Bakit Ako Hindi Pumasok ng Klase

Hindi ako pumasok ng klase ngayon.

 

Dalawa hanggang tatlong oras lang ang board review class namin kada araw. Kada linggo ay hinahawakan ang klase ng isang duktor na eksperto sa paksang kasalukuyan naming inirereview. Pediatrics ang paksa sa buwang ito at ang pediatrician na itatago nating sa pangalang si Dra. Jolina ang humahawak sa klase sa linggong ito. Noong Lunes namin siya unang nakilala. 25 kaming lahat na pumasok ng klase. Pagkatapos ng dalawang oras, halos wala ng gustong pumasok sa klase niya sa mga sumusunod na araw. Dahil hindi tulad ng regular na klase sa medskul kung saan may checking of attendance, sa board review, wala na, at pwede ka ng umabsent o pumasok kung kailan mo gusto.

 

Ubod ng taray kasi si Dra. Jolina. Payat, seksi, matangkad, maputi, mahaba ang buhok at medyo may wrinkles na. Isa siyang matandang dalaga. Ewan ko lang kung nagmemenopause na siguro siya pero saksakan talaga ng taray ang bruha. Dinadaan nga sa landi at pagbibiro ang ilan sa kanyang mga hirit lalo na kapag lalake ang kanyang kausap, subalit halata pa ring umaalingasaw ang kanyang katarayan.

 

“Close your books. I don’t want you looking at your books. You should know these things already. Gradweyt na kayo.”

 

Natural, nagpalipitations ang karamihan ng aking mga kaklase at kinabahan ng pumasok ng eskuwela sa sumunod na mga araw.

 

Pero hindi ito ang dahilan kung bakit ako umabsent.

 

Hindi ako takot na tawagan niya ang pangalan ko at tapunan niya ako ng mga tanong na hindi ko alam ang sagot. Kung hindi ko alam, eh di okey, fine. Basahin ko mamaya pagkatapos ng klase at tiyak masasagot ko na siya bukas. Hindi naman ako mamamatay kung hindi ko alam ang sagot at wala naman kami sa ospital upang nakasalalay talaga ang buhay ng isang pasyente sa kung ano man ang isasagot ko sa kanya. Tanggap ko na may mga bagay na hindi ko alam o di kaya’y memoryado, at kung kailangan ko itong pag-aralan, sige, gagawin ko. Ang tunay na dahilan kung bakit ako pumasok ay dahil gusto kong ipakita na hindi ako sumang-ayon sa ginawa niya sa aking kaklaseng itatago natin sa pangalang Naruto.

 

Si Naruto ay kilala sa klase bilang isa sa mga matatalino pero tamad lang paminsan at mahilig magpalusot. Istilo niya ang sumagot ng mga tanong sa paraang madami pang dinadaanang pasikot-sikot at pasakalye at pagkatapos ng isang oras na pagsasagot sa tanong mo in confident English, ay saka mo marerealize na wala naman palang katutunan ang lahat ng sinabi niya at hindi pa rin niya talaga nasagot ang iyong tanong. Useless. Ganito rin ang istilo ni Naruto sa pagdidiskarte sa mga babae, at siyempre madami siyang nabibingwit na mga neneng bilib sa kanyang confidence at pag-Iingles at obviously ay nasa lebel na moronic ang IQ ng mga neneng ito dahil hindi marunong magread between the lines.

 

Tinanong ni Dra. Jolina si Naruto, “Okay. You. At what day can you say that a patient with Mumps becomes highly infective?”

 

Ang sagot ni Naruto. “In 5-7 days after the appearance of his symptoms.”

 

Confident sa sagot pero mali. Ewan ko naman kasi kung bakit may pagkagago din itong si Naruto at naisip yatang baka makalusot pag sakaling sasagutin niya ang tanong with confidence.

 

Ang sagot ni Dra. Jolina sa kanya, “Pataka lang ka, dong. What’s your surname? Where did you take up your internship? Graduate ka na ba? How could they even allow you to pass the department? Siguro, dinaan mo lang sa pagpapakyut at gandang lalake ang mga babaeng residente mo kung kaya ka pumasa.”

 

Para sa akin, isang low blow yung sinabi niya.

 

Oo, tama nga. May point sya. Gradweyt na kami at hindi na kami kailangang ibeybi,  ipaghele-hele o akbayan ng mga lisensyadong duktor ang aming bawat galaw. Oo, tama nga, dapat hindi na lamang nagpalusot ang kaklase ko. Kung ako yun, tatahimik na lang ako kung talagang hindi ko alam ang sagot. Pero para sa akin, hindi talaga tama ang ginawang panginginsulto ni Dra. Jolina kay Naruto dahil para niya na ring sinabing wala itong karapatang gumradweyt at umabot sa kung nasaan siya ngayon.

 

Palibhasa kasi, tulad ng paulit-ulit na sinasabi ko dito sa aking blog, karamihan ng mga duktor ay mayabang. Walang sense of humility. Akala mo, dahil mas marami na silang taong dinaanan sa pagprapraktis ng medisina ay may karapatan na silang yumurak ng pagkatao ng ibang mas nakakababa sa kanila, sa mga duktor na hindi pa lisensyado, mga estudyante ng medskul, mga nars, mga medtechs, mga janitor. Karamihan, ang tingin sa sarili ay diyos at wala silang pakundangan kung umalipusta ng mga taong hindi nila ka-lebel. Nakakabuwisit. Kung tutuusin, dinaanan na rin nila ang mga dinaanan namin, kung kaya’t mas nararapat siguro kung gabayan na lamang nila kami sa kung ano ang dapat naming gawin kaysa ang insultuhin kami na para kaming hindi nag-aral o di kaya’y nakagradweyt lamang gamit ang aming angking alindog o di kaya’y gandang lalake/babae.

 

Eh, kung tutuusin, wala naman kami non.

 

Palibhasa, wala ng pumapansin sayo, Dra. Jolina. Inggit ka lang.

 

PAAAAANNNGGGGEEEETTTTTTT!!!!    

 

Tumahimik na lamang si Naruto. Sige pa sa pagbirit ng mga kakornihan at kalandian si Dra. Jolina. Pero tahimik na rin ako. Nagbiro pa siya sa akin, kung kaano-kaano ko raw ang artistang kasing-apelyido ko. Sabi ko tiyuhin ko, kahit hindi naman. Pero hindi na ako ngumiti sa kanya. Ayokong magpakaplastik. Kung ayaw ko sayo, huwag mo nang piliting makuha pa ang kiliti ko.

 

Humanda ka, Dra. Jolina. Balang araw, mas marami pa akong alam sa’yo at luluhod ka ring magmamakaawa sa paanan ko.

 

Yabang ko talaga. Makabalik na nga sa pagbabasa.


About these ads

13 Tugon to “Bakit Ako Hindi Pumasok ng Klase”

  1. cindyrella Says:

    grabe naman ang prof na iyon, naiinis din ako minsan sa mga ganyang prof yung akala nila magaling sila, ok sabihin na nating magaling pero wala naman ata silang karapatang yumurak ng pagkatao na may pagkatao.. lahat tayo ay may dignity na hindi lang basta2x tinatapakan ng kung sino lang..

  2. kengkay Says:

    meron talagang ibang prof na akala nila sila na lang ang magaling at mas kyut. baka crush lang nun si naruto, hehe. pero sa totoo lang, hindi ako aprub sa ganyang terrorism sa classroom hindi matututo ang mga estudyante nyan e

  3. Helena Says:

    wahaha ang cute ni naruto!! pakilala mo sa kin ng maturuan ako ng tungkol sa beke..

    may terror din sa min sa IM, masakit magsalita. Yung isang ka-group ko sinabihan nya “Hindi ka na sana nag-medicine, sana nagsepultorero ka na lang!” Yung mga co-clerks ko pag napagtitripan nya nag-iiyakan. Ako dedma, apakan mo ko hangga’t gusto mo.

    Pag-uwi ko saka kita iiyakan…isusulat pa kita sa death note ko!!!

  4. Kris Jasper Says:

    kung dito yan, bullying na ang kaso nya.

    haaaay…. yan ang mahirap sa mga has beens… takot sa new bloods.

  5. hisnameisdencios Says:

    grabe naman iyan.
    di na tama yun!
    KARMA na lang
    ang gaganti
    sa mga tulad nya/nila!
    nyemas!

  6. p0kw4ng Says:

    “karamihan ng mga duktor ay mayabang. Walang sense of humility”

    ingat ka ha baka mahawahan ka nila pag matagal ka na ding doktor..hihihi

    keep cool!

  7. kengkay Says:

    hirit ulit ako – dito mahirap maging doktor. karamihan sa kanila hindi pagdodoktor ang nagiging trabaho kundi prof e taga tinda ng gamot :(

  8. lunes Says:

    dear dra.jolina:

    matanda ka na at di ka na babata. kukulubot lalo at papanget ang hitsura. sana kahit ugali man lang matirang maganda..wehehe..

    sa tingin ko magiging magagaling at mababait kayong doctor… kelangan natin yan sa health care profession…

  9. glesy the great Says:

    totoo!!! magpapapaalam lang akong mag mura ha…. tang ina yang mayayabang na doctor na yan ang sarap hampasin sa pader pagbuhul-buhulin ko sila eh… yung iba nga residente pa lang ubod na ng yabang…. akala mo naman super galing na…

    salamat at pinagtatanggol mo kami.. ahehe.. ilabyu na talaga ahha…. sana wag kang gumaya sakanila.. yan ang feeling kong maggng problema ko dahil di ko kayang magpigil pag naubos pasensya ko… baka may makasagutan akong doctor.. cheers;p-glesy the great

  10. foobarph Says:

    ano kaya ang ginagawa ni dra jolina habang lumuluhod sa iyong paanan? ahhhh…. napakagandang posisyon… este, napakagandang post. :)

  11. mangbadoy Says:

    naaliw ako hindi sa post kundi sa mga reaction ng commentators mo… iba-ibang tao iba iba ang interpretasyon…

  12. siangelnawalangpakpak Says:

    CINDYRELLA: Check. May karapatan nga sila dahil siyempre, mas matalino naman talaga sila kaso lang, parang hindi na makatao yung ginagawa nila, di ba?

    KENGKAY: Hahaha. Sa tingin ko nga, type nya talaga si Naruto. Balita ko kasi lumalandi daw talaga yun sa mga estudyante niyang may itsura.

    HELENA: Hay, naku girl. Sa totoo lang, normal na matatawag na siguro ang ganiyang pag-uugali sa ospital. Hindi ko naman sila mablame kasi siyempre stressful din ang environment sa ospital lalo na’t pag mag nag-aagaw buhay na diyan sa harap mo. Okey lang sa akin actually pag sa ospital ako ganunin. Pero pag sa loob ng eskuwelahan, walang excuse. Magpakatao naman sana sila.

    KRIS JASPER: Pwede bang kasuhan ng bullying diyan sa UK? Curious lang.

    HISNAMEISDENCIOS: feeling ko kasi, ginanyan din siguro si Dr. Jolina dati noong estudyante siya. Kaya bumabawi lang siya ngayon, ano? Shiyet. Pramis ko, magpapakabait ako pag taym ko na. Hehehe.

    POKW4NG: ahaha… wag naman sana. pramis, mabait talaga ako. hehehe…

    LUNES: ahaha… thanks, lunes. makikita na lang natin balang araw. pinagdadarasal ko ring sana hindi ako matulad kay Dr. Jolina balang araw. hindi naman ako mataray in person so umaasa akong hindi rin sasama ang ugali ko pag nasa edad ko na siya.

    GLESY THE GREAT: naku, kung ako nga paminsan pinipigilan ko na lang ang sarili ko na huwag magtalk back. tinatanggap ko na lang pag napagsasabihan ako ng residente ko at tumatahimik. may kaklase akong nagwalk-out talaga sa harap ng residente niya. syempre, takot naman akong mademerit o di kaya’y mag-repeat rotation kaya tumatahimik na lang ako at iniisip ko na lang na kung bosing siya dito sa ospital, malamang may ilang aspeto ng buhay niya na di siya masaya tulad ng pamilya, lablayp o social layp. At least, lamang ako sa kanya doon. Hehehe…

  13. siangelnawalangpakpak Says:

    FOOBARPH: ahaha… paluluhurin ko siya sa isang bilao ng munggo habang nirerecite ang developmental milestones.

    MANG BADOY: ganyan talaga siguro pag galing ka sa iba’t-ibang propesyon.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: