Kagatin Mo Ang Limonada Ko

Tatlong taon na akong nagbloblog.

 

Oo, tama ang nabasa mo.

 

Alam kong sisilipin mo ang Archives ko. Sori, Oktubre 2008 ang pinakamatagal na post ko diyan na makikita mo. Kasi kahit tatlong taon na akong nagbloblog, ngayon lang ako lumihis sa aking ganap na pagiging suplada at saka naisipang ibukas ang aking blog at magpa-autopsy sa iba pang mga Pilipinong blogger dito sa world wide web.

 

Pero sa tatlong taon kong pagbloblog, ngayon lang ako nakatanggap ng tag.

 

Ano nga ba ang tag?

 

Sa totoo lang, ewan ko. First time ko nga makatanggap nito, di ba? Basta ang alam ko pinagpapasa-pasahan yan siya. Kaya kung mali-mali man ang aking pagcocopy paste sa tag na ito na bigay ni Ate Maru, wag niyo akong sisihin. Si Ate Maru ang sisihin niyo dahil sa kanyang poor choice of blogger. Sino pa nga ba, kundi ako.

 

Pero sa totoo lang, naexcite ako nung nabasa kong tinag niya ako. Sino ba naman ang hindi naeexcite sa kanilang first time, ika nga? Kahit anong first time pa yan.

 

Hmmm… Alam kong iniisip mo. Down, boy, down…

 

In fairness, kahit hindi ko rin mainitindihan kung ano ang tunay na kahalagahan nitong LIMONADANG ito (Bakit nga pala limonada? Ba’t hindi na lang Iced Tea? O di kaya coffee ng Starbucks. Para feeling sosi naman, di ba, kahit hinde?), eto na at namnamin ninyo at mainggit kayo sa aking kauna-unahang LEMONADE AWARD.

 

lemonade-award

 

Maraming salamat sa uber sexy na si Ate Maru para sa award na ito. Sa pagtanggap ng limonadang ito, para akong binigyan ng isang mainit na mwahugz ng bloggersphere. Ehehehe. HOT lemonade kasi ang binebenta dito at hindi cold. Kaya’t ipapasa ko rin ito bilang pasasalamat sa inyo. At ang mga suwerteng (Suwerte nga ba?) idadamay ko sa tag na ito ay sina:

 

Doc Rio (Diary of A Dentist)

Repah (Malapit Na Ang Pasko.. Yun Lang)

Glesy the Great (Anakngpiso’s Bahay-Palasyo) 

Taps (Call Me Taps)

Joshmarie (Mundong Parisukat)

Brother Utoy (How Brother Utoy Failed Salvation History)

Mang Badoy (eBahay ni Badoy) 

Ferbert (Kokey Monster: Ang Kokey ng Ina Mo)

KingDaddyRich (The Morning Bolero Chronicles)

Vhonne (Batanggero)

 

Wala naman yatang pilitan sa pagtatag, ano? Kaya choice niyo na yan kung feel niyong kagatin ang lemonada ko. Shiyet… Parang bastos ang dating. Eto nga pala ang mga instructions:

 

 

The rules of this award:
1. Put the logo on your blog or post.
2. Nominate at least 10 blogs which show great Attitude and/or Gratitude!
3. Be sure to link to your nominees within your post.
4. Let them know that they have received this award by commenting on their blog.
5. Share the love and link to this post and to the person from whom you received your award.

 

 

Syetness. Di ka rin toxic na tag ka, ha? At parang may mali pa sa grammar ng pangalawang statement. Hmmm… Okay, fine. Sige na nga…

 

 

Ipinaskil sa blogista ako . Mga Marka: , . 10 Comments »

10 Tugon to “Kagatin Mo Ang Limonada Ko”

  1. rio Says:

    huwaw..mahahalikan kita nyan doc e..pa kiss nga…mwah…hehe…salamat ng marami.. uutangin ko muna ang pag tatag na ito ha..pero itatago ko ito..salamat ulit ng marami…
    na touch naman ako..=}

  2. siangelnawalangpakpak Says:

    ehehehe… mwah din! salamat din doc!

  3. brotherutoy Says:

    medyo ninerbyos ako sa title. pautos!

    naimagine ko tuloy ang sarili ko na na nakaupo sa sulok ng isang madilim na silid, may hawak kang limonada habang papalapit at ako eh nagmamakaawa, “Wag, doc, wag!”

    pero cute naman pala yung tag eh. isang award na talagang may asim!ü
    at hot pa talaga!
    ngayon, masasabi ko ng taas noo:
    salamat po, doktor! (parang nagpanoselift lang)

    at dahil duktora ka at pakiramdam ko eh reseta ito na dapat kong sundin, sige, ikakalat ko ang limonadang ito.

    God bless!

  4. siangelnawalangpakpak Says:

    ehehehe… offensive ba? sori. wala kasi akong maisip na title na catchy. ayoko namang isulat lang na “TAG: LEMONADE AWARD”. Ang boring no?… salamat, brother. mwah! (ahmmm… sa noo lang yan. kasi bawal ata). Godbless din po!

  5. pepe21 Says:

    na-katch nga atensyon ko eh.
    ke galing ng naisip
    kahit ako nagawang sumilip.
    hahaha.

  6. siangelnawalangpakpak Says:

    ahaha… ikaw talaga, pepe. halata tuloy na madumi ang isip mo. o baka naman, gusto mo ring kagatin ang limonada ko? LOL…

  7. Kinagat Ko ang Lemonada ni Angel « How Brother Utoy Failed Salvation History Says:

    […] ni Angel Posted on November 17, 2008 by brotherutoy Isang linggo ko pa lang nakikilala si Angelnawalangpakpak ay isang award slash tag na agad ang iginawad niya sa akin.  Di lang pala pakpak wala si Angel.  […]

  8. repah Says:

    aba doc.. salamat dito.. dige pagkaagiw ko sa bhay ko madidisplay ko na ito at ipapamahagi sa sangkatauhan.. salamat.. add kita,,sa blogroll ko..

  9. siangelnawalangpakpak Says:

    hehe. tnx din repah. ano nga pala ibig sabihin ng pagkaagiw? ang lalim… filipino kasi ang lowest grade ko nung highschool =)

  10. marlon Says:

    Blog eHopping! nice oNe.
    mind exchanging links?
    http://perspektib.blogspot.com


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: