Para sa Bespren Kong Lasing

Pare,

 

Ewan ko ba kung bakit naisip mo pang sayangin ng panahong iinom sa limot yang syota mong walong taong binilog ang iyong ulo. Kung tutuusin, antagal mo ng tanga at pumayag ka pang tatlo kayong gelpren niya. Kay tagal ko nang sinabi sayong unahin mo nang makipagbreak dahil sigurado naman akong yun din ang kahihinatnan nang lab story niyo pero hindi ka talaga nakinig. Gwapo nga siya, oo, pero ansama naman ng ugali. Ikaw lang ata ang nakakaalam kung ano ba talaga meron siya at hindi mo siya nakuhang iwanan. Hindi naman siguro dahil sa lagi ka niyang pinapakain ng Purefoods hotdog itlog na alam kong paboritong-paborito mo. Ginayuma ka ata ng damuhong iyan.

 

At ngayon, nang nakipagbreak siya sa yo, nagulat ka pa. Heller! Antanga mo talaga. Gusto mo pa siyang kulitin at hingan ng explanation. Para ano? Eh, sigurado naman akong kahit sampung beses pa siyang mag-explain sayo eh, hindi ka pa rin makukuntento hanggang sa papayag siyang muling makipagbalikan sayo. Dahil alam kong yun naman talaga ang gusto mo, di ba?

 

Pare, bigyan mo naman ang sarili mo ng dignidad. Ang talino mo. Ipakita mo namang matalino ka nga. Halika, uminom tayo. Hindi upang makalimot. Pero upang iselebreyt ang iyong pagkalaya. Hindi iyang halos walang preno ang paglagok mo ng serbesa. Depressant ang alcohol. Hindi siya amnesic (amnesthic? anasthetic? amnesthetic? ah, ewan). Kaya kahit sampung taon kang uminom diyan, hindi magagawang ibaon sa limot ng alcohol ang mga nangyari sa inyo ng syota mong manloloko. 

 

Ayan tuloy. Sa sobrang kalasingan mo, hindi mo na alam ang nangyari sayo kagabi. Ikwento ko sayo:

 

Bwaaarrkkkk…

 

“Hoy pare, okay ka lang?”

 

Bwaaaarrrkkkk…

 

Habang nakaupo ka sa maruruming tiles sa sahig ng isang kilalang restaurant, niyakap mo ang toilet bowl na parang ito ang iyong matagal nang nawawalang kaibigan.

 

Bwaaaarrrrkkk…

 

Kumalat ang nakapandidiring halo-halo mula sa tacos, serbesa, mani at ang iyong hapunan sa sahig at dingding ng maliit na kubeta, na tila isang di pinahalagahang produkto ng sining. Yung residenteng duktor na kaibigan natin at tanyag sa kilalang pampublikong ospital dito sa atin? Ayun, kumuha ng mop at nagmistulang isang dyanitor habang kanyang pinunasan sa sahig ang mga isinuka mo.

 

Bwaaarrkkkk…   

 

“Pare, okay ka lang diyan?”

 

Bwaaaarrrkkkkk….

 

 

 

Ang kumuha ng Dean’s Award sa aming eskuwelahan ay sa wakas nakatagpo na rin ng kanyang katapat.

 

At ang kanyang pangalan ay San Miguel Strong Ice.

 

 

 

 

P.S. Base sa aking karanasan (o, kung may magviolent reaction diyan, at least sinabi ko namang, base sa aking karanasan ito. Maaring iba ang karanasan niyo sa akin), hindi masyadong nakalalasing ang ordinaryong beer kung ikukumpara sa iba pang mga hard drinks. Pero kung mabilis mo itong iniinom na parang may humahabol sa yo at galaw ka ng galaw na parang may kitikiti sa puwet, mabilis mo ring mararamdaman ang epekto nito.    


17 Tugon to “Para sa Bespren Kong Lasing”

  1. eloiski Says:

    uy syet una ako!
    napakamartyr naman nya pare!
    pwede na siyang barilin sa luneta sa pagiging martyr!
    mahirap din talaga pag tinamaan ng tinatawag nilang lab!
    ay basta ako aym stil a child!

  2. mangbadoy Says:

    ang tanga naman ng pare mo… napakarameng lalake sa mundo at ang itsura nawawala din yan pag dating ng panahon kong natikman nya yung lalake tama na yun… atleast quits lang sila…

  3. Pepe McKunat Says:

    dapat mga ganyan, sinasako sa MEDYAS.
    tapos dalin kay SANTA CLAUS.
    malalagpasan din nya iyan.

  4. brotherutoy Says:

    ganyan talaga… in love eh.

    moral lesson, kung maglalasing ka lang, magbaon ng burpbag para di mabuko ng lahat na di ka talaga nagda-diet.ü

  5. yeye Says:

    bwaaaaaark

    joke lang. doc, hindi ako uminom dahil sa breakup namin. ayaw ko nga. hahahaha

    hi doc!

  6. p0kw4ng Says:

    naiintindihan ko sya,hihihi…ganon talaga yata pag inlab nawawala sa sarili..nagiging engot kahit na nakikita na ang mali!

    makakayanan din nya yan..kahit anong sugat sa una lang masakit..pasakit na ng pasakit habang tumatagal,hehehe

  7. Helena Says:

    pag may masakit…may masarap.

    yun lang ang motto ko sa buhay…period!

  8. kengkay Says:

    weeee, ayaw ko ng ganyan, hahaha. minsan kasi may mga taong mas gustong masaktan muna sila bago makita nila kung ano talaga ang katotohanan, hay buhay! at least andyan ka para sa kaibigan mo, yun nga lang, ewwwsss😀

  9. teresa Says:

    sana maging okay na friend mo doc.
    lets drink to that! cheers!
    hehe..joke lng.😆

  10. hisnameisdencios Says:

    astig ang post na to parang naramdaman ko ang pagkalasing,
    hala…
    ganyan talga ang pagibig
    nakakatanga..
    nakakabobo..
    pero wala e,
    masarap kasi ang feeling kahit masakit.
    pero mukhang depressed na iyan.
    parang 2 case ata ang nainom.
    easy lang kamo…
    lol

  11. cindyrella Says:

    grabe naman.. masarap ba yung itlog na pinapakain sa kanya.. i mean siguro talagang nagayuma nga yung pare mo. yaan mo dadating din yung tym na makakalimot din siya at tatawanaan ang mga nangyari sa kanya.. ^^

    nakikidaan lang!

  12. rio Says:

    kawawa naman si bestfriend…
    sana maging ok din sya…
    kamo, hahanapan mo sya ng mas pogi..

  13. joshmarie Says:

    sana maging ok na si bespren mo. nanagyayari talag sa totoong buhay ang ganyan. hehe.🙂

  14. marvin Says:

    kulet naman nya. anyway, just be there for your pare. kahit na hindi sya makinig sa pangaral mo sa kanya, importante pa rin na merong makikinig sa kanya. sa ganitong pagkakataon kase, fragile sya and would really need some comfort and assurance from people like you. so, just stick around and huwag mapagod makinig at magpasensya para sa pare mo.

  15. FerBert Says:

    sa wakas malaya na ang ibon.. fly fly fly

    regaluhan mo sa pasko para di na sya malungkot

  16. lunes Says:

    naku.. mahirap tlaga atang magmahal.. kahit mali na ung tao,di mo pa rin makuhang magalit at iiwan..

    at ang alak naman.. maging hard man o simpleng beer, kapag uminom na gutom, puyat at dalidali.. traydor tlaga.wehehe..

    TC!!!

  17. kingdaddyrich Says:

    based on personal experience? hi hihi.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: