Ang Bunso Kong Lumalaking Manyakis

Mahal ko ang kapatid kong si BBBro.

 

Adopted si BBBro. Hindi siya iniwang nakabalot sa loob ng makapal na kumot sa harap ng labas ng pintuan  ng bahay namin o di kaya’y natagpuang nakaanod sa loob ng isang basket na palutang-lutang sa malapit na ilog na parang si Moses. Ang kanyang ina ay isang disgrasyadang tumakas sa kanilang pamilya sa probinsya, dating katrabaho ng aking tiyahin noong nagbakasyon siya sa Cagayan. Natatandaan ko pa noong Grade 6 ako at tumira ang kanyang ina sa aming pamamahay. Nagising na lang ako isang araw at may bagong kapapanganak na sanggol na sa aming bahay. Nanganak pala ang bisita. Maliit na babae lang kasi ang nanay niya kung kaya’t hindi halatang buntis. Dahil itinago pala ng kanyang nanay ang kanyang pagbubuntis sa kanyang pamilya, mas gugustuhin niyang ipaampon na lamang daw ang bata at umuwi siya sa kanilang probinsya ng mag-isa. Dahil puros mga babae kaming magkakapatid at tinanggalan na ng uterus ang nanay ko ng mga panahong iyon, napagdesisyunan ng pamilyang kami na lamang ang umampon sa bata. Sa wakas, madadagdagan na rin ang Y chromosome sa aming pamilya at tuwang-tuwa si Pader dahil may magdadala na rin sa apelyido niya.       

 

Makulit si BBBro. Sobrang kulit kahit na busy-busyhan ang beauty ko at sinasabi ko sa kanyang huwag na niya akong kulitin. Nakakainis dahil sobrang sakim: sa atensyon, sa pera, at lalong-lalo na sa pagkain. Mapipilitan kang kumain ng marami pag nariyan siya dahil ayaw mong malamangan ka o di kaya’y maubusan ng pagkain. Paborito siya ng aking mga magulang dahil liban sa kaisa-isang lalake, bunso pa. Marami rin siyang nagagawa na siya lamang sa aming magkakapatid ang nakakalusot. Pero kahit madalas ay isa siyang malaking buwisit sa buhay ko, mahal na mahal ko yun.

 

Kapag kasama ko ang aking kapatid, kapansin-pansin ang kaibahan ng aming mga galaw dala na rin siguro ng aming 13-year age gap. Dahil naninirahan siya sa isang pamamahay na puno ng mga matatanda, mas exposed siya sa mga ugali ng mga matatanda kung kaya’t mas matured siya kumpara sa mga kaedad niya. Halimbawa, sa tuwing ayaw niya ang suot ko, wala siyang pakundangang magsasabing magpalit ako ng damit at nagmimistula akong porn star sa suot ko. Wala rin siyang malisya kung magbihis ng underwear sa harap namin, kaya’t pagkatapos maligo ay hindi na niya sinasarado ang pintuan ng kwarto niya kung magbihis ito.

 

Hindi rin siya kaaya-ayang pagmasdan magsuot ng underwear kaya kami na mismo ang nahihiya at nagsasara ng pintuan ng kuwarto niya.

 

Paborito ng aking kapatid ang manood ng TV sa gabi, katabi ko at ng isa pa naming kapatid na babae, si SisJ. Kung manood kami ng TV tatlo, wala kaming kapoise-poise kung umupo. Nasa mukha na ng kapatid kong babae ang puwet niya, nasa bayag na niya ang aking paa o di kaya’y nakabalandra na sa kanyang pagmumukha ang aming nakikitaang underwear. Pinipigilan niya ako kung sawa na akong manood ng TV at gusto ko ng pumasok ng kuwarto dahil kung hindi na kami katabi niyang manonood ng TV, ay papasok na rin siya ng kwarto niya.

 

Sasabihan siya ng kapatid kong mag-aral na o di kaya’y gumawa na ng assignment (Matagal na akong nagsurrender sa pagganap bilang tutor niya o tagatulong sa paggawa ng kanyang homework. Wala kasi akong pasensya sa ganyan dahil ubod ng manipulative ang bunso namin at masaya na akong maging ang kanyang Cool na Ate kaysa sa maging ang kanyang striktong Ate). Mahilig magbigay ng excuses ang bunso kong kapatid. Kaya, sinasabi ko kay SisJ, “Gusto mong mag-aral na si BBBro? Kaya ko siyang paaralin.” Tapos, sisigawan ko na si Mader sa kwarto nila ng, “Ma, ayaw mag-aral ni BBBro!” Siyempre, magpatumbling-tumbling na ang kapatid ko sa kagustuhang takpan ang bibig ko dahil tulad naming lahat sa pamilya, kasama na diyan si Pader, takot din ang kapatid ko sa nanay ko.  

 

Sa edad na 13, marami na akong nakitang mga DVDs na may sekswal na tema sa mga sulok-sulok ng kanyang kwarto sa aking paghahanap ng deodorant o pabango na madedekwat at mga underwear ko na nagkamaling itago ng katulong namin sa aparador niya. Ayon sa aking mga ex-boylalu, normal daw ang ganun sa mga lalake na nasa ganung edad. Hmmm… Okey. Takot ko lamang na sana hindi ibig sabihin nitong makakadisgrasya rin ang kapatid ko balang araw. Nagpapalitan din kasi kami ng mga video scandals. Ang point ko lang dahil kahit pa man pagbawalan o hindi ko man siya sa mga ganung gawain, ay maeexpose din siya sa mga kaedad niya na kung saan pwede niyang hingan ng mga ganitong bagay. Para sa akin, mas mabuti na ang ganito kaysa ang mahuli ko na naman siyang dinadala ang kanyang syota sa loob ng kanyang kuwarto.

 

Ke bata-bata, inunahan pang magakyat ng syota sa loob ng kwarto kaysa sa Ate niya.

 

Huwag niyo na akong tularan. Iba-iba ang style natin sa pagpapalaki ng kapatid.

 

Subalit, isa sa mga pinakahindi ko talaga makakalimutang insidente starring si BBBro ay ang nangyari noong isang buwan, habang nasa kalagitnaan kami ng panonood ng TV Patrol. Tinatanong niya ako kung meron daw gamot na nakapagpalaki ng etits. Kinulit nya ako ng kinulit buong gabi. Sabi ko sa kanya, bayaran niya muna ako ng P100 tapos saka ko sasabihin sa kanya. Dahil P30 lang ang baon niya, wala siyang maibibigay sa akin kung hindi mga laway ng kanyang palambing-lambing na halik sa aking pisngi. Biniro ko siya, sabi ko, uminom muna siya ng ihi niya tapos, saka ko sasabihin sa kanya. Ang matured ko, ano? Napagturingan pa naman akong duktora. Grow up, Angel. Grow up. Eniweyz, siyempre, hindi naman siya pumayag na gawing sopdrinks ang kanyang sariling ammonia kaya’t nagpatuloy na lamang siya sa pangungulit sa akin. Hanggang sa sinabi niyang:

 

“Sige na, Ate. I want to make my Pee-Pee look bigger.”

Sa katatawa ko, muntik tuloy akong mahulog sa upuan.

18 Tugon to “Ang Bunso Kong Lumalaking Manyakis”

  1. yeye Says:

    hopped from repah’s blog🙂

    i want to make my pee-pee look bigger.
    huwaaaaah dyaskeng bata yan!!!

    teenager kasi eh. oh well
    kaya mo naman yan imanage, doc ka naman eh

  2. kengkay Says:

    hahaha, 13 years old na kasi e. nagtatalsikan ang testosterones nila kaya ganyan, huwag kang mag alala — magbabago rin ang isip nyan basta maganda ang pag explain mo sa kanya. iwasan mong mahulog parati sa upuan at baka ikaw naman madisgrasya. ehehe

  3. joshmarie Says:

    “i want my pee-pee to look bigger”-nyahahaha. natawa ako!😉

  4. anakngpiso Says:

    nyahaha…. normal pa yang kapatid mo na tawaging pee-pee ang etits nya.. kasi yung iba “Barbie” ang pinangalan nila sa kanilang pangkabuhayan showcase…

    katawa.. cheers;p

  5. brotherutoy Says:

    syempre, nung makita ko ang word na “manyakis” sa title eh binasa ko agad ang post mo.

    pastilan. puro tungkol sa mga maseselang bahagi ng katawan!

    magkumpisal ka mamaya tapos hugasan mo ang keyboard mo ng holy water.ü

  6. siangelnawalangpakpak Says:

    YEYE: pagdating sa mga kapatid at mga taong mahal mo, useless ang pagiging duktora ko… salamat sa pagbisita!

    KENGKAY: 15 na si BBBro ngayon. sa totoo lang, kahit gusto kong turuan na siya tungkol sa mga birds and bees para naman hindi sa kung saan-saang lugar niya makukuha ang mga infortmation na yan at baka makagawa pa ng malaking pagkakamali yan balang araw, parang hindi ko yata alam saan ako kukuha ng lakas para iexplain sa kanya ang mga ganyang bagay-bagay.

    JOSHMARIE: ako rin, natawa ng sinabi ni BBBro ito =)

    ANAKNGPISO: siguro dapat magpasalsamat na ako at PEEPEE at hindi BARBIE ang tawag niya sa etits niya. kailangan talaga kasi namin ng lalake sa pamilya. hehehe…

    BROTHERUTOY: Ikaw talaga brother. sa sobrang excitement mong magbasa ng post na may salitang “manyakis” sa huli, eh di parang inamin mo na ring ikaw dapat ang mangumpisal at manghugas ng keyboard with holy water?

    para sa last part ko lang naman namention ang maselang bahagi ng katawan ah. kasalanan ko ba kung iyon talaga ang tinanong ng kapatid ko sa akin? =)

  7. Pepe McKunat Says:

    sakim ba?
    ganyan ata ung alaga ko.
    pero ung akin mabait naman.
    hahaha.
    matatagaln mo yan.
    kaw pa.

  8. mnel Says:

    Napakakulit ng kapatid mo. Hehehe. Ang bata pa! *toot* na. Hahaha. Buti open siya sa iyo.😉 Ako, di ko pa rin matanggap na yung 21-anyos kong kapatid ay may kissing scene video sa celphone ng pinsan namin. Nooo. My baby brother!!!! :((

  9. gasti Says:

    intindihin mo na lang ang ganyang mga edad. nagsisimula pa lang sya mag explore..hehe! naalala ko tuloy nung kaedaran ko pa lang yang kapatid mo. masaya yan! haha! pero kelangan mag ingat baka hindi makatapos ng pag aaral yan.

  10. buzzingflowerpecker Says:

    hahaha. Baby bro/asal bata pa rin si BBBro mo kahit pa kung anu-anong kalaswaan na ang nakita nya sa mundo. hehe.

    makaka-get over din yan dun sa ideya ng enlargement. hehe.

  11. muymuy Says:

    aray ko natawa rin ako sa tinuran ni BBBro!…

    …pro inpernes ha pee pee ang kyut!..ako ang tawag ko dun butoytoy!..ehehehe

  12. yeye Says:

    ay nasa links na pala ako. heheh mamatz po. sasabihin ko na sana na ililink kita ehehehe. salamat doc sa advice pala.. ehehehe… offtopic😛

  13. kirksydney Says:

    Wahaha, pabisitahin mo saken yang utol mo at ng mabigyan ng seminar.😆

  14. rio Says:

    haha..kakatuwa kayong magkapatid,doc..ang kulit nyo pareho..=}

  15. teresa Says:

    haha,naalala ko yung bunso kong kapatid,😆
    imperness naman wala pa akong nahuhuli sa kanya, o baka magaling syang magtago,hehe!

    blog hopping lng.😉

  16. siangelnawalangpakpak Says:

    MNEL: nahuli ko ang kapatid ko dati na may picture sila ng gelpren niya na naghahalikan sila. ewan ko na lang kung frenchkiss ba yun o smack lang. ayoko na lang tanungin. baka hindi ko na macarry ang isasagot niya.

    MUYMUY: ahaha. siguro dapat na rin akog magpasalamat na pee pee ang tawag niya. parang mas masagwa naman yata ang butoytoy. parang isang letra na lang, bastusin na ang labas. joke!

    YEYE: you’re welcome. pakabait ka.

    KIRKSIDNEY: naku. hindi kaya mas marami na siyang matutunang kahalayan kung magpaseminar siya sayo? hehehe, joke!

    RIO: Hehehe. sa amin na kasi siya lumaki kaya namana na rin niya sa akin ang kanyang kamanyakan, este, kakulitan.

  17. Helena Says:

    Ano trese pa lang sya alam na nya na: dapat malaki ang kuwan este mas maganda kung malaki?!! I mean gusto ng iba na malaki. Ah ewan paano ba sasabihin yan na hindi pangit pakinggan. Wag mo na intindihin pinagpawisan ako sa post na to…wahahaha

    thanks nga pala sa pag-link dok Anna Mina. Mwah! (sa lips yan)

  18. siangelnawalangpakpak Says:

    PEPE: ikaw talaga, makikipagkumpetensiya ka pa ba sa isang baby? =)

    GASTI: huhuhu… wag kang magsalita ng ganyan. takot ko talaga na makadisgrasya ang kapatid ko. ako na kasi ang sasagot sa pang matrikula niya pagtuntong niya ng college. wag naman sanang masayang ang ipambabayad ko sa school niya.

    BUZZING FLOWERPECKER: naku, kailan kaya niya mageget-over ang mga issue ng penis enlargement? kahit mga may edad na kasi na kakilala ko, pinoproblema pa rin yan hanggang ngayon.

    TERESA: Baka magaling talaga siyang magtago. hehehe… tnks sa pagbisita.

    HELENA: para hindi ka pagpawisan, gamitin na lang natin ang ginamit na term ayon sa aking kapatid: PEE-PEE. Kyut pa, in fairnes.

    You’re welcome. Mwah! din… Di ako tibo, ha?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: