Asan Na Ang License Number Ko?

Yes!

PASADO NA AKO!

Maraming salamat sa mga nagdasal at sa lahat ng suporta ng aking mga naging kaibigan na rin dito sa blogosperyo. Sa totoo lang, may naihanda na talaga akong dalawang mala-nobelang posts kaso sa kasawian palad ay naiwan ko ang mga ito sa laptop ni Mader na dinala niya sa kanyang training seminar sa Pagadian. Sana lang, hindi niya iyon nabasa. Baka maiyak si Mader kasi sigurado akong matotouch siya. Hahaha… Ang yabang ko.  

Kaya eto na lamang sa ngayon at bibisitahin ko na lamang ang mga blog ninyo habang hindi pa umuuwi si Mader at ang laptop niya at may naiiwan pa akong konting baryang pang-Internet. Wala na kasi akong allowance ngayon. Huhuhu… At malas ko pa dahil aabutin pa ng ilang buwan bago ko mareceive ang aking license number kung kaya’t hindi pa ako pwedeng kumita ng pera. Ganyan kasi dito sa Zamboanga. Tatlong buwan bago mo makuha ang license mo. Mapapanis na ang novelty ng pagiging board passer mo dahil tatlong buwan ka ring magiging palamunin pa rin ng mga magulang mo. Badtrip… Hello! PRC! Naririnig mo ba ako? Yooohoooo…

Hirap pala nitong pasado ka na pero hindi ka pa makapagtrabaho. Gusto kong takpan ang aking pagmumukha lagi sa hiya kada beses na lalapit ako sa aking magulang upang humingi ng pera. In fairness, wala naman akong naririnig na hiyaw o anong mga parinig na reklamo mula sa aking magulang pero siyempre, ako na mismo ang nahihiya para sa sarili ko. Beinte-otso na rin ako. Dapat nga nag-asawa na ako sa edad kong ito. Hahaha, joke lang.  

O siya, mahaba na ito. Wala namang kabuluhan itong post ko. Hanggang sa muli!

 

P.S.

Kung sino man diyan ang mapadpad dito sa Zamboanga, tara na. Magpapainom ako. Hehehe… Ang yabang ko talaga. Alam ko namang wala ni isa sa inyong makakarating.  Hehehe… Joke lang. I missed you pips!!!

24 Tugon to “Asan Na Ang License Number Ko?”

  1. Heleyna Says:

    Sisssssssss!!! Congrats. Doktora wag mo ko kalimutan…ikaw residente ko diba? So anong department ka dok?!!!

    Na miss kita sobra! nagbunga din paghihirap mo sis at paghinto mo sa blogging!

    Love you! Tara punta ko dyan painom ka ha!!! Mwaaah!

  2. joycee Says:

    wow congratulations po!! we’re one with you as you thank God for this new blessing He gave you. Siguradong super happy din ang iyong Mader and she’s very proud of you!

    Zamboanga? Malapit lang yan, email mo saken ‘te complete address mo puntahan ka namen.

    Congrats ulets!

    *mwahugss
    ~joycee

  3. dencio Says:

    naks! hanep! Congrats pretty! sabi naman sayo papasa ka na e…. isa yata ako sa mga nanalig na pumasa ka. e di kita mo ngayon isang malaking tinik ang nabunot sa iyong puso! o mag relak relak ka muna bago sumabak sa trabaho! haha.

    o mawawala na muna ako ng ilang buwan simula nextweek. ako muna ako eeskapo. babalik ako tas kiss kita hehe🙂

    GBU! -hisnameisdencios

  4. Cindyrella Says:

    ganyan siguro talaga kung naka focus ka sa pagaaral which hindi ko naman kaya dahil alam mo na.. 40% ng oras ko eh sa bf!! wahaha! toinks!! kung 27 na ako malamang may anak na ako nun!! makay naten! haha!!

  5. marvin Says:

    aba naman! mas natuwa naman ako sa pagbabalik mo sa blogosphere. pero still the same, CONGRATULATIONS MAREEEEEE!!!!! iba kah!🙂

  6. kengkay Says:

    eekkkk, doktora ka na! edi sa yo kami kakatok kapag asa zamboanga kami. antay ka lang, hehehe congrats talaga. sana paglaki ko kasing galing mo ako😀

  7. Pilar Says:

    DOC!! congrats!!!! astigers!!! sana isama mo ko sa pagapply mo… -nurse… lololol.

    btw congrats po ulet.😀

  8. p0kw4ng Says:

    muntik na kitang di makilala sa tagal ng pagkawala mo,hihihi

    pero infernes sulit naman ang pagpapagod,pagbubunot at pagsusunog ng kilay!hihihi

    congratulation sayo at good luck sa magiging buhay sa banda banda dyan!

    ako na lang magpapainum sayo pag punta ko dyan..kaso sagot mo pamasahe ko!

  9. walongbote Says:

    haha, my relatives are from zamboanga too.. so I visit them every year, or minsan 4 years.. haha. the lastime I go there (JUNE) vacation yun. My nurses friends there in Manicahan, sobrang di pa din release ang licensed.. hehe.. almost a year na rin.. grabe noh?..

    Wooh.. congratz.. Do you want me to assist you? Coz I passed too.. R.N naku.. hehehe.. so ayUn, same thing here.. I posted a blog entry about passing too.. haha.. last feb pa🙂

    btw, dO you know how to speak chavacano? Coz.. I know how to🙂

  10. potsquared Says:

    officially doctor ka na.. so tulungan mo akong gamutin ang puso ko… ehehehehe congratulations! mwah!

  11. JOSHMARIE Says:

    ATE ANGEL!!!!! HOW ARE YOU!!! CONGRATSSSSS!🙂

  12. BURAOT Says:

    nakanaks! okey sa olrayt! ngayon pwede na rin akong makapag pa check up sa wakas!

    congrats!

  13. X Says:

    my peyborit angel… how are you pare?

    namiss kita at eto ako nagbabalik!

    kongreshuleyshons.

    -X(taps)

  14. nobodysgurl Says:

    congrats po.. kahit la ka pakpak may halo ka nmn..🙂

  15. glesy the great Says:

    huwaw…. natuwa naman ako!!!!

    i can relate dahil kung hindi pa gumamit ng backer ang kaibigan ko eh di ko makukuha ng maaga ang lisensya ko…. kaya kung may kakilala ka sa PRC gamitin mo na siya.. gawa na ang mga lisensya pero dahil alphabetical order ang pagrerelease kaya mas lalong tumatagal… cheers DOC!!!!;p-glesy the great

  16. glesy the great Says:

    pahabol: okay lang yan sa magulan mo!!! pramis kahit mejo nakakahiya nga pero at least alam nilang magsasampa ka na ng pera pag nakuha mo na lisensya mo… cheers ulet;p-glesy the great

  17. Heleyna Says:

    o asan ka na naman? wula lang namimiss ka ulet!

    ~ hintayin namin ang makabak-bak damdaming post na naiwan sa lappie ni mommy hihi

  18. glesy the great Says:

    ^ oo nga, oo nga.. di ko alam bigla kong namiss ang mala tele nobelang post ni angelwithnowings… cheers;p-glesy the great

  19. brotherutoy Says:

    uy, nabuhay si angel! akala ko eh talagang hiatus mode ka kapag love month eh. antagal kitang hinintay (parang bus lang). itigil na yang paliwanag, magpost ka na ng bago!ü

    God bless and congratumalations! magmek-up ka pagpunta mo sa PRC dahil on-the-spot ang picture doon. welcome back ulit!

  20. yeye Says:

    hala sha..asa zamboanga ka pa!!!

    CONGRATS
    ANGEL MD

    naks M.D.!!!!!

    wala ng karapatang magemote kapamilya mo kaht humihingi ka pa ng pera…eh MD ka na hahaha. be proud!

    kala ko po simpleng review for exam ang inatupag nio po…board exam pala! grabe…sana ako din maghiatus hahahaha.🙂

    congrats po ulet🙂

  21. rio Says:

    ayiii…pasado na si doki…
    congrats dok..
    pwede bang libreng pakonsulta??hehe
    pa burger ka naman…

  22. Jomar Says:

    congrats pala ulit, hmmm papainum ka? talagA? hehe ang layo mo kasi ate e,nga pala ang tanda muna pala hehe 28 kana? ako 20 palang hehe super bata pa😀, sana minsan mapadpad ka dito sa manila

  23. muymuy Says:

    ano ba tohhhhhhhhhhh!!!!!!!….

    walang akong pakialam kung late na akong bumate este bumati…

    CONGRATZZZZZZZZ!!!…nagbunga din lahat ng paghihirap mo…

    hay nakakatuwa naman:)…

    namiss kita ditooooooo!!!!!!!..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: