Mr. X

Kasalukuyan akong nagbabacktrack sa aking personal blog sa Friendster nang nakita ko ang isa sa mga una kong naisulat, noong mga taong clerk pa ako sa ospital. Dahil English ko ito sinulat ng mga panahong iyon, minabuti ko na lamang itranslate ito sa Tagalog nang hindi naman siya masyadong out-of-place dito sa blog ko. Pagpasensyahan niyo na kung mayroong mga katagang hindi ko na alam kung paano maitranslate sa Tagalog. Sa totoo lang, Filipino kasi talaga ang lowest subject ko nung hayskul at kahit nag-aral nga ako sa unibersidad na pinagmomodelan ng lolo ni Fernando Poe, wala naman kaming kinuhang Filipino subject nung nasa kolehiyo na ako.

 

Pero bago ang lahat, ito muna ang Definition of Terms upang mas maintindihan niyo ang aking post:

 

Clerk – medical student na atchay ng intern

 

Intern – gradweyt na ng medical school, hindi pa pumapasa sa board exams at sya ring atchay ng residente

 

Residente – lisensyadong duktor na siya namang kasalukuyang nagtratraining sa kanyang field of specialization at pinapasweldo na ng hospital subalit atchay naman ng consultant

 

Consultant – ang pinakabosing na duktor sa isang departamento, na sa sobrang taas na ng ihi ay nakakayanan ng iwaldas ang karamihan ng kanyang oras sa paggogolf (para sa mga kalalakihan) o di kaya’y sa pagbebelly-dancing (para sa mga kababaihan)

 

Watcher – Kasamahan ng pasyenteng pumupunta sa ospital, maaaring  kapamilya, kamag-anak, kapitbahay, kaibigan, kalaguyo o kahit sinong kakilala na makapagsasabi ng kahit pangalan man lamang ng pasyente. Karaniwang nagiging tagabili ng gamut sa pharmacy, tagalakad ng lab requests ng pasyente sa kabilang building kung nasaan ang laboratory at tagalimos ng discount para sa pasyente sa MSS (Medical Social Services)

 

 

Mr. X

 

 

 

dying_candle_0Hindi ako kumportable kapag konsepto na ng kamatayan ang pag-uusapan.

 

Oo nga, noong isa pa akong neneng nagrerebelde nung kapanahunan pa ng aking mga growing up years, tulad ng isang ordinaryong tinedyer, napagtanto ko at namuni-muni ko rin ang magpakamatay at mamatay ng bata pa. Subalit datapwat ngunit, sino ba namang kinse anyos ang seryoso sa kagustuhang magpakamatay at hindi nagpapapansin lamang?

 

Hindi pa naman uso ang Emo nung mga panahong iyon.

 

Sa katunayan, takot talaga akong tumingin sa mga bangkay sa loob ng mga bukas na kabaong. Tuwing mga lamay, sinisigurado kong maglaan ng distanyang dalawang metro mula sa sarili ko at sa kabaong. Nakayanan ko ring magkunwaring matapang tuwing kinakaharap ko ang mga umaalingasaw sa formalin na cadaver sa Anatomy Lab, sa halip na kumaripas ng takbo palabas ng gusali.

 

Ngunit ito yata ay sadyang isang bagay na kinailangan ko talagang harapin.

 

Sa alas-kwatro ng umagang iyon, sa kauna-unahang pagkakataon, nakasaksi ako ng isang taong namatay mismo sa harap ko…

 

Noong clerk pa ako sa Surgery Department, isang di kilalang matandaang lalake na pinangalan naming Mr. X ang dinala sa ER. Wala siyang watcher na kasama at siya ay natagpuan lamang daw sa gitna ng kalye, isang hinihinalaang biktima ng hit and run. Habang unti-unting naglipana na ang mga student nurses na nakiusisero sa pasyenteng nasa stretcher (kasi nga, mukhang hindi naman pala nila ito magagamit para sa cases na kanilang inilalagay sa kanilang index cards), saka ko pa nakita ang kanyang kalahatan. Nakasplint ang parehas na binti, mula sa hip joint hanggang sa sakong, sangkatutak na mga sariwang sugat ang pumapalibot sa kanyang katawan, at habang may mga gurgling sounds na maririnig mula  sa kanyang lalamunan, patuloy na umaagos ang sariwang dugo mula sa kanyang bunganga. Dilated ang kanyang mga pupils, 20 palpable lang ang kanyang blood pressure at halos hindi na marinig ang tibok ng kanyang puso.

 

Hinigop namin ang dugo mula sa kanyang lalamunan gamit ang suction machine, pinilit na ipasok ang oxygen sa kanyang baga sa pamamagitan ng Ambu-bagging, nag-CPR, hanggang sa halos magkanda pagod at nginig na ang aming mga kalamnan. Subalit kahit anong gawin namin upang manatili lamang siyang buhay, pagkatapos ng kinse minutos, nalagutan din siya ng hininga at namatay. Ang mamang ito, who could have been someone’s lolo, tatay o asawa, ay namatay mag-isa nang wala man lang kamag-anak na kasakasama sa tabi niya hanggang sa kanyang huling paghinga. Ni wala man lang siyang pangalan na maisusulat man lamang namin sa kanyang death certificate. Malay natin, sa mga oras na iyon ay hinahanap na siya ng kanyang anak, asawa o apo na wala man lang kaalam-alam na patay na pala ang hinahanap nila. 

 

Wala na akong mas nakita pang kalunos-lunos na pangyayari liban diyan.

 

Si Mr. X ngayon ay naging isa na lamang malamig na bangkay sa ilalim ng puting kumot. Naisip kong ang lungkot siguro ng mamatay nang walang pangalan, walang kasamang pamilya, nang walang identity, nang walang kadigni-dignidad.  

 

Tinabihan ko na lamang ang bangkay niya, hinawakan ang kanyang malamig na kamay at nag-sign of the cross ako.

 

Mr. X, sana nalagay ka na rin sa tahimik.

 

Ipinaskil sa Emo mode . Mga Marka: , , , . 15 Comments »

15 Tugon to “Mr. X”

  1. foobarph Says:

    ahm, parang true to life ata ito ah. :0

  2. rio Says:

    ang lungkot naman nito..namatay si mr.x na hindi man lamang nalalaman ng kamag anakan nya ang nangyari sa kanya..

    para po sa inyo mr.x sana po ay masaya na po kayo kung saan man po kayo naroroon.

    i’ll pray for his soul..

  3. siangelnawalangpakpak Says:

    foobarph: true to life po talaga yan. ayoko namang magsinungaling dito sa blog ko, no?

    rio: doc, oo nga, ang sad talaga ano? isipin mo na lang kung kamag-anak mo pala yun. huhuhu… hay, naku. naiiyak talaga ako pag naiisip ko talaga to.

  4. utakmunggo Says:

    palaboy ba siya doc? o wala lang talaga siyang ID na pagkikinanlan? yung tiyo ko dati naging mr.X rin pansamantala. nagkaron kasi siya ng korsakoff’s at nagpalaboy laboy dahil di rin naman namin mapauwi. hanggang sa noong hindi na namin siya mahagilap sa lansangan eh hinanap namin sa lahat ng morgue at doon na nga namin siya nakita: mr X ang nakalagay sa tag niya. ang sakit non, pero naihimlay na rin naman namin siya ng maayos.

  5. siangelnawalangpakpak Says:

    naku, hindi talaga namin alam kung palaboy siya o hinde. kasi ang nakakita sa kanya sa gitna ng kalye, hindi rin alam kung ano talaga ang nagyari sa kanya, inassume na lang naming na-hit and run.

    buti naman at natagpuan niyo pa ang tiyo niyo, ate. ang lungkot talagang isipin no?

  6. joshmarie Says:

    hello ate. sana nga tahimik na si mr. x.

  7. pepe21 Says:

    May He rest in peace.
    Amen.
    masaya na yun sa tabi ni God.
    ako nagsasabi.

  8. aga Says:

    hmmmppp… interesting huh…
    asust🙂

  9. kengkay Says:

    nakakalungkot naman yan. pero at least sa huling sandali e andun ka para sa kanya. hindi simple ang iyong napiling trabaho

  10. taps Says:

    isa na namang hit and run… hay…

  11. whenyoureinbedyouredead Says:

    ayuko mamatay ng ganun😦

  12. Helena Says:

    Haay, ang sad naman nito dok. Actually, malaking issue to sa kin noon at kung bakit maraming pagkakataon na nagdalawang isip na kong magpatuloy. Nakakailang duty pa lang din ako sa surgery nung may naaksidenteng tatay. Nagiiyakan lahat ng anak sa paanan nya habang nirerevive namin sya. Sa sobrang bigat ng dibdib ko eh gusto ko ng mag-cr man lang kaso ako ang nag-aambubag. So medyo tumingala lang ako ng konti at nagmamala-sadako ang mata ko para mapigilan ang luha. At ginawa ko lang ang sinabi ni Peter Pan kay Wendy – “Magisip ka lang ng masasaya!”

    Kaso wa-epek.

  13. siangelnawalangpakpak Says:

    PEPE21: hindi ko alam, meron ka palang koneksyon kay God at alam mo talagang masaya na si Mr. X sa piling niya. close kayo? =)

    AGA: thanks. yun lang =) salamat sa pagbisita!

    KENGKAY: hindi nga po simple. pero pinipilit na kayanin. bahala na. si Lord na lang ang bahala sa akin =)

    TAPS: bumabagyo ng hit and run sa ospital actually. kakabuwisit.

    WHENYOURINBED: hulaan ko. gusto mo, sa kama mo ka mamamatay? syet. ang corny ko.

    HELENA: kaw talaga helena. sori ha pero natawa naman ako sa comment mo. kasi ako din, laging taga-ambu bag. yung tipong halos buong umaga ka na doon, at hindi mo maibigay sa watcher yung ambu bag kasi hindi niya magets ang iyong simple instructions. ihing-ihi ka na, taeng-tae, gutom na gutom… to think, bago ako nag-ambu bag eh ako din ang pinag-cpr ng residente ko.

    hmp! bawi na lang ako pag residente na ako. LOLs. joke!

  14. brotherutoy Says:

    ang mahalaga, kahit papaano’y nandyan kayong duktor at mga nurses para magbigay dignidad kay Mr. X. at bilang pasasalamat, dadalawin nya kayo tuwing graveyard shift para mangamusta. hehehe…

    biro lang po. praying for all the dead john and jane does around the world.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: