Ang Doktorang May Memory Gap

Mga ilang buwan na rin ang nakalipas mula noong nagduduty pa ako sa ospital.   Namimiss ko na ito. Kahit na madalas ay halos kumakapa-kapa lang yata ako at nagdudunong-dunungan, iba pa rin talaga kapag tinuturing kang duktor at tila nabibigyang halaga ang apat na taong ginugod ko sa pag-aaral ng medisina. Kada beses na sinusuot ko ang aking puting blazer, feeling ko para akong isang superhero na nagsuot ng costume na may tatak na SD as in Super Doctora, ang Alagad ng Kalusugan, tagatuli ng mga supot, tagapanganak ng mga buntis, tagapaggamot ng mga nagtatae, tagapagtanggol ng mga sinisipon laban sa kampon ng mikrobyo.

 

Namimiss ko ang mga makukulit na pasyente na kahit lasing, duguan ang mga mukha at sumasabit na lamang ang natitira nilang dadalawang ngipin sa kanilang ngalangala at kasalukuyan kong hinahanda ang silk 3.0 na ipantatahi ko sa mukha nila para magic-in ang kanilang pagiging mukhang tao uli ay nakakaya pa nilang lumandi at tanungin kung pwede ba nila akong maging textmate. Namimiss ko ang mga Samal na nanay na linggo-linggo ay nagdadala ng mga anak nilang nagtatae, habang karga-karga ang kanilang bunsong anak at sunud-sunuran pa sa laylayan ng kanilang palda ang isang dosena nilang mga anak na lahat mukhang uhugin at ilang araw ng hindi naliligo, na sa dami ng mga anak nila, kung tatanungin mo kung kailan pinanganak ang mga ito o pang-ilan ito sa magkakapatid ay hindi ka nila masagot dahil hindi nila matandaan. Namimiss ko ang mainit-init pang Cheesebread na laging shineshare sa akin ng mga nars sa ER (O ayan, anakngpiso, sabi ko sayo, lab ako ng mga nars sa amin. Hehehe. Hindi naman ako defensive, no?) sa tuwing gabing nagduduty ako. Namimiss ko ang masabihan ng mga nanay na “Doktora, may boyfriend ka na? May anak akong binata. Bagay na bagay kayo,” na para bang halos lahat na lang yata ng mga inang may binatang anak ay nangangarap na magkaroon ng manugang na duktora. Namimiss ko ang mapagsabihan ng “Salamat talaga, duktora” at ang makasalamuha sa mga tao bilang isang ginagalang na manggamot, na sa pamamagitan lamang ng pagsuot ko ng aking puting blazer ay tila napapatransform ako mula sa isang ordinaryong babaeng masyado pa raw mukhang bata para maging duktor, sa isang kagalang-galang na duktora na magbibigay lunas sa mga sinasambit ng kanilang katawan.       

 

Dinaanan ko na yata ang lahat ng mga kadramahan ng pagiging isang duktor, mula sa mga mala-Emo na “Bakit pa ba ako nagduktor? Sana nag-abroad na lang ako. Mas madali pa yata matutong magsalita ng Arabo kaysa magduktor” ek-ek, sa mga PU moments na kinakausap ko ang aking konsensya at sinasabi kong “Shyet. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bahala na. Trial and error na lang ito. Wag na lang magpahalata. Dapat confi para hindi obvious sa pasyente na nagkukunwari lang akong may alam,” sa mga pagpapacute ko at pajoke-joke-joke tuwing endorsements para sakaling makalusot at hindi mahalatang hindi ko naman talaga alam ang sagot sa tinatanong sakin ng residente ko. Nadaanan ko na rin ang mga pagdurusa at ang mga paghihinagpis, ang masigaw-sigawan ng watcher ng pasyente habang nakamasid ang buong ER dahil pinaantay ko raw sila ng matagal (na hindi ko naman talaga kasalanan kung hindi kasalanan ng residente ko), ang sukdulang ipahiya ako ng aking residente sa harap ng aking mga co-intern na bilib na bilib pa naman sana sa akin sa dahilang pinagtataka ko pa rin hanggang ngayon, ang hindi makatingin ng maayos sa watcher ng pasyente dahil hindi ko makayanang sabihing wala pang gamut na naimbento sa buong mundo na makapagpagaling sa kamag-anak nila, ang matulog ng nakatayo, nakaupo, nakadekwatro, nakabaliktad, nakasirko-sirko, o kahit ano pang posibleng posisyon basta lang makaidlip sandali, ang mawalan ng social layp, lablayp, family layp, at pati na rin sexlayp, este, text layp.    

 

Sa dami-dami na ng dinaanan ko sa aking kagustuhang maging karapat-dapat sa MD na nasa dulo ng pangalan ko, iisa lang ang hanggang ngayon ay hindi nagbabago.

 

Hanggang ngayon, feeling ko, wala pa rin akong alam.

 

Normal daw iyon, sabi ng mga ibang duktor. Wala naman talagang duktor na alam ang lahat. Kaya nga ginawa ang sistema ng pagrereferral sa mga karapat-dapat na fields of specialization dahil ang kakayahan at talino ng tao ay may hangganan. May limitasyon. Hindi lahat ng kaalaman sa mundo ng medisina ay kayang higupin ng utak ng isang karaniwang tao.  Kung may kakilala kayong duktor na nagsasabing marami silang alam, hay naku. Wag kayong magpagamot sa kanila. Hindi lang siya mayabang, nagdudunong-dunungan pa siya. Marami ring duktor ang ganyan. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako mahilig makipaglandian sa kapwa ko duktor, mga know-it-all kasi ang karamihan (hindi lahat, ha? Pero karamihan lang naman) sa mga lalakeng duktor. Kung si Socrates nga na isang tanyag na pilosopo ay nakilala dahil sa kanyang pag-aaming wala talaga siyang alam, matuto rin dapat ang isang duktor na umamin na hindi niya alam ang lahat.   

 

Kaya umaamin ako, wala akong masyadong alam. Kung may alam man ako, madalas nakakalimutan ko rin ito.

 

Bakit ba nakakalimutan ko lagi ang dosage ng Trimethoprim-Sulfamethoxazole? Ano nga ba ang makikita sa X-ray pag Osteosarcoma at sa Osteoid Osteoma? Anong mga gamut ang binibigay kapag nagchechemotherapy sa isang may Wilm’s Tumor? Ano nga bang enzyme ang wala ang mga batang may Tay-Sach’s Disease? Ilang taon na nga ba ang isang karaniwang sanggol na Filipino upang maging marunong na siyang magdrowing ng kros? 

 

Yan ay ilan lamang sa aking mga binabasa at pinag-aaralan ngayong nagrereview ako para sa Board Exams. Iilan lang yan sa mga kababasa ko lang at memoryado ko pa noong isang linggo na ngayon ay hindi ko na naman matandaan.

 

Syetness. Memory gap.

 

Sabi ko na nga ba. Ito na nga yata ang epekto ng aking pagiging isang double-coil cord baby noong pinanganak ako. 

18 Tugon to “Ang Doktorang May Memory Gap”

  1. kingdaddyrich Says:

    di ito ang unang beses ko dito. pero ito ang una kong komento.🙂 naaliw lang ako. kasi noong bata ako, pinangarap kong maging doktor. at gusto rin ng elders sa clan namin na magdoktor ako. but here comes reality, na di namin abot-pera ang gastusin sa pagmemedisina. gayunpaman, masaya ako sa kinasasadlakan ko ngayon. at tulad mo, may memory gap rin ako. pero mas gusto kong tawagin ito na selective memory. namimili ng matatandaan ang utak ko. he hehe.

  2. FerBert Says:

    Gusto ng lolo ko na magkaroon ng isang doctor mula sa apo nya.. nung nagnursing ako kala ng lahat ako na ang tutupad sa pangarap nyan yun.. sus! ayoko nga. buhay pa ako parang impyerno na ang kahahantungan ko.. ang hirap magdoctor eh.. kung magdoctor ng pirma ng magulang kaya ko pa pero err.

    ano specialization mo doc?

  3. brotherutoy Says:

    doc, naligaw lang ako dito pero fate, luck, kismet, serendipity, ang galing ng blog mo doc! di ko alam, may humor pala ang mga duktor. tambay ang pamilya ko sa mga hospital (parang 7-eleven lang ang ER) at usually, mga nurses ang clowns. ang mga duktor, kung magpatawa, mga highsounding medical terms ang hirit. yung tipong magwi-wikipedia ka muna bago tumawa.

    heniwey. God bless po at dadalaw po ulit ako dito.

  4. anakngpiso Says:

    ahehehe.. di ko naman sinasabi na masama ka sa mga nurses meron kasing iba jan residente pa lang maldita pa sa attending.. o diba? ang sarap naman talagang saksakin… pero sa totoo lang mas marami pa atang alam sakanila yung mga beterana ng nurses kesa sa kanila (di ako kasama dun)…

    hala ako din kaya.. feeling ko wla pa rin akong alam.. tapos sobrang makakalimutin ko na… pero feeling ko tatalas ulit ang memory ko kasi kelangan kong mamemorize sa ilang minuto lang ang pangalan at kung anong anik-anik pa ng mga pasyente para pag nagtanong ang doktor alam ko… ahehehe

    doktora.. more power to you.. napalakas mo tuloy loob ko kasi mejo nagdududa na rin ako kung gusto ko ba talagang maging nurse.. pero ngayon ok na ako, kasi destiny pala tayo ahahaha.. cheers;p

  5. mangbadoy Says:

    uu nga you need doctor HOUSE… okay din si Dra Grey… first time ko ata magcomment sa iyong blog.,..

    ako din minsan may selective memory… tatandaan ko yung mga bagay na alam ko pero may pag ka attention to details ako e.. so pag nawala sa ayos ang mga bagay bagay alam ko na may gumamit or gumalaw…

  6. MARU Says:

    ateng, take a break ka muna sa pag i-emote mo jan.

    TAG muna kita.

    http://www.maruism.com/2008/11/14/my-lemonade-award/

    Sensya na at napag utusan lang din ako na ipasa-pasa daw. Hays….

    magkano nga pala consultation fee mo? lols.

  7. siangelnawalangpakpak Says:

    kingdaddyrich: toink. nagparinig ba? LOL… sa totoo lang, matagal na akong lurker ng site mo, pero first time ko lang din magcomment yesterday. hehehe… tulad mo, hindi po kami mayaman. kaya ako nakapagmedisina kasi dakilang financial scholar po ako at aabutin pa ng apat na taon bago ko mabayaran ang scolarship na yun… apat na taon ba? wait lang. memory gap na naman. di ko na naman matandaan.

    anakngpiso: naku, totoo yan. paminsan may mga beterananang nurses ang mas marami pang alam. pero tulad ng ilang doktor, meron ding nagdudunung-dunungan lang at dinadaan sa intimidating tactics ang mga clerks at interns.

    kung nasisiyahan ka sa ginagawa mo, sige lang. ituloy mo lang ang pagiging nurse. goodluck din sayo! padala na lang ng dollars pag nasa abroad ka na. ahahaha…

    taps: Offline daw si House. Temporarily not available.

  8. siangelnawalangpakpak Says:

    Ferbert: Ahahaha… Gawain ko rin actually ang mangdoctor ng pirma ng magulang. Isama mo na ang magdoktor ng resulta ng mga lab experiments at magdoktor ng stats sa research… Di ka naman siguro prof ko dati, no? Walang magsusumbong ha? =)

    Brother Utoy: Kung gagamit ako ng highsounding medical terms dito, baka ako lang ang tatawa mag-isa. Sad naman. Para naman akong takas sa mental niyan.

    Pero sa totoo lang, hindi ako nagpapatawa. Serious po ako dito. Baka isipin mo wala akong kwentang doktora. LOLs..

  9. taps Says:

    kahit kinakalabit na ng alzeimhers si angel, labs ko pa ren.

    hehe

  10. siangelnawalangpakpak Says:

    Ferbert: Pahabol. General Practitioner pa lang po ako. wala pa kasi akong lisensiya para magspecialize.

    mang badoy: hindi ka rin palanood ng TV ano? OC-OC ata ang tawag niyang sayo, hindi selective memory. As in, Obsessive Compulsive. Parang si Monk o di kaya si Jack Nicholson sa As Good As It Gets =)

    maru: ahahaha… ang aking first tag. parang feeling ko tuloy ay bingyan ako ng isang mainit na mwahugz ng mundo ng blogosphere. o siya, sige na nga. mapost nga itong tag na ito mamaya. salamat ate!

    para sayo, libre ang consultation.

    sya nga pala, nasabi ko na ba sayong WALA AKONG ALAM?

    taps: i labs you too, kahit dinedementia na ako at hindi ko na rin matandaan kung sino ka. hehe, joke lang, mr. tapsiboy.

    ahahay… may magagalit!!!

  11. repah Says:

    ako rin dati gusto kong maging duktok kc dahil sa blazer na puti na sinusuot nila .. kso naisip ko habang lumalaki ako… maraming memorizations at mga out of this world na salita ang pag-aaralan mo,,, nag-iba na rin ako ng pangarap…..at sobrang mahal magduktor kya nga hanga ako sa mga duktor na tulad nyo.. dahil napakhaba ng pasensya nyo….

    go lng doc.. pagpatuloy mo yan… sa susunod mgiging super duktora ka na rin..

  12. siangelnawalangpakpak Says:

    repah: may blazer na puti din ang mga nars, mga chemists at mga medical technicians. pwede ring pahiramin kita kung gusto mo =) at hindi naman hadlang ang pera sa pagdodoktor. financial scholar kasi ako. kung hindi ako scholar, malamang hindi ako doktor ngayon.

    salamat sa pagbisita.

  13. rio Says:

    go lang doc..aminado din ako na may mga pagkakataon din sa buhay ko na nagkakaroon ako ng memory gap kaya pinapanay panay ko din ang pagpunta ko ng mga seminars and conventions para ma refresh utak ko..

  14. siangelnawalangpakpak Says:

    toink. bakit ako parang pang-1 month lang ang mga natututunan ko sa mga seminars at conventions? huhuhu…

  15. watusiboy Says:

    isa ako sa mga bata noon na nagsasabing gusto kong maging doktor kapag tinanong ako kung ano ang gusto ko paglaki ko. ewan ko ba, pero akala ko dati, yun ang tamang isagot sa tanong na yon. tapos eventually nakalimutan ko na ang magdoctor. kinonsider ko lang uli nung mapanood ko ang patch adams – nainspire kasi ako. pero nung tumagal, narealize ko na hindi bagay sa akin ang propesyong yan dahil ayoko na on call ako 24/7.

    hirap ng trabaho nyo no?parang nilalagay sa kamay mo yung buhay ng tao.

    good luck nga pala sa board exams. at dahil taga UP ka din pala, sana ay maambunan ng talento mo ang mga nasa baryo at malalayong lugar.🙂

  16. anakngpiso Says:

    ahahaha!!!! natawa ako dun sa comment ni brother utoy kasi totoo yan!!!! yung mga joke minsan dinadaan sa medical terms.. cheers;p wala lang dumaan lang ako ulit.. cheers

  17. siangelnawalangpakpak Says:

    watusiboy: ehehehe… hindi naman lahat ng doctor on call 24/7. ayoko rin ng ganun. wala na akong panahong mag-ayos at magmeyk-up niyan kung saka-sakali. hehehe… salamat sa gudluck at sa pagbisita.

    anakngpiso: next taym ata, kelangan ko ng maglagay ng definition of terms bago ako magpost. wachuthink? =)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: