Hinahanap Ko Kasi ang TRUE LOVE Ko

May kaibigan kasing Engineer ang mga kaklase ko. Itago natin siya sa pangalang Bo. Short for Bokalbs. Kaklase nila ito noong hayskul. Dahil bespren ito ni FunnyBoy, madalas niya itong dinadala tuwing gigimik kaming magkaklase. Masasabi na rin nating naging kabarkada na rin naming ito, ang nag-iisang inihinyero sa grupo ng mga duktor at duktora.

 

Halos dalawang taon na siyang tinutukso sa akin ng mga kaklase ko. Kada gimik ng barkada ay hindi pwedeng mawala ang mga tuksuhan sa aming dalawa. At dahil hindi naman kami pikon at parehas kaming marunong makisama, sinasakyan na lamang naming dalawa ang mga biro nila. Hindi dahil sa may lihim na interes kami sa isa’t-isa subalit dahil sa nagpares-pares na ang aming barkada bilang magboypren-gelpren at parehas kaming dalawang laging nagkakataong single.

 

Noong beerday ko, at pinagdedesisyunan pa namin kung saan kami pupunta, tinanong ko si FunnyBoy.

 

“Si Bo, nasaan?”

 

“Baka di raw makapunta. May party rin ata sa trabaho. Baka humabol daw.”

 

“Ah, okey.”

 

“Ba’t hinahanap mo talaga?”

 

Rolls eyeballs (Ano ba talaga ang Tagalog nito? Hindi ko talaga alam). “Wala lang. Syempre, hindi naman yun nawawawala sa mga gimik natin.”

 

Tumawa si FunnyBoy. “Alam ba ni Bo yung cellphne number mo?”

 

“Yung lumang Globe number ko pa yata ang alam niya.”

 

“Pag nagteks yun sayo ngayong gabing ito, ibig sabihin, siya na ang TRUE LOVE mo. Yikkeeeee….”

 

“Excuse me lang. Hindi kaya niya alam ang bagong cell number ko.”

 

“Basta magteteks yun.”

 

“Eh, malamang, kasi ibibigay mo ang number ko sa kanya.”

 

“Hinde. Pramis. Kunin mo pa ang cellphone ko para masigurado mong hindi na ako magteteks sa kanya.”

 

Rolls eyeballs ulit.

 

Natapos ang gabi ng wala akong natanggap na teks mula kay Bo. Tatlong araw ang lumipas ng nagulat ako at nagteks nga ito.

 

Gud evening =) Sori. I guess I got ur # wrong. [FunnyBoy] gve me ur new # wr I greetd u hapi bday =) Pero iba nman na # na bigay sakin ng GF nya ngaun.. hehe nwei, b4 it wl b so late.. BELATED HAPI BDAY!!! =) I wish ur wish n every1 else’s wish 4 u cme true. =) Hapi bday again.. gudnyt. =)

 

Aha! So nagteks pala talaga siya sa akin nung araw na yun! Napaisip tuloy ako kung applicable pa ba ang sinabi ni FunnyBoy sa akin na kung nagteks siya, siya na nga ang TRUE LOVE ko, kahit na hindi naman umabot sa akin ang kanyang text message sa mismong beerday ko?

 

Pangarap kasi ng Mader ko na makapangasawa ako ng Engineer. Yoko lang naman idisappoint siya, no? Lab ko kaya ang Mader ko.

 

Joke lang. Mahiyain ako, no? Hindi ba halata? Move your cursor upward or just click refresh. Ayan o, nasa header… Eniweyz, sino ba naman ang hindi kikiligin sa limang smiley faces na tumambad sa akin? Hindi ba ibig sabihin non eh umaapaw ang kanyang pagngiti sa akin? So siyempre, bato na siguro ako kung hindi pa ako kiligin niyan. Kaso dahil hindi ko naman gawain ang lumandi sa bespren ng kabarkada ko kahit na hindi ko maitatangging, naeksayt ako sa natanggap kong teks, dali-dali ko na lamang siyang nireplyan.

 

Wait lang. Bo, is dat u?

 

Ang galing no? Kinilig na ako, di pa nga ako sigurado kung sino siya.

 

Ovulating kasi ako ngayon. Sensya na.        

 

6 Tugon to “Hinahanap Ko Kasi ang TRUE LOVE Ko”

  1. cindyrellaz Says:

    uuuuyyy!! soulmate na sila, syempre dyan naman yan magsisimula eh, sa tuksuhan tapos before you knew it, kayo na pala. pero sosyal ah, isang engineer at isang doctor, hanep ang tambalan, kumbaga papatok sa masa. wahaha! oo nga pala ano ibig sabihin ng ovulating?

    eto nga pala ang aking kasagutan sa iyong mga tanong sa aking blag:

    @SIANGHELNAWALANGPAKPAK
    hehe, sensya na kung ganun yung commenting system ko dati, sabi ko nga kahit may mga bilbil na ako ngayon, di ko pa rin makakalimutan ang mga natutunan ko sa aking coach. Para lumakas ang resistensiya mo, heto ang ilan sa mga tips:
    -kumain ng gulay, wag puro pork
    -importante ang 8 oras na pahinga (as in)
    -take vitamins
    -kumain ka ng saging! (bago kami lumaban dati, may dala ang aming captain na saging para sa aming lahat
    -exercise
    -iwasan ang junk fuds
    -importante din ang pakikipag sex

    yun lang ^_^

    p.s.: belated happy beerday tol^_^

  2. siangelnawalangpakpak Says:

    siyet, kinilig ako ng tinukso mo ako sa kanya. sige na, tuksuhin mo pa ako. hihihi… Mader knows best ika nga. So, syempre, dahil obedient akong bata, payag na rin ako. hehe.

    ovulating – ito ang panahong humihinog at nagrurupture ang iyong egg cells (na kapag nakameet ng sperm ay goodbye sexy body ka na) at karaniwang mapapansin kapag nag-iinit ang iyong katawan dulot ng hormones.

    salamat nga pala sa iyong mga tips! meri christmas!

  3. Helena Says:

    Sis DoK!!! Amishu! Kiss muna. {mwah} Weyt, posible kayang hindi lang isang beses isang buwan akong nag-oovulate. Madalas kasi kong nag-iinit, i mean mainit lagi ang pakiramdam ko. Parang lalagnatin. Waah! Gets mo? Anyway, bilib talaga ko sa lakas ng appeal mo to the highest power. Nasa sayo na nga lahat ng magagandang katangian hahanapin ng kahit sinong lalaki. Brains, Beauty, Body, and Personality. Pera lang ang wala ka. {pareho tayo dyan!} Hindi ko kelangang sumipsip dahil magkapatid naman tayo. Pero I admire you in a lot of ways. Lalo na yung tyaga mo na tapusin ang kurso natin na aksidenteng nakuha ko rin. And I’m looking forward na makilala ka ng personal. ^^

  4. eloiski Says:

    waaaaaaaaaaaaaaah!
    may lablyp ka na!
    naman oh, hahanpan pa lang kita maeron ka na agad!
    at teka engineer pala hanap niya.
    naku marami akong tropang inghinyero dito.
    engineering student kaya ako! pero hindi tayo talo!
    pareho tayo ng gusto! hekhek!

    siya na nga kaya?
    hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm

  5. siangelnawalangpakpak Says:

    HELENA: Dok sis (para maiba naman)! mishu 2! mwah! mapapaluha naman ako dito sa pinost mo. sa totoo lang, aym so touched. grabe! yung lahat ng mga katangiang sinabi mo, wala ako nun, karisma lang, meron. ahaha, joke. lukaret. kung tutuusin, mas winner pa ang beauty mo sa akin, umaaapaw lang talaga ang self-confidence ko kaya kahit pangit, mataba at hindi naman ako matalino, feeling ko, isa akong diyosa.

    syempre, blog ko ito, kaya i have the right na magmayabang. hehehe…

    o siya-siya. pupunta akong maynila next year para sa oathtaking kung magkahimala at matake one ko itong board exam. pag topakin ako, baka magpakita ako sayo. baka lang. kasi dahil sa over sa duper ka stressful itong board review, eh parang inuulan na ako ng kapangitan at iniiwasan na rin ako ng kaseksihan. or kung worse comes to worse, sa ospital na tayo magkita, siguradong pasado ka pag ako residente mo. or vice versa, kasi baka unahin mo pa akong magresidency at ako pa pala ang mag-uunder sayo. pasa mo ko, okey? or else, hindi ko na bibisitahin ang blog mo. ahaha, jokeeee!!! mwah!

    ELOISKI: wala akong lablayp, pramis!!! sige na, hanapan mo ko ng engineer na taga-baguio. ahaha… mapuputi ang mga taga-baguio ano? sarap non, este, okey yun kasi mabango silang tingnan. plus, hindi naman ako kaputian kaya solb na solb na mocha ang kulay ng magiuging anak namin. hehehe… galing no? wala pa nga, nag-iilusyon na ako ng anak. hahaha…

  6. muymuy Says:

    hi doc…

    gusto mo ikamo ng engineer??…marami nyan dito kaya lang wala akong maigivelaks sayo kasi mga boylet dito kundi married eh taken na at believe me lahat sila pasawaaaaaayyyyyyyyyy…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: