Picture-picture!

 

 

Kasalukuyan akong nakikipagpatintero kung sisilipin ko ba ang Friendster profile ng isang ex-boyfriend ko at nang tuluyan na akong mabansagang “Loser Ako” ng napansin ko ang default pic ni Naruto, isa sa aking mga kaklase. Medyo blurred siya kasi maliit lang ang lumalabas na pic if you’re viewing it via the friends list so kinlick ko siya at lumabas ang kabuuang profile ng aking kaklase, at ang kabuuan ng kanyang default pic.

 

Kasama niya pala ang kanyang girlfriend sa picture. Nagimbal lang ang aking senses ng makita ko ang kanyang default pic dahil sa pose nilang dalawa. Hindi naman sila nagpapacute at nagsasabi ng favorite food na laging pinagaawayan nina Tom and Jerry. Hindi rin sila nagpapakaastig na gumagawa ng mga hand signals na tulad ng \m/ o peace signs na parang gusto nilang makipagkumpetensya sa rebulto ni Sto.Niño.

 

Sa picture na iyon, si Naruto at ang girlfriend niya ay naglalaplapan.

Nagpapalitan ng mga laway.

Nagtotongue-wrestling.

Nagmomouth-to-mouth resuscitation.

NagfeFrenchkiss.  

 

Ewan ko ba kung bakit naiirita ako pag meron akong nakikitang naglalaplapan sa mga default pic nila. Hindi naman ako conservative at pinalaking hindi pa nakakatikim ng French kiss. Hindi naman sila nagsesex at wala namang masama kung gusto mo talagang kunan ng hard evidence ang pagpapalit-palit mo ng laway sa iyong boyfriend o girlfriend sa pamamagitan ng pagpipicture. Kahit ako ay nakaranas na rin na magpapicture habang nakikipaghalikan. Masaya. Parang kafeeling mo ang isang batang paslit na nakakita ng sex scandal. Pero of course, it’s for me and for my boyfriend’s eyes only.

 

Ang ayaw ko lang naman ay bakit sa dami-dami ng pictures mo sa Friendster, eh yung, nakikipaghalikan ka pa ang kukunin mong default pic. Una, hindi naman nakikita ang kabuuan ng iyong mukha dahil tinakpan na ng girlfriend mong mukhang mutain ang kalahati ng mukha mo. Pangalawa, sabihin na nating proud ka sa girlfriend mo. Maganda siya at sexy kaya gusto mo siyang ishow-off sa mga kaklase mo dati nung highschool na binasted ka at sa ex mong nakipagbreak sayo at iniwan ka para sa lalakeng mas malaki ang bayag kaysa sayo. Kung talagang proud ka, bakit hindi na lang picture na nakikita ang buong mukha niya ang ipost mo at hindi yung kalahati lang dahil sa ikaw naman ngayon ang nagtatakip sa kalahati ng mukha niya? Pangatlo, kung talagang gusto mo ng picture na sabay kayong dalawa at meron kayong makabuluhang ginagawa dahil sawang-sawa ka na sa mga simpleng pagpapacute lang na pose, bakit hindi na lang yung picture na kayo ay sabay na naggagardening, nagcrocrossstitch o  di kaya’y nagaararo ng bukid? Para maiba naman at unique kayo, di ba?           

 

Napakaawkward kasi talaga para sa akin ang makakita ng default pic na syota o mag-asawang naghahalikan. Para siyang pornsite na accidentally mong napuntahan habang nasa isang Internet shop ka at napapaligiran ng maraming makukulit na bata na naglalaro ng DOTA. Hindi mo siya pwedeng tingnan ng matagal kasi baka mapagkamalan kang may pagnanasa sa isa sa mga naghahalikan o di kaya’y nae-eL sa picture nila. Hindi ako conservative. Kung nagbabasa ka ng isang blog ko, alam mo yun. Hindi rin ako nagpapakaplastic. I mean, what’s the point in being plastic, eh, hindi naman tayo magkakilala in person? Para sa akin lang, mas mabuti nang ang mga litratong may bahid na sexual ay mas mainam na para sa mga mata na lamang ng mga lumahok at hindi na dapat ibalandra sa madla kung hindi ka rin man lang pornstar o nagyayaya ng threesome.

 

O baka naman sabihin niyong nagseselos lang ako sa girlfriend niya. Excuse me lang, no? Di ko siya type. At baka sabihin niyo ring nagseselos ako dahil sa ginagawa nila. Oo, medyo tagtuyot nga ako lately at Iced Tea at Snow Bear lang ang kasalukuyang madalas na nagtatumbling-tumbling sa loob ng bibig ko, pero hindi naman ako ganun ka inggit sa kanila. Pwede rin naman akong makipaghalikan ngayon din mismo kung gusto ko lang.

 

Kaso ayaw ko. Mga tae kasi silang lahat.   

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: