si Number 1 ay may IQ na lampas sa 100, malamang, alam niya ang password mo at thanks to “Who Viewed Your Profile?” ay mapapansin niyang itong si Number 2 ay madalas sumilip sa profile mo. Si Number 1 ay maaring:

a) magtatanong sa iyo tungkol kay Number 2 (in which case, magpakamatay ka na dahil gyera na ang sunod nito dahil let’s face it, wala kang talento sa pagsisinungaling kaya ka nga nagbabasa nito)

b) makikipag-away kay Number 2 at pagkatapos ay sayo naman makikipag-away (in which case, mas mabuti na lang na bangkay ka na niyang aabutin).

Subalit kung adik ka talaga sa Friendster at hindi mo talaga ito pwedeng iwasan, mas mabuti pang kalikutin mo yung Settings at palitan mo ang iyong default name sa —CHICBOYZ— o di kaya’y B_O_Y_P_O_G_I para hindi ka talaga  mahanap ni Number 2 sa Friendster ng basta-basta.  

5. Gawing lalake ang pangalan ni Number 2 sa iyong cellphone.

Kung si Number 2 ay yung tipo ng babaeng mahilig tumawag sa cellphone mo, palitan ang kanyang pangalan sa pangalang lalake. Para kahit pa ba etong si “Pareng Mike” ay madalas tawag ng tawag sa iyo ng disoras ng gabi habang nasa kalagitnaan ka ng happy hour (nakaw kay Utakmunggo) kasama si Number 1, hindi siya magsususpetsa kahit na pumupunta ka pa ng CR para sumagot ng tawag at kakagat siya sa iyong over sa pagkalamyang excuse na iniinsomnia lang si “Pareng Mike” at kailangan lang ng makausap.

6. Huwag ilimita ang sarili.

Huwag nang magplanong diskartehan ang dalawang babaeng galing sa iisang organization, tulad ng mga sororities. Chismosa kasi ang karamihan sa aming mga babae (oo, sige na nga, kasama ako doon) kaya sa ibang sorority mo na lang dalhin yang kalibogan mo. Umiwas ding makipaglandian sa mga kaibigan ng iyong Number 1, lalong-lalo na sa mga bespren niya doon… Huwag mo namang patusan ang lahat ng malapit sayo na nakapalda. Siguro naman, ayaw mo ring mabansagan kang cheap.  Hindi ka naman siguro muubusan. Sa pagkakaalam ko, abot 40 million na ang populasyon ng mga babae sa Pilipnas.

7. The farther, the better.

Humanap ng Number 2 na nakatira ng malayo kay Number 1. Ganun din ang ukol sa eskuwelahan, trabaho at madalas na tambayan nila. Mas lumalaki kasi ang posibilidad na ikaw ay mahuli kapag binibisita mo si Number 2 na nakatira lang pala malapit kay Number 1. Katangahan na lang ang magkaroon ng dalawang gelpren na galing sa iisang baryo o kaya’y baranggay dahil malamang magkakakilala ang mga ito, at kung mamalasin ka pa, magkamag-anak pa pala.

8. Isa-isahin lang ang pagbisita

Gumugugol kaming mga babae ng oras sa pagmemeyk-up, pagpapabango at pagpapakyut bago kami makipagdeyt sa aming mga boylalu. Siyempre, sa kakikiskis ng mga kalalakihan ng kanilang pagmumukha at iba pang bahagi ng kanilang katawan na hindi ko na sasabihin dito, sa kanilang kagustuhang makipaglandian din sa amin, ay naiiwang ebidensya ang aming pabango, foundation at lipstick sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan. Kaya upang hindi magkaroon ng ebidensya, huwag makipagkita sa dalawa o tatlong babae sa isang araw. Ang mantsa ng lipstick sa iyong kuwelyo na  hindi naman sa kulay na karaniwang ginagamit niya ay hindi nakasisiyahang  paraan upang batiin ang iyong gelpren. At sa totoo lang, wala naman talagang magandang excuse na magagamit kung paano napunta yun doon, bulok na ang sabihing nakipagbeso-beso ka sa nanay mo. Oh, come on, huwag niyo naman kaming gawing tanga…

Isa pa, kung ikaw ay wala na sa iyong early 20’s, babagsak na rin ang iyong performance level pagdating ng ikatlo o ikaapat na round kung kaya’t huwag ka nang umasang tatayo pa si Junior pagkatapos ng ika-ilang round kahit nagmamahika na at nagtutumbling-tumbling si gelpren, dahil kaibigan, mapapahiya ka lamang.

9. Sabihin kay Number 2 ang totoo.

Kung kagustuhan mo talaga ang manloko, mas iwas-gulo ang umamin kay Number 2 na hindi siya ang nag-iisang babae sa buhay mo. Kung hindi ito nagbunga ng mag-asawang sampal galing sa kanya, pwes, solb ka na. Para sa akin, kung pinalaki siya ng tama, hindi niya tatanggapin ang iyong panloloko sa kanya ng kalmado at nakaupo lang. Kung hindi ka niya sinampal, malamang obsessed siya sa iyo (meaning, i-enjoy mo na lang ang mga masasayang araw habang masaya pa dahil ito ay susundan ng ilang buwan ng psychotic behavior kung saan ipinapakita niya ang kanyang tunay na kulay bilang isang istalker) o di kaya’y hindi ka ganun kahalaga sa kanya tulad ng iyong inaakala (in which case, masanay kang lumalasap ng sperm at tamod ng iba dahil malamang hindi lang ikaw ang nag-iisang lalake sa buhay niya).

10. Shadup!

Huwag nang dalhin si Number 2 sa beerday party ng iyong kaklase habang nagbabakasyon si Number 1 kasama ang kanyang mga magulang sa probinsya. Makuntento ka nang may Number 2 ka, huwag na itong ipagmalaki pa sa iyong mga kaibigan. Oo na, mas astig ka kapag marami kang chiks. Dahil sa lecheng male-dominated society natin, parang diyos ang tingin sayo ng ibang mga kalalakihan kung marami kang nagogoyong dilag. At isa pa, kampante kang magmalaki ng iyong Number 2 sa mga pagmumukha ng iyong mga kaibigang lalake dahil ang mga lalake, sagot ang kapwa nila lalake. They’ve got your back, ika nga. Kaso, taliwas sa pagkakaalam ng karamihan, mas chismoso ang mga lalake kaysa sa mga babae (O, wag nang magreact. Blog ko ‘to. Bumawi na lang kayo dun sa blog niyo). Kaya mag-ingat sa kung kaninong pagmumukha mo pinangangalandakan ang cleavage at mala-artistahing (pwede ring mala-anghel pero baka sabihin niyong napaka-bias ko) pagmumukha ng iyong Number 2. Baka hindi mo alam, siya pala ang lasing na magkukuwento sa kaibigan ng kaibigan ng kaibigan ng Number 1 mo.

 

Naniniwala akong walang absolute rule sa panloloko liban sa huwag magpahuli. Isa rin ako sa mga naniniwalang pagdating sa larangan ng pag-ibig, walang black and white. Laging mayroong grey areas. Hindi naman lahat ng panloloko ay masama. Subalit, tulad ng aking sinabi kanina, hindi ko kinokunsinti ang panloloko. AYOKO talaga ang nanloloko, lalo na kung ikaw ay nasa isang seryosong relasyon.

Subalit, kung wala ka naman sa isang seryosong relasyon at alam mo at ng iyong katipan na hindi seryoso ang inyong relasyon, by all means, manloko ka. 

Buhay mo yan. Paki ko sayo.

 

 

 

 

P.S. Inuuulit ko lang. Pagkatapos mong mabasa ito at mahuli pa namin kayo, magpaalam ka na sa etits mo.

 

 

P.P.S. May mga babae ring manloloko.

 

 

 

 

 

 

 

 

Inspirasyon galing sa College OTR.

Litrato mula sa Life Is A Joke.

Hindi Ito Loveletter

 

 

Mukhang uso ata ang mga break-up ngayon.

 

Habang ako ay nagchecheck ng aking Friendster, isang message mula sa aking kaibigan noong kolehiyo ang aking natanggap. Itago na lamang natin siya sa pangalang Dora the Explorer. Mahaba ang kanyang liham dahil ikinuwento niya ang mapait na pagtatapos ng kanilang pagmamahalan ng kanyang labiduds na si Twitter at wala na akong planong ipost pa dito ang liham niya. Pero ipopost ko na lang ang reply ko sa kanya.

 

Sa mga panahong iyon ng kanyang paglukmok sa depresyon buhat sa isang pag-ibig na muli na namang natibag, alam kong kailangan kong hubarin muna ang aking puting blazer na simbolo ng aking pagiging doktor sa medisina upang gumanap muna bilang kaibigan at duktor ng pag-ibig sa buhay niya.   

 

As if naman marami akong alam. Charles.

 

 

 

First of all, of course, Dora, ikaw yung namimiss ko na namention ko doon sa bulletin ko, sira! I’m so sorry to hear about your latest “moment of pure agony and bleeding heart”. Tingnan mo naman, dahil nakiki-Internet lang ako sa mga computer shops, I copied paste your e-mail pa sa aking naghihingalong USB para lang maiuwi ko siya sa bahay at makapagsulat ako ng mas nababagay na reply na tipong pinag-isipan ko talaga at hindi minadali, para lang talaga sayo.

 

Naks. Oo, ang point lang ng sinabi ko ay dapat matouched ka kasi ang sweet-sweet ko. Okey?

 

Langya naman yang si Twitter, oo. Ang tagal niyo na rin diba? Akala ko pa naman sure na. Oh, well, TAE siya. Kung hindi niya narealize na hindi na siya makakahanap pa ng mas mabait, maalalahanin, malambing at kasingganda mo na tulad ko (beauty yan transferred via osmosis), then you’re obviously better off without him.

 

Mahirap kasi talaga pag biglang nag-eend ang mga lovestory kung kailan halos pinangakuan ka na ng kasal, di ba? Yung akala mong meron ng tutupad ng mga sinabi ni Adam Sandler sa kantang “Grow old With You” sa buhay mo, tapos wala pala.  Dinaaanan ko na rin yan. Parang hindi ka na makahinga. Parang merong sumisipa sa pectoralis mo. Parang unt-unting winwasak ang puso mo. Parang gusto mo na lang magkulong sa kuwarto at hayaang lamunin ka ng mga unan at ng kantang “All By Myself.” Yung kung pwede lang, tumigil na lang muna ang pag-ikot ng mundo hanggang sa talagang okay ka na at pwede ka na uling lumabas ng kuwarto at humarap sa mga tao. 

It too shall pass. Parang kidney stone lang yan. 

Sabi mo, “Around end of July, nag iba na ang tono. We were fighting over super petty thing”. Usually, para sa akin, sign na yan na something’s wrong in the relationship. Kasi kung dati compatible kayo, something must have happened for him and you to start fighting over petty things. At kung wala ka naman talagang nakikitang something new or any changes in your life that could cause a rift between the two of you, then he must have had something na tinatago niya from you.

 

Paano mo nga pala nalaman yung tungkol kay TheOtherGirl? At nakameet niya lang sa chat? Sukat ba namang nakikipag-EB (EyeBall) pa pala itong si Twitter sa  tanda niya? Heller! Ano tayo, highschool?!  Suspetsa ko lang, baka naman hindi pa talaga ready for commitment si Twitter. Kasi if you are ready for commitment, hindi ka na makikipag-EB sa mga nakakachat mo. Makukuntento ka ng kausapin lang sila kasi wala namang point ang makipag-EB ka pa sa kanila unless may masama kang binabalak. Opinion ko lang naman yun. I mean, ganun kasi ang karamihan ng mga happily married at satisfied boyfriend ng may boyfriend na nakakachat ko.

At ang duwag! Tama ba namang si Sisterette niya pa ang magbigay ng apology letter in his behalf. Did you guys even talk after the break-up with regards to TheOtherGirl? Kasi kung wala, don’t even attempt na kulitin siya for that final talk after the break-up. Most people will tell you to talk to him so he will be able to tell you in his own words what went wrong and that he’ll be able to answer whatever questions you might have like kung saan ka nagkulang, paano niya nagawa ito sayo, sino ang mas mahal niya, blah blah blah. Pero trust me, kahit anong closure ang gawin mo, meron at meron ka pa rin talagang mga tanong na hindi niya masasagot at hindi mo rin mahahanap ng sagot. EVER. At in the end, nag-usap man kayo sa huli o hinde, ganun ka pa rin kaconfused about what happened.  

When Rockstar and I broke up, I was hoping na maging kakampi ko ang mother niya kasi nga feeling ko close kami. When I found out his mother knew pala about the other girl way before I did, I felt more betrayed. So, hayaan mo na kung friendly friends na ngayon si Sisterette niya at si TheOtherGirl na malamang ay chimiaa ng mga Arabo sa Dubai, mapa-DH, caregiver, nurse etc man siya doon. Kung mayaman siya, mukha pa rin siyang atchay sa isip ko.

Malakas na betrayal ang sigurado akong nanonoot sa isip mo ngayon. Nanonoot. Naks. Ang lalim na ng Tagalog ko. Hahaha… Anyway, sige lang. Masakit yan sa ngayon. As in, sobrang sakit. Pero eventually, mawawala rin yan. Just give yourself some time to mourn. Ako, mga dalwang linggo akong umiiyak, isang buwan akong nagdedepression drama tapos mga ilang buwan bago ako nag-iisip na magkaboyfriend ulit. Earlier pag may dumarating ulit na uber gwapo. Hehe, joke. Pero eventually, nagiging okey din ako. Nakakahanap rin ng bago. Nagmamahal ulit.   

So you ask me, “what would make my heart stop bleeding, Angel? What would make me rise up and face everyday with a smile again?” Corny man ang sasabihin ko pero ito lang ang time-tested at effective na saying na masasabi ko sayo.

Time will heal all wounds.

Bruha! Miss kita sobra. Kaya kahit mukha kang depressed at mukhang gusto nang magpakamatay na haharap sa akin, tatanggapin ko at wala akong pakundangang ipagpapalit ang isang buwan na pag-aabsent at mamimiss kong board review for the chance na makita ka at samahan kang tumongga hanggang hindi na tayo makalakad sa sobrang kalasingan. That is, kung may pera lang ako pambili ng pamasahe papunta diyan. Kaso wala. Kasi poor ako at jobless. Kaya hanggang dito na lang sa e-mail na ito ko ipapaabot ang aking mainit na hugs and kisses sayo.  

Hugssss. Huggggss. Hugggsss. Kisses. Kisssses. Kisseses.

 

Pero kung gusto mong malaman kung gaano na talaga kagulo ang lovelife ko for the past few years or so, at maaamuse dahil mas worse na pala ang mga naging sitwasyon ko kaysa sayo, basahin mo ang aking blogs sa… Secret blogs ko yun at ikaw lang sa mga kakilala ko personally ang may hawak ng website addresses na yan kaya, atin-atin lang ito. Okey?  

I’m taking the board exams this February. Ewan ko kung bakit pero may pressure from the batch na mag-top daw dahil… (secret na namin yun ni Dora)… Ang masasabi ko lang diyan ay ASA PA SILA. Tamad akong tao at nabubuwisit ako pag pinepressure ako. Mas lalo lang akong nawawalan ng gana mag-aral niyan. Pero thanks na rin for the vote of confidence. I know I will pass (Naks, hindi rin ako confi, no?) pero I doubt na I will top. Masaya na rin naman akong pumasa lang. Okey na ako dun. Magkakapera at magkakatrabaho na rin ako nun.

I miss you so much, Dora The Explorer. Promise to God, magkapera lang ako, bibisitahin talaga kita diyan sa inyo. Take care and God bless!

 

  

 

O, ayan ha? Kung pinaplano ko man humingi ng abuloy sa inyo para dagdagan ang funds ng “Piso Para Kay Angel Charity Foundation” at humingi ng pamasahe papuntang Maynila, at least, alam niyong hindi ito for my own selfish purposes. Nag-aalala lang ako para sa kaibigan kong si Dora. Yun lang yun.

 

Feel free to contact me via my e-mail address for your generous donations.   

Dapat Namatay Na Lamang si Mr.Big

 

 

Kasalukuyan akong nagpapalipad-oras sa pagchachannelsurfing nang napansin ko na palabas pala sa Velvet ang reruns ng Sex and The City. Dahil isa ito sa aking mga paboritong palabas sa telebisyon, napagpasyahan kong panoorin muna ito kahit na ilang beses ko na itong napanood. Kasalukuyang pinapalabas noon ang isang eksena na kinabibilangan ni Mr. Big at ang bida ng palabas na si Carrie Bradshaw, kung saan iiwan na naman ni Mr. Big si Carrie, sa ika-pang ilang beses ng pagkakataon.

 

Kung hindi niyo pa napapanood ang Sex and The City: The Movie, hayaan ninyong sabihin ko na sa inyo ang ending: Nagpakasal rin sa bandang huli si Carrie at si Mr. Big.

 

Praise the Lord, hallelujah. Sigurado akong marami ang natuwa dahil matagal ng pinag-aabangan ang pangyayaring iyon, ang kung magkakatuluyan din ba talaga sa huli ang dalawang magsing-irog.

 

Nasambit sa aking isipan ang magmuni-muni ukol sa mga nagdaang episodes ng Sex and The City, hanggang sa kinahanatnan ng huling kwento nito ayon sa ipinalabas sa pelikula. Habang pinag-iisipan ko kung kailangan ko bang magmix ng Cosmopolitan habang isinasagawa ang pagmumuning yon, isa lang talaga ang pumasok sa isip ko.

 

GAGO SI MR. BIG.

 

Isa siyang malaking gago na pinaglaruan ang puso at pagmamahal ni Carrie sa loob ng anim na taon. Ang kanilang relasyon ay isang walang kamatayang kalokohan na sana ay matagal na nilang tinapos at hindi na pinayagang paulit-ulit na mabuhay pa. Dahil dito, paulit-ulit rin nilang pinaglaruan ang kanilang mga damdamin, ilang beses rin silang nasaktan at hinayaang magkandaleche-leche ang buhay ng isa’t-isa. Pumatol si Mr. Big kay Carrie kahit ito ay may asawa na. Si Carrie naman ay nagpakatanga, pabalik-balik na tinanggap si Mr. Big sa buhay niya. Kahit sabihin nating sila ay talagang itinakda ng tadhana para sa isa’t-isa, hindi pa rin natin maisakakatuwa na malaking kagaguhan ang paglaro ni Mr. Big sa puso ni Carrie ng anim na taon. Para sa akin, hindi na sila dapat nagpakasal at nabigyan ng happy ending.

 

Dapat namatay na lang si Mr. Big.

 

Hindi tama ang anim na taon mong paglalaruan ang puso ng isang babae. Kahit pa ba sabihin nating si Carrie ay hindi nagpakita ng katiting na lungkot at depresyon sa kada beses na umalis si Mr. Big sa buhay niya dahil nalusaw na sa alcohol at sa kaiinom ng Cosmopolitan ang utak ni Carrie kaya tanggap niya ng maluwag na mas masaya siya sa buhay single, alam naman nating lahat na commitment pa rin ang pinakahahangad ni Carrie at hindi kayang ibigay ni Mr. Big sa kanya sa loob ng anim na taon.     

 

Ewan ko ba kung bakit kinailangan pa nilang magmamaang-maangan na mahal talaga nila ang isa’t-isa. Walang gustong magparaya at maunang umamin na mahalaga ang isa sa buhay niya. Walang gustong gumawa ng pangunang hakbang upang sabihin sa isa na handa siyang magmahal ng taos-puso. Kaya sa loob ng anim na taon ay nahayaan nilang maging parang laro ng pingpong ang buhay nila, walang katapusang itinatanggap at ibinabalik, sinasalo at muling tinatapon.

 

Oo, madalas nating nakikitang ngumingiti lang si Carrie kada beses na umalis si Mr. Big. Oo, marami ring dumating na ibang lalake sa buhay ni Carrie nung wala si Mr. Big. Oo, tanga rin si Carrie dahil paulit-ulit siyang sumasakay na itim na limousine ni Mr. Big at  binubukas ang pintuan ng puso niya kada beses na nagpapacute na naman sa kanya si Mr. Big. Pero kung tutuusin, kung mahal mo ang isang tao, hindi mo naman talaga kasalanan na tanggapin siya kahit paulit-ulit ka na niyang sinaktan. Kung talagang mahal mo siya,  mahirap talaga ang pigilin ang iyong sarili na mahalin mo pa rin siya.

 

Para sa akin, ang tunay na gago ay kung sino ang paulit-ulit na umaalis at hindi ang paulit-ulit na tumatanggap.

 

Ang sarap sigurong tirisin si Mr. Big na parang kuto.

 

Oo, madrama ako ngayon. Malamang ito ay dahil napagdesisyonan ko nang tigilan ang isang relasyon sa buhay ko na walang katuturan. Mamamaalam na ako sa kanya. Ayokong maging katulad siya ni Mr. Big sa buhay ko. At mas lalong ayoko ring maging katulad ako ni Carrie sa buhay niya.

 

Ang problema ko na lang ngayon ay kung paano ko papalitan ang pangalan ko sa e-mail address at website. Ayoko nang maging si thefilipinamistress. Gusto ko nang maging si angelnawalangpakpak. Sa totoo lang, naging resulta ng aking pagkalulon sa pag-ibig sa lalakeng alam ko namang hindi kailanman maaring maging akin ang pagsusulat sa mga blog na ito. Dati akong isang matatawag na open book, palakwento, madaldal at masayahin. Pero magsimula nang magumon ako sa aking mga kalokohan sa mga walang kwentang lalakeng hinayaan ko lang na paglaruan ang puso ko, parang nag-iba na ako. Madalas na akong balisa at madaling daluyan ng lungkot. Ang dating masiglahin at kwelang si Angel aka [Mistress] ay naging isang closed-book, dahilan ng pagtatago ng masyadong maraming sikreto sa kanyang buhay. Ang resulta ng aking pagkalulon sa mga bawal na pag-ibig ay ang ang unti-unting paglaho ng aking tunay na pagkatao.

 

Ipagpapaliban ko na lamang ang buhay ko sa ngayon sa Diyos at susundin ko na lang muna ang paulit-ulit na binibilin ni Mader: BAWAL MUNA ANG MAGKA-BOYPREN.

 

Kailangan ko na munang makita ang sarili ko.

 

Kailangan ko na munang balikan ang tunay na ako.

 

Kailangan ko na munang angkinin ang tunay kong pagkatao.

 

Paalam Philip. Mas mahal ko ang sarili ko kaysa sa iyo…

Ang Palm Reading ni Manong Fortune Teller

 

1998 noon. Pagkatapos naming mag quick lunch sa foodcourt kung saan umorder ako ng walang kamatayang Budget Meal No. 2 (2 putol ng pork chop, kanin at maliit na baso ng Iced tea), handa na kami ng mga kaklase ko para bumalik ng eskuwelahan para sa aming post-prandial na pag-aabang at pagpapansin sa nagguguwapuhang mga kalalakihan ng Intarmed na dumaan sa hallways ng AS building. Habang naglalakad kami sa may Padre Faura, dinaanan naming ang isang mamang nakaupo sa tabi ng isang malaking kahon na kanyang ginagamit bilang mesa.

Ang sabi sa sign na katabi niya ay “FORTUNE TELLER: Will read palm for P50.”

Actually, sa pagkakatanda ko ay may wrong grammar yun doon sa sign niya pero 10 taon na ang nakalipas ng nangyari itong insidenteng ito kaya nagka-memory gap na ang isipan ko tungkol sa exact words na ginamit ni Manong Fortune Teller. Pero para sa kinabubuti nitong kuwento, gamitin na lang natin ang sarili kong mga salita. Walang pakialaman. Paki mo. Blog ko to. Pak yu.

Si Kikay ang unang naexcite sa aming magkaklase. “Uy, pahula tayo!”

Pumayag ang lahat at naexcite din. Naexcite ang lahat, maliban sa akin. Habang kinakalkula ko sa aking isipan kung magkano na lang ang naiiwan sa aking allowance – One peso plus one peso = two pesos, one hundred pesos minus fifty pesos = fifty pesos, fifty pesos minus fifty pesos = maglalakad ako mula Taft hanggang Quezon City – at inaalala ko kung napadala na ba ni Mader ang ang aking allowance para sa susunod na buwan sa aking ATM, kinulit naman ako ng kinulit nang aking mga kaklase. Alam kong hindi ako puwedeng mag-aksaya pa ng pera. Tapos, kuripot rin ako kaya ayoko na lang sanang magpahula. Wala rin namang kasing kahihinatnan. Makakain ko ba yung hula na yan? Maiuuwi ba ako ng hula ni Manong papuntang QC? Of course not!

Habang isa-isa nang nagpahula ang mga kaklase ko at natuwa sila sa halos pare-parehas lang na sinabing hula sa kanila ni Manong Fortune Teller, mas lalo naman nila akong kinulit na magpahula din. Para tumigil na lang sila at hindi na ako mabansagang killjoy, pinagbigyan ko na lang sila.

Peer pressure sucks.

Ibigay mo yung dalawang kamay mo, iha.”

Ito ang iyong guhit ng swerte. Magiging maswerte ka, iha, sa iyong magiging trabaho at sa pag-ibig.”

 

Hmmm… Inisip ko, ganyan din ang sinabi mo sa mga kaklase ko, Manong Fortune Teller.

Kung ungkol sa iyong pag-aaral, titigil ka sa pag-aaral ng ilang buwan. May isang importanteng bagay ang mangyayari kaya hindi ka makaka-graduate sa tamang oras.

Sana lang hindi ibig sabihin niyan ay mabubuntis ako ng wala sa oras.

Kung tungkol sa iyong magiging propesyon, hindi ka makakapagdesisyon sa una at maglilipat-lipat ka ng trabaho. Pero sa banding huli, ikaw ay magiging matagumpay at mayamang-mayaman. Magiging tanyag ka sa iyong propesyon kapag nasa bandang mid-30’s ka na.

“Wow,” sambid ng mga kaklase kong excited. Ang isip ko naman, Shiyet! Ang tanda ko na non. 

Kung tungkol sa iyong kalusugan, kailangan mong ingatan ang iyong baga at ang iyong mga paa. Ito ang mga tiyak na magdudulot ng kahinaan sa iyong pangangatawan.

Tumawa si Lee Lee. “Manong, kamusta ang lovelife niya?

Sinasabi dito na marami kang mapapaiyak. Maraming beses ka ring iiyak.Magkakaroon ka ng anim na boyfriend. Ang isa doon ay kamag-anak mo.

Ewww….

Magkakaroon ka ng maraming fling-fling. Pero ang talagang mapapakasalan mo ay hindi taga dito. Kinakailangan niya pang tumawid ng dalampasigan galing sa ibang bansa para magkakilala kayo. Galing siya sa isa sa mga bansa sa Asya, at may dugong Oriental.

Oohhh… Foreigner… “Ay, Intsik ba?” Napaismid ako. Hindi ako naguguwapuhan sa mga Intsik.

Hinde. Di siya Intsik, pero may dugong Oriental. Tipong Koreano, Malayo, Thai…

Kailan ako magpapakasal sa kanya?

Mga mid-30’s. Pag mga 36 years old ka na. Ito rin yung panahong nasa pinaka-peak ka ng tagumpay sa iyong propesyon. ”

What the F— Thirty-six na ako bago ako magpapakasal? Goodness gracious, mukhang ako na yata ang magiging The Last Woman Standing sa aming magbabarkada! Sa ganyang edad, baka kahit si Mader na ayaw muna akong magkaboyfriend at pag-asawahin hanggang ngayon ay mas mararapatin nang ibugaw ako at ibribe ang mga anak na lalake ng kanyang mga officemates na pakasalan ako.

Hayyy, mga iho. Matalino yang anak ko. Maganda. Malaki ang hinaharap. Maalaga. Di nga lang marunong magluto at tamad sa mga gawaing-bahay pero sobrang talino niyan. At virgin pa yan. Virgin ang uterus dahil hindi pa di pa nabuntis. Ano, i-set ko na ang date niyo? Kahit mukha ka namang taeng tinubuan ng dalawang kamay at paa, okay lang, mayaman ka naman at may trabaho. Maganda naman ang anak ko. Ipag-novena na lang natin na mas malakas ang genes ng pamilya namin kaysa sa pamilya niyo para sa kagandahan at kagwapuhan ng magiging anak niyo. Ano? Okay na ba sayo ang June wedding? Mader, 8 years mula ngayon

 

Sampung taon pagkatapos ng insidenteng yon, isa-isa nating ibalik-tanaw ang mga hula ni Manong Fortune Teller at tingnan kung tama ba ang mga naging hula niya.

Una, hindi ako tumigil sa pag-aaral. Oo, bumagsak nga ako ng Chemistry 101 (General Chemistry), dahil sa aking poor grasp of the basics of chemistry dahilan ng aking walang kwentang background sa highschool. Ang totoo niyan, sinayang ko ang aking oras sa aming Chemistry classes noong highschool sa paggawa ng recycled paper na gawa sa mga damo at lumang newspapers kaysa sa pag-aaral tungkol sa mga ketones at aldehydes. Ang aking pagbagsak sa Chemistry 101 na isang prerequisite course ay nagresulta sa aking pag-reretake at pagiging delayed by one semester. Sa kamalasang palad naman, bumagsak ang halos 75% ng aking original classmates pagdating ng major subjects nila sa third year college habang ipinasa ko ang mga ito ng walang kahirap-hirap kaya nagkitakits pa rin kami sa huli at sabay-sabay pa rin kaming gumradweyt. Yipee!

Pangalawa, careerwise, hindi pa ako masasabing nagtagumpay na. Unless nagpapasweldo na ang mga ospital ngayon sa mga duktor na hindi pa lisensyado, therefore, strictly speaking, wala pa akong career. At this point, kung pumasa ako next year, magpayaman sa pagmomoonlight sa iba’t-ibang hospital ng dalawang taon at magpaalila sa residency training ng 4 years at subspecialty ng 2 years, mukhang tama si Manong Fortune Teller dahil sa edad na 36 years old ay maaring saka pa lang ako maging isa nang ganap na Neurosurgeon. Or Trauma Specialist. Or Pediatric Neurologist. Or Gyne-Oncologist. Ewan ko. Sa totoo lang, hindi pa ako nakapagdecide kung ano talaga ang gusto ko. Mahabang usapan yan. Next blog na lang natin pag-usapan.

 

Three, healthwise, nagyoyosi ako ng 3-4 sticks a day. Oo alam ko, doctor ako, alam kong hindi dapat kasi masama para sa kalusugan, blah blah blah. Pero masarap talaga ang bawal. Tsaka mahina talaga ang aking EQ kaya tanggap kong may katangahan talaga ang aking pagyoyosi.

Alam niyo bang sa dami-dami ng disadvantages ng smoking ay may advantage din siya sa mga taong may Ulcerative Colitis? Kung ano ang Ulcerative Colitis ay i-search niyo na lang sa Internet. Wala ako sa mood maglecture. Tama na ang may natutunan kayo mula sa akin na may advantage din pala ang smoking. Period.

 

So going back dun sa hula ni Manong Fortune Teller, mukhang ang ikamamatay ko sa future ay Lung Cancer, o di kaya’y makakaranas ako ng Buerger’s Disease, Chronic Obstructive Pulmonary Disease, Hypertrophic Osteoarthropathy or Deep Venous Thrombosis. Nice one, Manong. At least ngayon alam ko na kung aling statistic ako mapupunta sa Top 10 Causes of Mortality in the Philippines pag mamamatay na ako.

Four, lovelife. Kahit na umaapaw ang hotness at kagwapuhan ng ilan sa aking mga pinsang lalake (siyempre, kung itratrace mo ang aming family tree ay galing lang kami sa iisang gene pool), hindi ko naman pinangarap na makasuhan ng incest o magkaanak ng mga supling na abnormal. Ewww to the nth level. Oo, nagkaroon nga ako ng ilang flings pero so far, lampas na sa anim ang naging boyfriend ko. Mas konti pa kung bibilangin lang ang yung mga nakaexchange ko ng bodily fluids. At mas konti pa kung ang bibilangin lang ay yung napakanta ako ng truly madly deeply. Hindi ko rin pinapangarap na maging mongha at magsuot ng chastity belt hanggang sa umabot ako ng 36 kaya, more or less, pwede pang dumami ang bilang na yan. As for meeting the love of my life, wala pa akong nakikilalang Oriental foreigner na may potensyal para maging Mr. Right ko. Hindi rin ako particularly attracted sa mga Oriental guys, resulta ng pagpapaturn-off ko sa general Oriental-looking male population dahil sa kasalanan ng isang geeky Chinese klasmeyt ko noong highschool na kamukha ni William Hung na nagsusuot ng mga pantalong ala-Michael Jackson at kumakain ng boogers (Hindi burgers, okay? BOOGERS po ang tinutukoy ko) for lunch.

Hindi naman sa sinasabi kong lahat ng mga Oriental-looking males ay tulad ng kaklase ko. Hot naman si Diether Ocampo at ang ilan sa mga kalalakihang Oriental-looking diyan. I’m just saying hindi lang talaga ako physically attracted sa kanila kumpara sa ibang mga babae.

So, Manong Fortune Teller, so far, may tsansa ka pang maging tama. Tingnan lang natin kung ano ba talaga ang ilalaan ng destiny sa akin in the near future.

Isang soulmate ba na mayamang Intsik?

 

Sangkatutak na salapi?

Katanyagan?

O Lung Cancer?