Ala-1 ng umaga. Galing ako sa beerday ng aking kaklaseng si Naruto. Pagdating ko ng bahay, nanonood ng TV si Pader at siya ang bumukas ng pinto para sa akin.
“Kamusta naman ang party?”
“Okay lang naman, Pa.” Hindi ko na kinuwento sa kanya na nagsiinuman lang naman kami ng sangkatutak na beer at Emperador hanggang sa nagsusuka na ang ilan sa amin, habang nagviVideoke yung iba hanggang sa sumabog yung transformer sa kabilang kanto at nawalan kami ng kuryente. True story.
“Sino ang naghatid sa’yo pauwi?”
Hinatid kasi ako ni Pader papunta ng party. Mas gugustuhin ko naman sanang mag-tricycle na lamang kasi Big Girl na ako subalit, ayon kay Mader, quote unquote ”Mag-isip ka ngang bata ka. Tingnan mo yang suot mo. Hala, magpahatid ka sa tatay mo.” Eh, kung tutuusin, naka-off shoulder lang naman ako. Ano naman ang masama doon? Hindi naman siguro malaswang magpakita ng balikat? Kaso, dahil ayokong makipagdebate sa nakatatanda at baka hindi pa ako bigyan ng allowance bukas (yokong mawalan ng pang-load), pumayag na lamang ako.
Ito ang isa sa mga panahong naisip ko na masaya siguro kung may syota. May drayber ako.
Joke lang! Baka isipin niyo ginagawa ko lang drayber ang mga boylalu ko. No, no,no. Joke lang yon.
“Ah, nakisakay na lang ako sa kotse ng boypren ng kaklase ko.”
“Ikaw lang ba ang walang sasakyan sa mga kaklase mo?”
“Hindi naman. Yung ibang walang sasakyan tulad ko, may mga boypren na nagsundo sa kanila.”
Tiningnan ako ni Pader na tila awang-awa siya akin.
Ito na. Chansa ko na to. Panahon na para marinig ko sa mga magulang ko na pwede na akong magkaboypren. Dis is it. Aym so eksayted! Halos dalawamput-walong taon ko ring inantay na lumabas sa bibig ng aking ama na handa na silang pakawalan ang kanilang nagkukunwaring dalagang Pilipina sa kanilang bakuran.
“Ganun ba? Huwag kang mag-alala anak, balang araw, magkakasasakyan ka rin. Pag-iipunan natin yan.”
Si Pader talaga. Mas gugustuhin pa atang mamulubi kami at tumanda akong dalaga kaysa payagan niya ang panganay niyang magkasyota. Hmp!