Happy Beerday

Bente-otso

 

 

Dalawampu’t walong taon ang nakaraan. Kasalukuyang naggrogrocery si Mader at Pader sa Welcome Rotonda ng biglang bumaha sa paanan ni Mader habang siya ay namimili kung anong klaseng tutpaste ang bibilhin niya. Magkatapos sabihan si Pader ng “Dad, my waterbag broke,” nagmadali na ang dalawa upang pumunta ng ospital. Magkatapos ang ilang oras ng pag-iire kasabay ng kanyang pagtatae (na malamang dahilan kung bakit paminsan ay tila isip-tae ako sa sobrang katangahan) at matapos putulin ang umbilical cord na dalawang beses pumulupot sa aking leeg, lumabas na rin sa wakas ang kras ng bayan, este, salot ng lipunan.

 

Oh yes, dats me. Ako na nga yun.

 

Ipinagdiwang ko ang aking ika-dalawampu’t walong kaarawan noong Huwebes, ika-11 ng Disyembre, kasama ang aking mga kaklase sa isang popular na gimikan sa aming lugar. Billiards, Videoke, inuman at kulitan hanggang sa mamaos ang aming boses at manghina ang aming katawan sa katatawa. Taon-taon kong nililibre ang aking mga kaklase tuwing kaarawan ko. Paminsan nga, feeling ko namimihasa na ang mga ito at medyo nahihiya na rin ako sa aking mga magulang dahil ilang taon na rin akong hindi makapagdiwang ng aking kaarawan kasama ang aking pamilya. Paano ba naman, sa sobrang ingay naming magkaklase ay sinisiguro ko na lang na hindi ako sa bahay namin magpapainom dahil maiistorbo ang beauty sleep ng mga kasambahay ko dahil parang mga kuwago pa sa pagdilat ng mga mata ang mga kaklase ko pag nakainom kese hodang alas-dos na ng umaga at maaga pa kaming lahat pipila sa PRC kinabukasan. Paminsan nga, naisip ko, papansinin pa kaya ako ng mga kaklase ko kung hindi ako magdidiwang ng aking kaarawan sa taong ito? Natutukso akong sorpresahin sana sila at hindi na lamang magpakita noong kaarawan ko pero dahil lab ko ang mga damuhong iyon, hindi ko rin sila matiis at ayan, nagpainom nga ako.

 

Sensya na at hindi ko na kayo naimbitahan. Padadalhan ko na lang kayo ng serbesa. Antayin niyo lang yung isang case ng SMB na pinadala ko by LBC. Wala pa ba diyan? Baka itinungga na ng kartero at ng mga manggagawa sa Post Office. Oh, well. Sori. Next year ulit.

 

So, matanong niyo, ano ba ang wish ko sa beerday ko? Madami, actually. Pero kung ililista ko ito lahat ay baka antukin na kayo sa haba ng listahan. Eto na lang ang pinaikling bersyon. At dahil malapit na rin ang Pasko, may panahon pa para tulungan niyo akong matupad ito. Hindi naman ako namimilit, baka lang kasi kako may mga koneksyon kayo. O siya, dami pang satsat. Eto na nga.

 

1. Pumasa ng board exams. Obvious ba? Nakakapagod kaya mag-aral. Ikaw nga magtake two, ewan ko lang kung hindi ka maburn out sa kaaaral at mas gugustuhin na lang maging magsasaka at magtanim ng kamote. Pwede ring alternative career ang maging online stripper, yung tipong “See Me Strip for only $5/minute” pero baka iprotest ng madla ang pangangatawan ko at bayaran na lang akong magbihis sa halip na maghubad kaya, on hold na muna ang alternative career na yan… At dahil sa ibinalita na yata ni Mader at Pader sa buong opisina ng regional office ng DSWD at sa lahat ng mga kamag-anak naming nakakalat sa buong archipelago ng Pilipinas  na kukuha ako ng board exams sa Pebrero, hindi ko alam kung may pagmumukha pa akong maihaharap sa kanila kung hindi ako pumasa. Baka mapilitan tuloy akong magstokwa na lang papuntang Sabah, Malaysia at manirahan na lamang doon bilang isang domestic helper.     

 

2. Panibagong boypren. Masarap kasing ilunod na lamang sa kumunoy ang aking kasalukuyang boylalu (aka lalakeng kalandian). Tama ba namang makalimutan ang petsa ng aking kaarawan at sa 12, sa halip na 11, na ako binati? Pasalamat siya at nasa kabilang probinsya siya ng mga oras na iyon kung hinde, pinasabugan ko na yung bahay nila. Sarap sakalin. At wala man lang pinadalang maski Sampaguita o kuwintas na gawa sa Everlasting man lamang. Hay naku. Ayoko na lang magsalita.

 

3. Mga kaibigang may kwenta. Marami ako nito lalo na sa blogosphere actually (Tulad niyo. Ahaha. Sipsip ko no? Hehehe, joke!) pero naiisip ko rin paminsan na sa dami ng aking mga kaibigang may kwenta ay dumadami na rin ang pumapaligid sa aking mga nagkukunwaring kaibigan. Yung tipong nagsasaya kapag nakita nilang 2 out of 10 ka lang sa quiz habang nakachamba silang makakuha ng 3 out of 10. Yung tipong kung makatingin sayo, akala niya siya na ang pinakamaganda sa klase eh, kung tutuusin kung hindi lang inayos yung cleft palate niya nung bata pa siya eh, sigurado namang hindi siya papansinin ng manliligaw niyang kamukha ni Pacquaio (no offense sa mga Pacquaio fans diyan). Yung tipong dalawang linggo bago ang aking kaarawan eh papipilitan akong sumagot sa inumin sa bertdey parti ng anak niya dahil sabay naman daw kaming magdidiwang ng aming kaarawan kahit na hindi pa naman ako sigurado kung manlilibre nga ako sa mga kaibigan ko dahil hindi ko naman gawain ang kusang humingi ng pera kila Mader at Pader pag beerday ko. Hello! Wala na ako sa highschool!. Gawaing bata lang ang namimilit, no?… Okey, isang tao lang yun actually. Hindi ko lang alam kung paano ko siya sasabihan na tantanan na niya ako… Oo na, aaminin ko. Paminsan-minsan, nagpapaka-Tupperware din ako.        

 

4. Kalusugan para sa aking mga magulang. Diabetic si Mader. Si Pader naman, kahit hindi ko na ipa-lab test ang kanyang Serum Cholesterol ay halata naman sa itsura pa lang na mataas ito. Yoko silang magkasakit. Hindi lang dahil sa mapipilitan silang magretiro na mula sa trabaho (na matagal nang inaalok sa kanila ng gobyerno ng Pilipinas subalit dahil may mga anak pa silang nagtratrabaho ay ayaw pa nilang matukso sa alok na ito), hindi rin dahil sa magastos ang magkasakit (Heller! May Philhealth namang sasalo sa kanila. Ehehe, joke!), pero dahil sa ayoko silang namamalagi lang sa bahay namin. Bukod sa magiging sedentary ang lifestyle nila (at makakadagdag sa kanilang pagiging high-risk sa mga sakit) ay mapapadalas din ang kanilang pagpuna sa mga kalokohan at pakikialam sa mga desisyon sa buhay naming magkakapatid. Don’t get me wrong, mahal ko ang mga magulang ko. Pero maliban kay BBBro na nasa hayskul pa, halos lahat kaming magkakapatid ay masasabing may sariling nang pag-iisip. Kung 24 oras ay namamalagi lamang sa aming pamamahay ang aking mga magulang ay sigurado akong mamimiss ni Mader ang pagiging bosing sa opisina, mababanas sa pakikipag-usap sa kanyang mga orchids at mapapadalas ang pagbubunganga sa aming magkakapatid. Ewan ko na lamang kung anong gagawin ni Pader pag mamamalagi na lamang siya sa bahay subalit nag-aalala akong isiping baka gamitin niya ang panahong ito upang patayin kami sa nerbyos sa kanyang paggugol sa naudlot niyang midlife crisis. Sigurado ring babaha ang mga ubod sa kakornihan  niyang patawa na niplagiarize niya mula kay Gary Lising.

 

Lab yu, Ma at Pa. Hihihi…

 

Hindi na ako magwiwish ng mga materyales na bagay dahil pag pumasa ako ng board exams at matanggap sa trabaho ay siguradong mabibili ko na rin ang mga ito baling araw. Hindi rin naman talaga ako mahilig sa mga mamahaling bagay. Basta umaandar ang cellphone, nakakateks, tawag at nakakakuha ng letrato, solb na ako. Tumatakbo pa rin naman yung DVD player sa bahay at 1 Gig naman ang memory ng cellphone ko kung kaya’t hindi ko rin kailangan ng Ipod Nano. Gustuhin ko man ng sariling laptop na may Internet access, upang hindi na kami mag-uunahan sa bahay sa paggamit ng computer lalong-lalo na kay Pader na adik sa paglaro ng Hearts at Spider Solitaire, kahit lumuha pa siguro ako ng dugo sa harap ng magulang ko ay hindi pa rin nila ako marereguluhan nito. Ilusyonada!

 

Okey, fine. Pag-iipunan ko na lang ang mga ito.

 

Naisip ko, sa susunod na taon, malamang hindi ko na makakasama ang mga kaklase ko sa pagdiwang ng beerday ko. Siyempre, kanya-kanyang buhay na pagkatapos ng board exams. Nakakalungkot isipin na malamang hindi na mabubuo ang aming barkada sa pagdiwang ko ng aking kaarawan sa susunod na taon. Wala ng tawanang nakakapanghina ng katawan. At wala na ring mga matatamis na sandaling tulad nito:

 

kissing1

 

 

Ang sweet nila no? Ginawa nilang gaybar ang beerday ko. Hindi daw yan sila naghahalikan, sabi nila. Mukha lang daw. Hmmm… Palusot.   

22 Tugon to “Happy Beerday”

  1. cindyrellaz Says:

    sino naman ang dalawang naghahalikan na yan? wahh!! gulat ako dun ah! kala ko kako baka ikaw LOL! sana matupad lahat ng mga wish mo!! gud luck din sa board exam!!! pwede bang mag pa check up sayo ng libre? ^^

  2. cindyrellaz Says:

    nga pala padala mo na lang by email yung inumin ah para direct di yung snail mail, baka tunggain lang ng magde- deliver eh ^^

  3. p0kw4ng Says:

    ikaw masyadong madumi utak mo…nagbubulungan lang sila! tinatanong nong isa kung saan sila pwedeng pumuwesto kasi init na init na,hihihi

    belated hapi burtday sayo!

  4. kengkay Says:

    huy, belated hapi berdey. yan ang masaya kapag may berdeyan, daming lumalabas na gimik, hahaha

  5. Helena Says:

    Sis belated happy birthday!!! Haays, tutulungan kitang ipagdasal ang mga wish mo lalo na ang number 1 and 4. Yung number 1 eh para matapos mo na pati paybak paybak na yan at maging ganap ka ng doktora. At sana naman please please please maisipan mong dito sa manila mag-practice. Nga pala dok eh di marunong ka magchavacano. {tama ba spelling} Eh di magaling ka rin mag-spanglish este spanish. Haha. Haays, mamimiss kita pramis!! Pasend naman ng globe/smart number mo sa email ko. wahehehe. Sana mabasa mo ang kabuuan ng last post ko nektaym. Ahlabshu!!!

  6. Pepe McKunat Says:

    waaah.
    ngayon lang ako nakakita.
    hahaha.
    happy beerday.
    sana lasingin ka ng maraming grasya.

  7. FerBert Says:

    hmp

    di mo man lang ako inimbita. di na tayo friendships.. hahaha

    happy bday doc! ano ba specialization mo kung saka-sakali? kung OB ka baka naman ikaw na magpaanak sa mga babaeng bubuntisin ko.. hahaha

    tungkol sa picture- yung isa yung labi nya nasa baba, tas yung maputi yung labi nya eh sa canal nung airway…

    may ganyang picture din ako. parang naghahalikan kame pero may nakaharang na papel. ayun nadaya namin mga tropa namin.. haha. lakas ng trip eh. lol

  8. ron Says:

    mahilig ka pala magpainom ha…dun naman sa bf mo e baka lang naman na nasobrahan sa pagtatanim ng gulay kaya di ka masyado naalala sa bday mo dahil alam mo naman sa probinsya di ba? wish ko lang na sana dis yir ay magkaroon ka na ng pakpak para makalipad ka na…hahahahaha

  9. joycee Says:

    *huwaaa* nagulat ako sa picture, kala ko galing lang google search friend mo pala talaga nyahaha

    anyhoo, happy bertdei po! nawa’y ang lahat ng iyong wish ay matupad, kung hinde man, magwish ka nalang ng iba!

    Merry Christmas na din! Ü

  10. eloiski Says:

    weeeheee!
    happy bday ate!
    yung bday wish mo sana nga matupad
    hayaan mo’t ipagdadasal natin na magrant lahat yan!
    ano po bang tipo mong lalake at hahanapan kita ng gwapo dito sa baguio! hakhak!

    ayaw ko smb hindi ako umiinom nun eh! gatas na lang! hekhek!

    ate bat ganyan ang pic, nagulat ako!
    wapak!

    merry xmas ate!

  11. Aling Baby Says:

    hehe answiiit nga!

    HABERDEY!

    sana matupad ang mga wish mo…kung indi man lahat, kahit 3/4 sa mga ito ok na.😉

  12. siangelnawalangpakpak Says:

    CINDYRELLA: mga kaklase ko yan sa medical school, mga kasamahan ko sa board review. isa lang ang bading sa kanilang dalawa actually. hihihi… kung magpopost ako ng picture ko na nakikipaghalikan dito sa blog ko, naku! hindi pwede. may bayad ang mga picture ko. hehehe, joke lang. salamat sa pagbati! libre ang check-up sa akin ng mga taga-blogosphere kaso bahala na kayo kung sa ngayon eh hindi niyo pa narerealize na wala talaga akong kwentang duktor. kaya nga ayaw kong magpakita ng face ko. hahaha… baka mawalan ako ng mga pasyente in the future… wait mo lang yung SMB. parating na yun. after 43 years siguro =)

    POKWANG: ahaha… nagbubulungan ba? siguro nga. pero may sariling CR naman yung nirent namin na videoke/billiards hall kaya pwede naman sila doon pumuwesto kung gusto nila. hahaha… yaks. katakot isipin. mga kaibigan ko ang dalawang ito!!!… salamat sa pagbati!

    KENGKAY: thanks ate! asan na ang cookies ko? hehehe, joke lang.

    HELENA: thanks, dok sis! bakit yung number 1 at 4 lang ang ipagdadasal mo, pwede pati yung number 2 na rin. hahaha… seryoso na, sa maynila ko talaga gustong magpraktis lalo na’t iisa lang naman ang training hospital dito sa region 9. ang corni, sawang-sawa na ako sa ospital na ito! isusuka ko na ito! laging kulang ang gamit sa ER. at binasa ko naman yung kabuuan ng post mo, tingnan mo nga ang comment box mo at madami kaming nag-alalang last post mo na yun. explain mo na nga lang sa akin at siguro kinain na ng mga alcohol dehydrogenase, glucose 6 phospate, fructose-1,6-bisphosphate ang mga neurons ko at hindi ko yata talaga nagets yung punchline ng post mo. sensya na.

    (maghanap ng translator bago mo basahin ang susunod)

    porque man itu ta prigunta si sabe yo man chavacano? syempre, ta prigunta pa ba se? hinde ba de basilan tamen el dituyu tata poreso mas bweno, manda ya lang itu insinya kunele.hahaha… ispera lang kay hinde payo pwede dale di mi numero ara kay ta ispera pa yo keda high-tech tamen kame aki na monte para chene ya ken pwede ase open-line dimiyo cellphone kay bien triste gayot keda smart y kere yayo kambya na globe.

    labshu tu sis! meri christmas!

    PEPE: ngayon ka lang nakakita? andami kayang gay porn sites sa internet. hehehe… oo na, alam ko namang hindi ka bumibisita sa mga ganun. goodboy ka eh. hanggang hentai lang siguro. ahaha, jokeeee!!! salamat sa pagbati.

    FERBERT: ahahaha… o siya, next time. magreserve ka na ng ticket sa eroplano papuntang mindanao para makapunta ka sa beerday ko next year. dali na, habang may mga promo-promo pa. hahaha… ayokong mag-OB. di ko yata kayang araw-araw na makipag face to face sa iba’t-ibang uri ng keps. umaga, keps. tanghali, keps. gabi, keps. diyos ko, amoy lochia na ako pag-uwi ko ng bahay niyan at baja ayaw na akong tabihan ng mapapangasawa ko, if ever. pero rewarding siya actually kasi siyempre, iba pa rin ang makitang may inilabas kang bagong buhay sa mundo… o siya, pag-iisipan ko. wag mo naman akong dumugin ng sangkaterbang babaeng nabuntis mo ha at baka mapilitan akong magquit. ehehe, joke lang.

    RON: kuya! natawa talaga ako ng nabasa ko yung sinabi mong baka busy nagatatanim ng gulay ang bf ko. hindi ko maimagine, eh, hindi nga iyon sanay matulog ng hindi aircon, ang magbungkal pa kaya ng lupa at magtanim ng veggies? hahaha… next year pa raw dadating yung pakpak ko sabi ni lord. kailangan pa daw kasi ako dito sa lupa, that’s why. salamat sa iyong pagbati =)

    JOYCEE: oo, sa maniwala ka at hinde, mga kaibigan ko talaga ang mga iyan. at eto pa, parehas silang mga duktor. oh, di ba? sinong nagsasabing hindi kami palaharot din tulad ng madami? ehehe… thanks sa pagbati. wala na akong mawiwish pang iba liban sa mga namention ko. ay, meron pala. peace on earth. i thank you. bow.

    ELOISKI: salamat, eloiski! naeksayt naman ako, talaga hahanapan mo ako diyan sa baguio? YESSSSSS!!! kinumpleto mo na ang araw ko. hehehe… sigurado ka bang gusto mong ilista ko ang ang mga gusto ko sa isang lalake? baka kasi magkulang ang space dito sa aking comment box sa haba ng qualifications. hehehe, joke. hindi ako choosy. sparks ang hinahanap ko. and of course, sense of humor…. ayan. yan na ang pinasikling bersyon ng qualifications ko. kung mahanapan mo ako, sigurado, ipapadala ko yung kalabaw namin diyan sa baguio ng mabigyan ka niya ng fresh milk na gusto mo araw-araw. meri christmas din sayo! mwah!

  13. siangelnawalangpakpak Says:

    ALING BABY: salamat po, aling baby! sana lang naman kung 3 out of 4 lang ang kayang ibigay ni lord, pwedeng wag na niyang isacrifice yung first at last wishes ko. baka mawindang ako kung ganun ang mangyayari. hehehe… musta naman diyan sa ibang bansa? meri christmas po sa inyo! =)

  14. thelostme Says:

    kagulat ung dalawang naghahalikan..

    hahaha… dapat kaw ung nikikiss ah..

    hehehe… hapi beerday pala!

    pahinging handa! lols

    sana matupad wish mu..

    meri krismas din pala!😀

  15. Helena Says:

    Dahil yung 2 hindi mo problema. Hindi dapat naghahanap ang mga katulad mo. {insert some bola este compliments here tulad nung nasa unang koment ko}. Yung 3 naman – AKO NA YUN!! Haha.

    Re: sa post ko, kasi sis dok…di pa tapos yun. I mean may karugtong pa. Ginagawa pa. Kaya sana online ka para makita mo kasi special mention ka rin. Mukha kasing tuwing pre-duty ka lang yata nag-oonline. O pag ‘as rilib’ ng sunday. Hehe.

    Waaaah! Nawindang naman ako dyan…tama hanap muna ko translator. Matulungan kaya ko ni google o ni babelfish? Weyt papadecode ko na lang sa angkol ko. Wahahaha.

  16. Akina Bukolmo Says:

    hihi, i wish i was on your birthday.

    At sana rin matupad ang lahat ng nasa wishlist mo.

    As for the pic, hihihihi, no need for words.

  17. hisnameisdencios Says:

    kung ako lang ay gini
    tutuparin ko lahat yan
    lalo na ang bordexam dream
    at
    new prince charming
    =)
    hapi beerday!

  18. taps Says:

    ayos yung picture ah…

    angel, belated.

  19. batopik Says:

    HAKHAK! BELATED HAPPY HAPPY BIRTHDAY NA!
    HAKHAKHAK! AT SAKA ADBANS MERRY CHRISTMAS TREEEEEEEEEE!!!
    WEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!

    HAHAHA. ANG ADIK NUNG PICTURE!!!
    WAAAAAAAAAAAAH!!!

  20. glesy the great Says:

    sa may bahay ang aming bati merry xmas na malwalhati!!! Mamamasko po!!!!!

    wala munang diet-diet.. let go and let’s eat!!!!
    wala munang galit-galit… forgive and forget!!!!
    wala munang malungkot… sit back, relax and enjoy..

    dahil Birthday ni Papa Jesus!!!

    HAPPY BIRTHDAY BJ (baby jesus)!!!
    cheers;p-glesy the great

  21. kosa Says:

    good luck good luck… hahaha
    pahiram nman ng litrato na yan..lols
    ilalagay ko po sa blog ko.. dont worry ililink po kita.. hehehe salamat po! at kitakits

  22. kosa Says:

    added you to my blogroll po!
    see you around


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: