Mahirap Maging Babae

Kani-kanina lang, nalaman kong isa sa mga garantisadong paraan upang hindi lumaspag at bumagsak ang iyong dalawang sisterettes diyan sa iyong harapan (mga boobs mo, in short), ay ang huwag kalimutang magsuot ng bra tuwing ika’y matutulog.

 

Hay naku…

 

Kami na nga ang dinudugo ng regla kada buwan, kami na nga ang maaksayang nagpapalit ng napkin tatlo o apat na beses sa isang araw, kami na nga ang mabubuntis at magdadala ng sanggol sa aming bahay-punlaan, buhay na nga namin ang mapapahinto ng siyam na buwan, pekpek na nga namin ang mahihiwa sa panganganak, suso na namin ang masasaktan habang nagpapadodo sa aming anak, eh, pati ba naman ang PAGTULOG namin, ang tanging panahon na pwede kaming magrelaks at maging “malaya” sa loob ng isang araw, kukunin pa talaga sa amin?

 

Bwisit.

 

Sana naging seahorse na lang ako. 

 

At least, ang mga seahorse, lalake ang nabubuntis.

Ipinaskil sa galit ako sa mundo . Mga Marka: , , , . 16 Comments »

16 Tugon to “Mahirap Maging Babae”

  1. rio Says:

    ay..seahorse??? wag naman..masarap naman maging babae e..

  2. joshmarie Says:

    haha. ate angel natawa naman ako. hahaha. huwag namang maging seahorse. baka di na kita makilala niyan. di pa tayo nagrereunion. hehe.

  3. pepe21 Says:

    no comment.
    basta kaming mga lalaki.
    COOL lang.

  4. taps Says:

    Wala akong ma-comment dito. Life is unfair talaga para sa mga babae…

    Hehehe… (kakampi mo ko angel)

  5. repah Says:

    tama life is unfair…. kelangan ganun na lang lagi.. wahhhh.. doc wag naman seahorse… gandahan mo naman.. mga jellyfish naman para mganda pakingan .. hahaha

  6. kengkay Says:

    talaga, hindi ko alam na lalaki ang nagbubuntis sa seahorse!

  7. kirksydney Says:

    Alam kong mahirap ang maging babae kaya nga mahal na mahal ko kayong lahat.😆

  8. siangelnawalangpakpak Says:

    RIO: oo nga. masarap din namang maging babae. marami ring advantages, tulad ng “ladies, first” sa kainan.

    JOSHMARIE: ikaw talaga, bunso. syempre, makikilala mo ako sa reunion. iilang SEAHORSE ba naman ang pupunta ng reunion? syempre, ako lang, di ba?

    PEPE21: oo nga. tahimik na lang ang mga lalake. di naman siguro kayo makakrelate sa aming mga pighati at saloobin. *hikbi* hehe, joke lang.

    TAPS: thanks sa pagkampi, taps. pero sigurado ka bang sa akin ka nga kakampi? lalake ka kaya.

    REPAH: o nga, mas maganda nga ang jellyfish. di ko nga lang alam kung nabubuntis din ang mga lalake nila. hindi ba sila asexual na nagrereproduce lang sa pamamagitan ng spores? ay,wait. mali. mga fungi pala yun. ah, ewan.

    KENGKAY: ahaha. buti naman at naging educational pa pala itong post kong ito para sayo. napanood ko kasi yan sa Discovery Channel.

    KIRKSYDNEY: bakit naman lahat kami? salawahan! huhuhuhuhu…

  9. mangbadoy Says:

    parang may halong galit na naging babae ka? sex change can be a good option… just kidding! hehehe! peace

  10. foobarph Says:

    lolz. eh di kung magiging seahorse ka eh mabubuntis ka pa din.

    love fairy: at dahil sa wish mong maging seahorse, tutuparin ko ang iyong wish
    moon angel: go love fairy!
    heart nymph: mga walang pusong fairy. nyahahaha! *inactivate ang wand ni love fairy*

    poof! naging seahorse ka nga. ^_^

  11. siangelnawalangpakpak Says:

    MANG BADOY: ayoko magkaroon ng etits. para sa akin, parang hindi yata kumportable ang may nakalawit. hehehe…

    FOOBARPH: babaeng seahorse ako. hindi lalake. nabubuntis din ba ang mga babaeng seahorse? parang hindi na ata… hindi ko alam, napapaligiran pala ako ng mga fairies. ahahay… ang saya-saya!

    pwede ring redhorse kung gusto mo.

  12. brotherutoy Says:

    dito sa france, di nagba-bra ang mga babae pero parang laging taas-noo ang mga dibdib nila kahit matatanda na. bakit ganun?

    ps. napansin ko lang naman.
    di ako tumititig.
    di rin ako manyak.
    at lalong di ako guilty.

  13. utakmunggo Says:

    hindi muna ako magrereklamo ngayon dahil hindi na naman ako nagreregla magmula nang magpa-implant ako ng progesterone stick sa aking kaliwang braso. after 3 years pa ulit ako makakagamit ng whisper with wings. ahahaaaayyyy!!!

  14. siangelnawalangpakpak Says:

    BROTHERUTOY: ang mga caucasian po kasi, light-colored ang kanilang mga utong. therefore, kaya nila ang lumabas in public kahit na hindi magsuot ng bra. tsaka, masaya sila sa ganun. hayaan na natin sila…

    kaw talaga, brother. napansin mo nga eh. i therefore conclude, tumitig ka rin. aminin!!!

    UTAKMUNGGO: hay, buti ka pa. o siya, antayin ko na lang din ang comment mo dito ate after three years =)

  15. Helena Says:

    totoo ba yan dok? kelangan ba yung may underwire o pwede na yung baby bra…wahehehe

    Syet! Pag sa bahay lang ako eh hindi naman talaga ko nagsusuot ng bra. Mahirap huminga. Baka pagtanda ko nito eh pwede ko na to ipangkamot ng likod ko. watdapak!

  16. siangelnawalangpakpak Says:

    hahaha… i don’t know. yun ang narinig ko. di na nila nispecify kung underwire ba o baby bra.

    kakabadtrip no?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: