Hey Joe… Wanna Have Some Fun? Part 2

Definition of terms:

 

Habal-habal – motorsiklong nakakasakay ng 4-6 na pasahero sa isang sakayan. Karaniwang mode of transportation sa mga probinsyang bulubundukin. Presko, exciting at may libre pang anghit ng drayber habang ineembrace mo siya sa kagustuhang hindi ka mahulog habang paakyat ng bundok ang motorsiklong iyong sinasakyan   

 

 

 

Noong third year ako sa medskul, isang 28 year old na gradweyt ng isang medskul sa Amerika na may dugong Intsik-Bumbay-Pinoy ang sumama sa klase namin sa aming paninirahan ng isang buwan bilang bahagi ng aming pagcocommunity immersion sa probinsya. Kung inyong tatanungin bakit sa pipitsuging eskuwelahan namin sya nagpunta, na kung tutuusin ay mas marami namang mas bigating medskul sa ibang sulok ng Pilipinas, ang masasabi ko lang ay walang kinalaman ang galing ng faculty at ng mga estudyante (kasi hindi naman) sa medskul namin sa kanyang desisyon. Nagkataon lang na eskuwelahan namin ang unang sumagot sa liham niya.

 

Itago natin siya sa pangalang Joe.

 

Hindi mukhang foreigner si Joe. Kung tutuusin, mukha lang siyang karaniwang Chinoy na geek. Bago pa man namin siya nakita sa personal, at nabalitaan na naming magkakaroon kami ng bisitang taga-ibang bansa, samu’t-sari na ang aming mga expectations sa kanya, tulad na lamang ng sumusunod:

 

a. Kasinglaki siya ng reprigerator – sabi ng kaklase kong kuripot at ganid sa pagbigay ng kanyang share sa aming pang-grocery

 

 

b. Baka hindi siya kumakain ng rice – sabi ng kaklaseng laging nakatokang magsaing, dahil kanin lang ang alam niyang iluto

 

 

c. Kamukha niya si William Hung – sabi ng kaklase kong bading na uhaw sa mga gwapo. Salat kasi sa gwapo ang batch namin. Mga feeling gwapo lang, marami.

 

 

d. May polio siya at naka-wheelchair – sabi ng kaklaseng idol siguro si Stephen Hawking (Trivia: Amyotrophic Lateral Sclerosis ang sakit ni Hawking, at hindi polio. Kung ano man yun, i-google niyo na lamang. Wala akong panahong maglectyur)

 

 

e. Makapal ang mukha niya kasi walang hiya naman ang karaniwan sa mga foreigners – sabi ng kaklaseng may galit siguro sa mga foreigners. Ewan ko lang kung bakit.

 

 

f. Chansingero at nanghihipo siya ng mga babae – sabi ng kaklaseng gusto yatang magpahipo. Ayayay!

 

 

g. Gwapo siya – sabi ng kaklaseng nangangarap na makabingwit ng boypren na isteytsayd

 

Una sa lahat, hindi po siya gwapo. At hindi rin siya nakawheelchair. In fairness, mabait naman siya.

 

 

Limang araw lang kami sinamahan ni Joe sa probinsya.. Buti na lamang ay koboy ito at dati yatang Boy Scout kung kaya’t sanay sa pag-aakyat ng bundok. Nakahiking boots lang naman siya habang de tsinelas na goma lang naman ang gamit namin. Hindi rin siya umalma ng makitang tabi-tabi kaming lahat sa banig sa sahig lang natutulog. Tuwang-tuwa siyang makasakay ng habal-habal kahit halos mahulog na siya mula sa motorsiklo, at oo, pinagtripan namin siyang pakainin ng galunggong at tuyo kahit na chicken at gulay naman ang karaniwan talaga naming kinakain nung wala siya.

 

 

 

 

ganito-kami-matulog-sa-bhs1

 

pa260087

 

Si Joe at ang aking mga kaklase habang sakay ng tricycle. Walang ganyan sa Tate!

(Sinadya kong takpan ang pagmumukha ng aking mga kaklase dahil wala silang alam na ipinost ko sa Internet ang letrato nila. Ehehe…)

 

 

Paborito niya ang magpictyur-pictyur dala ang kanyang walastik sa pagka-hitech na camera at siyempre, tuwang-tuwa naman kaming ibenta ang sarili namin sa pagpopokpok ng aming mga pagmumukha sa harap niya kahit na mas interesado pa siyang kunan ang mga puno ng niyog, mga kambing na nanganganak at mga trabahador ng kopras kaysa sa aming mga mala-Redtube na pagpoposing-posing.

 

Madalas namin siyang binibiro. Palibhasa, parang matanda kung umasta. O baka naman siguro dahil isip-bata lang kami kumpara sa kanya. At sa kagustuhang mapa-belong sa amin, ginagaya-gaya niya ang ginagawa ng isa sa mga boys ng grupo, si FunnyBoy. Ewan kung tayp ba niya ito o iniidolo lang. Kung saan kasi pumunta si FunnyBoy, sasama din siya. Nung inutusan kong mamalengke si FunnyBoy sa bayan, sasamahan daw niya. Nung hindi kumain si FunnyBoy ng tanghalian, hindi rin siya kumain. At nang hindi naligo si FunnyBoy pagkatapos naming magswimming sa dalampasigan dahil sa tinamad mag-igib ng tubig sa poso, ay hindi na rin naligo si Joe.

 

Kaya ayun, nangati siya pagkagabi dahil kapit pa sa mga singit-singit niya ang buhangin at lumot galing sa beach.      

 

Sinamahan niya rin kami sa unang buwan namin ng clerkship at doon nahalata talaga namin kung gaano ka magka-iba ang mga setudyanteng-duktor ng Tate at mga estudyanteng-duktor ng Pilipinas. Kung kami ay kaya naming mag-eksamin ng pasyente ng wala pa sa limang minuto, si Joe ay umeeeksamin ng pasyente ng halos 30 minuto. Ewan ko kung dahil lang ba iyon sa language barrier o di kaya’y dahil sa kung anu-anong pag-eeksamin na hindi na kakailanganin ng pasyente ang kanyang pinaggagawa. Magaling talaga siya at tulad ng nakikita niyo sa Greys Anatomy, willing din siyang makipag-agawan ng pasyente. Kung tutuusin, dito sa Pilipinas, karaniwang gawain ng mga residenteng duktor ay kung pwede mong ipasa ang isang pasyente sa kabilang departamento, gagawin mo. Excited na excited din siya pag nakakita ng mga pasyenteng may dengue at tuberculosis habang kami naman ay halos isuka na dahil sa sobrang sawa ang mga pasyenteng dinudumog sa hospital na may ganoong mga sakit. Siyempre, wala kasi masyadong ganun sa Tate. Malas niya nga lang dahil sanay siyang magdiagnose ng mga sakit gamit ang mga bigating laboratory at diagnostic machines na sa CSI: Las Vegas ko lang nakikita habang dito sa Pinas, kadalasan, utak mo lang at ang iyong five senses lang ang kailangan mong gamitin upang malaman kung ano ang sakit ng pasyente, lalo na dito sa amin sa bundok.

Pero siyempre, talong-talo talaga kaming mga kaklase kong duktor sa graduate thesis niya ukol sa biochemical markers for diagnosis of Myocardial Infarction in the Emergency Room kung ikukumpara sa aming mga ismol-taym na graduate thesis. Halos magkunwari na nga lang kaming bingi dahil ayaw naming sagutin ang tanong niya noong tinanong niya kami tungkol sa aming graduate thesis dahil ano ba naman ang masasabi ng mga research namin  ukol sa Tuberculosis, Breastfeeding at Natural Family Planning kung ikukumpara sa kanyang Biochemical markers? Baka sabihin niya pa kaming pangbukid lang ang beauty namin.

 

Siyempre, dahil hindi marunong magsalita ng Tagalog si Joe, kinailangan namin siyang kausapin ng Ingles. Doon ko nalamang ang hirap palang makipagkuwentuhan sa isang tao ng purong Ingles. Kahit na kumportable naman ako sa pagsasalita ng Ingles sa tuwing may mga oral recitation sa klase at endorsements sa hospital kung saan hindi ako confi sa sagot ko, o di kaya’y nakikipagtapunan ako ng mga salitang Ingles bilang intimidating tool sa mga watcher ng pasyenteng pinagdududahan at nilalait ang aking kaalaman sa panggagamot dahil siguro sa mukha akong batang pwede nilang tulak-tulakan, napatunayan kong iba pa rin talaga pag normal na kuwentuhan ang pag-uusapan. Napapaisip ka sa bawat paksang iyong bubuksan at gwardyado ang bawat salitang lalabas sa iyong bibig. At dahil hindi naman Ingles ang aming pangunahing lengwahe sa tuwing magkakasama kaming magkaklase, mahirap talaga ang magbiro gamit ang Ingles. Napapatigil ka, napapaisip at maraming beses ay maraming mga silent moments in between kung saan nagkukunwari ka na lang na magteteks kahit wala ka namang load habang siya naman ay parang tangang aliw na aliw sa ingay ng mga kuliglig at mga palakang naghahappy hour.

 

Sa unang araw niya pa lamang kasama kami, naubos na yata ang Ingles namin sa kanya.

 

Kung tutuusin ay nakakaintindi naman pala siya ng konting Tagalog.

 

  

14 Tugon to “Hey Joe… Wanna Have Some Fun? Part 2”

  1. brotherutoy Says:

    naks, ang gwapo pala kay Doc eh yung kamukha ni William Hung. Para tuloy gusto kong mag-SheBangs…ü

  2. hisnameisdencios Says:

    ang cool naman. natawa naman ako dun saexpectations nyo sa kanya. hehehe. komedi lang. lols. natawa din ako sa comment ni Brother. =) padaan na po lagi ha. tenchu🙂

  3. Helena Says:

    asan si Joe hindi ko makita? Leche talaga ang dial-up na to. Bubong lang ata ng habal-habal ang nakikita ko.

    Doc taga zambo ka ba (sabi ng feedjit)? Nakapunta na ko zambo and basilan. San ka dun?!

  4. p0kw4ng Says:

    hahaha..habal habal pala ang tawag don..may nakikita ako nyan sa amin..yung mga byahe papunta sa baryo…nakatayo na ang driver sa unahan ng motor,hihihi

  5. kengkay Says:

    heheeh, bigla kong na alala ang aking mga sleep overs kasama ng mga makukulit kong kaibigan na ayaw magsitulog. nung elementary din ako may bagong klasmeyt kaming merkana .. tisay talaga at blonde. hindi marunong mag tagalog. at dahil mabait si kengkay e inampon ko sya, kaya lang nung naubusan ako ng inglis e pinamigay ko din sya, hahaha

  6. utakmunggo Says:

    nakakatuwa talaga ang mga expectations natin sa mga taga ibang bansa. eh ako nga noong tumuntong dito, malay ko bang may mga pandakekok ring ingles ano? hahaha

    natawa ako dun sa william hung at sinlaki ng reprigerator. haha.. alam kaya niya yung mga pinagiisip nyo bago siya dumating?

    xXx

    doc my imbitasyon ako para sa iyo. sana maka-attend ka: http://purokareklamowalakangkwenta.blogspot.com/2008/11/pilipinas-kong-mahal.html

  7. FerBert Says:

    hahaha

    community immersion kung saan nagsiitiman kame at gumamit ng cr na pwedeng pwede kang masilipan..

    haha.. memories..

  8. utakmunggo Says:

    akismet! ilabas mo ang kumento ko! doc, nilamon ni akismet ang brilliant comment ko. wala na. eto nang kapalit. walang saysay. oh hinde!!!

  9. brotherutoy Says:

    hehehe… sabi ni akis sa comment ni UM: Yum, yum!

    nakikigulo lang…ü

  10. walongbote Says:

    ako din kami ng mga friends ko natutulog magkasma.. may lalake din pero wla namang malisya yun.. nakakamiss tuloy.. may mga gf at bf na sila.. di na yun mauulit.. unless magbreak sila.. hahaha,.,.

  11. siangelnawalangpakpak Says:

    BROTHERUTOY: wag ka ng kumantang shebangs, bro. baka magka-crush pa ako sayo. ehehehe…

    HELENA: si joe yung kaisa-isang hindi natakpan ng itim yung mukha… langya kang bata ka, binisto mong ako. hahaha. basilan ako, kaya maghunusdili ka at baka ipakidnap kita. joke! joke! joke!

    KENGKAY: naku, ate. hindi po yan sleep over. kasi halos sampung buwan kaming magkasama. parang lampas na yata sa simpleng overnight ang ganyan.

    FERBERT: may ipopost akong picture ng CR namin sa community next time. ang saya mag-CR. parang gusto mong magtiis na lang na huwag mag-CR ng isang buwan.

    UTAKMUNGGO: ahahaha… nilalamon na pala ngayon ang mga komento? hehehe. well, sana nabusog siya.

    BOTHERUTOY ULI: ikaw talaga. parang burger ata yung kinain ng akismet at hindi comment.

  12. siangelnawalangpakpak Says:

    DENCIO: thanks sa pagdaan. dadaanan din kita lagi.

    POK4WANG: opo. habal-habal nga iyon. nung isang beses, sa harap ako ni manong driver pinaupo. mukha kaming magsyota dahil halos naka-embrace na si manong sa akin. sayang nga, wala akong picture nun.

    WALONGBOTE: may mga gf at bf. hmmm… katakot kung isipin kung ano ang nagagawa ng mga gf at bf na nagkakasasma pag overnight. ahahay! joke lang. i’m sure mga behaved ang mga friends mo. hehehe…

  13. eloiski Says:

    hahaha!
    ang tindi ng mga expectation niyo.
    sabagay ganyan rin kami.
    basta kapag poreynor eh naiisip namin maputi tapos matangkad.
    bonus na lang kung gwapo.
    pero dito sa amin ang daming koreano’t koreana.
    sarap sapakin!
    hahaha!

  14. Helena Says:

    wahaha dok. are you syur? baka magkamag-anak pa tayo. Baka ako ang nawawala mong kapatid. Dyan nanggaling ang aking ama. Halata naman sa way ng pagpapalaki nya sa amin devah?! At aminin halata sa ugali nating dalawa. hehehe

    sa aming iskul din nakakasawa ang mga poreyner na yan. United colors of benengton – may taiwanese, koreanese, japanese ,indianese atbp.
    Ang badtrip lang special treatment sila. Hay ang pinoy talaga…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: