Hey Joe… Wanna Have Some Fun? Part 2

Definition of terms:

 

Habal-habal – motorsiklong nakakasakay ng 4-6 na pasahero sa isang sakayan. Karaniwang mode of transportation sa mga probinsyang bulubundukin. Presko, exciting at may libre pang anghit ng drayber habang ineembrace mo siya sa kagustuhang hindi ka mahulog habang paakyat ng bundok ang motorsiklong iyong sinasakyan   

 

 

 

Noong third year ako sa medskul, isang 28 year old na gradweyt ng isang medskul sa Amerika na may dugong Intsik-Bumbay-Pinoy ang sumama sa klase namin sa aming paninirahan ng isang buwan bilang bahagi ng aming pagcocommunity immersion sa probinsya. Kung inyong tatanungin bakit sa pipitsuging eskuwelahan namin sya nagpunta, na kung tutuusin ay mas marami namang mas bigating medskul sa ibang sulok ng Pilipinas, ang masasabi ko lang ay walang kinalaman ang galing ng faculty at ng mga estudyante (kasi hindi naman) sa medskul namin sa kanyang desisyon. Nagkataon lang na eskuwelahan namin ang unang sumagot sa liham niya.

 

Itago natin siya sa pangalang Joe.

 

Hindi mukhang foreigner si Joe. Kung tutuusin, mukha lang siyang karaniwang Chinoy na geek. Bago pa man namin siya nakita sa personal, at nabalitaan na naming magkakaroon kami ng bisitang taga-ibang bansa, samu’t-sari na ang aming mga expectations sa kanya, tulad na lamang ng sumusunod:

 

a. Kasinglaki siya ng reprigerator – sabi ng kaklase kong kuripot at ganid sa pagbigay ng kanyang share sa aming pang-grocery

 

 

b. Baka hindi siya kumakain ng rice – sabi ng kaklaseng laging nakatokang magsaing, dahil kanin lang ang alam niyang iluto

 

 

c. Kamukha niya si William Hung – sabi ng kaklase kong bading na uhaw sa mga gwapo. Salat kasi sa gwapo ang batch namin. Mga feeling gwapo lang, marami.

 

 

d. May polio siya at naka-wheelchair – sabi ng kaklaseng idol siguro si Stephen Hawking (Trivia: Amyotrophic Lateral Sclerosis ang sakit ni Hawking, at hindi polio. Kung ano man yun, i-google niyo na lamang. Wala akong panahong maglectyur)

 

 

e. Makapal ang mukha niya kasi walang hiya naman ang karaniwan sa mga foreigners – sabi ng kaklaseng may galit siguro sa mga foreigners. Ewan ko lang kung bakit.

 

 

f. Chansingero at nanghihipo siya ng mga babae – sabi ng kaklaseng gusto yatang magpahipo. Ayayay!

 

 

g. Gwapo siya – sabi ng kaklaseng nangangarap na makabingwit ng boypren na isteytsayd

 

Una sa lahat, hindi po siya gwapo. At hindi rin siya nakawheelchair. In fairness, mabait naman siya.

 

 

Limang araw lang kami sinamahan ni Joe sa probinsya.. Buti na lamang ay koboy ito at dati yatang Boy Scout kung kaya’t sanay sa pag-aakyat ng bundok. Nakahiking boots lang naman siya habang de tsinelas na goma lang naman ang gamit namin. Hindi rin siya umalma ng makitang tabi-tabi kaming lahat sa banig sa sahig lang natutulog. Tuwang-tuwa siyang makasakay ng habal-habal kahit halos mahulog na siya mula sa motorsiklo, at oo, pinagtripan namin siyang pakainin ng galunggong at tuyo kahit na chicken at gulay naman ang karaniwan talaga naming kinakain nung wala siya.

 

 

 

 

ganito-kami-matulog-sa-bhs1

 

pa260087

 

Si Joe at ang aking mga kaklase habang sakay ng tricycle. Walang ganyan sa Tate!

(Sinadya kong takpan ang pagmumukha ng aking mga kaklase dahil wala silang alam na ipinost ko sa Internet ang letrato nila. Ehehe…)

 

 

Paborito niya ang magpictyur-pictyur dala ang kanyang walastik sa pagka-hitech na camera at siyempre, tuwang-tuwa naman kaming ibenta ang sarili namin sa pagpopokpok ng aming mga pagmumukha sa harap niya kahit na mas interesado pa siyang kunan ang mga puno ng niyog, mga kambing na nanganganak at mga trabahador ng kopras kaysa sa aming mga mala-Redtube na pagpoposing-posing.

 

Madalas namin siyang binibiro. Palibhasa, parang matanda kung umasta. O baka naman siguro dahil isip-bata lang kami kumpara sa kanya. At sa kagustuhang mapa-belong sa amin, ginagaya-gaya niya ang ginagawa ng isa sa mga boys ng grupo, si FunnyBoy. Ewan kung tayp ba niya ito o iniidolo lang. Kung saan kasi pumunta si FunnyBoy, sasama din siya. Nung inutusan kong mamalengke si FunnyBoy sa bayan, sasamahan daw niya. Nung hindi kumain si FunnyBoy ng tanghalian, hindi rin siya kumain. At nang hindi naligo si FunnyBoy pagkatapos naming magswimming sa dalampasigan dahil sa tinamad mag-igib ng tubig sa poso, ay hindi na rin naligo si Joe.

 

Kaya ayun, nangati siya pagkagabi dahil kapit pa sa mga singit-singit niya ang buhangin at lumot galing sa beach.      

 

Sinamahan niya rin kami sa unang buwan namin ng clerkship at doon nahalata talaga namin kung gaano ka magka-iba ang mga setudyanteng-duktor ng Tate at mga estudyanteng-duktor ng Pilipinas. Kung kami ay kaya naming mag-eksamin ng pasyente ng wala pa sa limang minuto, si Joe ay umeeeksamin ng pasyente ng halos 30 minuto. Ewan ko kung dahil lang ba iyon sa language barrier o di kaya’y dahil sa kung anu-anong pag-eeksamin na hindi na kakailanganin ng pasyente ang kanyang pinaggagawa. Magaling talaga siya at tulad ng nakikita niyo sa Greys Anatomy, willing din siyang makipag-agawan ng pasyente. Kung tutuusin, dito sa Pilipinas, karaniwang gawain ng mga residenteng duktor ay kung pwede mong ipasa ang isang pasyente sa kabilang departamento, gagawin mo. Excited na excited din siya pag nakakita ng mga pasyenteng may dengue at tuberculosis habang kami naman ay halos isuka na dahil sa sobrang sawa ang mga pasyenteng dinudumog sa hospital na may ganoong mga sakit. Siyempre, wala kasi masyadong ganun sa Tate. Malas niya nga lang dahil sanay siyang magdiagnose ng mga sakit gamit ang mga bigating laboratory at diagnostic machines na sa CSI: Las Vegas ko lang nakikita habang dito sa Pinas, kadalasan, utak mo lang at ang iyong five senses lang ang kailangan mong gamitin upang malaman kung ano ang sakit ng pasyente, lalo na dito sa amin sa bundok.

Pero siyempre, talong-talo talaga kaming mga kaklase kong duktor sa graduate thesis niya ukol sa biochemical markers for diagnosis of Myocardial Infarction in the Emergency Room kung ikukumpara sa aming mga ismol-taym na graduate thesis. Halos magkunwari na nga lang kaming bingi dahil ayaw naming sagutin ang tanong niya noong tinanong niya kami tungkol sa aming graduate thesis dahil ano ba naman ang masasabi ng mga research namin  ukol sa Tuberculosis, Breastfeeding at Natural Family Planning kung ikukumpara sa kanyang Biochemical markers? Baka sabihin niya pa kaming pangbukid lang ang beauty namin.

 

Siyempre, dahil hindi marunong magsalita ng Tagalog si Joe, kinailangan namin siyang kausapin ng Ingles. Doon ko nalamang ang hirap palang makipagkuwentuhan sa isang tao ng purong Ingles. Kahit na kumportable naman ako sa pagsasalita ng Ingles sa tuwing may mga oral recitation sa klase at endorsements sa hospital kung saan hindi ako confi sa sagot ko, o di kaya’y nakikipagtapunan ako ng mga salitang Ingles bilang intimidating tool sa mga watcher ng pasyenteng pinagdududahan at nilalait ang aking kaalaman sa panggagamot dahil siguro sa mukha akong batang pwede nilang tulak-tulakan, napatunayan kong iba pa rin talaga pag normal na kuwentuhan ang pag-uusapan. Napapaisip ka sa bawat paksang iyong bubuksan at gwardyado ang bawat salitang lalabas sa iyong bibig. At dahil hindi naman Ingles ang aming pangunahing lengwahe sa tuwing magkakasama kaming magkaklase, mahirap talaga ang magbiro gamit ang Ingles. Napapatigil ka, napapaisip at maraming beses ay maraming mga silent moments in between kung saan nagkukunwari ka na lang na magteteks kahit wala ka namang load habang siya naman ay parang tangang aliw na aliw sa ingay ng mga kuliglig at mga palakang naghahappy hour.

 

Sa unang araw niya pa lamang kasama kami, naubos na yata ang Ingles namin sa kanya.

 

Kung tutuusin ay nakakaintindi naman pala siya ng konting Tagalog.

 

  

Hey Joe… Wanna Have Some Fun? Part 1

 

Noong Grade 5 ako, isang Amerikanong blondie na nangangalang Josh ang nag-enroll sa eskuwelahan namin upang pumasok ng ilang araw ng klase namin sa Filipino. Dahil sa ganap akong petite (pinagandang bersyon na tawag sa mga pandakekok), sa may first row ako nakaupo at dahil sa gusto siyang bigyan ng special treatment ng teacher namin, sa first row rin siya pinaupo, doon sa tabi ko.

 

Dalawang linggo lang namin siyang nakasama, kung kaya’t dalawang linggo ko rin siyang naging seatmate. Siyempre, ang iisipin niyo, naging sobrang close na kami sa dalawang linggong yun dahil wala siyang ibang pwedeng maaasahan at hihingan ng tulong kung hindi ako, at malamang nainlab siya sa akin at napag-isipan niyang magpaiwan na lamang dito sa Pilipinas dahil andito ang tunay na itinitibok ng kanyang pusong gatuta.

 

Mali. Ilusyon ko lang yun.

 

Sa pagkakaalala ko, sa dalawang linggong kaming dalawa ay naging seatmate, iisa lang ang nasabi ko sa kanya.

 

“Hi.”

 

At siyempre, ang sagot niya… “Hello.”

 

Ang galing no? Tinuringan pa naman akong MATALINO.  

Matagal Ko Nang Alam Na Cute Ako

Sa totoo lang, hindi pa talaga ako nakakarecover sa Limonada tag na ipinasa sa akin ni Ate Maru, at eto na naman ang bago. May ipinasa na naman sa akin, this time, ang aking pseudo-bunsong kapatid na ampon (hindi namin alam kung sino sa amin ang talagang ampon kaya para patas, parehas na lang kami) na si Joshmarie.

 

cute-blogger

Matanong ko lang: Sino nga ba talaga si Cute? At bakit Cute’s Blogger Award ang tawag dito? Oo, alam kong cute ako (LOL, joke lang), matagal na, pero hindi naman ako ang nagpasimuno ng award na ito. Eniweyz, o siya, kagatin na lang. Baka sabihing KJ ako. Okey, fine. Eto na ang mga rules na aking ni-copy paste mula sa blog ni Joshmarie:

 

1. Each blogger must post these rules.

2. Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves.

3. Bloggers that are tagged, need to write ten facts about themselves. You need to choose ten people to tag and list their names.

 

At ang TEN RANDOM FACTS tungkol sa akin ay ang mga sumusunod:

 

 

 

  1. May mga nakapagsabing kamukha ko daw si ARA MINA. Noong nasa kolehiyo naman ako, ANA CAPRI daw… Sa totoo lang, hindi ko sila kamukha. Si Ashley Judd talaga ang kamukha ko. Ahaha. Joke lang. Ilusyon ko lang na kamukha ko si Ashley Judd 
  2. Noong Grade 2 ako, dahil sobra akong curious, kumuha ako ng stapler at nag-staple ng aking sariling daliri. Dahil isa akong drama queen, lumabas ako ng bahay, at doon pa saka humagulgol ng pagkalakas-lakas.
  3. Noong Grade 2 rin ako, tumalon ako mula sa isang tumatakbong motorsiklo na parang isang superhero. Sa kamalasang palad, sumabit yung paa ko sa gulong at matagal na dumikit sa mainit na tambucho ang aking kaliwang hita. Isang malaking peklat ang produkto ng pangyayaring iyon at kahit ilang sebo de macho na ang aking nilagay ay hindi pa rin nawala ang peklat na iyon sa hita ko.
  4. Pangarap ko talaga ang sumali ng The Amazing Race: Asia. Wala nga lang gustong sumali kasama ako.  
  5. Mahilig ako sa mga palabas at mga pelikulang no-brainer. Ayoko kasi ng masyadong nag-iisip. Kung gusto kong mag-iisip, makikinig na lang ako sa klase o di kaya’y magbubukas ng medical books.
  6. Paborito ko ang mga streetfoods. Maari akong gawing alila forever ng isang lalakeng liligawan ako sa pamamagitan ng isaw, kwek-kwek, tukneneng at chicken skin.
  7. Ayoko talagang maging group leader sa mga class projects. Tamad kasi talaga ako sa tunay na buhay. Kaso sa sobrang ka-OC ko sa mga detalye, sa akin na nila binibigay ang trabaho. Wala kasing gustong kumontra sa aking pagbubutinting ng mga kaliit-liitang detalye.
  8. Hindi kami mayaman. Isa akong partial scholar ng limang taon noong nasa medical school ako. P6,000 lang ang binabayad ko kada semester. Purus photocopy lang ang mga libro ko sa medskul. Umuulan na nga ang mga lumang photocopies ko dito sa bahay na sobra pa upang gawin kong scratchpaper o gamiting pambalot ng mga gamit na napkin.
  9. Parehas na mga social workers ang mga magulang ko. Grade 2 pa lang ako, memoryado ko na ang lahat ng “Rights of A Child”. At panakot ko kila Mader at Pader sa tuwing gusto nila akong paluin ang sabihan sila ng “Hep, hep, hep! Sumbong ko kayo sa Bantay-Bata!”   
  10. Malapit na ang birthday ko. Next month na. Shiyet. Ang tanda ko na, wala pa rin akong trabaho. Isa yan sa mga one thousand and one na insecurities ko.

 

At kung kanino ko ipapasa ang mga ito…

 

Oo, alam kong nanginginig kayo dahil ayaw niyong malista ang mga pangalan niyo. Tulad ng laging sinasabi ko, walang pilitan. Feel lang kita pasahan ng award. Anong magagawa mo kung sa tingin ko, CUTE ka? Mapipigilan mo ba ako? Obviously, hinde. Kung dedmahin mo, okey lang. Hindi ako mamamatay kung hindi mo tatanggapin ang aking pagsabi sayo na CUTE ka tulad ko. 

 

Actually, mas CUTE ako sayo. Kasi mas CUTE sa akin si Joshmarie. Nababawasan na kasi ang powers ng award na ito the more mo ito ipinapasa. 

 

Naniwala ka ba?

 

Andali mo namang mauto.

 

O siya, bago pa dumami ang mga iniimbento kong rules at powers ng Cute Blogger award na ito (tulad ng pagpost ng mga personal picture niyo which I’m sure, ayaw niyong gawin), ipapasa ko na ito sa mga sumusunod: Yeye, Rio, Repah, Pepe, Muymuy, Chim, AnakngPiso, Buzzing FlowerPecker, at Batopik. Kung bakit siyam lang yan at kulang ng isa, nadisqualify na kasi yung pang sampu kasi hindi na siya cute. Joke! May nauna nang nakapagsabi sa kanya na CUTE siya.

 

Ang nanay niya.

 

Walang pilitan. Para sa akin, CUTE kayong lahat. Lab yu. Ahahaha. Mwah!   

Ipinaskil sa blogista ako . Mga Marka: , . 12 Puna »

Ang Bunso Kong Lumalaking Manyakis

Mahal ko ang kapatid kong si BBBro.

 

Adopted si BBBro. Hindi siya iniwang nakabalot sa loob ng makapal na kumot sa harap ng labas ng pintuan  ng bahay namin o di kaya’y natagpuang nakaanod sa loob ng isang basket na palutang-lutang sa malapit na ilog na parang si Moses. Ang kanyang ina ay isang disgrasyadang tumakas sa kanilang pamilya sa probinsya, dating katrabaho ng aking tiyahin noong nagbakasyon siya sa Cagayan. Natatandaan ko pa noong Grade 6 ako at tumira ang kanyang ina sa aming pamamahay. Nagising na lang ako isang araw at may bagong kapapanganak na sanggol na sa aming bahay. Nanganak pala ang bisita. Maliit na babae lang kasi ang nanay niya kung kaya’t hindi halatang buntis. Dahil itinago pala ng kanyang nanay ang kanyang pagbubuntis sa kanyang pamilya, mas gugustuhin niyang ipaampon na lamang daw ang bata at umuwi siya sa kanilang probinsya ng mag-isa. Dahil puros mga babae kaming magkakapatid at tinanggalan na ng uterus ang nanay ko ng mga panahong iyon, napagdesisyunan ng pamilyang kami na lamang ang umampon sa bata. Sa wakas, madadagdagan na rin ang Y chromosome sa aming pamilya at tuwang-tuwa si Pader dahil may magdadala na rin sa apelyido niya.       

 

Makulit si BBBro. Sobrang kulit kahit na busy-busyhan ang beauty ko at sinasabi ko sa kanyang huwag na niya akong kulitin. Nakakainis dahil sobrang sakim: sa atensyon, sa pera, at lalong-lalo na sa pagkain. Mapipilitan kang kumain ng marami pag nariyan siya dahil ayaw mong malamangan ka o di kaya’y maubusan ng pagkain. Paborito siya ng aking mga magulang dahil liban sa kaisa-isang lalake, bunso pa. Marami rin siyang nagagawa na siya lamang sa aming magkakapatid ang nakakalusot. Pero kahit madalas ay isa siyang malaking buwisit sa buhay ko, mahal na mahal ko yun.

 

Kapag kasama ko ang aking kapatid, kapansin-pansin ang kaibahan ng aming mga galaw dala na rin siguro ng aming 13-year age gap. Dahil naninirahan siya sa isang pamamahay na puno ng mga matatanda, mas exposed siya sa mga ugali ng mga matatanda kung kaya’t mas matured siya kumpara sa mga kaedad niya. Halimbawa, sa tuwing ayaw niya ang suot ko, wala siyang pakundangang magsasabing magpalit ako ng damit at nagmimistula akong porn star sa suot ko. Wala rin siyang malisya kung magbihis ng underwear sa harap namin, kaya’t pagkatapos maligo ay hindi na niya sinasarado ang pintuan ng kwarto niya kung magbihis ito.

 

Hindi rin siya kaaya-ayang pagmasdan magsuot ng underwear kaya kami na mismo ang nahihiya at nagsasara ng pintuan ng kuwarto niya.

 

Paborito ng aking kapatid ang manood ng TV sa gabi, katabi ko at ng isa pa naming kapatid na babae, si SisJ. Kung manood kami ng TV tatlo, wala kaming kapoise-poise kung umupo. Nasa mukha na ng kapatid kong babae ang puwet niya, nasa bayag na niya ang aking paa o di kaya’y nakabalandra na sa kanyang pagmumukha ang aming nakikitaang underwear. Pinipigilan niya ako kung sawa na akong manood ng TV at gusto ko ng pumasok ng kuwarto dahil kung hindi na kami katabi niyang manonood ng TV, ay papasok na rin siya ng kwarto niya.

 

Sasabihan siya ng kapatid kong mag-aral na o di kaya’y gumawa na ng assignment (Matagal na akong nagsurrender sa pagganap bilang tutor niya o tagatulong sa paggawa ng kanyang homework. Wala kasi akong pasensya sa ganyan dahil ubod ng manipulative ang bunso namin at masaya na akong maging ang kanyang Cool na Ate kaysa sa maging ang kanyang striktong Ate). Mahilig magbigay ng excuses ang bunso kong kapatid. Kaya, sinasabi ko kay SisJ, “Gusto mong mag-aral na si BBBro? Kaya ko siyang paaralin.” Tapos, sisigawan ko na si Mader sa kwarto nila ng, “Ma, ayaw mag-aral ni BBBro!” Siyempre, magpatumbling-tumbling na ang kapatid ko sa kagustuhang takpan ang bibig ko dahil tulad naming lahat sa pamilya, kasama na diyan si Pader, takot din ang kapatid ko sa nanay ko.  

 

Sa edad na 13, marami na akong nakitang mga DVDs na may sekswal na tema sa mga sulok-sulok ng kanyang kwarto sa aking paghahanap ng deodorant o pabango na madedekwat at mga underwear ko na nagkamaling itago ng katulong namin sa aparador niya. Ayon sa aking mga ex-boylalu, normal daw ang ganun sa mga lalake na nasa ganung edad. Hmmm… Okey. Takot ko lamang na sana hindi ibig sabihin nitong makakadisgrasya rin ang kapatid ko balang araw. Nagpapalitan din kasi kami ng mga video scandals. Ang point ko lang dahil kahit pa man pagbawalan o hindi ko man siya sa mga ganung gawain, ay maeexpose din siya sa mga kaedad niya na kung saan pwede niyang hingan ng mga ganitong bagay. Para sa akin, mas mabuti na ang ganito kaysa ang mahuli ko na naman siyang dinadala ang kanyang syota sa loob ng kanyang kuwarto.

 

Ke bata-bata, inunahan pang magakyat ng syota sa loob ng kwarto kaysa sa Ate niya.

 

Huwag niyo na akong tularan. Iba-iba ang style natin sa pagpapalaki ng kapatid.

 

Subalit, isa sa mga pinakahindi ko talaga makakalimutang insidente starring si BBBro ay ang nangyari noong isang buwan, habang nasa kalagitnaan kami ng panonood ng TV Patrol. Tinatanong niya ako kung meron daw gamot na nakapagpalaki ng etits. Kinulit nya ako ng kinulit buong gabi. Sabi ko sa kanya, bayaran niya muna ako ng P100 tapos saka ko sasabihin sa kanya. Dahil P30 lang ang baon niya, wala siyang maibibigay sa akin kung hindi mga laway ng kanyang palambing-lambing na halik sa aking pisngi. Biniro ko siya, sabi ko, uminom muna siya ng ihi niya tapos, saka ko sasabihin sa kanya. Ang matured ko, ano? Napagturingan pa naman akong duktora. Grow up, Angel. Grow up. Eniweyz, siyempre, hindi naman siya pumayag na gawing sopdrinks ang kanyang sariling ammonia kaya’t nagpatuloy na lamang siya sa pangungulit sa akin. Hanggang sa sinabi niyang:

 

“Sige na, Ate. I want to make my Pee-Pee look bigger.”

Sa katatawa ko, muntik tuloy akong mahulog sa upuan.

Paano Hindi Mahuling Nanloloko

dontcheatonyourgirlfriend

“Everybody cheats.” — Dr. Gregory House

 

Masyado kasing seryoso (?) ang aking mga itinala noong nakalipas na mga araw, kung kaya’t kwentong lablayp naman tayo.

 

Hindi lablayp ko dahil mas magulo pa yung kwentong yun (liban sa walang kakwenta-kwenta) kaysa sa estado ng pulitika sa Mindanao, kung hindi ang lablayp ng ibang tao. Ganyan kasi ang mga taong ganap na chismosa tulad ko. Mga lablayp ng ibang tao ang gustong pakialaman.   

 

Nabasa ko kasi yung ipinost ni Taps kanina tungkol sa mga requirements ng isang malusog na paglalabing-labing. Naalala ko rin yung ipinost ni Joshmarie ukol sa lab istori nila Karyll, Dingdong at Marian. Kahit na hindi naman talaga ako miyembro ng fans’ club ng kahit ni isa sa kanilang tatlo (hindi dahil sa kapamilya ako pero dahil sa hindi ko lang talaga nakahiligan na ang showbiz simula ng nawala na ang That’s Entertainment at Ang TV), naisip ko tuloy ang konsepto ng panloloko o ang pag-tututaym. Cheating, ika nga, sa salitang Ingles.

 

Marami sa mga kakilala kong duktor ang guilty sa panloloko. Mga confy kasi ang karaniwan sa aming mga duktor, akala mo kung sinong henyo na kamukha ni Jericho Rosales. Syetness. Hindi naman. Mukhang fungi naman pala. Hindi rin ako ipokrita at magmamalinis na hindi ko rin ito nagawa dati. Oo, tama ang narinig niyo. Guilty ako sa panloloko dati. Oo nga’t feeling mo, isa ka talagang dyosang ubod ng ganda na pinagnanasaan (kahit na hindi naman) at kinaiinggitan ng marami pero sasabihin ko sayo, kalokohan talaga ang gawing yon. Bali-baligtarin mo man ang mundo, alam mong mali talaga ang ginagawa mo at sa bandang huli, para ka lang maiinis sa sarili mo dahil tinuringan kang matalino pero nagpakatanga ka para lang sa wala.  

 

Okey. Tama na ang drama. Tapos na yun.

 

Mabalik tayo sa mga kaibigan kong manloloko. Ewan ko ba kung bakit sa dinami-dami ng mga babae sa klase namin, ako mismo ang nakakaalam kung sino sa mga kalalakihan namin ang guilty sa panloloko ng kanilang mga gelpren. Hindi naman siguro dahil sa ganap akong chismosa (ngayon naman, dineny ko. Anuba, ang gulo ko, no?) pero karamihan ay basta na lamang ikinukuwento sa akin ng mga kaibigan ko sa labas ng bilibid, este, medskul, yung tipong “Angel, kilala mo si Doc _____ ? Kabatch mo ata yun. Di ba gelpren nya yung kaklase mo? May nagsabi sa akin na may nililigawan daw siyang nars sa OR.” May ilan namang manloloko na feeling gwapo (kahit na tadtad naman ng icepick ang pagmumukha) at ang kapal ng mukha na kusa pang magkukuwento sa akin tungkol sa kanilang Number 2 at hihingi pa yan sa akin ng payo, dahil alam nilang kumpara sa ibang mga babae sa aming klase ay ako lang ang hindi huhusga at magsusumbong sa gelpren nila. May sarili kasi akong prinsipyo ukol sa kung bakit hindi ako nagsusumbong. Bahala na. Buhay niyo yan, ika nga. Ayokong makialam sa kanila dahil ayoko ring pakialaman nila ang lablayp ko. Hindi ako yung tipong nagsusumbong at kusang magbibigay ng impormasyon sa mga kaibigan ko na niloloko lang siya ng boypren/gelpren niya pero kung tatanungin niya ako kung meron akong alam, narinig o nabalitaan, hindi rin ako magsisinungaling sa kanya.

 

Ayoko talaga ng nanloloko. Inuulit ko, AYOKO.

 

Pero, kung gago ka talaga at gusto mo talagang makaranas na manloko, sabay gamit ang excuse na “Parehas naman kaming nag-eenjoy. It’s not as if pakakasalan ko na siya o iiwan ko ang girlfriend/asawa ko dahil sa kanya. Bata pa ako, karapatan ko ang makakilala ng iba pang babae habang pwede pa,” puwes, bahala ka sa buhay mo. Kahit sabihin ko pa sayo na matakot ka naman sa karma, sino ba naman talaga ako para pakinggan mo.

 

Kung kaya’t kung manloloko ka na rin man lang, kaibigan, ito lang ang masasabi ko.

 

SANA LANG HUWAG KANG MAGPAHULI.

 

On that note, eto ang ilan sa mga paraan upang hindi ka mahuli ng iyong Number 1. Hindi ito dahil sa kinukunsinti ko ang kagustuhan mong manloko. Ang sa akin lang, kung pagkatapos mong sundan ang mga tips na ito at isa ka talagang napakalaking tanga na lapitin ng malas dahil nahuli ka pa rin ng misis/girlfriend mo, siguro naman ay may karapatan na siyang putulin ang etits mo.

 

Enjoy!

 

1. I-organize ang iyong lablayp.

Mainam na gawain upang makaiwas sa gulo ay ang pag-aasign kung sino si Number 1, Number 2, so on and so forth. Siyempre, si Number 1 ang pinakaunahan sa iyong listahan ng mga top priorities sunod sa Diyos, kay Mommy (dahil alam ko namang Mama’s Boy ka. Huwag nang ideny!), pag-aaral/trabaho, pagkain, isports, iyong dinadala mo sa mga outing ng iyong pamilya, ang nagmamay-ari ng litrato na pinapaskil sa iyong wallet, ang kamang iyong pinakamadalas na tinutulugan, ang pinaka-No.1 sa speed dialing features ng iyong cellphone at pinagkakagastusan at taga-ubos ng karamihan sa iyong allowance/sweldo. 

2. Ispot the difference between Number 1 at Number 2.

Upang hindi ka magkamali, siguraduhing magkaiba si Number 2 kay Number 1. Kasama na dito ang itsura, interes at lalong-lalo na ang pangalan. Ayaw mo naman sigurong mahuling bumubulong-bulong ng “Mary” sa tenga ni “Neri”. At katangahan din ang magkaroon ng gelpren na magkamukha dahil doble din ang iyong boredom factor kasi nga nakakasawa. Ikaw daw ang magkaroon ng syotang parehas na kamukha ni Angel Locsin, ewan ko lang kung hindi ka magsawa.

Ah, hindi ba? Key, sori.

3. Iwasan ang paggamit ng cellphone.

Ang pinakamadaling paraan para mahuli ay sa paggamit ng cellphone. Hindi ako mahilig kumalikot ng cellphone ng mga naging boypren ko (sa dahilang, ayoko ring kalikutin nila ang cellphone ko, hindi dahil sa meron pa akong mga tinatagong kalandiang textmate pero dahil sa sensitibo ako pagdating sa aking privacy) pero hindi ko maitatanggi na paminsan, nanggagalaiti ako sa kagustuhang umusisa. Karamihan ng mga gelpren/asawa ay magsasabing karapatan nila ang sumilip sa cellphone ng kanilang boypren/asawa. Para sa mga babaeng nagsasabing hindi nila ito ginagawa, maniwala kayo sa akin, mag-CR lang ang boypren nila sandali, hala, ayun na si babae, nag-uunlock ng pincode ng cellphone ni lalake.

Maiiwasan ang mahulihan ng mga kahina-hinalang text messages sa pamamagitan ng pag-isplika kay Number 2 na hindi ka mahilig magtext, sabay sabing napakaimpersonal na gawain ito. Kung katulad ka rin ng halos 90% ng mga binata sa Pinas, malamang bahagi ng iyong strategy sa pambibiktima, este, panliligaw ay ang pagteteks at ang pagdaan sa pagiging isang textmate, pwes, siguraduhin lamang na ibubura mo ang iyong mga mensahe sa Inbox. Mahirap na ang mahulihan ng mga napakainit na text messages niyo ni Number 2. Huwag ring kalimutang i-activate ang automatic na pagbubura ng mga mensahe sa iyong Sent Messages folder.

4. Kalimutan ang Friendster.

Sabihin mo kay Number 2 na wala kang Friendster. Malamang kasi, kung patay na patay siya sa iyo ay isesearch ka niya at sisilip-silipin ang iyong profile ng paulit-ulit. Siyempre, kung si Number 1 ay may IQ na lampas sa 100, malamang, alam niya ang password mo at thanks to “Who Viewed Your Profile?” ay mapapansin niyang itong si Number 2 ay madalas sumilip sa profile mo. Si Number 1 ay maaring:

a) magtatanong sa iyo tungkol kay Number 2 (in which case, magpakamatay ka na dahil gyera na ang sunod nito dahil let’s face it, wala kang talento sa pagsisinungaling kaya ka nga nagbabasa nito)

b) makikipag-away kay Number 2 at pagkatapos ay sayo naman makikipag-away (in which case, mas mabuti na lang na bangkay ka na niyang aabutin).

Subalit kung adik ka talaga sa Friendster at hindi mo talaga ito pwedeng iwasan, mas mabuti pang kalikutin mo yung Settings at palitan mo ang iyong default name sa —CHICBOYZ— o di kaya’y B_O_Y_P_O_G_I para hindi ka talaga  mahanap ni Number 2 sa Friendster ng basta-basta.  

5. Gawing lalake ang pangalan ni Number 2 sa iyong cellphone.

Kung si Number 2 ay yung tipo ng babaeng mahilig tumawag sa cellphone mo, palitan ang kanyang pangalan sa pangalang lalake. Para kahit pa ba etong si “Pareng Mike” ay madalas tawag ng tawag sa iyo ng disoras ng gabi habang nasa kalagitnaan ka ng happy hour (nakaw kay Utakmunggo) kasama si Number 1, hindi siya magsususpetsa kahit na pumupunta ka pa ng CR para sumagot ng tawag at kakagat siya sa iyong over sa pagkalamyang excuse na iniinsomnia lang si “Pareng Mike” at kailangan lang ng makausap.

6. Huwag ilimita ang sarili.

Huwag nang magplanong diskartehan ang dalawang babaeng galing sa iisang organization, tulad ng mga sororities. Chismosa kasi ang karamihan sa aming mga babae (oo, sige na nga, kasama ako doon) kaya sa ibang sorority mo na lang dalhin yang kalibogan mo. Umiwas ding makipaglandian sa mga kaibigan ng iyong Number 1, lalong-lalo na sa mga bespren niya doon… Huwag mo namang patusan ang lahat ng malapit sayo na nakapalda. Siguro naman, ayaw mo ring mabansagan kang cheap.  Hindi ka naman siguro muubusan. Sa pagkakaalam ko, abot 40 million na ang populasyon ng mga babae sa Pilipnas.

7. The farther, the better.

Humanap ng Number 2 na nakatira ng malayo kay Number 1. Ganun din ang ukol sa eskuwelahan, trabaho at madalas na tambayan nila. Mas lumalaki kasi ang posibilidad na ikaw ay mahuli kapag binibisita mo si Number 2 na nakatira lang pala malapit kay Number 1. Katangahan na lang ang magkaroon ng dalawang gelpren na galing sa iisang baryo o kaya’y baranggay dahil malamang magkakakilala ang mga ito, at kung mamalasin ka pa, magkamag-anak pa pala.

8. Isa-isahin lang ang pagbisita

Gumugugol kaming mga babae ng oras sa pagmemeyk-up, pagpapabango at pagpapakyut bago kami makipagdeyt sa aming mga boylalu. Siyempre, sa kakikiskis ng mga kalalakihan ng kanilang pagmumukha at iba pang bahagi ng kanilang katawan na hindi ko na sasabihin dito, sa kanilang kagustuhang makipaglandian din sa amin, ay naiiwang ebidensya ang aming pabango, foundation at lipstick sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan. Kaya upang hindi magkaroon ng ebidensya, huwag makipagkita sa dalawa o tatlong babae sa isang araw. Ang mantsa ng lipstick sa iyong kuwelyo na  hindi naman sa kulay na karaniwang ginagamit niya ay hindi nakasisiyahang  paraan upang batiin ang iyong gelpren. At sa totoo lang, wala naman talagang magandang excuse na magagamit kung paano napunta yun doon, bulok na ang sabihing nakipagbeso-beso ka sa nanay mo. Oh, come on, huwag niyo naman kaming gawing tanga…

Isa pa, kung ikaw ay wala na sa iyong early 20’s, babagsak na rin ang iyong performance level pagdating ng ikatlo o ikaapat na round kung kaya’t huwag ka nang umasang tatayo pa si Junior pagkatapos ng ika-ilang round kahit nagmamahika na at nagtutumbling-tumbling si gelpren, dahil kaibigan, mapapahiya ka lamang.

9. Sabihin kay Number 2 ang totoo.

Kung kagustuhan mo talaga ang manloko, mas iwas-gulo ang umamin kay Number 2 na hindi siya ang nag-iisang babae sa buhay mo. Kung hindi ito nagbunga ng mag-asawang sampal galing sa kanya, pwes, solb ka na. Para sa akin, kung pinalaki siya ng tama, hindi niya tatanggapin ang iyong panloloko sa kanya ng kalmado at nakaupo lang. Kung hindi ka niya sinampal, malamang obsessed siya sa iyo (meaning, i-enjoy mo na lang ang mga masasayang araw habang masaya pa dahil ito ay susundan ng ilang buwan ng psychotic behavior kung saan ipinapakita niya ang kanyang tunay na kulay bilang isang istalker) o di kaya’y hindi ka ganun kahalaga sa kanya tulad ng iyong inaakala (in which case, masanay kang lumalasap ng sperm at tamod ng iba dahil malamang hindi lang ikaw ang nag-iisang lalake sa buhay niya).

10. Shadup!

Huwag nang dalhin si Number 2 sa beerday party ng iyong kaklase habang nagbabakasyon si Number 1 kasama ang kanyang mga magulang sa probinsya. Makuntento ka nang may Number 2 ka, huwag na itong ipagmalaki pa sa iyong mga kaibigan. Oo na, mas astig ka kapag marami kang chiks. Dahil sa lecheng male-dominated society natin, parang diyos ang tingin sayo ng ibang mga kalalakihan kung marami kang nagogoyong dilag. At isa pa, kampante kang magmalaki ng iyong Number 2 sa mga pagmumukha ng iyong mga kaibigang lalake dahil ang mga lalake, sagot ang kapwa nila lalake. They’ve got your back, ika nga. Kaso, taliwas sa pagkakaalam ng karamihan, mas chismoso ang mga lalake kaysa sa mga babae (O, wag nang magreact. Blog ko ‘to. Bumawi na lang kayo dun sa blog niyo). Kaya mag-ingat sa kung kaninong pagmumukha mo pinangangalandakan ang cleavage at mala-artistahing (pwede ring mala-anghel pero baka sabihin niyong napaka-bias ko) pagmumukha ng iyong Number 2. Baka hindi mo alam, siya pala ang lasing na magkukuwento sa kaibigan ng kaibigan ng kaibigan ng Number 1 mo.

 

Naniniwala akong walang absolute rule sa panloloko liban sa huwag magpahuli. Isa rin ako sa mga naniniwalang pagdating sa larangan ng pag-ibig, walang black and white. Laging mayroong grey areas. Hindi naman lahat ng panloloko ay masama. Subalit, tulad ng aking sinabi kanina, hindi ko kinokunsinti ang panloloko. AYOKO talaga ang nanloloko, lalo na kung ikaw ay nasa isang seryosong relasyon.

Subalit, kung wala ka naman sa isang seryosong relasyon at alam mo at ng iyong katipan na hindi seryoso ang inyong relasyon, by all means, manloko ka. 

Buhay mo yan. Paki ko sayo.

 

 

 

 

P.S. Inuuulit ko lang. Pagkatapos mong mabasa ito at mahuli pa namin kayo, magpaalam ka na sa etits mo.

 

 

P.P.S. May mga babae ring manloloko.

 

 

 

 

 

 

 

 

Inspirasyon galing sa College OTR.

Litrato mula sa Life Is A Joke.

Mahirap Maging Babae

Kani-kanina lang, nalaman kong isa sa mga garantisadong paraan upang hindi lumaspag at bumagsak ang iyong dalawang sisterettes diyan sa iyong harapan (mga boobs mo, in short), ay ang huwag kalimutang magsuot ng bra tuwing ika’y matutulog.

 

Hay naku…

 

Kami na nga ang dinudugo ng regla kada buwan, kami na nga ang maaksayang nagpapalit ng napkin tatlo o apat na beses sa isang araw, kami na nga ang mabubuntis at magdadala ng sanggol sa aming bahay-punlaan, buhay na nga namin ang mapapahinto ng siyam na buwan, pekpek na nga namin ang mahihiwa sa panganganak, suso na namin ang masasaktan habang nagpapadodo sa aming anak, eh, pati ba naman ang PAGTULOG namin, ang tanging panahon na pwede kaming magrelaks at maging “malaya” sa loob ng isang araw, kukunin pa talaga sa amin?

 

Bwisit.

 

Sana naging seahorse na lang ako. 

 

At least, ang mga seahorse, lalake ang nabubuntis.

Ipinaskil sa galit ako sa mundo . Mga Marka: , , , . 16 Puna »

Mr. X

Kasalukuyan akong nagbabacktrack sa aking personal blog sa Friendster nang nakita ko ang isa sa mga una kong naisulat, noong mga taong clerk pa ako sa ospital. Dahil English ko ito sinulat ng mga panahong iyon, minabuti ko na lamang itranslate ito sa Tagalog nang hindi naman siya masyadong out-of-place dito sa blog ko. Pagpasensyahan niyo na kung mayroong mga katagang hindi ko na alam kung paano maitranslate sa Tagalog. Sa totoo lang, Filipino kasi talaga ang lowest subject ko nung hayskul at kahit nag-aral nga ako sa unibersidad na pinagmomodelan ng lolo ni Fernando Poe, wala naman kaming kinuhang Filipino subject nung nasa kolehiyo na ako.

 

Pero bago ang lahat, ito muna ang Definition of Terms upang mas maintindihan niyo ang aking post:

 

Clerk – medical student na atchay ng intern

 

Intern – gradweyt na ng medical school, hindi pa pumapasa sa board exams at sya ring atchay ng residente

 

Residente – lisensyadong duktor na siya namang kasalukuyang nagtratraining sa kanyang field of specialization at pinapasweldo na ng hospital subalit atchay naman ng consultant

 

Consultant – ang pinakabosing na duktor sa isang departamento, na sa sobrang taas na ng ihi ay nakakayanan ng iwaldas ang karamihan ng kanyang oras sa paggogolf (para sa mga kalalakihan) o di kaya’y sa pagbebelly-dancing (para sa mga kababaihan)

 

Watcher – Kasamahan ng pasyenteng pumupunta sa ospital, maaaring  kapamilya, kamag-anak, kapitbahay, kaibigan, kalaguyo o kahit sinong kakilala na makapagsasabi ng kahit pangalan man lamang ng pasyente. Karaniwang nagiging tagabili ng gamut sa pharmacy, tagalakad ng lab requests ng pasyente sa kabilang building kung nasaan ang laboratory at tagalimos ng discount para sa pasyente sa MSS (Medical Social Services)

 

 

Mr. X

 

 

 

dying_candle_0Hindi ako kumportable kapag konsepto na ng kamatayan ang pag-uusapan.

 

Oo nga, noong isa pa akong neneng nagrerebelde nung kapanahunan pa ng aking mga growing up years, tulad ng isang ordinaryong tinedyer, napagtanto ko at namuni-muni ko rin ang magpakamatay at mamatay ng bata pa. Subalit datapwat ngunit, sino ba namang kinse anyos ang seryoso sa kagustuhang magpakamatay at hindi nagpapapansin lamang?

 

Hindi pa naman uso ang Emo nung mga panahong iyon.

 

Sa katunayan, takot talaga akong tumingin sa mga bangkay sa loob ng mga bukas na kabaong. Tuwing mga lamay, sinisigurado kong maglaan ng distanyang dalawang metro mula sa sarili ko at sa kabaong. Nakayanan ko ring magkunwaring matapang tuwing kinakaharap ko ang mga umaalingasaw sa formalin na cadaver sa Anatomy Lab, sa halip na kumaripas ng takbo palabas ng gusali.

 

Ngunit ito yata ay sadyang isang bagay na kinailangan ko talagang harapin.

 

Sa alas-kwatro ng umagang iyon, sa kauna-unahang pagkakataon, nakasaksi ako ng isang taong namatay mismo sa harap ko…

 

Noong clerk pa ako sa Surgery Department, isang di kilalang matandaang lalake na pinangalan naming Mr. X ang dinala sa ER. Wala siyang watcher na kasama at siya ay natagpuan lamang daw sa gitna ng kalye, isang hinihinalaang biktima ng hit and run. Habang unti-unting naglipana na ang mga student nurses na nakiusisero sa pasyenteng nasa stretcher (kasi nga, mukhang hindi naman pala nila ito magagamit para sa cases na kanilang inilalagay sa kanilang index cards), saka ko pa nakita ang kanyang kalahatan. Nakasplint ang parehas na binti, mula sa hip joint hanggang sa sakong, sangkatutak na mga sariwang sugat ang pumapalibot sa kanyang katawan, at habang may mga gurgling sounds na maririnig mula  sa kanyang lalamunan, patuloy na umaagos ang sariwang dugo mula sa kanyang bunganga. Dilated ang kanyang mga pupils, 20 palpable lang ang kanyang blood pressure at halos hindi na marinig ang tibok ng kanyang puso.

 

Hinigop namin ang dugo mula sa kanyang lalamunan gamit ang suction machine, pinilit na ipasok ang oxygen sa kanyang baga sa pamamagitan ng Ambu-bagging, nag-CPR, hanggang sa halos magkanda pagod at nginig na ang aming mga kalamnan. Subalit kahit anong gawin namin upang manatili lamang siyang buhay, pagkatapos ng kinse minutos, nalagutan din siya ng hininga at namatay. Ang mamang ito, who could have been someone’s lolo, tatay o asawa, ay namatay mag-isa nang wala man lang kamag-anak na kasakasama sa tabi niya hanggang sa kanyang huling paghinga. Ni wala man lang siyang pangalan na maisusulat man lamang namin sa kanyang death certificate. Malay natin, sa mga oras na iyon ay hinahanap na siya ng kanyang anak, asawa o apo na wala man lang kaalam-alam na patay na pala ang hinahanap nila. 

 

Wala na akong mas nakita pang kalunos-lunos na pangyayari liban diyan.

 

Si Mr. X ngayon ay naging isa na lamang malamig na bangkay sa ilalim ng puting kumot. Naisip kong ang lungkot siguro ng mamatay nang walang pangalan, walang kasamang pamilya, nang walang identity, nang walang kadigni-dignidad.  

 

Tinabihan ko na lamang ang bangkay niya, hinawakan ang kanyang malamig na kamay at nag-sign of the cross ako.

 

Mr. X, sana nalagay ka na rin sa tahimik.

 

Ipinaskil sa Emo mode . Mga Marka: , , , . 15 Puna »

Hindi Ako Nag-aral Upang Maging Abortionist Lamang

Warning: Mahaba ito…

 

 

Noong clerk  pa ako at nakatoka ako sa Surgery Department ng ER, natatandaan ko noong tinawag ako ng isa kong co-clerk na assigned naman sa Obi-Gyne. Dahil walang lasing na magpapatahi ng kanyang basag na mukha sa akin noong mga oras na yon, sumama naman ako sa kanya doon sa Inspection Room, kung saan niya pinapahiga at pinapabukaka ang kanyang mga babaeng pasyente. Akala ko nung una, papakitaan nya ako ng isang kyut na kyut na bagong panganak na sanggol.

 

Fetus pala ang ipinakita niya.

 

Sa kalagitnaan ng mga pabalot ng disposable na gloves ay ang isang 11-week old na newly-aborted fetus, mainit-init pa dahil kalalabas lamang nito mula sa uterus ng kanyang ina. Kita na ang malalaking mata ng fetus at ang kanyang kyut na kyut na mga kamay at paa. Nakakapangilabot. Nakakaawa. Nakakapanlumo. Naaalala ko tuloy noong nasa elementarya pa ako na pumapasok ako ng Adoration Chapel (nang hindi pa ako napapaso o nalulusaw na parang abo) sa tabi ng simbahan ng aming eskuwelahan. Sa hallway papasok ng Adoration Chapel ay maraming mga posters ukol sa abortion, kasama na rito ang mga ubod ng graphic na mga larawan ng mga pinaabort na fetus sa iba’t ibang edad sabay ng mga katagang “Pro-life” at “No to Abortion.”

 

Dinala ko yata sa aking paglaki ang mga imaheng iyon kung kaya’t nag-iinit talaga ang aking mga singit kapag nakakatanggap ako ng mga pasyenteng mga 16-17 years old na putlain at profuse vaginal bleeding ang inirereklamo. Tatanungin mo kung buntis, sasabihan ka ng ina nila na hinde at NBSB pa raw ang anak nila. Siyempre, tahimik lang si Ineng. Ganyan naman lagi ang mga guilty. Sasalpakan mo siya ng pregnancy test at kung positive, hala na, saka na niya aamininin sayo na alam niyang buntis siya at kesyo nagpahilot siya sa albularyo/uminom siya ng pinadikdik at pinakulong dahon ng ewan/may ininom siyang gamot na pampalaglag na nirekomenda ng kanyang boypren na second year Nursing student. Alam na yata ng kahit sinong Nursing student ngayon ang mga gamut na pampalaglag at kahit pinagbabawal itong mabili over the counter ay nakakalusot pa rin ang ilan. At kahit itali niyo pa ako ngayon at isabit sa puno ng acacia ng nakatiwarik ay hindi ko sasabihin sa inyo kung ano ang gamot na iyon. Isa lang ang masasabi ko, hindi siya gaanong mabisa pag iniinom, isinisilid ito sa pagkalalim-lalim at pagkaliit-liit na butas ng cervix. Unless kamag-anak mo si Lastikman o di kaya’y may lithotomy bed ka sa bahay niyo, kahit ang mga duktor, hirap itong ipasok sa lecheng butas na iyon kung kaya’t ilang beses itong inuulit at mas nararapat talagang sa hospital ito ginagawa bilang bahagi ng management sa isang tunay na nangangailangan nito.

 

Bilang isang duktor, marami rin akong mga kaibigang lalake ang lumalapit sa akin upang magtanong ukol sa paglalag. Ganito ang karaniwang kinalalabasan ng aming pag-uusap:

 

Manyak na friend: Huy angel. Pwede bang magtanong?

 

Angel: O pare. Anong problema?

 

Manyak na friend: Kasi may kabarkada ako… Eh, nabuntis yung syota niya.

 

Angel: Ganon?

 

Manyak na friend:  Tapos pareho pa silang nag-aaral.

 

Angel: Ayan, kasi naman… Ilang buwan na daw?

 

Manyak na friend: Mga dalawang buwan ata.

 

Angel: Sigurado ka bang hindi ikaw yan at sinasabi mo lang na kabarkada mo?

 

Manyak na friend: Lukaret. Hinde ah.

 

Angel: Eh, tapos?

 

Manyak na friend: Anong pwedeng inumin ng babae para malaglag yung baby?

 

Angel: Lason. Magpakamatay na muna siya bago ko sasagutin ang tanong na yan

 

Wala akong pakialam kung gusto mong ikalat ang iyong mga punla kahit hindi ka pa kasal, wala ka pang trabaho o di kaya’y sadya ka lang talagang manyakis. Hindi rin ako magpapakaipokrita at magsasabi sayo’ng huwag ka na munang makipagsex hangga’t hindi ka pa kasal. Naiintindihan ko namang masarap talaga ang magpainit ng katawan at malunod sa mundo ng kahalayan kahit pa nga ba ito ay masasabi nating bawal. Ang sa akin lang, wag mo kong idamay at gamitin ang aking propesyon at ang ating pagkakaibigan sa iyong pagkakamali at katangahan. Susuportahan kita sa lahat ng bagay, kung alam mo na ang dapat mong gawin, sasamahan pa kitang bumili nito (inaamin kong sinamahan ko ang isa kong kaibigang duktor dati na bumili ng isang klase ng herbal vitamin daw na pamparegla) pero kung iniisip mong sa akin manggagaling mismo ang kinakailangan mo ay wag ka nang umasa dahil hinding-hindi kita reresetahan ng gamot na magagamit mo sa paggawa ng kamalian sa isa nang pagkakamali.

 

Kaya’t kung ikaw ay may iniirog at ayaw mong mabuntis o makabuntis, isa lang ang pinapayo ko: MAGSUOT NG KAPOTE. Hindi condom kasi 99% effective lang yan. Ang ibig kong sabihin ay raincoat. Ewan ko lang kung titigasin pa ang inyong etits at gaganahin pa kayong makipagsex niyan pag suot niyo na yung mga malalaki at mabibigat na dilaw o di kaya’y dark green na raincoat ng mga pulis at sundalo.

 

What a turn-off.        

 

Isa pang pahabol na kuwento. Noong clerk ako sa Internal Medicine, may isang maitim at matabang 16-year old na babae, kasama ang kanyang ina ang lumapit sa akin dahil buong araw na raw masakit ang kanyang tiyan. Dahil nanghinala akong melasma ang dahilan ng pangingitim sa kanyang mukha at tila bilog na bilog ang kanyang tiyan, tinanong ko si Neneng kung buntis siya. Ang sabi ng ina, mataba lang daw talaga ang anak niya at estudyante pa na wala naman daw boypren. Sabi ko, ipapregnancy test ko muna siya. Patakaran rin kasi ng departamento ng Internal Medicine na ipapregnancy test muna ang mga kaso ng abdominal pain sa isang babaeng nasa reproductive age pa at saka ipapasa sa kung anong departamento dapat ang humawak sa kaso niya. Nagpumilit, hindi naman daw buntis ang anak. Hindi ko raw ba puwedeng bigyan na lang kaagad ng gamot. Hindi naman ako tanga para magbigay kaagad ng gamot para sa sakit ng tiyan ng hindi ko pa naeexamine ang pasyente ng mabuti. Kaya sabi ko, manang, hindi talaga pwede. Buti na lang, naiihi na si Neneng. Sabi niya balik lang daw sila, ihi daw muna siya sa CR sa labas ng ER.

 

Maya-maya, nagsisigawan na ang mga tao sa labas.

 

Habang umiihi si Neneng sa toilet bowl ay sabay labas naman ng kanyang bagong panganak na sanggol. Mabuti na lang ay nahila niya kaagad ang umbilical cord na nagdudugtong sa tiyan ng kanyang sanggol at sa kanyang bahay-punlaan, kung hindi ay tumama na sana ang ulo ng bata doon sa toilet bowl.

 

Muntikan pang tuluyang magsawsaw sa mga ihi at tae ng ibang tao ang kanyang dinedeny-to-death na newborn baby.  

 

At ang nanay ni Neneng, halos wala nang pagmumukhang maipakita sa akin habang sabay sabing, “Mahilig kasi yan silang mag-overnight swimming ng mga kabarkada niya. Baka may sperm na lumalangoy-langoy sa pool na pumasok sa ari niya kaya nabuntis.”

 

Si nanay talaga. Ayaw pang tanggaping malandi talaga ang anak niya.  

Kagatin Mo Ang Limonada Ko

Tatlong taon na akong nagbloblog.

 

Oo, tama ang nabasa mo.

 

Alam kong sisilipin mo ang Archives ko. Sori, Oktubre 2008 ang pinakamatagal na post ko diyan na makikita mo. Kasi kahit tatlong taon na akong nagbloblog, ngayon lang ako lumihis sa aking ganap na pagiging suplada at saka naisipang ibukas ang aking blog at magpa-autopsy sa iba pang mga Pilipinong blogger dito sa world wide web.

 

Pero sa tatlong taon kong pagbloblog, ngayon lang ako nakatanggap ng tag.

 

Ano nga ba ang tag?

 

Sa totoo lang, ewan ko. First time ko nga makatanggap nito, di ba? Basta ang alam ko pinagpapasa-pasahan yan siya. Kaya kung mali-mali man ang aking pagcocopy paste sa tag na ito na bigay ni Ate Maru, wag niyo akong sisihin. Si Ate Maru ang sisihin niyo dahil sa kanyang poor choice of blogger. Sino pa nga ba, kundi ako.

 

Pero sa totoo lang, naexcite ako nung nabasa kong tinag niya ako. Sino ba naman ang hindi naeexcite sa kanilang first time, ika nga? Kahit anong first time pa yan.

 

Hmmm… Alam kong iniisip mo. Down, boy, down…

 

In fairness, kahit hindi ko rin mainitindihan kung ano ang tunay na kahalagahan nitong LIMONADANG ito (Bakit nga pala limonada? Ba’t hindi na lang Iced Tea? O di kaya coffee ng Starbucks. Para feeling sosi naman, di ba, kahit hinde?), eto na at namnamin ninyo at mainggit kayo sa aking kauna-unahang LEMONADE AWARD.

 

lemonade-award

 

Maraming salamat sa uber sexy na si Ate Maru para sa award na ito. Sa pagtanggap ng limonadang ito, para akong binigyan ng isang mainit na mwahugz ng bloggersphere. Ehehehe. HOT lemonade kasi ang binebenta dito at hindi cold. Kaya’t ipapasa ko rin ito bilang pasasalamat sa inyo. At ang mga suwerteng (Suwerte nga ba?) idadamay ko sa tag na ito ay sina:

 

Doc Rio (Diary of A Dentist)

Repah (Malapit Na Ang Pasko.. Yun Lang)

Glesy the Great (Anakngpiso’s Bahay-Palasyo) 

Taps (Call Me Taps)

Joshmarie (Mundong Parisukat)

Brother Utoy (How Brother Utoy Failed Salvation History)

Mang Badoy (eBahay ni Badoy) 

Ferbert (Kokey Monster: Ang Kokey ng Ina Mo)

KingDaddyRich (The Morning Bolero Chronicles)

Vhonne (Batanggero)

 

Wala naman yatang pilitan sa pagtatag, ano? Kaya choice niyo na yan kung feel niyong kagatin ang lemonada ko. Shiyet… Parang bastos ang dating. Eto nga pala ang mga instructions:

 

 

The rules of this award:
1. Put the logo on your blog or post.
2. Nominate at least 10 blogs which show great Attitude and/or Gratitude!
3. Be sure to link to your nominees within your post.
4. Let them know that they have received this award by commenting on their blog.
5. Share the love and link to this post and to the person from whom you received your award.

 

 

Syetness. Di ka rin toxic na tag ka, ha? At parang may mali pa sa grammar ng pangalawang statement. Hmmm… Okay, fine. Sige na nga…

 

 

Ipinaskil sa blogista ako . Mga Marka: , . 10 Puna »

Para Kay [He-Who-Should-Not-Be-Named]

Hindi ata maganda ang araw na ito para sa akin.

 

Ala-1 ng hapon pa dapat ang review class namin. Dahil feeling masipag ako ngayon, naisipan kong pumunta ng eskuwelahan ng alas-10 ng umaga para doon na lang tumambay at magbasa-basa habang inaantay na mag-ala-1. Pagdating ko ng eskuwelahan, saka ko lang nalaman na katatapos lang daw pala ng aming klase na nagsimula kaninang 8 AM. Nagpapass the message daw kagabi ang class president via text.

 

Obviously, walang nagtext sa akin.

 

Nanlumo ako. Wala na ba talaga akong friends? Simula ng lumipat ako sa Smart mula sa Globe ay madalas na hindi na ako nakakatanggap ng mga importanteng text messages mula sa aking mga walangkwentang kaklase. Paano ba naman kasi, halos mga Globe Unlitext subscribers silang lahat. Hindi na ata nila makayanang magwaldas ng piso para itext man lang ako na pinalitan pala ang skedyul ng klase sa mas maaga.

 

Mga kuripot! Lamunin niyo yang mga piso ninyo! Sana mabilaukan kayong lahat! 

 

At syempre, tatanungin niyo, Bakit kasi hindi na lang din ako lumipat ng Globe? Kahit gustuhin ko man, dahil sa liit ng lungsod namin, wala pa raw program ang lahat ng cellphone repair shop dito sa amin na pwedeng magpa-open line sa aking Nokia 6969 [Real name withheld due to legal purposes]. Hindi ko rin pwedeng magamit ang aking lumang openline na cellphone dahil bumigay na talaga siya. Hindi na siya virgin. Kailangan na nya ng major colporrhapy at dahil poor ako, wala akong pambayad ng pang-ospital niya. Eniweyz, imbes na mag-fetal position at umiyak sa isang tabi sa sobrang tampo, napag-isipan ko na lamang magpalamig ng ulo sa aming state-of-the-art daw na library na kapanahunan pa yata ng pagduduktor ni Rizal sa Dapitan ang mga librong pangmedisina dito.

 

At dahil may libreng Internet doon, sinilip ko na rin ang aking blog at nagbloghop.

 

Haayyy…. Drama at Emo mode na mala-Pacquiao na ang susunod kaya at least, winarningan ko kayo.

 

Humihingi ako sayo ng paumanhin. Paulit-ulit ko talagang binasa ang aking kinomento sa iyong blog upang malinawan ang aking murang isip kung bakit na lamang ganun ang iyong reply sa akin. Siguro nga, may pagka-offensive para sayo. Inaamin ko rin naman na may pagkataklesa din talaga ako paminsan. Basta na lang ako type ng type. Spontaneous ako magcomment, hindi tulad ng aking mga posts sa aking blog na halatang pinag-isipan ko talaga (Hmmm… Halata nga ba? Pansinin niyo na lamang na Times New Roman Font12 ang mga post ko, pang Microsoft Word talaga). Kung naoffend ka man sa comment ko, sorry. Siguro nga medyo may pagkamapanlait ang dating. Kaya, sorry ulit at sa susunod, puros happy thoughts at pagpupuri na lamang ang maririnig mo sa akin. Hindi ko naman intensyon na galitin ka. Hindi naman ako naghahanap ng away. Isa lamang ako sa iyong mga tagahanga na napadpad sa iyong blog na trip lang mag-iwan ng komento sa pagkakataong iyon. Hindi ko lang talaga alam bakit kinailangan mo pa akong murahin. Marami naman sigurong ibang paraan upang ipadama mo sa akin na hindi mo nagustuhan ang aking comment. Pwede rin namang idinelete mo na lang sana. Hindi naman ako yung tipong nangungulit at sakim sa airtime kapag nakita kong hindi naipost ang aking komento. Kahit bago pa lang ako, hindi ako ganid para sa plugging ng aking blog. Nungka akong nagkomento sa blog ng iba ng “Care to exlink?” Kaya kong mabuhay mag-isa ipost mo man o hinde ang comment ko sa blog mo. Madali akong kausap. Kinailangan mo pa ba talaga akong murahin?

 

Babae ako. Kahit ganito ako umasta, kahit ganito ako magsalita, kahit paminsan, hindi ako karespe-respeto sa mga sinusulat ko sa aking blog, ang pagkakaalam ko, babae pa rin ako. Kailan pa ba naging kaaya-aya ang murahin ang isang babae?

 

As far as I know, I did not deserve that.

 

Hindi naman siguro ka-OA-an ang aking naging reaksyon. Huwag mo ring isiping  umaandar lang ang pagka-manang ko at hindi lang ako sanay na makarinig ng mura. Sanay ako, hindi nga lang kung ito’y patukoy sa akin. Huwag mo ring isiping epekto lang yan ng aking pagiging Catholic School subscriber halos buong buhay ko. Wala naman yatang koneksyon ang mga pagtuturo ng mga Hesuita sa mga pagmumura. Siguro nga ito ay dahil bago pa lamang talaga ako dito sa blogosphere at hindi pa ako sanay sa mga ganitong bagay. Palibhasa wala naman talaga akong pangalan sa mundo ng mga tanyag na blogista, kung kaya’t naisip mong hindi mo naman talaga kinailangang magpakita ng respeto sa akin. Napatanga tuloy ako. Sensitibo na kung sensitibo pero dinamdam ko talaga ang sinabi mo. Parang gusto ko tuloy bumalik na lamang sa sinapupunan ng nanay ko at iwaldas ang natitira kong buhay sa paglangoy-langoy na lamang sa amniotic fluid. Kaso hindi puwede dahil maliban sa hindi na ako kakasya sa kanyang vajayjay ay matagal ng tinanggalan ng uterus ang nanay ko. Kaya wala akong magawa kundi ang mag-Emo na lamang at ilunod ang aking pagmumukha sa pagkonsumo ng balde-balde ng comfort foods. Marahil kahawig ang aking karanasan sa kadalasang nangyayari sa ilan sa mga bloggers na tumitigil na sa pagsusulat. Dahil masyado nang bumababa ang kanilang self-esteem dala ng anik-anik na panggugulo at paninira sa kanila at sa kanilang mga blogs, naiisipan tuloy nila ang tumigil na o di kaya’y maghiatus.

 

So, dapat ko ba silang sundan? O dapat ba talaga akong masanay na lang na ganyan ka? O dapat ko na lang bang tigilan na ang pagcocomment pa sa blog mo at sa blog ng ibang tao? O dapat ko na bang ikandado sa loob ng baul na lang itong blog ko at wag nang buksan pa ito ulit?

 

Pasensya ka. Hindi mo pag-aari ang world wide web. 

 

Sa pagkakaalam ko, may karapatan din ako dito.

 

Kaya sige, humihingi ako sayo ng paumanhin. Pero murahin mo pa ako ulit at kahit maliit lang ako, makakatikim ka talaga sa akin.

 

Wala man akong dugong Muslim pero iba pa rin ang bagsik ng isang tubong Mindanao tulad ko pag magalit.  

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.