Hindi Ito Loveletter

 

 

Mukhang uso ata ang mga break-up ngayon.

 

Habang ako ay nagchecheck ng aking Friendster, isang message mula sa aking kaibigan noong kolehiyo ang aking natanggap. Itago na lamang natin siya sa pangalang Dora the Explorer. Mahaba ang kanyang liham dahil ikinuwento niya ang mapait na pagtatapos ng kanilang pagmamahalan ng kanyang labiduds na si Twitter at wala na akong planong ipost pa dito ang liham niya. Pero ipopost ko na lang ang reply ko sa kanya.

 

Sa mga panahong iyon ng kanyang paglukmok sa depresyon buhat sa isang pag-ibig na muli na namang natibag, alam kong kailangan kong hubarin muna ang aking puting blazer na simbolo ng aking pagiging doktor sa medisina upang gumanap muna bilang kaibigan at duktor ng pag-ibig sa buhay niya.   

 

As if naman marami akong alam. Charles.

 

 

 

First of all, of course, Dora, ikaw yung namimiss ko na namention ko doon sa bulletin ko, sira! I’m so sorry to hear about your latest “moment of pure agony and bleeding heart”. Tingnan mo naman, dahil nakiki-Internet lang ako sa mga computer shops, I copied paste your e-mail pa sa aking naghihingalong USB para lang maiuwi ko siya sa bahay at makapagsulat ako ng mas nababagay na reply na tipong pinag-isipan ko talaga at hindi minadali, para lang talaga sayo.

 

Naks. Oo, ang point lang ng sinabi ko ay dapat matouched ka kasi ang sweet-sweet ko. Okey?

 

Langya naman yang si Twitter, oo. Ang tagal niyo na rin diba? Akala ko pa naman sure na. Oh, well, TAE siya. Kung hindi niya narealize na hindi na siya makakahanap pa ng mas mabait, maalalahanin, malambing at kasingganda mo na tulad ko (beauty yan transferred via osmosis), then you’re obviously better off without him.

 

Mahirap kasi talaga pag biglang nag-eend ang mga lovestory kung kailan halos pinangakuan ka na ng kasal, di ba? Yung akala mong meron ng tutupad ng mga sinabi ni Adam Sandler sa kantang “Grow old With You” sa buhay mo, tapos wala pala.  Dinaaanan ko na rin yan. Parang hindi ka na makahinga. Parang merong sumisipa sa pectoralis mo. Parang unt-unting winwasak ang puso mo. Parang gusto mo na lang magkulong sa kuwarto at hayaang lamunin ka ng mga unan at ng kantang “All By Myself.” Yung kung pwede lang, tumigil na lang muna ang pag-ikot ng mundo hanggang sa talagang okay ka na at pwede ka na uling lumabas ng kuwarto at humarap sa mga tao. 

It too shall pass. Parang kidney stone lang yan. 

Sabi mo, “Around end of July, nag iba na ang tono. We were fighting over super petty thing”. Usually, para sa akin, sign na yan na something’s wrong in the relationship. Kasi kung dati compatible kayo, something must have happened for him and you to start fighting over petty things. At kung wala ka naman talagang nakikitang something new or any changes in your life that could cause a rift between the two of you, then he must have had something na tinatago niya from you.

 

Paano mo nga pala nalaman yung tungkol kay TheOtherGirl? At nakameet niya lang sa chat? Sukat ba namang nakikipag-EB (EyeBall) pa pala itong si Twitter sa  tanda niya? Heller! Ano tayo, highschool?!  Suspetsa ko lang, baka naman hindi pa talaga ready for commitment si Twitter. Kasi if you are ready for commitment, hindi ka na makikipag-EB sa mga nakakachat mo. Makukuntento ka ng kausapin lang sila kasi wala namang point ang makipag-EB ka pa sa kanila unless may masama kang binabalak. Opinion ko lang naman yun. I mean, ganun kasi ang karamihan ng mga happily married at satisfied boyfriend ng may boyfriend na nakakachat ko.

At ang duwag! Tama ba namang si Sisterette niya pa ang magbigay ng apology letter in his behalf. Did you guys even talk after the break-up with regards to TheOtherGirl? Kasi kung wala, don’t even attempt na kulitin siya for that final talk after the break-up. Most people will tell you to talk to him so he will be able to tell you in his own words what went wrong and that he’ll be able to answer whatever questions you might have like kung saan ka nagkulang, paano niya nagawa ito sayo, sino ang mas mahal niya, blah blah blah. Pero trust me, kahit anong closure ang gawin mo, meron at meron ka pa rin talagang mga tanong na hindi niya masasagot at hindi mo rin mahahanap ng sagot. EVER. At in the end, nag-usap man kayo sa huli o hinde, ganun ka pa rin kaconfused about what happened.  

When Rockstar and I broke up, I was hoping na maging kakampi ko ang mother niya kasi nga feeling ko close kami. When I found out his mother knew pala about the other girl way before I did, I felt more betrayed. So, hayaan mo na kung friendly friends na ngayon si Sisterette niya at si TheOtherGirl na malamang ay chimiaa ng mga Arabo sa Dubai, mapa-DH, caregiver, nurse etc man siya doon. Kung mayaman siya, mukha pa rin siyang atchay sa isip ko.

Malakas na betrayal ang sigurado akong nanonoot sa isip mo ngayon. Nanonoot. Naks. Ang lalim na ng Tagalog ko. Hahaha… Anyway, sige lang. Masakit yan sa ngayon. As in, sobrang sakit. Pero eventually, mawawala rin yan. Just give yourself some time to mourn. Ako, mga dalwang linggo akong umiiyak, isang buwan akong nagdedepression drama tapos mga ilang buwan bago ako nag-iisip na magkaboyfriend ulit. Earlier pag may dumarating ulit na uber gwapo. Hehe, joke. Pero eventually, nagiging okey din ako. Nakakahanap rin ng bago. Nagmamahal ulit.   

So you ask me, “what would make my heart stop bleeding, Angel? What would make me rise up and face everyday with a smile again?” Corny man ang sasabihin ko pero ito lang ang time-tested at effective na saying na masasabi ko sayo.

Time will heal all wounds.

Bruha! Miss kita sobra. Kaya kahit mukha kang depressed at mukhang gusto nang magpakamatay na haharap sa akin, tatanggapin ko at wala akong pakundangang ipagpapalit ang isang buwan na pag-aabsent at mamimiss kong board review for the chance na makita ka at samahan kang tumongga hanggang hindi na tayo makalakad sa sobrang kalasingan. That is, kung may pera lang ako pambili ng pamasahe papunta diyan. Kaso wala. Kasi poor ako at jobless. Kaya hanggang dito na lang sa e-mail na ito ko ipapaabot ang aking mainit na hugs and kisses sayo.  

Hugssss. Huggggss. Hugggsss. Kisses. Kisssses. Kisseses.

 

Pero kung gusto mong malaman kung gaano na talaga kagulo ang lovelife ko for the past few years or so, at maaamuse dahil mas worse na pala ang mga naging sitwasyon ko kaysa sayo, basahin mo ang aking blogs sa… Secret blogs ko yun at ikaw lang sa mga kakilala ko personally ang may hawak ng website addresses na yan kaya, atin-atin lang ito. Okey?  

I’m taking the board exams this February. Ewan ko kung bakit pero may pressure from the batch na mag-top daw dahil… (secret na namin yun ni Dora)… Ang masasabi ko lang diyan ay ASA PA SILA. Tamad akong tao at nabubuwisit ako pag pinepressure ako. Mas lalo lang akong nawawalan ng gana mag-aral niyan. Pero thanks na rin for the vote of confidence. I know I will pass (Naks, hindi rin ako confi, no?) pero I doubt na I will top. Masaya na rin naman akong pumasa lang. Okey na ako dun. Magkakapera at magkakatrabaho na rin ako nun.

I miss you so much, Dora The Explorer. Promise to God, magkapera lang ako, bibisitahin talaga kita diyan sa inyo. Take care and God bless!

 

  

 

O, ayan ha? Kung pinaplano ko man humingi ng abuloy sa inyo para dagdagan ang funds ng “Piso Para Kay Angel Charity Foundation” at humingi ng pamasahe papuntang Maynila, at least, alam niyong hindi ito for my own selfish purposes. Nag-aalala lang ako para sa kaibigan kong si Dora. Yun lang yun.

 

Feel free to contact me via my e-mail address for your generous donations.   

5 Tugon to “Hindi Ito Loveletter”

  1. lunes Says:

    pasensya doc. jobless rin ako eh. wala akong pwedeng idonate na pamasahe.. nagtratraining lang ako ngayon.kaya wala ring sweldo.

    naku.. kawawa naman pala ni dora.pero mas aus na un ngaun nya nakilala ng maigi si twitter.hanggat di pa sila kasal.mahirap kung nangyari un na kasal na sila.hmmm

    goodluck sa board exam!! papasa ka.. at mas msarap kung magtop..go!!

    aus ah.sekret blog pala ito.

    ako minalas sa blog ko.. nahuli ng mga kakilala ko sa personal.wehehe.

  2. rio Says:

    wow..ang haba ng reply..
    hmmm…pwede ko din po bang idulog sa inyo ang aking lab prob?? lols
    salamat po sa pagdalaw sa aking maliit na blog..sana po ay makabalik kayo…
    medyo busy po ako ngayon kaya hindi po muna ako makakapag back read pero pag naging ok na po ang sked ko..babalik po ako dito at makikipagkulitan..hehhe

    have a nice day dok

  3. siangelnawalangpakpak Says:

    lunes: salamat, girl! bakit mo nasabing masarap magtop? siguro topnocher ka no? uyyy… aminin!!!
    oo secret ko lang ito. sana walang makakakilala. well, di naman kasi ganun ka uso ang pagbloblog dito sa amin. ako lang. hehehe…

    rio: doc, lab prob din ba? naku, ala naman talaga ako masyadong alam niyan. hehehe… pero, basta ikaw, kakayani ko. pero me libreng root canal ako, ha? alam ko namang ayaw na ayaw mo nun. hehehe… babalik ako. masyado akong natuwa dahil sa tetra pack eh.

  4. anakngpiso Says:

    pwede po ako magdonate ng tiglilimang daang piso kaya lang picture ko ang nkalagay.. cheers;p-glesy the great

    http://anakngpiso.wordpress.com/

  5. thefilipinamistress Says:

    nye… ni pambili ng ticket, di ko mabibili yan =)

    ako na nga lang nagbigay ng pera sayo, iha. naks. yabang no? kala mo may pera. hehehe…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: