“Mamahalin Mo Pa Rin Kaya Ako Kahit Mataba Na Ako?” — Sam Milby (Big Love)

Belated Merry Christmas everybody!

Una sa lahat, may dalawang comments sa Kuwentong Kubeta na sa aking katangahan ay sa halip na iapprove ko ay accidentally ko pang nadelete. Sakali mang mapabisita ka ulit dito sa aking pamamahay at mapansin mong hindi ko naipost ang comment mo, sori talaga. Pasensya na. Paminsan talaga, hindi matatakpan ng aking kagandahan at alindog ng katawan (Wahaha! Pagbigyan niyo na ako. Christmas gift niyo na sa akin ang pagbigyan ako sa mga ilusyon ko!) ang aking pagiging tanga. Baka sabihin mo, suplada ako. Hinde ah. Tanga lang talaga. Pakisulat na lamang ulit ang iyong comment. Yan ay kung hindi ka lang naman tamarin.

So, kamusta naman ang mga pasko ninyo?

Masaya ako ngayong pasko dahil umuwi dito sa amin ang kapatid kong si Sis K. Sa Maynila kasi siya nagtratrabaho bilang isang social worker-slash-psychologist. At dahil Pebrero pa noong huli kaming nagkita, nagulantang na lamang ako sa laki niya ngayon. Tabain na si Sis K at kung sa pag-aakala naming papayat na rin siya sa wakas sa pagtratrabaho niya sa Maynila, eh, isa pala itong malaking pagkakamali dahil lalo lamang siyang tumaba ngayon. At ang masama pa nito, pagkakita niya sa akin ay ito ang una niyang sinabi sa akin:

“ANO NANG SIZE NG SHIRT MO NGAYON?”

Syetness. Obviously, kung ang mataba may nakikita nang kapintasan sa akin, isa lang ang ibig sabihin nito.

MATABA NA  RIN AKO.

Huhuhuhuhu…

May insecurity na nga ako dahil sa hindi ako rich kid at hindi ako naregaluhan nila Mader at Pader ng braces kung kaya’t lumaki akong sungki ang ngipin ko, pati ba naman sa katawan ko? Ano na lang ang magagamit kong pang-akit nito? Talino? Syet. Mas lalong wala ako non. Kayamanan? Pweh! Umalis ka na nga dito sa harapan ko! Kabaitan? Hay naku, mga babae lang ang naiinlab sa mga lalakeng pangit at mababait dahil bali-baligtarin man natin ang mundo, karamihan ng mga lalake ay superficial (O, wag nang magprotest. Mahahalata lang na guilty ka). Kahit kasya pa naman ang mga damit at pantalon ko, hindi ko maipagkakailang may kasikipan na rin ang mga ito sa akin. At kahit may mga namamansin pa rin naman sa aking boys, hindi ko ring maipagkakailang nabawasan na ang mga members ng Fan’s Club ko. Kung ano-anong tricks na yata ang natutunan ko upang takpan ang mga rolyo ng taba na namumuo sa aking waistline at sa kung saan-saang bahagi pa ng aking katawan. Andyan ang magsuot ng binders, mga empire-cut na blouse, jacket, blazers at iba pa, pero ang totoo, kung magpopost ako ng picture ko dito sa  na nakatwo piece ako, baka magsitakbuhan na kayong lahat at mawalan na ako ng readers dito sa blog ko.

Kaya huwag na kayong mag-alala, magkakamatayan muna tayo bago ko gagawin yun.

Paano naman kasi, kasabay ng pag-aaral ko para sa Board Exams ang kumain ng marami at uminom ng sandamakmak na kape. Siyempre, kailangan ng glucose ang ating mga brain cells dahil doon sila kumukuha ng enerhiya upang makapagfunction ng mabuti. Malamang yan rin ang dahilan kung bakit walang supermodel na rocket scientist, dahil kulang sa glucose ang kanilang mga brain cells. At may nabasa rin akong research dati na nagsasabing ang mga babae, upang makapag-aral ng mabuti, ay kinakailangang sabayin ang pagkain sa pag-aaral. Ang sabi pa nga sa akin ng kaibigan kong si HotNurse dati, mas mabuti nang tumaba ka at pumasa ka ng board exams kaysa sa pumayat ka at sumeksi pero bagsak ka naman.

Ewan ko na lang kung matutuwa pa si HotNurse kung makita niya ako ngayon. Mabuti na lang at nasa Dubai siya ngayon kung hinde ay malamang pagtataguan ko na siya.

Panahon na para mamaalam na ako sa mga panahong puwede pa akong magtago sa deskripsyong “chubby”. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko dahil magbabakasyon ako ng Maynila sa Marso at siguradong magugulantang ang mga kabarkada ko noon sa kolehiyo  pag nakita ako.

Kaya ayun, naisipan ko na lang magsimulang magjogging sa may oval araw-araw.

Hindi pala jogging. Madaya pa rin kasi ako. Brisk walking lang dahil kalahating round pa lang ng pagjojogging eh halos hikain na ako sa paghingal at kung hindi lang ako nahihiyang magpakita ng kahinaan sa mga jogging friends ko ay malamang napahiga na ako sa gitna ng racetrack sa sobrang pagod.

Noong isang araw, katatapos lamang ng klase at naglalakad na ako palabas ng eskuwelahan. Gawain ko na ang pumunta ng oval sa Grandstand araw-araw upang mag brisk walking/jogging ng isang oras pagkatapos ng klase. Habang naglalakad ako, timing namang  nakita ako ni Airsoft at pinara niya yung kanyang Ford sa tabi ko.

“Uy, Angel, hatid na kita.”

Nahiya naman ako. “Sige lang, Airsoft. Huwag na. Nakakahiya naman.”

“Ano ka ba? Halika na. On the way lang naman yung bahay niyo sa bahay namin.”

“Sige lang. Pupunta pa kasi ako ng GrandStand para magjogging.”

“Ganun ba? Sige, hatid na lang kita sa Grandstand.”

“Naku, baka ma-out of the way  ka na niyan.”

“Ano ka ba? Pwede naman akong dumaan ng Grand Stand tapos diretso pa rin yun papunta sa bahay namin.”

“Ay, huwag na, Airsoft. Nakakahiya naman.”

“Heh! Ano ka ba?”

“Huwag na. Thank you na lang.”

“O sige. Ikaw bahala.”

At humarurot na si Airsoft sakay ang kanyang gray na Ford, habang kinain ko na lamang ang abo ng kanyang pag-alis at pinagmasdan ang puwet ng kanyang magarang sasakyan.

Kung bakit pa kasi ako mahilig tumanggi ng grasya.

“Hoy, Airsoft, pakipot ko lang yun. Bumalik ka dito!”

Pero siyempre, hindi na niya ako narinig.

Katulad pa rin ng dati, pagdating kay Airsoft, nasa huli ang aking pagsisi.

P.S. Baka inaakala niyong nag-iinarte lang ako at hindi naman talaga ako mataba, o siya, magpopost ako ng picture ko. Pamasko ko na rin ito sa isang blogistang matagal ng nag-tag sa akin. Galing pa yan sa default pic ng Friendster ko. Kung sasabihin niyo pa ring nag-iinarte lang ako dahil hindi naman ako mukhang dambuhala dito, tol, nasa pagdadala lang yan (Insert EVIL LAUGH here). At syempre, blog ko to. Ang laki ko namang tanga kung magpopost ako ng litrato ko na ampangit-pangit ko. Hmph. Once in a lifetime lang mangyari to kaya, pwede ba? Pagbigyan niyo na lang ako. O siya, kunin niyo na ang inyong magnifying glass at eto na:

1_931323223l

Sa totoo lang, ampangit ko pala talaga. Hahaha… Ewan ko tuloy kung bakit ito ang naisip kong ipost. Bukod sa halata ang sungki ko eh nagmukha tuloy taghiyawat yang mga nunal nasa mukha ko. Oo, kung may nakilala kayong duktor sa ospital na inulan ng nunal sa mukha at sungki ang ngipin, ako na yun. Huwag niyo naman akong takbuhan at matakot na kayong magpakunsulta sa akin. Kailangan ko rin ng pangkain at pangload, okey?

At dahil abala ako sa pgtratrace ng pathway ng mevalonic acid na kinoconvert into 5-pyrophosphomevalonate which will be decarboxylated into isopentenyl pyrophosphate which will then be isomerized to 3,3-dimethylallyl pyrophosphate and then condensed to geranyl pyrophosphate, which will then be condensed to farnesyl pyrophosphate, which when combined with another molecule of farnesyl pyrophosphate will form squalene which will be converted to lanosterol which by shortening of the carbon chain from 30 to 27, removal of the two methyl groups at c-4, migration of the double bond from c-8 to c-5 and reduction of the double bond between C-24 and C-25 will finally result into cholesterol, at mukhang hindi na siguro ako magkakapanahon pang makabalik ulit dito sa blog ko bago magbagong taon, hayaan niyo na ring maaga akong babati sa inyong lahat ng:

HAPPY NEW YEAR!!!

P.P.S. Happy beerday nga pala sa ating blogistang friend na si Potpot na sa aking kamalasan ay nakadiskubre sa isa pa sa aking mga pinakatago-tagong blog. Hehehe. Sori po at hindi ako nakasama sa pakulo mo kahit nagpromise ako. Plug na lang kita dito sa blog ko, okey? At sana’y dumugin ka rin ng mga blogistang babati sayo. Happy beerday ulit! =)

P.P.P.S.  At baka magtampo sa akin ang kaguwapong si Brother Utoy na mas bata pala sa akin ng isang taon. Totoo ba yun? Hmmm… Pakita nga birth certificate, pwede? Happy birthday din sayo, Bro!!! Sigurado rin akong dudumugin ng mga babati sayo sa blog mo. Ang masasabi ko lang sayo: God Bless! Happy birthday ulit! =)

45 Tugon to ““Mamahalin Mo Pa Rin Kaya Ako Kahit Mataba Na Ako?” — Sam Milby (Big Love)”

  1. Cindyrella Says:

    sayang naman, dapat kc di ka na nagpapakipot kay airsoft. lol! kahit ako nga din medyo tumataba na din dahil di na nagkakasya ang mga pantalon ko.. *shrug*
    kakatamad na din ksi mag exercise.. T_T

  2. kwentulang marino Says:

    di mo ba alam na yun sungking ngipin eh nakaka-atrak sa opposite sex parang sa babaing banlag.

    laluna’t inilitaw mo pa yun balikat mo…

  3. eloiski Says:

    oh lala! nakita na rin kita sa wakas.
    okay lang naman ang katabaan mo ate! hekhek! katabaan the term!
    ako nga gusto ko tumaba aksi ang payatot ko!
    nakakainis!
    hmp! samantalang yung dalawa kong kapatid, mga baboy!

    hmp!
    bat kasi pakipot ka pa kay airsoft! Eh di sana nakaford ka! Hayyy… para kang yung sissy ko! Haha! Pakipot din! wapak!

  4. siangelnawalangpakpak Says:

    @CINDYRELLA: mahiyain kasi talaga ako. kaya kahit nandiyan na ang grasya, tinatanggihan ko pa. dapat kasi hindi na ako dinadaan ni Airsoft sa santong dasalan , kundi sa santong paspasan na. Hahaha… lukaret, okey lang yang tumaba ka ng konti. ampayat-payat mo nga eh.

    @EMANZKY: kuya, yan ang gustong-gusto ko sayo. pinapataas mo ang self-confidence ko. hehehe… thank you kuya. lalabas na po ako mula sa aking shell at araw-araw na po akong magpapakita ng balikat magmula ngayon. hahaha…

    @ELOISKI: oo nga, pero isang beses ko lang gagawin ito dahil hindi naman ako babayaran ng wordpress para sa mga appearances ko. at saka ko na uulanan ng mga letrato ko ang blog ko kung kamukha ko na si Angel Locsin. siguro mga after 43 years, pwede na ako uling magpost ng letrato ko dito sa aking blog… hindi ka naman nang-iingit ha, bata ka? hehe, joke. kung pwede ko lang higupin ang lahat ng taba ko sa katawan at ihandog sayo bilang pamasko, matagal ko na sigurong ginawa.

  5. ron Says:

    natural naman sa babae ang pakipot kaya lang kung gusto mo naman sya e wag mo tagalan…

  6. hisnameisdencios Says:

    di ka naman mataba base sa pic mo. saka di ka naman panget a.. ang ganda nga ng shoulders mo e. saka parang maganda din ang kulay mo, flwless. san ka papunta nyan? o pambahay lang?

  7. siangelnawalangpakpak Says:

    @RON: paano ba naman kasi ako hindi magpapatagal sa kanya eh, hindi naman niya talaga ako nililigawan. ilusyon ko lang talaga na gusto niya rin ako dahil kung tinanong niya ako kung pwede niya ba akong ligawan eh malamang kanina ko pa siya sinagot… sana lang hindi mapadpad dito sa blog ko si Airsoft at siguradong wala na akong mukhang maipapakita sa kanya niyan. hahaha…

    @DENCIO: i lab u na talaga papa dencio. hehehe, joke. thank you po. ang totoo, sinadya ko talagang dayain ang madla at kumuha ng letratong hindi ako mukhang matabang-mataba dahil once in a layptime lang ako magpopost ng solo pic sa blog ko, alangan namang worst pic ko pa ang ilalagay ko. at shoulders ko lang talaga ang flawless sa akin kaya nga proud na proud akong ipakita yan. hehehe… oo, pambahay ko lang yan. ninakaw ko lang yung shawl na yan sa baul ng namayapa kong lola. hehehe, joke.

  8. Maldito Says:

    indi naman mataba ah..ahahhaa..bigay mo nalang sakin ang excess..pakilagay sa plastic at gagawin kong juice..baka madagdagan pa naman ang weight ko…ahahhaa…

    mas mabuti nga at may time kapa mag jogging eh..shus…pabayaan mo yan..kain lang ng kain..ahahaha…

    merry xmas and a happy new year!

  9. glesy the great Says:

    hmm.. mataba ba? totoo yan!!! kung gusto mong pumasa wag mong pagsabayin ang pagdidiet sa pag-aaral para sa board…

    sobrang extra rice… brownies at carbonara… basta lagi akong may ngata-ngata nun dati… kaya charan-charan… bumigat ako nun after…

    cheers;p-glesy the great

  10. taps Says:

    Kung ganyan ang magiging doktor ko, sana magkasakit ako araw-araw…masilayan ko lang ang kumikinang mong balikat.

  11. batopik Says:

    kakapanood ko lang ng my big love kagabi sa cinema one.
    wala lang. haha. kala ko tungkol dun ung post mo. hahaha.

    di naman masyadong mataba ah.
    mas mataba pa nga yung pinsan ko sayo eh.
    lawl. joke insan. HAHAHAHA!!!

    nosebleed naman yung mga phenyl at phate. blah blah
    ah ewan.

  12. joycee Says:

    akala ko kung anong pwet ang tiningnan. *susmaryosep patawarin niyo po ako*

    nakaw ako din 2 days lang ata ko naglakad jogging, agtaos nun tinamad na, sa january ku nalang ulit gagawin hehe.

    te hinde ka naman mataba eh, punta ka sa site ko at silipin yung ate ko, sasabihin mong naakaseksi mu nyahahaa.

    Happy New yEar sa yo at kay airsoft! Ü

  13. muymuy Says:

    alam mo sa totoo lang naalala ko yang si airsoft mo…kahapon kasi namimili kami ng mama ko dito sa sharjah..nagustuhan nya yung isang tsinelas na ang tatak ay “airsoft” kako parang pamilyar ito..then suddenly naalala ko kung saan dito pala…hehehe! walang kwenta yung kinuwento ko pero ang masasabi ko lang next time kapag nakadaupang palad mo ulit si airsoft…go go go na girl!..lalo na kung sya una magpacute..hehehe

  14. eklavumer Says:

    wala sa hugis o laki ng katawan ang itinitibok ng puso… nasa feeling talaga. kaya next time, pagpinalampas mo pa ang pagkakataon kay airsoft, sasapatusin na kita gurl!!!! hahaha

  15. ced Says:

    happy new year doc!
    pwede naman magdiet ulit pagkatapos ng holidays! hehe

    o kaya mag orlistat, reductil at kung anu anu pa. ahehehe

    ingats palagi doc. malapit na ang laban mo. kaya mo yan=]

  16. H Says:

    Naks! Nakakarelate sa katabaan at katakawan. {problema ata ng lahat ng nag dodoktor yan} Sandamakmak na nakapilang EB ang hindi ko inatenan dahil dyan bukod pa sa masama ang pakiramdam ku nitong buong disyembre😦

    Mukhang nakakuha aku ng idea kung anu dapat ang isusuot ha!! Naks ganda talaga ng sis dok ko.. weeet! weeet!

    Nandito lang aku palage. Dyuduty na po ako doktora. Goodluck and God Bless sa boards. Kasama ka sa prayers ku pramis!! kahit di mu naman kelangan {beauty and brains!}

    *mwahugs*

  17. Geisha Says:

    mare kelangan na mag diet! hehehehehe

    maliGEISHAng bagong taon sayu!

  18. Kris Jasper Says:

    superficial? hmmmm……

    aray!
    lol!!!!

    anw, may friendster ka pala… paki add naman pls: krisjasper@krisjasper.com

    Hapi 2009AD!

  19. joshmarie Says:

    ate angel!!! happy new year! mwahugs!

  20. hisnameisdencios Says:

    aba e pambahay lang pala yang suot mo ms.anghelnawalangpakpak, naks! pati ba naman sa bahay kailangan maganda at naka ayos pa kuntodo?

    (applause!applause! applause!)

  21. kengkay Says:

    sa totoo lang, ang kaseksihan ay asa isip😀

    manigong bagong taon!

  22. thelostme Says:

    asus! ang ganda mo nga eh..

    at hindi ka rin mataba..

    parang seksi pa nga..

    baka ang tinatanong na size eh yung length inde ung width.. lols

    nakakadugo naman ung last part.. amp

    happy new year pala, doc!😀

  23. FerBert Says:

    doc nabalitaan kong binabaril na sa luneta ngayon ang mga pakipot.. hahaha

    Yes I am Obese. Sigurado I’ll die young (paborito kong line sa My Big Love) hahaha

  24. rio Says:

    waahhhhhh dok…kung mataba ka na sa lagay na yan?? ano pa ang tawag mo sa akin??? LUMBALUMBA??? huhu…
    doki,mas gusto ng mga guys ang chubby…hehe…
    happy new year doki..

  25. eloiski Says:

    happy new year
    late man late pa rin!

    welcome natin ang 2009!

    weeeheeeeeeeeeeeeeeeee!

  26. brotherutoy Says:

    lagyan mo rin ng picture ng molecular structure para mas kawindang-windang. hehe…
    thanks sa birthday greetings! happy new year!

  27. revsiopao Says:

    naku pwend, hindi ka mataba! maniwala ka sa akin.
    hindi ka lang payat. iba ‘yun! {2009… new perspective… o ha!}

    parang si utoy lang… {hapi birthday ulit kapatid}

    tandaan:kung merong “black is beautiful”… meron ding “chubby is the place to be” {ye know… yeng belehan ng premprays at hamberjer?… ang corny ko na toinks sa akin!}

    all the best for 2009! i’m praying for your board exams.
    GOD BLESS!

  28. kirksydney Says:

    Ayan pakipot pa kasi, pagkakataon na sana yun. Tsk tsk.

  29. walongbote Says:

    putek sis! anjan na ang maok.. pinakawalan mo pa.. *batok*.. *batukin* mo din ako.. parehas tayo pagdating sa lalake.. torpe nga daw akong babae.. pero dahil parehas tayo.. yan ang dapat nating baguhin *well sana* this year.. hehehe.. HAPPY NEW YEAR SIS!!!

  30. yeye Says:

    happy new yr doc!!😀

    benta skin ung line mo na : “Huwag niyo naman akong takbuhan at matakot na kayong magpakunsulta sa akin. Kailangan ko rin ng pangkain at pangload, okey?”

    haha panalo😀

  31. Matahari Says:

    nakakatuwa naman tong post na toh.

    ur still pretty pa rin naman ah.

  32. kosa Says:

    pasyal pasyal..
    perstaym ko dito

  33. revsiopao Says:

    bumisita lang para mag-check kung may bago…
    aba e blockbuster pa rin pala itong entry na ito. panalo!

    wachap dok?!

  34. tin Says:

    haha nakakatuwa naman yung post. napanood ko 2ng movie na toh sa cinemaone nung isanga raw.

  35. hisnameisdencios Says:

    pakiss sa balikat mo hehe😀

  36. hisnameisdencios Says:

    dumalaw ulit
    kaso
    wala pa din
    update😉

  37. rio Says:

    wala pa ding bago??? hello dok….wag seryushin ang pagpapayat…lols

  38. revsiopao Says:

    galaw galaw baka ma-stroke!

  39. potsquared Says:

    ngayon ko lang nabasa ito angel.. salamat sa pagbati.. pwede ka pang humabol para sa picture bati.. ehehehe.. salamat ng marami! sobra sobra!

    saan ko kaya makikita itong doktora na madaming nunal, sungki at nakalabas ang balikat.. magpapakunsulta ako.. hihihi

    sinayang ang oportunidad kay Airsoft.. ang pagiging pakipot minsan ay nakakainis.. wag nang maging mahiyain.. kapalan ng konti ang face.. hihihi

  40. kirksydney Says:

    Aba walang bago, himalaaaaaaaa!

  41. teresa Says:

    sos! mataba ka na ng lagay na yan?
    pano pa kaya ako.lols!

    sayang ung free ride..tsk!
    itabi ang pride chicken paminsan minsan.

    p.s-wala palang link pag ako nagcocoment sayo.kala ko kasi keri na kasi naka logged in ako sa WP,tsk! eto, nilagay ko na..daan ka na lang pag my time ka.😉

  42. repah Says:

    inferfull. chubby ka lng doc… kc maxadong maliit yung pics mo.. cguro pag lumki yung pics maniniwala na ako sau.. hehehe

  43. ewanko Says:

    balik ka na doc. miss ka na ng nurse mo. aheks

    -yeye
    http://idlip.net

  44. Heleyna Says:

    Sis dok?!!! Wer na you…miss na kita. Haays, I know puspusan na ang aral malapit na neks month na yown. {makapag balentayms deyt ka pa kaya?}

    I’ll be praying for you…God Bless You..Ingat ka dyan sa hacienda naten. lolz

  45. Heleyna Says:

    Ako ulet sis!! Happy Valentines!! Amishu!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: