Drowsy and Drifting. Drifting and Drowsy…

self-hypnosis 

 

 

Dahil mukha na siguro kaming mga ngarag at parang mga kontestant ng palakihan ng eyebags, isinalang ang buong klase ng board reviewers sa isang stress-debriefing. Pagkatapos ang isang nakakaburaot na Powerpoint presentation tungkol sa iba’t ibang stress at kung paano ito malalabanan, kung saan nakarelate ako dahil umaapaw ang aking mga gawaing pampaiwas sa stress (tulad ng pagbloblog, panonood ng TV, pagkain, pagsesex, pagteteks, at iba pa), pinaghiwa-hiwalay ni DocN ang upuan ng mga tsismosa at tsismosa (tulad ko at ang aking mga dakilang alipores), nagpatugtog ng soundtrack ng tubig sa batis (na parang gusto kong mag-Ma’am May I Go Out? kada beses na marinig ko ito) at sinimulan na ang aming sesyon gamit ang hipnotismo bilang isang relaxation technique. Sa bawat pangungusap na sambit ni DocN, humihirit naman ako sa isip ko na tila nagsusulat na ng maibloblog mag-isa.

 

 

“Close your eyes. Allow yourself to feel relaxed. Empty yourself of all your thoughts.”

 

 

Si Mader umagang-umaga kanina, tumatalak na naman… Siguro menopause na… Wala na pala akong pera. Huhuhu… shiyet. Hindi na bago yan ah. Makautang nga ulit kay SisterJ… Muntik pa sana akong maleyt ng pasok kaso buti na lang mas late si DocN… Hmmm… Siguro masarap itong iblog mamaya.

 

 

“Uncross your legs. Let your feet touch the floor. They are getting very heavy.”

 

Shiyet… Ang liit ko talaga. Di man lang umaabot ng sahig ang paa ko unless nakatingting ako.

 

 

“Feel the tension leave your neck and your shoulders and your back. Your shoulders are drooping. The muscles in your neck are relaxing.”

 

Paano ba masabing relaxed na ang aking leeg? Pag medyo nakabitin na lang ang ulo ko, parang ganito? (Head lag mode ala 2-month old) O parang ganito? (Zombie na nahuli sa pagdating at namiss ang Halloween) O baka naman ganito? (Tilt ng ulo konti, ngiti sabay hawak sa cellphone nang malayo sa mukha, ala-Friendster pose).

 

 

“Take a deep breath.”

 

Inhale…. Exhale….

 

 

“As you inhale, let the tension leave your body.”

 

 

Oh, shiyet. Di pa pala dapat nakaexhale. Bawi ang exhale. Inhale ulit…. 

 

“Now, exhale.”

 

Ngek, exhale na. Kaiinhale ko lang. Habol, Angel. Habol sa pagiinhale-exhale.

 

 

“Your cheeks and your forehead are relaxing.”

 

Hmmm… huwag ilabas ang mga wrinkles.

 

 

“You are getting drowsy… Drowsy and drifting… Drifting and drowsy…”\

ZZZZZZZZZZZZZZZZ…..

 

 

“Think of your happy place.”

 

Yung Videoke bar na madalas naming puntahan ng mga kaibigan ko dati. Mura ang beer at magsasawa ka sa kakaawit ng mga peborit mong kanta. I Will Survive, yeah!

 

 

“Think of your happy place as the best place for you to study.”

 

Erase-erase-erase ang Videoke bar. Ipasok ang kuwarto ng boyfriend ko na ubod ng gulo.

 

 

“Imagine yourself walking down the steps to your happy place. As you climb down each step, count each step as one, two, three and so on.”

 

Toink! Walang hagdanan sa bahay namin. One-story house yun. Bahala na. Imagine ko na lang na ginawan na ito ni Pader ng basement at nasa basement ang kwarto ko.

 

 

“When you finally reach your happy place, you will feel relaxed.”

 

I will feel relaxed. Uyyy… parang may ginintuang halo na bumabalot sa aking katawan.

 

 

“In your happy place, you feel you can do anything.”

 

Mag-aral, check. Magpalit ng damit, check. Magbati Magbabad sa telepono,  check.

 

 

“You will pass.”

 

 

I will pass.

 

 

“You are smart.”

 

I am smart.

 

 

“You are pretty.”

 

 

I am pretty… Joke! Eching ko lang yun. Di na sinabi yun ni DocN. As if naman kailangan pa niyang sabihin yun. Alam ko na yun, no? Noon pa sinasabi sakin ng Nanay ko yan.

 

 

“You now leave your happy place and slowly go back up the stairs.”

 

 

Lalalalala… Lalalalala… Pakanta-kanta pa ako habang paakyat kunwari ng imaginary hagdanan.

 

 

“You now become aware of your surroundings and slowly open your eyes.”   

 

Ito po talaga ang totoong nangyari.

 

 

Nakatulog po ang inyong lingkod pagkatapos sabihan ng drowsy and drifting, drifting and drowsy. Aber, ikaw nga ang makarinig ng mga katagang ito, ewan lang kung hindi ka rin dapuan ng antok:

 

 

Drifting and drowsy. Drowsy and drifting. Repeat 10,000 times. And then fade…

 

 

At sa mga kuwento lang ng mga kapwa ko kaklase nalaman ang sumunod na pangyayari ng sesyon na iyon dahil nga sa nagmistulang dead to the world na po ako.

 

 

Buti na nga lang talaga hindi ako napaHILIK.

 

 

 

 

*photo taken from Kafka On The Shore

 

10 Tugon to “Drowsy and Drifting. Drifting and Drowsy…”

  1. joshmarie Says:

    gusto ko matuto niyan.hehe.

  2. siangelnawalangpakpak Says:

    ang alin? ang matulog o ang makapaghipnosis? =)

  3. joshmarie Says:

    pareho kong gustong matutunan girl.hehe


    re stalkers naku gurl bulang yung stalker ko na ayun. hindi siya marunong tumingin ng totoong maganda at panget. hahaha.

  4. siangelnawalangpakpak Says:

    hehehe… naku. di rin ako marunong niyan. meron yatang mga self-help hypnosis sa google. hanapin mo lang. kung di ka antukin.

  5. joshmarie Says:

    apir tayo jan te! baka ako nga yung nawawala mong kapatid. hahahahaha! inuman na! reunion ito! hahaha!

    —at MAHIYAIN DIN ako. mahiyain pero hindi. hehe.

  6. siangelnawalangpakpak Says:

    hoy bunso! *beso-beso*
    tara, icelebrate natin ang pagiging back to the family mo. magpainom ka.

    kaw taya ha? wala pako trabaho, underlicensed pako. hehehe…

  7. ced Says:

    natawa naman ako dun! hehehe
    kung ako un tutulugan ko rin yan!

  8. rio Says:

    malamang na tutulugan ko din yan..
    magamit nga to sa mga magulang ko para makalabas ako ng bahay na hindi napapagalitan,..hehe

  9. siangelnawalangpakpak Says:

    ced: see? hindi lang naman pala ako ang abnoy na doktor na antukin. hehe, joke!

    rio: hahaha… naku, hindi ata yan epektib sa mga magulang. kasi may super senses yan sila when it comes to noticing kung nasa bahay na ba ang lahat ng mga anak nila o hinde.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: