Adik Ako!

Bakit ba ako nagpasya pang sumulat ng bagong blog? Kung tutuusin lang nag-uumapaw na ang dami ng aking mga blog. Meron sa Friendster, sa Multiply, dati sa Blogspot, at ang kasalukuyang pinakaactive ko sa ngayon ang And Why Should I Date Anyway? sa WordPress.

 

Ang masasabi ko lang ay: EWAN.

 

Hindi naman sa masyado akong maraming oras na pwede kong sayangin. Kung tutuusin lang, umaapaw na ang mga bagay nas mas dapat kong gugulan ng panahon. Nandyan ang pagkekerengkeng, paglalandi, pag-aaral, pagyoyosi, paggigimik, pagpapasaya ng aking mga kaklase at paggiging mabuting anak sa harap ng aking mga magulang. Busy akong tao. Hindi ko dapat sinasayang pa ang panahon sa pagbloblog.

 

Pero ewan. Adik na yata ako.

 

May rehab ba para sa mga adik sa pagbloblog?

Ipinaskil sa blogista ako . Mga Marka: . Mag-iwan ng Puna »

Mag-iwan ng Tugon