Para Kay HotNurse

Hi!

 

Kamusta na? Matagal na rin mula ng huli tayong nagkita. Wala lang. Naalala lang kita. Katapos lang kasi ng Homecoming sa dating hayskul natin kaya siyempre, ikaw kaagad ang unang pumasok sa isip ko. Ikaw kasi yung paborito kong kasamang nagliliwaliw sa iba’t-ibang booth sa eskuwelahan habang lumalafang ng chicken barbeque at kung anu-ano pang pwede nating ipasok sa mga masisiba nating katawan, habang tila tumatakbo kang kongresman sa dami ng mga dinadaanan nating kinakawayan mo at inaapir na kabrod/kaibigan/kaklase/kamag-anak/dating syota/kaibigan ng dating syota/kababata/kateammate/katong-its/kaaway. Tuwang-tuwa ka pa nga habang kinukuwentuhan mo ako tungkol sa mga dating nagyari sayo ng iyong mga naging syota sa mga kada madilim at pribadong sulok ng eskuwelahan na ituro mo. Wala ka na yatang pinalampas. Halos lahat yata ng sulok ng unibersidad natin ginawa mong motel. Bakit sa akin wala? Ehehe, joke lang. At dahil hindi ko naman trip ang magkomento sa bawat sexapade na ikuwento mo dahil hindi ka naman blog, sige lang ako sa pagnguya ng aking chicken barbeque habang naghahanap ng water fountain, dahil sa kuripot ka at ayaw mong manlibre man lang ng pambili ng sopdrinks.

 

Oo na, inaamin ko, miss kitang damuho ka. Namiss ko ang may kaholding hands noong Alumni Homecoming habang nagpapakalasing tayo kasama ang mga dati mong klasmeyt ng hayskul, na walang ginawa kundi tratuhin kang parang diyos dahil mukhang may bago ka na namang nabiktima. Oo, alam ko yun. Alam kong isa lang ako sa isang daang babaeng ipinakilala mo sa mga kaibigan mo. At kahit sinabi naman natin sa kanilang magkaibigan lang tayo, sa bawat hawak ng kamay mo sa akin, sa bawat pagsama mo sa akin papuntang CR, sa bawat pagtabi at pagtanong mo sa akin kung “Okey lang ako?” eh sigurado akong nag-iisip na sila na malamang nga ay tayo.

 

Hindi rin naman ako magdedeny. Oo, type nga kita. Kamukha mo kasi si Geoff Eigenmann at siyempre, feeling ko naman eh ako yung pinaputot na bersyon ni Nikki Gil pag kasama kita. Pero alam mo, nagpapasalamat na rin ako dahil kahit hindi naging tayo, may natutunan na rin ako dahil sayo. Tulad ng walang ibig sabihin kapag ang babae ay dinadala sa bahay at ipinapakilala sa magulang. Ilusyon ko lang na may meaning yun. Bago kasi kita nakilala, akala ko, kapag ang babae dinadala sa bahay upang ipakilala sa magulang, ibig sabihin nito, gusto ka talaga ng lalake. Leche. Hindi naman pala. Ginawa mo lang yata akong tropeyo sa mga magulang mo dahil sa nars ka at nakabingwit ka ng duktora. At dahil gustong-gusto ng tatay mo ng mga babaeng nakaputi ay pumayag naman akong hindi na tanggalin ang puting blazer ko, kahit sobrang init naman, noong dinala mo ako sa bahay niyo. Sa totoo lang, feeling ko noon, tatay mo yata ang mas type ako kaysa sayo.

 

Naaalala mo ba noong halos nag-away tayo at halos magdrama ka na sa mga tineteks mo sa akin dahil nakipagdate ako sa Intsik na businessman na nakilala ko sa gym? Yung sabi mo muntik niyo nang puntahan ng mga kabrod mo yung discohan na pinagmamay-ari ng kadate ko kung saan kami nagdate, kese hodang may kasamang dalawang bodyguard yung Intsik na kadate ko? Syempre, kilig na kilig naman ako sayo. Kaso, leche ka. Landi mo lang pala yun. Pinaasa mo lang ako sa wala.

 

Bwisit. Ito na nga yata ang epekto sa panliligaw pagpapacute mo sa akin na dinaanan mo lang sa pagpapakain sa akin ng kwek-kwek at balot. Nagayuma mo yata ako. Shiyetness.

 

Kaya noong naospital ang Lola mo at kinailangang operahan, pumayag akong maging watcher ng Lola mo sa ospital. Nagtataka tuloy yung mga nars at mga trabahante sa ospital na kilala ko kung bakit si duktora nagbabantay ng pasyente at halos lahat nag-akalang Lola ko rin ang Lola mo. Halos ikiskis ko na ang aking hinaharap sa paglandi sa mga kakilala kong surgeon sa ospital para lang mabigyan at makumpleto ang sutures at iba pang mga gamit na kakailanganin para sa operasyon ng Lola mo. Umabsent din ako ng isang araw sa klase para samahan ka at ang iyong mga magulang habang inantay nating lumabas ng Operating Room si Lola. Sinabi ko pa ngang Lola ko ang Lola mo sa mga duktor na kakilala ko na mag-oopera sa kanya para pagbutihin nila lalo ang pag-aasikaso sa Lola mo.

 

Tapos, wala. Hay naku. Leche ka.

 

Lumipas na ang isa’t kalahating taon magmula ng una tayong nagkakilala sa Ward 2 at hiningi mo ang cellphone number ko. Ilang buwan na rin ang nakalipas mula ng huli kang nagparamdam. Hindi mo na nga ako nagawang kamustahin magmula ng lumuwas ka ng Maynila, maliban na lamang sa iilang pagteteks mo sa akin upang magtanong ukol sa mga health-related issues: kung pwede ko bang puntahan ang Lola mo sa bahay at insertan ng heplock, kung ano ang pwedeng sakit ng kaibigan mong may lumalaking bukol sa likod, kung ano ang pwedeng ibigay na gamot sa dalawang linggong ubo, kung may kakilala akong duktor na gumagawa ng bypass surgery dito sa probinsya. Pwede ba? Hindi ako Information Agency. Hndi rin ako MIMS/PIMS. Hindi rin ako Red Cross. At mas lalo namang hindi ako telephone directory. Magsearch ka na nga lang sa Google, pwede? At baka sakaling nandodoon lang ang karamihan ng sagot sa mga tinatanong mo. Hindi yung sasayangin mo yung load ko, oras at kakayahan na magagamit ko pa sa mas makabuluhang bagay (tulad ng pagblobloghop) tapos ni magtanong kung kamusta na ako, wala. Palibhasa alam mo namang hindi ako makatanggi sayo. You had me at kwek-kwek kasi.

 

Oo na, inaamin ko. Type pa rin kita, damuho ka, kahit hindi mo naman ako niligawan at hindi naging tayo. Oo na, tanga na kung tanga. Siguro nasa Dubai ka na ngayon at nakikipagsapalaran diyan bilang isang OFW. Wish ko lang, mareyp ka sana ng Arabo. Ang kinis-kinis mo pa naman.

 

Okey. Joke lang yun. Ingat dyan. Lab yu. Uwi ka na dito.

 

P.S. Wag mong kalimutan ang kasunduan natin na kapag 35 na ako at hindi pa ako nag-aasawa eh pwede kitang hingan ng anak. Wag kang ma-excite. Ulol. Invitro fertilization lang ang pwedeng mangyari.

 

P.P.S. At dahil alam kong hate na hate mo itong picture na ito dahil pangit ka dito at maganda ako, itong picture mismo ang ipopost ko sa blog ko. Sori. Blog ko ‘to. Walang pakialaman.

 

geoff-eigenman-and-nikki-gil1 

                    

 P.P.S.

Kasisilip ko lang ng pictures mo sa Friendster. Hindi ka na kasing-cute tulad ng dati. Hindi na kasi tayo laging magkasama. Ahaha. Joke. 

           

 

 

 

 

 

         

27 Tugon to “Para Kay HotNurse”

  1. taps Says:

    Hi nikki. Naks!

    LOL ginawa ka bang MIMS… Alam mo kahit saang sulok at nang bahay ni pia may ganyan, pati kwarto ko meron na rin.

    Ang ganda ng pangarap mo para ke nurse, magahasa sana ng arabo… pitumpu’t pitong ga-upong titi ng arabo. ayan, mas maganda ang pangarap kapag full details.

    hehehe

  2. siangelnawalangpakpak Says:

    TAPS: Hi din sayo, Echo. Hehe… At aanhin niyo naman ni doc pia ang MIMS diyan sa bahay? Kung marami ka niyan, pwede bang paforward ng isa dito sa akin. Nawawala kasi yung MIMS ko. Hindi ko na mahanap sa dami ng nagkalat na libro at photocopy dito sa kwarto ko. Salamat sa mas pinaganda mong bersyon ng wish ko para kay HotNurse. Mas masaya siguro yun. Ahahaha…

  3. rio Says:

    doki,bagay kau ni hot nurse..magkahawig na kau e..hehe

    ” Ito na nga yata ang epekto sa panliligaw pagpapacute mo sa akin na dinaanan mo lang sa pagpapakain sa akin ng kwek-kwek at balot.”
    >>dok, ingat sa balot..matinding gayuma yan..dyan din ako nagayuma e..hehe

  4. siangelnawalangpakpak Says:

    RIO: ahaha… hindi na nga ako kumakain ng balot ngayon. mahirap ng magayuma ulit. hehe, joke. sabi nga rin ng mga kaibigan ko, magkahawig daw kami. sa ospital nga, pag nakikita kami, sabi ko, pinsan ko. hehe… bait ko, no?

  5. kengkay Says:

    hahaha, malakas talaga tama ng kwek kwek, sa totoo lang. ganyan din kami nung mga barkada ko, sabi namin kapag tumanda kaming walang asawa e kami kami na lang din mag holding hands hanggang sa huli. kaso mo halos lahat na e sinswerteng mag asawa. natakot siguro na maging kami kami rin sa huli, hahaha

  6. siangelnawalangpakpak Says:

    KENGKAY: yay… ayokong siya ang maging kaholding hands ko sa huli. maghahanap na ako ng asawa ngayon mismo. hehehehe…

  7. muymuy Says:

    …doc nasa Dubai din ba sya?..yaan mo igaganti kita…hindi ko sya ipapareyp sa arabo kundi sa Camel..hihihi..oh di ba malupit na paghihiganti..hahaha

  8. siangelnawalangpakpak Says:

    MUYMUY: Salamat, muy2x… O siya. Kaw na bahala sa puwet niya ha? Hehehe…

  9. Helena Says:

    Wahaha! Sis dok is dat you..IN LAB!!! In fairness ang ganda mo ha!! Magkapatid nga tayo {pakiss nga sa leps!}

    Seriously, di naman kasi dapat nagpapaniwala kagad sa mga mixed signals na binibigay ng mga ‘damuho’ na yan. Malay mo ba kung ilang babae pinagsabihan nya ng mga “I’m amazed sa lakas ng personality mo” o kahit pa sabihin nyang “Magpapa-alipin ako sayo!” {wahaha,hindi to based on experience!}

    Ang hirap lang sa pagiging babae, ang choices lang is either you protect yourself {w/c means pigilan mo ang nararamdman mo} or bumigay ka {at maitakbo sa ER pag tapos na sya sayo}.

    Pero nagkaron ako ng idea syan sa “mareyp ng arabo” Hmmm..that’s a fitting revenge. Bwahaha.

    {walang halong bitterness ang koment na to}

  10. kirksydney Says:

    Uyyyy inlababo! At yung huling hirit ang pinakapamatay sa lahat eh.😆

  11. p0kw4ng Says:

    is love is in the air?? iutot mo yan angel maalis yan,hihihi!

    may quote dyan si Bob Ong eh….

  12. Akina Bukolmo Says:

    Hahahaha! Ano kayang magging reaksyon ni hotnurse pag nabasa niya toh?

  13. glesy the great Says:

    AHAHA… natutuwa ako pag nagkwekwento ka.. di ko alam kung bakit pero napapansin ko na lang natapos ko na palang basahin yung post mo…

    at para jan sa hot nurse na ya.. gago siya ang mahal-mahal ng mims tapos sya isang txt lang may sagot na siya… cheers;p-glesy the great

  14. marvin Says:

    nyahahahaha! gusto ko tong post na to. relate ang lola! yung sa kahit hindi niligawan, nag-effort pa rin na magfeeling jowa. ahihihihi.🙂

  15. gasti Says:

    akala ko babae yung hotnurse…tsk tsk!

    nagsimula pala sa kwekwek ag lahat. siguro nagayuma ka nga! napanood ko yun sa maalala mo kaya.

  16. Maldito Says:

    hek hek hek,,,,,,indi naman masyado na nararamdaman ko na bitter ka…

    -insert better in time by leona lewis here..

    ahahahhahaa….nikki gil pala…..ako din..kamukha ko si geoff..

    yung aso ng kapitbahay namin..kamusta naman yun?lols..

    get over ka na nga doc!

  17. Akina Bukolmo Says:

    napadaan ulit. di ako nagsasawang basahin ito.

  18. walongbote Says:

    grabe tol. sayang ngat di ka nya niligawan. naudlot na pagiibigan.. talaga kamukha nya si eigenman. wooh. di ko makita muka eh. tinakpan mo din kasi ehehe,.. anyway.. sana magkita pa din landas nyo.. at malay mo maging kayo sa huli🙂 BEST LUCK OF YOU!!!

  19. hisnameisdencios Says:

    hay.. natuwa ako sa post mong it at natawa ako sa koment ni ms.kengks.🙂 neweys dadating din yang tamang tao sayu. malay mo magkabanggaan kau sa isang mall tas dun ulit magsimula? dba?

  20. Kris Jasper Says:

    nakakagayuma pala ang balut? LOL!

    bat pag 35 pa? di nyo na lang gawing 34? para mas maaga? (joke lang po)

    namiss ko rin tuloy bestfriend ko.

    HAPPY WEEKEND, anyway.

  21. potsquared Says:

    parang mahal ko na rin si hot nurse… hihihi

  22. xG Says:

    ayaw ko kay geoff eigenmann
    hahaha

    tanga tanga yang hot nurse
    di ka niligawan?
    sos
    siguro ok na rin yun
    ikaw na lang manligaw sa kanya!
    hahaha

  23. emanzky88.wordpress Says:

    Dok nabagbag naman ang damdamin ko sa post mo yun nga lang masama ka pa lang sumumpa sa mga taong minahal mo pero feeling mo’y ginamit ka lang.

    Sakali man sya ma-reyp ng arabo, di mababahala si hotnurse don….hindi problema lubricant oil!

  24. FerBert Says:

    naks naman.. nainspire tuloy akong magsulat ng bagong entry.. haha

    gumugwapo talaga ang isang tao pag may kasama syang syotang maganda.. bwahaha

  25. Pepe McKunat Says:

    ang galing ng kasunduan ah.
    makipagkasundo ngA RIN ako katulad ng sa iyo.
    hahaha,😆


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: