Paano Hindi Mahuling Nanloloko

dontcheatonyourgirlfriend

“Everybody cheats.” — Dr. Gregory House

 

Masyado kasing seryoso (?) ang aking mga itinala noong nakalipas na mga araw, kung kaya’t kwentong lablayp naman tayo.

 

Hindi lablayp ko dahil mas magulo pa yung kwentong yun (liban sa walang kakwenta-kwenta) kaysa sa estado ng pulitika sa Mindanao, kung hindi ang lablayp ng ibang tao. Ganyan kasi ang mga taong ganap na chismosa tulad ko. Mga lablayp ng ibang tao ang gustong pakialaman.   

 

Nabasa ko kasi yung ipinost ni Taps kanina tungkol sa mga requirements ng isang malusog na paglalabing-labing. Naalala ko rin yung ipinost ni Joshmarie ukol sa lab istori nila Karyll, Dingdong at Marian. Kahit na hindi naman talaga ako miyembro ng fans’ club ng kahit ni isa sa kanilang tatlo (hindi dahil sa kapamilya ako pero dahil sa hindi ko lang talaga nakahiligan na ang showbiz simula ng nawala na ang That’s Entertainment at Ang TV), naisip ko tuloy ang konsepto ng panloloko o ang pag-tututaym. Cheating, ika nga, sa salitang Ingles.

 

Marami sa mga kakilala kong duktor ang guilty sa panloloko. Mga confy kasi ang karaniwan sa aming mga duktor, akala mo kung sinong henyo na kamukha ni Jericho Rosales. Syetness. Hindi naman. Mukhang fungi naman pala. Hindi rin ako ipokrita at magmamalinis na hindi ko rin ito nagawa dati. Oo, tama ang narinig niyo. Guilty ako sa panloloko dati. Oo nga’t feeling mo, isa ka talagang dyosang ubod ng ganda na pinagnanasaan (kahit na hindi naman) at kinaiinggitan ng marami pero sasabihin ko sayo, kalokohan talaga ang gawing yon. Bali-baligtarin mo man ang mundo, alam mong mali talaga ang ginagawa mo at sa bandang huli, para ka lang maiinis sa sarili mo dahil tinuringan kang matalino pero nagpakatanga ka para lang sa wala.  

 

Okey. Tama na ang drama. Tapos na yun.

 

Mabalik tayo sa mga kaibigan kong manloloko. Ewan ko ba kung bakit sa dinami-dami ng mga babae sa klase namin, ako mismo ang nakakaalam kung sino sa mga kalalakihan namin ang guilty sa panloloko ng kanilang mga gelpren. Hindi naman siguro dahil sa ganap akong chismosa (ngayon naman, dineny ko. Anuba, ang gulo ko, no?) pero karamihan ay basta na lamang ikinukuwento sa akin ng mga kaibigan ko sa labas ng bilibid, este, medskul, yung tipong “Angel, kilala mo si Doc _____ ? Kabatch mo ata yun. Di ba gelpren nya yung kaklase mo? May nagsabi sa akin na may nililigawan daw siyang nars sa OR.” May ilan namang manloloko na feeling gwapo (kahit na tadtad naman ng icepick ang pagmumukha) at ang kapal ng mukha na kusa pang magkukuwento sa akin tungkol sa kanilang Number 2 at hihingi pa yan sa akin ng payo, dahil alam nilang kumpara sa ibang mga babae sa aming klase ay ako lang ang hindi huhusga at magsusumbong sa gelpren nila. May sarili kasi akong prinsipyo ukol sa kung bakit hindi ako nagsusumbong. Bahala na. Buhay niyo yan, ika nga. Ayokong makialam sa kanila dahil ayoko ring pakialaman nila ang lablayp ko. Hindi ako yung tipong nagsusumbong at kusang magbibigay ng impormasyon sa mga kaibigan ko na niloloko lang siya ng boypren/gelpren niya pero kung tatanungin niya ako kung meron akong alam, narinig o nabalitaan, hindi rin ako magsisinungaling sa kanya.

 

Ayoko talaga ng nanloloko. Inuulit ko, AYOKO.

 

Pero, kung gago ka talaga at gusto mo talagang makaranas na manloko, sabay gamit ang excuse na “Parehas naman kaming nag-eenjoy. It’s not as if pakakasalan ko na siya o iiwan ko ang girlfriend/asawa ko dahil sa kanya. Bata pa ako, karapatan ko ang makakilala ng iba pang babae habang pwede pa,” puwes, bahala ka sa buhay mo. Kahit sabihin ko pa sayo na matakot ka naman sa karma, sino ba naman talaga ako para pakinggan mo.

 

Kung kaya’t kung manloloko ka na rin man lang, kaibigan, ito lang ang masasabi ko.

 

SANA LANG HUWAG KANG MAGPAHULI.

 

On that note, eto ang ilan sa mga paraan upang hindi ka mahuli ng iyong Number 1. Hindi ito dahil sa kinukunsinti ko ang kagustuhan mong manloko. Ang sa akin lang, kung pagkatapos mong sundan ang mga tips na ito at isa ka talagang napakalaking tanga na lapitin ng malas dahil nahuli ka pa rin ng misis/girlfriend mo, siguro naman ay may karapatan na siyang putulin ang etits mo.

 

Enjoy!

 

1. I-organize ang iyong lablayp.

Mainam na gawain upang makaiwas sa gulo ay ang pag-aasign kung sino si Number 1, Number 2, so on and so forth. Siyempre, si Number 1 ang pinakaunahan sa iyong listahan ng mga top priorities sunod sa Diyos, kay Mommy (dahil alam ko namang Mama’s Boy ka. Huwag nang ideny!), pag-aaral/trabaho, pagkain, isports, iyong dinadala mo sa mga outing ng iyong pamilya, ang nagmamay-ari ng litrato na pinapaskil sa iyong wallet, ang kamang iyong pinakamadalas na tinutulugan, ang pinaka-No.1 sa speed dialing features ng iyong cellphone at pinagkakagastusan at taga-ubos ng karamihan sa iyong allowance/sweldo. 

2. Ispot the difference between Number 1 at Number 2.

Upang hindi ka magkamali, siguraduhing magkaiba si Number 2 kay Number 1. Kasama na dito ang itsura, interes at lalong-lalo na ang pangalan. Ayaw mo naman sigurong mahuling bumubulong-bulong ng “Mary” sa tenga ni “Neri”. At katangahan din ang magkaroon ng gelpren na magkamukha dahil doble din ang iyong boredom factor kasi nga nakakasawa. Ikaw daw ang magkaroon ng syotang parehas na kamukha ni Angel Locsin, ewan ko lang kung hindi ka magsawa.

Ah, hindi ba? Key, sori.

3. Iwasan ang paggamit ng cellphone.

Ang pinakamadaling paraan para mahuli ay sa paggamit ng cellphone. Hindi ako mahilig kumalikot ng cellphone ng mga naging boypren ko (sa dahilang, ayoko ring kalikutin nila ang cellphone ko, hindi dahil sa meron pa akong mga tinatagong kalandiang textmate pero dahil sa sensitibo ako pagdating sa aking privacy) pero hindi ko maitatanggi na paminsan, nanggagalaiti ako sa kagustuhang umusisa. Karamihan ng mga gelpren/asawa ay magsasabing karapatan nila ang sumilip sa cellphone ng kanilang boypren/asawa. Para sa mga babaeng nagsasabing hindi nila ito ginagawa, maniwala kayo sa akin, mag-CR lang ang boypren nila sandali, hala, ayun na si babae, nag-uunlock ng pincode ng cellphone ni lalake.

Maiiwasan ang mahulihan ng mga kahina-hinalang text messages sa pamamagitan ng pag-isplika kay Number 2 na hindi ka mahilig magtext, sabay sabing napakaimpersonal na gawain ito. Kung katulad ka rin ng halos 90% ng mga binata sa Pinas, malamang bahagi ng iyong strategy sa pambibiktima, este, panliligaw ay ang pagteteks at ang pagdaan sa pagiging isang textmate, pwes, siguraduhin lamang na ibubura mo ang iyong mga mensahe sa Inbox. Mahirap na ang mahulihan ng mga napakainit na text messages niyo ni Number 2. Huwag ring kalimutang i-activate ang automatic na pagbubura ng mga mensahe sa iyong Sent Messages folder.

4. Kalimutan ang Friendster.

Sabihin mo kay Number 2 na wala kang Friendster. Malamang kasi, kung patay na patay siya sa iyo ay isesearch ka niya at sisilip-silipin ang iyong profile ng paulit-ulit. Siyempre, kung si Number 1 ay may IQ na lampas sa 100, malamang, alam niya ang password mo at thanks to “Who Viewed Your Profile?” ay mapapansin niyang itong si Number 2 ay madalas sumilip sa profile mo. Si Number 1 ay maaring:

a) magtatanong sa iyo tungkol kay Number 2 (in which case, magpakamatay ka na dahil gyera na ang sunod nito dahil let’s face it, wala kang talento sa pagsisinungaling kaya ka nga nagbabasa nito)

b) makikipag-away kay Number 2 at pagkatapos ay sayo naman makikipag-away (in which case, mas mabuti na lang na bangkay ka na niyang aabutin).

Subalit kung adik ka talaga sa Friendster at hindi mo talaga ito pwedeng iwasan, mas mabuti pang kalikutin mo yung Settings at palitan mo ang iyong default name sa —CHICBOYZ— o di kaya’y B_O_Y_P_O_G_I para hindi ka talaga  mahanap ni Number 2 sa Friendster ng basta-basta.  

5. Gawing lalake ang pangalan ni Number 2 sa iyong cellphone.

Kung si Number 2 ay yung tipo ng babaeng mahilig tumawag sa cellphone mo, palitan ang kanyang pangalan sa pangalang lalake. Para kahit pa ba etong si “Pareng Mike” ay madalas tawag ng tawag sa iyo ng disoras ng gabi habang nasa kalagitnaan ka ng happy hour (nakaw kay Utakmunggo) kasama si Number 1, hindi siya magsususpetsa kahit na pumupunta ka pa ng CR para sumagot ng tawag at kakagat siya sa iyong over sa pagkalamyang excuse na iniinsomnia lang si “Pareng Mike” at kailangan lang ng makausap.

6. Huwag ilimita ang sarili.

Huwag nang magplanong diskartehan ang dalawang babaeng galing sa iisang organization, tulad ng mga sororities. Chismosa kasi ang karamihan sa aming mga babae (oo, sige na nga, kasama ako doon) kaya sa ibang sorority mo na lang dalhin yang kalibogan mo. Umiwas ding makipaglandian sa mga kaibigan ng iyong Number 1, lalong-lalo na sa mga bespren niya doon… Huwag mo namang patusan ang lahat ng malapit sayo na nakapalda. Siguro naman, ayaw mo ring mabansagan kang cheap.  Hindi ka naman siguro muubusan. Sa pagkakaalam ko, abot 40 million na ang populasyon ng mga babae sa Pilipnas.

7. The farther, the better.

Humanap ng Number 2 na nakatira ng malayo kay Number 1. Ganun din ang ukol sa eskuwelahan, trabaho at madalas na tambayan nila. Mas lumalaki kasi ang posibilidad na ikaw ay mahuli kapag binibisita mo si Number 2 na nakatira lang pala malapit kay Number 1. Katangahan na lang ang magkaroon ng dalawang gelpren na galing sa iisang baryo o kaya’y baranggay dahil malamang magkakakilala ang mga ito, at kung mamalasin ka pa, magkamag-anak pa pala.

8. Isa-isahin lang ang pagbisita

Gumugugol kaming mga babae ng oras sa pagmemeyk-up, pagpapabango at pagpapakyut bago kami makipagdeyt sa aming mga boylalu. Siyempre, sa kakikiskis ng mga kalalakihan ng kanilang pagmumukha at iba pang bahagi ng kanilang katawan na hindi ko na sasabihin dito, sa kanilang kagustuhang makipaglandian din sa amin, ay naiiwang ebidensya ang aming pabango, foundation at lipstick sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan. Kaya upang hindi magkaroon ng ebidensya, huwag makipagkita sa dalawa o tatlong babae sa isang araw. Ang mantsa ng lipstick sa iyong kuwelyo na  hindi naman sa kulay na karaniwang ginagamit niya ay hindi nakasisiyahang  paraan upang batiin ang iyong gelpren. At sa totoo lang, wala naman talagang magandang excuse na magagamit kung paano napunta yun doon, bulok na ang sabihing nakipagbeso-beso ka sa nanay mo. Oh, come on, huwag niyo naman kaming gawing tanga…

Isa pa, kung ikaw ay wala na sa iyong early 20’s, babagsak na rin ang iyong performance level pagdating ng ikatlo o ikaapat na round kung kaya’t huwag ka nang umasang tatayo pa si Junior pagkatapos ng ika-ilang round kahit nagmamahika na at nagtutumbling-tumbling si gelpren, dahil kaibigan, mapapahiya ka lamang.

9. Sabihin kay Number 2 ang totoo.

Kung kagustuhan mo talaga ang manloko, mas iwas-gulo ang umamin kay Number 2 na hindi siya ang nag-iisang babae sa buhay mo. Kung hindi ito nagbunga ng mag-asawang sampal galing sa kanya, pwes, solb ka na. Para sa akin, kung pinalaki siya ng tama, hindi niya tatanggapin ang iyong panloloko sa kanya ng kalmado at nakaupo lang. Kung hindi ka niya sinampal, malamang obsessed siya sa iyo (meaning, i-enjoy mo na lang ang mga masasayang araw habang masaya pa dahil ito ay susundan ng ilang buwan ng psychotic behavior kung saan ipinapakita niya ang kanyang tunay na kulay bilang isang istalker) o di kaya’y hindi ka ganun kahalaga sa kanya tulad ng iyong inaakala (in which case, masanay kang lumalasap ng sperm at tamod ng iba dahil malamang hindi lang ikaw ang nag-iisang lalake sa buhay niya).

10. Shadup!

Huwag nang dalhin si Number 2 sa beerday party ng iyong kaklase habang nagbabakasyon si Number 1 kasama ang kanyang mga magulang sa probinsya. Makuntento ka nang may Number 2 ka, huwag na itong ipagmalaki pa sa iyong mga kaibigan. Oo na, mas astig ka kapag marami kang chiks. Dahil sa lecheng male-dominated society natin, parang diyos ang tingin sayo ng ibang mga kalalakihan kung marami kang nagogoyong dilag. At isa pa, kampante kang magmalaki ng iyong Number 2 sa mga pagmumukha ng iyong mga kaibigang lalake dahil ang mga lalake, sagot ang kapwa nila lalake. They’ve got your back, ika nga. Kaso, taliwas sa pagkakaalam ng karamihan, mas chismoso ang mga lalake kaysa sa mga babae (O, wag nang magreact. Blog ko ‘to. Bumawi na lang kayo dun sa blog niyo). Kaya mag-ingat sa kung kaninong pagmumukha mo pinangangalandakan ang cleavage at mala-artistahing (pwede ring mala-anghel pero baka sabihin niyong napaka-bias ko) pagmumukha ng iyong Number 2. Baka hindi mo alam, siya pala ang lasing na magkukuwento sa kaibigan ng kaibigan ng kaibigan ng Number 1 mo.

 

Naniniwala akong walang absolute rule sa panloloko liban sa huwag magpahuli. Isa rin ako sa mga naniniwalang pagdating sa larangan ng pag-ibig, walang black and white. Laging mayroong grey areas. Hindi naman lahat ng panloloko ay masama. Subalit, tulad ng aking sinabi kanina, hindi ko kinokunsinti ang panloloko. AYOKO talaga ang nanloloko, lalo na kung ikaw ay nasa isang seryosong relasyon.

Subalit, kung wala ka naman sa isang seryosong relasyon at alam mo at ng iyong katipan na hindi seryoso ang inyong relasyon, by all means, manloko ka. 

Buhay mo yan. Paki ko sayo.

 

 

 

 

P.S. Inuuulit ko lang. Pagkatapos mong mabasa ito at mahuli pa namin kayo, magpaalam ka na sa etits mo.

 

 

P.P.S. May mga babae ring manloloko.

 

 

 

 

 

 

 

 

Inspirasyon galing sa College OTR.

Litrato mula sa Life Is A Joke.

15 Tugon to “Paano Hindi Mahuling Nanloloko”

  1. taps Says:

    korek.

    Kung magloloko, dapat sa ibang zip code. Hehehe

  2. pepe21 Says:

    the farther the betterrrrrrrr.
    aus ang payo mo doc ah.
    kaka-INSPIRED.🙂

  3. Kris Jasper Says:

    Lagi kong nababasa na di raw maganda basahin/buksan ang mga text messages ng kulukudidang mo….

    Pero kami ni A, alam namin ang passwords ng lahat ng email accounts ng bawat isa… (ang di nya alam, may hidden account ako. bwa ha ha ha ha)

  4. brotherutoy Says:

    naduling ako sa fontsize!ü

    doc, nagtatanong lang naman, pero bakit parang andami mong alam tungkol dito?

  5. watusiboy Says:

    hmmm. parang grey’s anatomy.. hehe. karaniwan kasi good looking ang mga doctor no? kaya may tendency silang magtwo time (parang mali ang sinabi kong ito). pero diba?

  6. joshmarie Says:

    ate angel di ko alam kung matutuwa ako sa post mo. hehe. with deepest honesty, parang nagkaron pa ng ideya ang mga manloloko kung pano magtago. haha. sori te, pagpasensyahan mo na si bunso. nakarelate ako sa celfone thingy. pero tama ka, may babae din na nanloloko, pero anot ano man ang reason ng panloloko, mananatiling mali ang isang bagay na mali. ingats te!

    –teka sang dswd office nagwowork si pudra at mudra mo?

  7. jojitah Says:

    matagal ko ng natanggap na ang mga lalaki kakaliwa at kakaliwa pag may rason at pagkakataon.

    ako hindi na ako nagaabalang “manghuli” ng kaliwaang nagaganap. matalas ang pakiramdam ko doc! matalas pa nipper na ginagamit ko, magtatangka pa lang lumandi nilalagyan ko na agad yung kagaya ng nilalagay sa mata ng kabayo {diko alam ang tawag dun. lols}pag nangangalesa. wahehehe…

    parang wala namang sense ang comment ko.

  8. kirksydney Says:

    Hahaha ayos sa mga tips ah.

  9. xG Says:

    ayos lang mandloko
    basta consistent
    hahaha

    pero dapat talaga
    di ka magsinungaling
    kasi ako yung taong makakalimutin
    at mabubuking ako
    kapag nagsinungaling ako
    dahil sa maling maliit na detalye
    hahahaha

  10. siangelnawalangpakpak Says:

    TAPS: hmmm… pwede na rin. the father, the better. hay naku, nangunsinti pa ako.

    PEPE21: wahhh!!! wag gayahin. putul etits mo, sige ka!

    KRIS JASPER: Ngek. kunwari lang pala honest. hala, isusumbong kita kay A. Hehe, joke.

    BROTHERUTOY: ahaha. Sa Microsoft Word ko kasi sinulat. Palitan ko na ang fontsize ko next time. Hehehe…
    Experiences yan ng mga friends ko. Tagapayo lang naman ako. Hehehe.

    WATUSIBOY: Sa tunay na buhay, hindi goodlooking ang mga duktor. Ako lang. Hehe, joke. Seriously, mga pangit kami. Ahahaha…

    JOSHMARIE: Check. Mali talaga. Kaya nga sinasabi ko, pagf mahuli sila, putol etits na definitely.

    Sa Regional office si Mader. si Pader, doon sa mga disabled.

    JOJITAH: Huhuhu… sa totoo lang, mahina ang radar ko sa mga ganyan. masyado kasi akong trusting. yan na ata ang problema kapag masyado kang mabait sa boylalu… hehe. para ko namang sinabing, mabait talaga ako. medyo lang naman. hehe.

    KIRKSYDNEY: hmmm… guilty ka siguro. ehehe, joke!!!!

    XG: ako din, hindi rin ako magaling magsinungaling. feeling guity kasi ako kahit wala naman akong ginawang masama. ang malas ko, no?… salamat sa pagbisita!

  11. joshmarie Says:

    ate, eh sayo pala ako nagmana eh. see? sayo si yael? yun nga lang doble ang karisma na namana ko sayo kaya yun tatlo agad ang nahakot kong rakista. nyahaha.🙂

  12. joshmarie Says:

    teka te saang regional office. kilala ko ang director ng dswd ncr at region 4-a🙂

  13. siangelnawalangpakpak Says:

    o siya, sayo na nga sila. basta YAEL’s mine! hehehe…

    regional office ng dswd sa isa sa mga regional offices sa mindanao.

  14. rio Says:

    ok to dok ah…may libreng lecture sa mga nagtwotwo time..
    may doktor palang manloloko…akala ko wala e..hehe..mukha kasing hindi gagawa ng mga kalokohan ang mga doktor na nakikita ko..

  15. siangelnawalangpakpak Says:

    naku, doc. baka talagang goodboy ang mga dentistang alam mo. ganun din ang mga dentistang kilala ko, umaapaw ang pagka-anghel.

    mabuti pa sila. ang mga duktor kasi na kilala ko, puros may mga sungay.

    hindi ako isa sa mga yun. ahahaha…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: