Hey Joe… Wanna Have Some Fun? Part 1

 

Noong Grade 5 ako, isang Amerikanong blondie na nangangalang Josh ang nag-enroll sa eskuwelahan namin upang pumasok ng ilang araw ng klase namin sa Filipino. Dahil sa ganap akong petite (pinagandang bersyon na tawag sa mga pandakekok), sa may first row ako nakaupo at dahil sa gusto siyang bigyan ng special treatment ng teacher namin, sa first row rin siya pinaupo, doon sa tabi ko.

 

Dalawang linggo lang namin siyang nakasama, kung kaya’t dalawang linggo ko rin siyang naging seatmate. Siyempre, ang iisipin niyo, naging sobrang close na kami sa dalawang linggong yun dahil wala siyang ibang pwedeng maaasahan at hihingan ng tulong kung hindi ako, at malamang nainlab siya sa akin at napag-isipan niyang magpaiwan na lamang dito sa Pilipinas dahil andito ang tunay na itinitibok ng kanyang pusong gatuta.

 

Mali. Ilusyon ko lang yun.

 

Sa pagkakaalala ko, sa dalawang linggong kaming dalawa ay naging seatmate, iisa lang ang nasabi ko sa kanya.

 

“Hi.”

 

At siyempre, ang sagot niya… “Hello.”

 

Ang galing no? Tinuringan pa naman akong MATALINO.  

9 Tugon to “Hey Joe… Wanna Have Some Fun? Part 1”

  1. mnel Says:

    wala man lang “how are you?” haha.

    aminin mo kinilig ka nun.😛

  2. siangelnawalangpakpak Says:

    oo na po, doc. inaamin ko, kinilig ako dun. yikee!!! malas lag ni josh at hindi pa ako marunong lumandi ng mga panahong iyon.

  3. Pepe McKunat Says:

    nakakatuwa ah.
    maxado kang naging SPEECHLESS!
    pero parang ganyan din ako.
    kaso makakausap ko siya pag tatlo kami o higit pa.😆

  4. ka bute Says:

    ano kaya ang part 2 nito?🙂 nagkita ulit kayo after ng mahabang panahon? wow parang pelikula. exciting ‘to🙂

  5. siangelnawalangpakpak Says:

    PEPE: yung “Hi” na yon ay sinabi ko ata noong may kasama kaming tatlo o apat pang ibang mga kaklase. pag kaming dalawa lang, wala talaga.

    KABUTE: sa kasamaang palad, ay hindi na kami nagkita. kinalimutan na niya ako. nakapag-move on na siya.

    ansakit…

  6. taps Says:

    panalo ka talaga angel.🙂 idol.🙂

  7. siangelnawalangpakpak Says:

    TAPS: salamat. kahit hindi ko naman alam kung bakit mo ako iniidolo =)

  8. eloiski Says:

    pucha!
    dapat kinausap mo at maging periteyl ang laypnes mo!
    amp!
    if there’s an opportunity, grab it!!!!!!!!!

  9. siangelnawalangpakpak Says:

    isa kasi akong dakilang torpe nung nasa elementary ako. paglaki ko, saka pa kumapal ang mukha ko. pero torpe pa rin paminsan, hehehe…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: