Kuwentong Kubeta

Tatlong araw na akong hindi nakakapag-fufu.

 

Dahil sa aminado akong may pagka-ok-ok (Obsessive-Compulsive) ako at naka-iskedyul na kada alas otso ng umaga ay dapat handa nang magrelaks ang aking anal sphincter at magrelease ng toxins, ewan ko ba kung bakit sa ngayon, mukhang nahihiyang makipaglandian ang aking anal sphincter  sa aming kubeta.

 

Aburido pa naman ako pag hindi ako nakakapag-fufu sa isang araw. Naisip ko tuloy na baka sa tagal na ng fufu sa aking katawan ay baka pilit na lang itong nirerecycle at pinipiga upang mapagkuhanan ng enerhiya, protina, taba at sustanya. Ewww to the nth level, di ba? Sinubukan ko nang magjogging ng 30-45 minuto kada araw, uminom ng kape, green tea, galon-galon ng tubig at halos masusuka na nga ako sa kakakain ng oatmeal, pero sad to say, wala pa rin.

 

Sa totoo lang, hindi masarap ang oatmeal, lalo na kung walang gatas o asukal. Magpakaplastic na kayo sa Quaker Oats hanggang gusto niyo pero hindi rin nila kayo mababayaran sa pagpapaka-Tupperware niyo. Syetness. Ayoko nang kumain ng oatmeal!

 

Hindi rin nakatulong ang panibagong iskedyul ng klase sa Board Review na 8-12 at 1-5 na kung saan mapipilitan akong magpakaprinsesang nakaupo sa kanyang trono ng alas syete ng umaga, sa halip na alas otso. Mas lalo lang nagfetal position ang aking rectum. Sinubukan ko na ring magdala ng toilet paper at mag-look to the left and to the right bago pumasok ng Girls’ Comfort Room sa eskuwelahan namin pero makalipas ang ilang minutong pagmumuni-muni habang nakaupo sa trono, wala ring success story na nangyari liban sa halos lunurin ko na sa halimuyak ng aking utot ang mga nasa kabilang stalls.

 

In fairness, mabango ang halimuyak ng aking tinae. Parang body spray ng Victoria’s Secret.

 

Kung naniwala ka sa sinabi ko, fine. Hindi ka naman siguro bored ano? Malamang ikaw rin yung tipo na naniniwalang pwede kang malasing pag kumain ka ng maraming-maraming ubas. Naman, kailan pa ba nagkaroon ng utot na amoy pabango, aber? At unless may brewery diyan sa iyong atay na puwedeng magundergo ng selective fermentation sa iyong kinain, hindi ka naman malalasing kahit isang kaing pa ng ubas ang iyong lamunin sa sobrang siba mo (Pssst… pashare naman. Tapon mo dito sa akin sa Mindanao!). Pero since magpapasko naman ngayon, pagbibigyan na kita sa mga paniniwala mo. Regalo ko na yun sayo. Merry Christmas!

 

Syempre, nawala na ako sa topic.

 

Dahil kuripot ako at ayoko ring idaan sa gamot aking 8 o’ clock habit, eto tinitiis ko na lang hanggang ngayon ang unti-unting paglaki ng tiyan (Nag-imbento pa ako ng excuse sa laki ng tiyan ko, ano? Hehehe. Oo na, taba talaga yun at hindi dahil sa constipation. Syet ka. Hindi mo man lang ako pinagbigyan. Asan na ang spirit of Christmas mo? Leche!) at matiyaga pa rin akong nag-aantay sa kanyang pagdating. Para tuloy akong nag-aabang ng dalaw galing sa aking pinakamamahal na jebs dahil naeeksayt na akong dumating ang sakit ng tyan na kakambal nito na nagbabantya ng kanyang pagdating. Naiinip na talaga ako. Pramis, pagnakafufu na ako, baka magpakain ako at magpainom sa sobrang tuwa. Yahooo!

 

Naaalala ko na lamang noong nasa probinsya pa kami ng mga kaklase ko nagduduktor-duktoran. Ang problema nila sa probinsya ay hindi tulad ng sa akin. Ang problema nila ay wala silang toilet. Kadalasan, kung darating na ang tawag ng tadhana, si Manang ay kukuha ng plastic na pinaglagyanan niya kanina ng bili niyang isang kilo ng bigas mula sa palengke, maglalakad ng ilang dampa mula sa kanyang bahay-kubo, sa bandang damuhan na walang tao at napapalibutan ng mga punong-kahoy, ilalapag ang nakabukas na plastic sa damuhan, magsusquat at ishushoot sa loob ng plastic ang kanyang masarap na personal sisig. Babalutin ni Manang ang kanyang fufu, itatali ang plastic ng maiigi, at paiikutin ang plastic sa taas ng ulo na tila cowboy na may lubid at PLOK! Ipapalipad na niya ang mahiwagang fufu palayo. Kung may malasin mang taong makapulot sa plastic at mag-akalang may mahalagang bagay sa loob ng tightly-sealed package (Arroz caldo kaya ito? Lumpia shanghai? Kaldereta?) ay tiyak na masusuka na lamang siya sa kanyang makikita. SURPRISE!

 

Siyempre, dahil graded ang aming pagduduktor-duktoran sa probinsya, nagpasya kami ng mga kaklase kong maghanap ng paraan upang mabigyan ng kubeta ang mga mamamayan. Pagkatapos naming mamalimos sa aming mga magulang, mag-ipon ng kickback, magbiyak ng mga piggy bank, magpaalipin sa mga DOM at sumayaw sa mga gay bar, nabigyan din namin ang ilan sa kanila ng toilet bowl. Ipinagdarasal na lamang namin na gagamitin nila ang mga ito sa maayos na paraan, sa halip na gawing sombrero o di kaya’y flower vase.

 

Pramis, meron talagang mga ginawang sombrero o di kaya’y flower vase ang mga water-sealed toilet bowls na pinamigay sa kanila. Malas ko lang at wala akong pictures nun.

 

Pero isa sa mga bilib na bilib talaga ako ay ang nagmamay-ari ng kubetang ito. Sa tingin ko lang, sa kada beses na gagamitin mo ang kubetang ito, kinakailangan mong magdala ng dyaryo. Hindi yung dyaryong tabloid lang na tulad ng Tiktik  di kaya’y Bandera. Dapat yung tipong Inquirer, Philippne Star o di kaya’y Manila Bulletin. Para ano? Click mo na lang dito kung bakit.               

 

Gotta go, sago. Sa wakas, najejebs na rin ako.

 

P.S. Maligayang Pasko sa lahat ng mga kaibigan ko dito sa blogosphere.  I lab yu all! Isang kiss na naglalaway pa ang ipalilipad ko papunta sa mga kabahayanan ninyo. Special mention sa nagkukunwari kong kapatid sa labas na si Helena. Excited na akong irepeat rotation ka. Ehehe, joke!!! Merry Christmas everybody! =)

21 Tugon to “Kuwentong Kubeta”

  1. hisnameisdencios Says:

    di ko alam kung matatawa ako sa first part ng kwento mo ms.anghelnawalangpakpak (haba hehehehe) kasi naman ang hirap nung 3days na yan. kumain ka na lang siguro ng maraming prutas(papaya siguro) oo tama din po yung oatmeal (meron namang nabibiling flavored) kaso sa iba kasi hindi pa rin masarap (nesvita ok din yun)……. sa kabilang banda naman ay sa probinsya namen (cam norte)ang kubeta ay pawid lang takip at sa butas lang siya lulusot until now na 2009 na next month. hehehe. cool naman e. at least gubat na gubat pa din LoLs (o cge jebs kana)

    teka MERRY CHRISTMAS po pala!

  2. kirksydney Says:

    Kahit ako naguluhan sa post mo, paiba iba ng topic. Haha.

    Maligayang Pasko na nga lang!

  3. p0kw4ng Says:

    kainis yang ganyan..nararanasan ko din yan minsan kaya lang wala akong tyagang maghintay kaya dinadaan ko sa gamot..hahaha

    hapi pasko sayo!

  4. Akina Bukolmo Says:

    meri krismas!

    at salamat naman at sa wakas najejebs kana.

    ang kulit nung picture. hihi

  5. yeye Says:

    JEBSTER! hahaha

    ako din eh tatlong araw na rin hindi naka-no.2. buti kanina nailabas ko na. effective ang pagexercise ko. hahahaha

    haaay.
    hahahah
    mewi kwismas doc😛

  6. eloiski Says:

    pak! ang sama sa pakiramdam na 3 days na hinid ka jumerbaks!
    at kapag uutot ja taena, impsibleng walang amoy dahil talagang aalingasaw yan!
    pak!
    ang bantot ng post mo ate! hekhek!

    maligayang pasko!
    yung gip ko… hekhke!

  7. Kris Jasper Says:

    JUICE ME. Im thinking of what to prepare tomorrow tapos FUFU etong nababasa ko d2. LOL!

    Tea and coffee, di ba nagpapa constipate ang mga yan? baka kelangan mo ng mag enema?

    MERRY CHRISTMAS PO!

  8. brotherutoy Says:

    napakaganda ng pamaskong handog mong post para sa aming mga fans mo. feel na feel ko ang season!ü at hindi ako sarcastic!

    hehe… naman eh. paskong pasko, tubol ang topic.

    merry christmas sayo, angelnawalangpakpakatbutasangpwet.ü
    God bless!

  9. ced Says:

    hmmm… usapang kubeta ba ito? ahehehe

    doc! tama na muna review! maghappy happy ka naman! merry Christmas! hihihi

  10. rio Says:

    eto ba talaga ang epekto ng papalit ang pasko…ang hindi matae?? hehe
    ako din..ilang araw na din akong hindi nag pupupu…huhu..

    Merry christmas doki

  11. ron Says:

    ang tindi mo ha! pati ba naman pupu? yaaaaaaaaaa..meri x’mas

  12. utakmunggo Says:

    enema raw sabi ni kj. walangyang bata yan. haha

    surely may takip yang kubetang naka-link diyan? hehe oist sa probinsya ba yan kamo, eh alam mo bang modern na yan sa ganyang lagay? madami pa ring nagka-cathole method ano. haha

    merry xmas sa iyo!!! xmas wish ko for you sana ma-ebak ka na. now na. hehe

  13. Pepe McKunat Says:

    Maligayang Pasko.
    napapanahon ang post mo.
    kubeta?
    marami panigurado mauupo dito.🙂

  14. lunes Says:

    mahirap doc ung 3days..di ko ata un kakayanin. ngaun naman tuwing makikita ko ang area ko na nicu, natatae ako. sa totoo lang twice na akong natae dun sa cr ng nicu.. kaya dali dali akong nagnakaw ng sterile gauze.wehehe…

  15. teresa Says:

    tumatambling naman ako sa entry na to.
    naguguluhan ako kung asan na ung topic,lols!

    siguro naman sa mga oras na to eh naka jebs ka na..
    gaya mo ayaw ko din ng oatmeal,hehe! nakaka suka,lols!

    belated merry xmas doc.

  16. marvin Says:

    ano veh! kapag kakain ako ng oatmeal, feeling ko mare-remember ko tong post mo. ahihihihihi. shoots! love ko pa naman yun with cut fruits! ano veh!

    well, christmas wish ko na lang na maka-jebs ka na. anghirap nyan! meri christmas!!!!!🙂

  17. watusiboy Says:

    merry xmas!
    parang may naamoy ako habang binabasa ko ito. hehe. jowk onli.

    siguro ay nakaraos ka na kapag nabasa mo ang comment ko. blogging lang pala ang hinahanap ng anal sphincter mo.

    parang sigurong pagtulog ang pagtae (excuse me po) – lalo mong iniisip, lalong ayaw dumating🙂

  18. siangelnawalangpakpak Says:

    @HISNAMEISDENCIOS: tama ba namang nakalimutan kong kumain ng papaya ng mga araw na yon? hay naku. ang engot-engot ko talaga. nasubukan ko na rin ang mga flavored, okey lang, pero hindi pa rin ako fan niya. hindi ko pa nasubukan ang nesvita pero sabi rin ng mga kaibigan ko, masarap naman daw siya. sige, masubukan nga yan bukas… sa totoo lang, may mga mas malala pa yata akong picture ng kubeta sa probinsya na nikta pero ayoko ng ipost dahil baka masusuka na kayo pag nakita niyo. malay ko ba at nasa harap kayo ng pagkain halimbawa habang nagbabasa ng blog ko =)

    @KIRKSIDNEY: magulo ba? ayan, nahalata tuloy na siguro, hindi mo na ito natapos basahin ano? hehehe… aminin!

    @POK4WANG: kuripot kasi ako kaya ayoko siyang daanin sa gamot. hehehe…

    @AKINABUKOLMO: same to you! sarap makapagfufu! graveh!

    @YEYE: hahaha… bagong term ba yang JEBSTER? ang kulit ah. maikalat nga. hahaha…

    @ELOISKI: hehehe… naamoy mo ba ang alingasaw ng post ko, eloiski? abot ba hanggang baguio? hehehe… lukaret! hehe, joke!

    @KRISJASPER: napapafufu kasi ako usually sa coffee. pero ordinarily, most people yata, nacoconstipate pag umiinom nito. kanya-kanyang stayl lang yan… puros drinks naman itong namention mo dito sa comment mo. ayan tuloy, gusto ko namang magwiwi… asan na nga ba ang arinola ko?…

    @BROTHERUTOY: kuya, para maiba naman. alam ko namang uulan ng christmas-related posts ngayon sa blogosphere. rebelde ako eh, kaya tungkol sa tubol ang topic ko. hehehe… at same to you, brotherutoynabutasdinangpwet! hehe, joke =)

    @CED: lecheng board review na ito. hindi na kami binigyan ng christmas vacation. dec 25 at january 1 lang ang bakasyon namin, pati kalahati ng december 24 at december 31, kinuha pa sa amin. ang sarap talagang umabsent!!!

    @RIO: naku, ate. sana nakapagfufu ka na by now. ako, tapos na. yes!!!!

    @RON: hehehe… siyempre, wala namang masama kung magblog ako tungkol sa aking bowel movements. eh, sa ito talaga ang pinagkakaabalahan ko ngayong pasko. hehehe, joke lang. o siya, next time, may kabuluhan na ang ipopost ko.

    @UTAKMUNGGO: oo nga ate. gusto yata niyang gawing kasing-laki ng tubo ang puwet ko. huhuhu… ang sakit pa naman nun… ewan ko lang kung may takip ba itong kubetang ito. tulad nga ng sinabi ko kay dencio, kung magpost ako ng picture na mas malala pa sa pinost ko, baka masuka na yung mga readers ng blog ko… at salamat sa wish mo. natupad na rin siya, sa wakas. hehehe…

    @PEPEMCKUNAT: uyyy… umamin ka. pati ikaw, napajebs nung binasa mo ang post ko, di ba? hehehe…

    @LUNES: hahaha… langya kang bata ka. kaya siguro nauubos ang mga stock ng sterile gauze sa mga pampublikong ospital, ginagawa mong tissue paper! kung ako nagtratrabaho sa ospital na kung saan ka nagvovolunteer, siguradong reregaluhan kita ng sandamakmak na rolyo ng tissue paper sa christmas party. yung three ply para sigurado akong kahit makalimutan mong maghugas ng kamay eh, hindi ka mangangamoy tae habang mag-aIV ng pasyente mo.

    @TERESA: naku ate. masanay ka na. magulo talaga akong magkuwento. palibhasa, nagmamadali akong hindi masarhan ng internet shop kapag sumusulat ako ng blog kaya sinisiksik ko na lahat ng pumasok sa isip ko sa blog ko. ewan ko nga, kung bakit may mga masipag pa ring nagbabasa ng blog ko. hahaha… pero salamat at nakabalik ka sa pamamahay ko. hehehe… ipost mo kaya ang link mo ng mabisita ko naman ang pamamahay mo. promise, hindi ako akyat-bahay.

    @MARVIN: naku, baka magalit sa akin ang Quaker Oats at binibigyan ko ng negative press ang produkto nila. Sa totoo lang, madalas pa rin akong kumain nito kahit na hindi ako nasasarapan sa lasa. Kaya, kain ka pa rin, okey?

    @WATUSIBOY: parang love lang yang pagtatae, hindi mo dapat pinipilit. hindi mo rin dapat hinahanap. kusa lang siyang dumadating. hehehe…

  19. felmar fiel Says:

    hehehe nakakatuwa na post! nag-enjoy akong magbasa!

  20. felmar fiel Says:

    wahahahahaha naintindihan ko na pagkakita ko sa picture ng kubeta…isinali na kita sa blogroll ko para ma-update ako lagi…

  21. jasonhamster Says:

    aw. 3 days. Pag di ako nakajebs simula umaga hanggang bago matulog eh di nako mapakali.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: