Mahal ko ang kapatid kong si BBBro.
Adopted si BBBro. Hindi siya iniwang nakabalot sa loob ng makapal na kumot sa harap ng labas ng pintuan ng bahay namin o di kaya’y natagpuang nakaanod sa loob ng isang basket na palutang-lutang sa malapit na ilog na parang si Moses. Ang kanyang ina ay isang disgrasyadang tumakas sa kanilang pamilya sa probinsya, dating katrabaho ng aking tiyahin noong nagbakasyon siya sa Cagayan. Natatandaan ko pa noong Grade 6 ako at tumira ang kanyang ina sa aming pamamahay. Nagising na lang ako isang araw at may bagong kapapanganak na sanggol na sa aming bahay. Nanganak pala ang bisita. Maliit na babae lang kasi ang nanay niya kung kaya’t hindi halatang buntis. Dahil itinago pala ng kanyang nanay ang kanyang pagbubuntis sa kanyang pamilya, mas gugustuhin niyang ipaampon na lamang daw ang bata at umuwi siya sa kanilang probinsya ng mag-isa. Dahil puros mga babae kaming magkakapatid at tinanggalan na ng uterus ang nanay ko ng mga panahong iyon, napagdesisyunan ng pamilyang kami na lamang ang umampon sa bata. Sa wakas, madadagdagan na rin ang Y chromosome sa aming pamilya at tuwang-tuwa si Pader dahil may magdadala na rin sa apelyido niya.
Makulit si BBBro. Sobrang kulit kahit na busy-busyhan ang beauty ko at sinasabi ko sa kanyang huwag na niya akong kulitin. Nakakainis dahil sobrang sakim: sa atensyon, sa pera, at lalong-lalo na sa pagkain. Mapipilitan kang kumain ng marami pag nariyan siya dahil ayaw mong malamangan ka o di kaya’y maubusan ng pagkain. Paborito siya ng aking mga magulang dahil liban sa kaisa-isang lalake, bunso pa. Marami rin siyang nagagawa na siya lamang sa aming magkakapatid ang nakakalusot. Pero kahit madalas ay isa siyang malaking buwisit sa buhay ko, mahal na mahal ko yun.
Kapag kasama ko ang aking kapatid, kapansin-pansin ang kaibahan ng aming mga galaw dala na rin siguro ng aming 13-year age gap. Dahil naninirahan siya sa isang pamamahay na puno ng mga matatanda, mas exposed siya sa mga ugali ng mga matatanda kung kaya’t mas matured siya kumpara sa mga kaedad niya. Halimbawa, sa tuwing ayaw niya ang suot ko, wala siyang pakundangang magsasabing magpalit ako ng damit at nagmimistula akong porn star sa suot ko. Wala rin siyang malisya kung magbihis ng underwear sa harap namin, kaya’t pagkatapos maligo ay hindi na niya sinasarado ang pintuan ng kwarto niya kung magbihis ito.
Hindi rin siya kaaya-ayang pagmasdan magsuot ng underwear kaya kami na mismo ang nahihiya at nagsasara ng pintuan ng kuwarto niya.
Paborito ng aking kapatid ang manood ng TV sa gabi, katabi ko at ng isa pa naming kapatid na babae, si SisJ. Kung manood kami ng TV tatlo, wala kaming kapoise-poise kung umupo. Nasa mukha na ng kapatid kong babae ang puwet niya, nasa bayag na niya ang aking paa o di kaya’y nakabalandra na sa kanyang pagmumukha ang aming nakikitaang underwear. Pinipigilan niya ako kung sawa na akong manood ng TV at gusto ko ng pumasok ng kuwarto dahil kung hindi na kami katabi niyang manonood ng TV, ay papasok na rin siya ng kwarto niya.
Sasabihan siya ng kapatid kong mag-aral na o di kaya’y gumawa na ng assignment (Matagal na akong nagsurrender sa pagganap bilang tutor niya o tagatulong sa paggawa ng kanyang homework. Wala kasi akong pasensya sa ganyan dahil ubod ng manipulative ang bunso namin at masaya na akong maging ang kanyang Cool na Ate kaysa sa maging ang kanyang striktong Ate). Mahilig magbigay ng excuses ang bunso kong kapatid. Kaya, sinasabi ko kay SisJ, “Gusto mong mag-aral na si BBBro? Kaya ko siyang paaralin.” Tapos, sisigawan ko na si Mader sa kwarto nila ng, “Ma, ayaw mag-aral ni BBBro!” Siyempre, magpatumbling-tumbling na ang kapatid ko sa kagustuhang takpan ang bibig ko dahil tulad naming lahat sa pamilya, kasama na diyan si Pader, takot din ang kapatid ko sa nanay ko.
Sa edad na 13, marami na akong nakitang mga DVDs na may sekswal na tema sa mga sulok-sulok ng kanyang kwarto sa aking paghahanap ng deodorant o pabango na madedekwat at mga underwear ko na nagkamaling itago ng katulong namin sa aparador niya. Ayon sa aking mga ex-boylalu, normal daw ang ganun sa mga lalake na nasa ganung edad. Hmmm… Okey. Takot ko lamang na sana hindi ibig sabihin nitong makakadisgrasya rin ang kapatid ko balang araw. Nagpapalitan din kasi kami ng mga video scandals. Ang point ko lang dahil kahit pa man pagbawalan o hindi ko man siya sa mga ganung gawain, ay maeexpose din siya sa mga kaedad niya na kung saan pwede niyang hingan ng mga ganitong bagay. Para sa akin, mas mabuti na ang ganito kaysa ang mahuli ko na naman siyang dinadala ang kanyang syota sa loob ng kanyang kuwarto.
Ke bata-bata, inunahan pang magakyat ng syota sa loob ng kwarto kaysa sa Ate niya.
Huwag niyo na akong tularan. Iba-iba ang style natin sa pagpapalaki ng kapatid.
Subalit, isa sa mga pinakahindi ko talaga makakalimutang insidente starring si BBBro ay ang nangyari noong isang buwan, habang nasa kalagitnaan kami ng panonood ng TV Patrol. Tinatanong niya ako kung meron daw gamot na nakapagpalaki ng etits. Kinulit nya ako ng kinulit buong gabi. Sabi ko sa kanya, bayaran niya muna ako ng P100 tapos saka ko sasabihin sa kanya. Dahil P30 lang ang baon niya, wala siyang maibibigay sa akin kung hindi mga laway ng kanyang palambing-lambing na halik sa aking pisngi. Biniro ko siya, sabi ko, uminom muna siya ng ihi niya tapos, saka ko sasabihin sa kanya. Ang matured ko, ano? Napagturingan pa naman akong duktora. Grow up, Angel. Grow up. Eniweyz, siyempre, hindi naman siya pumayag na gawing sopdrinks ang kanyang sariling ammonia kaya’t nagpatuloy na lamang siya sa pangungulit sa akin. Hanggang sa sinabi niyang:
“Sige na, Ate. I want to make my Pee-Pee look bigger.”
Sa katatawa ko, muntik tuloy akong mahulog sa upuan.