Daddy’s Little Girl

Ala-1 ng umaga. Galing ako sa beerday ng aking kaklaseng si Naruto. Pagdating ko ng bahay, nanonood ng TV si Pader at siya ang bumukas ng pinto para sa akin.

“Kamusta naman ang party?”

“Okay lang naman, Pa.” Hindi ko na kinuwento sa kanya na nagsiinuman lang naman kami ng sangkatutak na beer at Emperador hanggang sa nagsusuka na ang ilan sa amin, habang nagviVideoke yung iba hanggang sa sumabog yung transformer sa kabilang kanto at nawalan kami ng kuryente. True story.

“Sino ang naghatid sa’yo pauwi?”

Hinatid kasi ako ni Pader papunta ng party. Mas gugustuhin ko naman sanang mag-tricycle na lamang kasi Big Girl na ako subalit, ayon kay Mader, quote unquote “Mag-isip ka ngang bata ka. Tingnan mo yang suot mo. Hala, magpahatid ka sa tatay mo.” Eh, kung tutuusin, naka-off shoulder lang naman ako. Ano naman ang masama doon? Hindi naman siguro malaswang magpakita ng balikat? Kaso, dahil ayokong makipagdebate sa nakatatanda at baka hindi pa ako bigyan ng allowance bukas (yokong mawalan ng pang-load), pumayag na lamang ako. 

Ito ang isa sa mga panahong naisip ko na masaya siguro kung may syota. May drayber ako.

Joke lang! Baka isipin niyo ginagawa ko lang drayber ang mga boylalu ko. No, no,no. Joke lang yon.

“Ah, nakisakay na lang ako sa kotse ng boypren ng kaklase ko.”

“Ikaw lang ba ang walang sasakyan sa mga kaklase mo?”

“Hindi naman. Yung ibang walang sasakyan tulad ko, may mga boypren na nagsundo sa kanila.”  

Tiningnan ako ni Pader na tila awang-awa siya akin.

Ito na. Chansa ko na to. Panahon na para marinig ko sa mga magulang ko na pwede na akong magkaboypren. Dis is it. Aym so eksayted! Halos dalawamput-walong taon ko ring inantay na lumabas sa bibig ng aking ama na handa na silang pakawalan ang kanilang nagkukunwaring dalagang Pilipina  sa kanilang bakuran.  

“Ganun ba? Huwag kang mag-alala anak, balang araw, magkakasasakyan ka rin. Pag-iipunan natin yan.”

Si Pader talaga. Mas gugustuhin pa atang mamulubi kami at tumanda akong dalaga kaysa payagan niya ang panganay niyang magkasyota. Hmp!

23 Tugon to “Daddy’s Little Girl”

  1. eloiski Says:

    adeeeeeeeeek!
    bwisit kala ko payag na siya!
    ganyan din erpat ko eh!
    pero masaya ako sa bagay na istrikto sila!
    sila naghatid sa akin papunta sa debut nung bestfrend ko!
    syempre nakadress kaya talaga ihahatid ako!
    buti an lang may sasakyan kami! at may escort na rin, si papa ko!
    wapak!
    okey lang ya ate, hindi ka nag-iisa, ako rin single!
    wapakkkk!
    saya ng life! saya maging freeeeeeeeeeeeeeee!

  2. rio Says:

    ahahaha…kala ko papayag na si pader na magka boyps ka..
    ganyan ata talaga ang mga tatay..sobrang protektado sa mga anak na babae…ganyan din tatay ko..kahit nga 26 na ako..tinatanong pa din kung bakit late ako umuuwi…ok lang sana kung mga alas dose ako dumadating ng bahay e, e kaso, 7pm palang yun…hello????

  3. p0kw4ng Says:

    hay di ko alam kong dapat kong ipasalamat at kasama na ni Papa J ang aking fudra…walang ganyang tanong tanong..pero mahirap din kasi walang tagapag tanggol na parang si Shaider!

    apir sa mga walang boylet!

  4. hisnameisdencios Says:

    bigla ako natawa sa huli pero medyo nalungkot ng konti.
    e kasi naman ay masyadong istrik si pader lalo nat alam ko
    naman na anak ko ay responsable naman talaga.
    mahal ka lang siguro ng iyong ama/magulang =)

  5. Helena Says:

    eh kung pumapayag na lang ba eh di ka sana napupunta sa mga, ehem. Wala nga pala akong alam sa lablayp mo..ehem ulit. wahahaha.

    anyway, ako hindi pinayagan dumeretso pa rin. Ng mahuli ako sa edad na bente, eh buong gabing naglasing si zeus. Ano ba namang mairereklamo nya eh pagkalipas ng pitong taon. Eto nga at tigang single {walang asawa} pa rin. Ako naman ang kinukulit nya ngayon…may balak ka pa bang mag-asawa????

  6. Cindyrella Says:

    diyos ko naman.. ilang taon ka na ba at bakit di ka pinapayagan? hmm.. tulad ni helena, bawal din ako pero ano ba magagawa ko? masama bang magmahal? (gosh!)

  7. kirksydney Says:

    Wahaha ayos si Erpat mo. Mas willing pa gumastos sa kotse kesa pakawalan ka.😆

  8. joshmarie Says:

    nakow ang mga tatay talaga. hehe. uberprotektyib.😉 pero ok na yun kesa naman dun sa mga walang pakialam. hehe.

    -natawa akop ng bonggang-bongga sa comment mo atey. nawala ng dizziness ko. hahahaha. baet si dong te.🙂 at kapag nasa africa ka na sama mo ako, ako side kick mo. hehe

  9. Pepe McKunat Says:

    mahirap makawala sa taong di handang magpalaya.
    baka gusto niya syotain mo na lang iyong kotse.😆

  10. Kris Jasper Says:

    ganyan talaga mga Fathers. LOL.
    maghanap ka na lang ng BF na ang names eh BMW, or Benz, or KIA para tunog sasakyan

  11. taps Says:

    ayos si pader dear mo ah hehehe

  12. Geisha Says:

    jusko! ano ba mare.. dapat may mag-asawa ka na! wag mong paniwalaan pader mo.,,, take it from me mare…

    i swear! kawawa matris mo! hehehehe😀

  13. MARU Says:

    mag syota ka ng isang car dealer at baka pumayag si erpat mo na makapag syota ka na. lol!

  14. brotherutoy Says:

    iba pala pag babae ano? nagpapaalam pa. atsaka bakit ganun, magkakakotse ka na nga eh malungkot ka pa.

    bakit ba kasi kailangan pang ipagpaalam ang pagboboyfriend. bukas na bukas din eh ihahanap kita ng boyfriend at sasagutin mo agad, wokey? wala nang paa-paalam pa! gusto mo seminarian, doc?

  15. taps Says:

    si bro utoy kumakarir oh!

    yihee hehehe

  16. kingdaddyrich Says:

    seminarian at med.. magandang kombinasyon.😀

  17. kengkay Says:

    wehehehe, naisahan ka ng tatay mo ano? ganyan din si kengkoy sa mga little kengkays, haha

  18. walongbote Says:

    mukang naawa nga talaga dun ang iyong pader dahil wala kang kotse at hindi dahil sa wala kang bf.. ahihi.. nakakatuwa father mo, ang galing ibahin ang usapan ahehehe.. ako din kagabi galing inuman.. :p

  19. Matahari Says:

    Natutuwa ako sa blog mo, really.

    As for this post, hmm, i wonder what my own dad will say sa lifestyle ko ngayon.

  20. Helena Says:

    sis dok, ang bussssy mo ha!!! Ni-tag kita..gawin mo ha! Dali na magkapatid naman tayo eh..ay weyt eh di kapatid ko na rin si utoy!?

  21. siangelnawalangpakpak Says:

    ELOISKI: Ahaha. actually, hindi ako single. out of town kasi si boypren kaya walang pwedeng maghatid sa akin sa party kung hindi si Pader.Hindi ko lang talaga pinapaalam sa Pader ko na may boypren na naman ako, hanggang sa papayag na talaga sila o di kaya’y kinakailangan na talaga nilang malaman =)

    RIO: mas worse pala ang Pader mo kaysa sa akin, ate. at least naman ako, tumatawag lang sila sa akin para umuwi pag lumalampas na ako ng alas-dose. alam mo na, cinderella. hehehe..

    POKW4NG: naku, sori to hear about your pader, ate. pasalamat na lang ako kahit strrict si pader eh, buhay pa siya at payag pang ipagdrive ako saan-saan.

    HISNAMEISDENCIOS: hmmm… ang tanong: isa nga ba akong responsableng anak? hehehe…

    HELENA: hahaha… actually, inggit ako sayo at sa mga kaibigan ko kasi kayo tinatanong kung kelan mag-asawa. actually, halos lahat ng mga tao yata maliban na lang sa mga magulang ko ay nagtatanong rin sa akin ng ganyan.

    as for your tag, wait lang dahil sa studio pa ako magpapapicture. joke.

    CINDYRELLA: girl, magtu-28 na ako!!! dalawang taon na lang, 30 na. hanggang ngayon, puros tago pa rin o di kaya’y napipilitan lang tanggapin ng Pader ko ang mga naging boypren ko. hayyy… by the way, pwede modify mo naman yung choices ng comment box mo? para allowable yung NAME/URL kasi yun ang karaniwang ginagamit ko pag blogspot ang kokomentan ko. ayan tuloy, hindi ako nakakakomment sa blog mo.

    KIRKSYDNEY: at least, alam kong mas malaki ang value ng pagiging dakilang alalay ko sa mga magulang ko kaysa sa isang brand-new na SUV. consuelo de bobo ko na lang yun.

    JOSHMARIE: sige, josh. ikaw yung sidekick ko sa africa. taga-dala ka ng aking isang gallon na ng distilled water habang nagcrocross tayo ng disyerto. maggym ka na mula ngayon ok? hehe, joke.

    PEPE MCKUNAT: may strategy nga ako eh. hanap ako ng syotang may dalawang kotse. akin yung isa. hehehe… joke lang. ayokong magkasyota ng mayaman. kidnapable yung mga ganun dito sa amin.

    KRISJASPER: BENZ. parang ang astig siguro ano kung ganun ang pangalan niya? tapos sumasakay lang kami ng public utility jeepney o di kaya’y tricycle.

    TAPS: oo, ayos talaga si Pader. parang ayaw akong bitawan. hmpf!

    GEISHA: paminsan nga pag tahimik ang paligid, pinapakinggan kong umiiyak ang aking matris. naghahanap na ng magpupuno… hahaha. shiyet. understatement na ang sabihing my lecheng biological clock is ticking.

    MARU: naku ate. wala akong kakilalang car dealer. kung meron lang, why not? at least, discounted kaagad si father, di ba?

    BROTHERUTOY: uy, bro. hindi ko alam match maker ka na pala ngayon? wat a career. hehehe… actually, hindi ako nagpapaalam ke pader. nagkasyota na rin naman ako. hehehe. gusto ko lang marinig sa kanya na pinapayagan na niya ako sa wakas. iba pa rin ang may blessings ng magulang, ika nga.

    kaso kung seminarian ang itotoka mo sa akin, siguradong maguiguilty naman ako kung makikipag-agawan pa kami ni GOD sa kanya, di ba? mas gugustuhin ko pang makipagkumpetensiya sa bading o sa isang supermodel para sa pag-ibig ng isang lalake, wag lang kay papa jesus.

    i’m afraid… hehehe…

    KINGDADDYRICH: seminarian+med = healthy at religious! naks. wat an astig na combination. hehehe…

    KENGKAY: sa ganda ba naman ng mga little kengkays mo ate, hindi na ako magtataka kung hindi maging istrikto ang asaaw mo sa kanila. gudluck na lang pag nagsimula ng magdalaga at lumandi ang mga iyan. hehehe…

    WALONGBOTE: wala talagang kuwenta si pader. ayaw akong pakawalan. huhuhu…

    MATAHARI: thanks sa pagbisita. kung ako si pader mo, magtago ka na at baka atakihin ako sayo. hehe, joke lang. take care.

  22. Helena Says:

    CINDYRELLA: by the way, pwede modify mo naman yung choices ng comment box mo? para allowable yung NAME/URL kasi yun ang karaniwang ginagamit ko pag blogspot ang kokomentan ko. ayan tuloy, hindi ako nakakakomment sa blog mo.

    korek! korek! yan nga sinasabi ko kay cindy. Sinagot ba naman ako: “okay lang yun link mo na lang ako.” Leche ililink kita tapos di mo ko papakomenten! Wahaha. Sige na cindy plsssssss.

  23. glesy the great Says:

    hmmm…. parang naalala ko ang tatay ko sa tatay mo… kaya lang ang pinagka-iba natin bunso ako panganay ka.. ahehe.. cheers;p-glesy the great


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: