Imbyerna Moments

Habang papsasok ng mall…

Sikyu woman: Ma’am, check lang po sa bag.

Ako: Okey (Bukas ng bag at mga plastic na dala)

Sikyu woman: Ano yang nasa loob ng kahon, speakers? Hindi yan pwede dito. Bawal yan.

Ako: Eh saan ko po iiwan ito?

Sikyu woman: Balik ka doon sa pinagbilhan mo at doon mo iwan yan.

Ako: What? (Mega-hakot ng mga gamit at plastic bags)  Hindi na lang ako papasok diyan sa tindahan niyo!

Bwisit na sikyung yun. Pilosopo!

***************************************************

Sa flag ceremony…

Staff 1: Doc, may mga gusto daw magparegards sayo galing doon sa Provincial Budget Office.

Ako: Ha? (Pumalakpak ang tenga) Sino?

Staff 1: Yun o. Yung matangkad na maputi (sabay turo sa isang grupo ng mga kalalakihan dalawang metro lang ang layo  na nakatingin sa aming 2) tsaka yung mga kaibigan niya.

Ako: (ngiting malandi) Ah, ganun ba? Di ko naman sila kilala.

Mga kalalakihan: (kumaripas ng takbo sa hiya)

Ako: Ano ba tong mga lalakeng to? Parang mga batang Grade 6. Kalapit-lapit ko lang naman, bat di na lang sila lumapit at nagpakilala? 28 na ako, hindi na ako highschool na pwede lang daanin sa pagreregards. Mga bwisit. 

Moral lesson sa mga kalalakihan: Kung may gusto kayo sa isang babae, at gusto niyo talaga siyang maging syota, make the effort na magpakilala. Nag-aantay lang naman kami, no? Kung kami naman ang gagawa ng first move, naaasiwa naman kayo. Ano ba talaga ang gusto niyo ha? Tapos nagtataka kayo kung bakit wala kayong gelpren. Hello! Kelangan pa bang imemorize yan?

Ipinaskil sa Uncategorized . 15 Puna »

Kakikayan Bag

Noong elementary ako, nag-aral ako sa isang private na Catholic school. Isa akong sunud-sunurang bata ng mga panahong yun kung kaya’t dala ko ang lahat ng mga libre at notebook namin sa school sa aking knapsack na mala-pangmountain climbing backpack  sa laki. Hindi pa kasi uso noong mga panahong iyon ang mga locker at stroller (Ganyan kasi noong mga sirka 1980′s… Oo na, matanda na talaga ako!). 

AmandaandHerPinkAirPackBackPack-main_Full 

Hindi ako yan ha? Mas cute ako sa batang yan. Hehehe, joke!

 Ang sabi sa isang artikulong nabasa ko, upang makaiwas sa pagkakaroon ng ng mga pananakit ng likod, dapat daw ang dala sa backpack ng isang bata ay hindi lalampas sa 15%  ng kanyang timbang.  Dahil hindi na ako bata, hindi na rin ako gumagamit ng backpack at manigas kayo kung iniisip niyong sasabihin ko sa inyo kung ano ang timbang ko (Haller! Secret na lang yun!), pasisilipin ko na lang kayo sa mga laman ng aking bag at kayo na lang ang humusga kung nagyayaya ba ako ng low back pain.

Iwarning ko na lang kayo: May pagka-ugaling Girl Scout ako. Gusto ko, always ready. Kaya’t kung kakasya lang ang refrigerator namin sa loob ng bag ko, malamang ipinasok ko na rin.

white bag

Ito ang aking puting bag na ginagamit ko pag pumapasok ako sa trabaho. Pasalubong ito sa akin ni Mader noong umattend siya ng conference sa Italy.  Siyempre, hindi ko naman magamit ito pag nagbibiyahe ako sakay ng bus papuntang lungsod  o di kaya’y nagmomonitoring o umaattend kami ng meeting sa mga malalayong munisipyo dahil dumihin siya. Kung kaya’t, itong isang bag naman ang ginagamit ko sa mga panahong iyon:

black bag

Itong itim na bag ay paborito kong gamitin dahil heavy duty siya, meaning, kahit saan, kahit kailan, kahit ano pang suot ko, pwede ko siyang magamit (parang condom lang… hehehe…). At kung ang puting bag ko ay galing Italy, galing namang Divisoria itong itim na bag ko. Patunay lang na praktikal akong tao at hindi ako particular sa brand o di kaya’y presyo ng mga gamit ko. Basta kasya ang lahat ng mga gamit ko at hindi naman siya asiwa tingnan at hindi naman ako mapagkakamalang Manang sa suot ko, okey na yun sa akin. In short, hindi ako high maintenance.

front view 

At ito pa!

rightside viewleftside view

 Andami no? Ang sabi nila, makikilalala mo raw ng mabuti ang isang tao sa laman ng bag niya. Kaya ito ang mahabang listahan ng mga pang-araw-araw na gamit sa loob ng bag ko:

1. Natasha wallet na may lamang sangkatutak na mga resibo, bus tickets for reimbursement sa office, mga IDs, mga calling cards,  mga letrato ko, ng mga kaibigan ko, ng mga ex-boyfriends (oo na, dapat matagal ko nang tinanggal ang mnga litrato nila, kaso hindi ko rin alam saan ko itatago kung kaya’t nag-aacumulate na lang sila sa wallet ko), P3500 na naka stapler (pambayad ng bills yan kaya nakastapler), P900 na dapat kong ikasya hanggang sa susunod na swelduhan at P53 worth of coins.

2. Pink and gold yosi bag na may lamang isang kaha ng Philip Morris, 2 lighter at 2 Snow Bear. Dahil sa aking yosi bag, naging tanyag ako sa mga kuripot na residenteng nagyoyosi noong intern pa ako sa ospital dahil ginagawa nila akong hingian ng yosi kahit na kung tutuusin, sila naman ang may sweldo at ako ang estudyante. Paminsan-minsan ay sila na rin mismo ang kumakalkal sa bag ko at naghahanap sa pink and gold na yosi bag na yan upang makanakaw ng tingi-tinging sigarilyo.

3. Brown make-up case kung saan may 2 shades ng lipstick, isang compact case, 4 eyecolor shades, 1 cheek brush, 1 cheek blush, 1 eyebrow pencil, 1 eyebrow hair blade, 1 eyelash curler, 1 mascara.

4. Pink pencil case with 2 pencil, 1 black ballpen, 1 red ballpen, 1 stapler, 1 stapler remover, 1 sharpener, 1 pair of purple scissors at 1 box ng staple wire

5. 1 Blue Mini-calculator. Para sa mga calculations ng health stastistics at annual operation plans.

6. 1 Blue and white na case na may lamang black shades.

7. Mini-notebook with signpen para sa mga quick reminders at taking down of notes. Noong isang linggo, habang nag-aatend ako ng training sa isang hotel, dahil sa aking katangahan ay nawalan ako ng P2500. Ginamit ko kasing sulatan ng notes ang sobre na naglalaman ng perang iyon. Kaso nakaligtaan ko siya dahil naging busy ako sa paghahanda para sa aking presentation during the training, kung kaya’t nailapag ko somewhere yung sobre at nakalimutan ko na siya. Pagkaalala ko sa kanya, nasa opisina na ako at noong tumawag ako sa hotel upang mag-inquire tungkol dito, wala ring nangyari dahil hindfi rin nila ito nakita. In short, para akong nagcharity works at namigay ng sobra sa dalawangh libo sa kung sino mang Pontio Pilato na nakapulot nito. Leche.   

8. 1 4 GB na purple na Kingston USB na may nakasabit na light blue  transparent beads na key chain 

9. 1  2 GB na gold na Sony USB na may nakasabit na purple na key chain ng isang tribal man na bigay sa aming magkaklase bilang pasalubong ng professor namin sa medical school noong siya ay pumunta ng Cambodia. 

10. 1 Smart Bro USB/Modem

11. 1 sanitary napkin. Pruweba na babae po ako at di ako bakla-kla-kla-kla-kla-kla!

12. 1 tablet ng Dolfenal. Para sa mga hindi inaasahang sakit ng ulo.

13. 1 orange folding fan. Wala kasing aircon paminsan sa mga bukid-bukid.

14. 1 60 ml bottle ng ethyl alchol. Pang-iwas H1N1. At dahil tamad talaga ako paminsan maghugas ng kamay na kailangang kasingtagal pa ng pag-awit mo ng “Happy Birthday” ng dalawang beses.

15. 1 30 ml bottle ng Vitress cuticle coat. Para hindi ako matanungan kung mahangin ba sa labas.

16. 1 75 ml bottle ng Lewis and Pearl Ice Water cologne. Mabigat kasi ang magdala ng pabango, lalo na kung babasagin pa ang bote ng pabango, tulad ng sa akin. Ayon din sa aking experience, mas mainam na pangtanggal ng amoy kayoyosi lamang ang cologne kaysa sa perfume. 

17. 1 50 g bottle ng Lewis and Pearl Rain loose powder. Mas gusto ko kasing gumamit ng loose powder kaysa sa compact. Wala lang, feeling ko lang, mas maputi ako pag loose powder ang gagamitin ko. Hehehe… 

18. 1 green comb 

19. 1 Philips 1G MP3 with headphones.

20. 1 set of headphones for N85. Hindi ko pala nasama diyan sa listahan ang gold-colored case na naglalaman sa aking cellphone. Asan siya ng mga panahong kinuha ko ang mga litratong ito? Syempre, kumukuha ng letrato! Hindi ko naman pwedeng ipicture ang cellphone kung ito mismo ang kumukuha ng mga litrato di ba? Haller! Logic!  

05072009028

At may pahabol pa pala! Ito na yung gold-colored case na naglalaman ng aking cellphone at ang set of keys ko with kasamang pink girl na key chain na bigay pa sa akin ng aking kaklase noong nasa 3rd year pa kami ng medical school.  

 Kung pwede pa sanang ipasok, gusto kong magdala rin ng payong (kaso nabibigatan na ako kaya hindi ko siya laging dala), credit card (kaso wala naman ako nun. Wish ko lang! Hahaha… ) tsaka 1 bote ng mineral water. Kaso wala ng space sa bag ko  =)

 

Ipinaskil sa Uncategorized . 14 Puna »

Nang naligaw si Angelnawalangpakpak sa Public Health

Oo na.

Malaki ang kasalanan ko sa inyo.

Matagal-tagal din akong nawala.

Nalumong na kasi ako sa pagiging isang careergirl.

Isa na ako ngayong kawani ng gobyerno.

Isang malaking “Huh?” nga diyan.

At di tulad ng aking ibang mga kaklase na nakabase na ngayon sa mga ospital, ngpapayaman sa pamamagitan ng pagiging sunud-sunuran sa mga inuutos ng mga duktor na espesyalista, kakaiba ang pinili kong trabahuhin. Hindi ako umiintindi ng mga maysakit, hindi rin ako nakatambay sa ospital, hindi rin ako laging may hawak na stethoscope at naniningil ng professional fee.

Sa halip, ako ay nakaupo sa opisina, pumapasok 8-5, Lunes hanggang Biyernes, nakaharap ang laptop habang gumagawa ng Provincial Preparedness at Response Plan, nagreresearch ukol sa Swine Flu, nag-oorganize ng mga training, nagpapalakad ng mga health policies, nakikipagmiting sa mga chief of hospital, nakikipagplastikan sa mga pulitiko at nakikipagPR sa mga taga-DOH, taga-NDCC, taga-Red Cross, taga-DSWD, taga-AFP, taga-DOLE, mga municipal health officers, at iba pang mga kawani ng local health sector at government units.

BORING!!!

Yan ang trabaho sa Public Health. Hindi ako clinician, tagaimplement ako ng mga health policies.

Oo na, uulitin ko na naman, BORING!!!

Nakakapagod ipaliwanag kung bakit pinili ko ang trabahong ito sa dami ng mga inofferan sa akin. At dahil nakikita ko ang kakulangan ng serbisyong medical sa probinya, mas pinili kong magtrabaho sa labas ng syudad. At oo na, palagala talaga ako, kahit bukid man ang pinapasyalan ko. At kahit na mas malaki ang aking makukuha kung sa syudad ako mgtratrabaho, aanhin ko naman ang pera kung alam kong mga mayayaman lang ang nakakakuha ng serbisyo ko.

Kung gusto kong magpayaman, mag-aasawa na lang ako ng mayaman.

JOKE LANG! 

Pero kung totohanin niyo, pwede rin. Pakiforward na lang ang inyong mga application, biodata with passport size picture tsaka Income Tax Records sa aking e-mail address.

JOKE JOKE JOKE!   

Seryoso na. Kaya’t andito ako ngayon sa probinsya, duktora sa isang provincial health office, isang pencil pusher, nagtratrabaho upang mas maraming tao ang magkaroon ng access sa mga progamang pangkalusugan na ibinibigay naman ng libre ng gobyerno.

Oh my gulay! Angel, ikaw ba yan?

Oo. Ako nga ito.

Sa totoo lang, noong una, para akong kumakapa sa trabaho. Wala akong alam sa organizational structure ng local health sector, hindi ako pamilyar sa mga katagang “establishing network linkages” at “resource management”. Haller! Duktor ako, hindi ako Management graduate! Pwede bang tanungan niyo na lang ako sa pathophysiology ng Diabetes Mellitus o di kaya’y ipatrace niyo sa akin ang Circle of Willis sa halip na tanungin niyo ako tungkol sa kung paano magpromote ng advocacy upang mapagsakatunayan ang proyekto ukol sa Health Emergency Management? At nang inassign sa akin ang isang nurse upang maging staff ko sa isang programang pangkalusugan at nang kinausap ko siya ay mukhang mas marami pa syang alam sa akin, sa totoo lang, gusto ko nang magresign.

“Ano ba talaga ang ginagawa ko dito?”

“Ano bang job description ko?”

“Sigurado ba ako sa ginawa ko?”

Iilan lang yan sa isang libong katanungan na tinanong ko sa aking sarili pagkatapos ng unang araw ko sa trabaho.

Hay naku, isang understatement ang sabihing hindi ko alam ang aking ginagawa. Nagpapasalamat na lamang ako na kahit baklita ang aking bosing at kilala siya bilang isang tera queen, mabait siya sa akin (marunong akong mag-PR eh, hehehe…). Sa puntong ito, inip akong matoxic. Gusto kong dagdagan niya naman ang mga inaassign niyang trabaho sa akin (oo na, weird ako!) at ichallenge niya naman ako, subalit ang sabi niya lang sa akin:

“Angel, tine-train pa kita. Wag kang mainip diyan. Darating ang araw baka ikaw na rin ang susuko sa dami ng trabaho mo.”

Kaya eto ako ngayon, sa kabilang rehiyon, pinadala ng boss ko upang umattend ng training. Mga kasama ko, mga matatanda ng ilang dekada sa akin. Karamihan ay mga katrabaho, kaibigan at kabarkada pa ng mga magulang ko. Tanong sila bakit pinili kong magtrabaho sa provincial office, kung pwede naman akong papasukin ng aking mga magulang sa regional office sa syudad sa pamamagitan ng mga koneksyon nila doon.

Yun ang talagang ayaw na ayaw kong mangyari.

Heller. Para ko na rin sinabing tanga ako at kailangan ko pang gamitin ang koneksyon ng aking mga magulang upang makapasok sa trabaho. May prinsipyo rin akong tao at mas gugustuhin ko pang magtrabaho sa probinsiya kaysa magtrabaho sa syudad na kung saan may posibilidad pa ring may mga marurumi ang isip na maghihinalang dinaan ko sa konekyon at palakasan ang pagtanggap sa akin sa trabaho kung doon ako sa regional office naassign.

At sinong magsasabing sa mga probinsya lang nangyayari ang palakasan?

 Hindi ko rin ipagkakailang ilang beses kong kinailangang ijustify ang aking sarili sa ibang tao kung bakit ito ang pinili kong trabaho. Mayroon pa ngang nagsabing “You’re too young for this job.”

At ang sagot ko naman sa kanya: “Sir, I only look young but I’m very much older and wiser than my age.”

Charles ko lang yun. Wish ko lang na yun ang sinabi ko. Hahaha.. Actually ang sinabi ko talaga ay: “Sir, I know that despite my age, I am more than qualified for this job. I’m a licensed physical therapist, a licensed physician and I have a Masteral degree in Public Health. I graduated at the top of my class and as group leader during our community training, I know that I have the experience for this position. It may not be sufficient but I am very much willing to be trained to be more efficient in this job.”

In other words, nadala sila sa lakas ng bilib ko sa sarili. Nasabi ko na bang magaling akong magpabilog ng ulo? Hehehe…

Kaya ayun, di na nila ako pinakawalan.

Oo na, hindi na rin ako magpapaipokrita. Mataas ang posisyon para sa isang bagong lisensyadong duktor na katulad ko. Mataas din ang sweldo (Yipeee!!! May pang Internet na ako!). Subalit kaakibat nito ang sakit ng ulo na kailangan mong umintindi araw-araw sa mga mas nakakatanda sa iyo na matigas ang ulo at tinatrato kang tila isang batang uhugin na masarap pisil-pisilin ang pisngi at guluhin ang buhok. Parang reminiscent ng mga panahong bata pa ako at kapag may mga bisita ang aking mga magulang ay sinasabihan ako nila Mader na, “Anak, dance daw for us, beh. Dance daw.”

At syempre, dahil sunod-sunuran ako, dance naman ako.

Hay naku…

Sa ngayon hindi ko pa masasabing kaya kong tumagal sa ganitong trabaho. Alam ko kasing sa linya ng aking trabaho, darating ang araw at kakailanganin ko ring mamulitika.

AYOKO.

Ayokong madumihan ang aking puri at pagkabirhen (birhen daw o!) ng baho ng pulitika.

Subalit sa tuwing may medical outreach kami at nakikita ko ang dami ng mga taong nakapila at galak na galak na makita kami kahit na kinailangan pa naming maglakbay ng malayo upang makaabot lamang sa kanilang mga bukid-bukid na kuta rin ng mga rebelde, at masayang-masaya sila kahit na multivitamins, paracetamol at mefenamic acid lamang ang matatanggap nilang gamot, nagagalak din ang aking puso at napapawi na rin ang aking mga sakit ng ulo sa trabaho.

Naalala ko tuloy si Manang noong isang medical outreach, nang sinabi ko sa kanyang pakitaas ang kanyang T-shirt at kailangan kong icheck ang kanyang likod upang maicheck ko ang kanyang baga gamit ang aking stethoscope, bigla ba naman niyang hinubad ang kanyang T-shirt at halos maghubo na sa harap ko at sa madaming tao.

Sa gulat ko, sabi ko sa kanya: “Oh my God, Manang. Isuot mo nga ulit ang T-shirt mo at tila gusto mo yatang makipagkompetensiya kay Katrina Halili!”

Natawa na lang si Manang.

Sinong makapagsasabing hindi up-to-date ang mga taga-bukid ukol sa isyu tungkol kay Hayden Kho?

Ipinaskil sa Uncategorized . 30 Puna »

Adventure sa Cebu a.k.a Mga Kapraningan ng Board Exam

Wahahaha… Antagal kong nawala. At sa tagal ng aking pagkawala, hayaan niyo na akong magmalanobela sa aking mga isasaulat dito sa blogasperyo.

Wait lang. Baka magkanda-click na kayo ng mga X diyan sa pinakaupper right hand corner ng window na ito… Hello? Andyan ka pa ba? Magparamdam ka! Yooohoooo….

Hindi ko naman siguro itinago sa inyo na naging abala ako sa aking pagrereview para sa nalalapit kong board exam noong mga nakaraang buwan. Isang linggo bago ang eksaminasyon ay lumipad na kami patungong Cebu.  At dahil mahigit anim na taon na rin mula ng huli akong bumiyahe at sumakay ng eroplano, excited na excited ang lola ninyo kese hodang mukhang lata ng pinagtagpi-tagping aluminum ang eroplanong sinakyan namin. Nagmukha pa akong tangang click ng click sa button sa ibabaw ng aking upuan na inaakala kong reading lamp, yun pala ay button ito na tumatawag sa flight stewardess. At dahil katangahan ko ang dahilan kung bakit napahiwalay ako sa flight ng mga girls kung kaya’t malugid kong tinanggap ang hagikhikan at walang kamatayang asar-talo mula sa mga kaklase kong kalalakihan sa isang oras na byahe ng eroplano. Mabuti na lang ay naging useful din sila sa akin kahit papano dahil pinakarga ko sa kanila ang aking limang hand-carried baggages. Dapat lang. Wala silang choice. Paminsan-minsan naman ay masarap gamitin ang excuse na babae ako at karapatan kong ilabas ang pagka- gentleman ng mga kalalakihan sa paligid ko. Di vah?

Sa unang lingo bago mag-exam, hindi kami masyadong nakapaggala liban sa kalahating araw na pagbisita sa Ayala Center. Nalula kami at ayun na, lumabas ang aming pagka-promdi. Picture dito, picture doon. Nagkandabagsak ang mga panga ng mga kalalakihan namin sa paghalina sa mga naggagandahang legs ng mga chicks sa Cebu, na siguradong makikidnap kung dito sila sa amin magsusuot ng mala-panty sa ikli na shorts na yan. At andami pang Jampong (aka Koreano). Syempre hindi rin mawawala ang mga dirty old foreigners na bitbit ang kanilang mga mga native-looking girlaloos na mukha namang mga yaya. Hay naku, sa totoo lang, ayoko na sanang umalipusta dahil magbabagong-buhay na ako pero ineng, kung mas matanda pa sa lolo mo ang boypren mo, kahit mayaman pa yan at gagawin ka niyang reyna sa kanyang mansion sa Tate, maaatim mo ba talagang makasiping ang amoy-lupang yan?

Eniweys, bago ako masidetrack, dalawang araw bago ang exam, ay nawala na ang coolness ng lola niyo at nagbreak down na ako. Oo, tao lang po, may tear ducts din ako. Bigla na lang pumasok sa aking isipan na kahit andami ko nang librong nabasa, kahit andami ko nang tanong na nasagot, natanto ko na kulang pa rin ang alam ko at hindi pa ako handa. At pinalibutan na ako ng takot. Hindi ko kayang umuwi sa amin at harapin si Mader at sabihan siyang hindi ako pumasa. Ayun, hagulgol to the max na ang nangyari. Dito na pumasok to the rescue ang lalakeng itatago natin sa pangalang Richard Gutierrez. Hindi dahil sa kamukha niya si Richard, hindi rin dahil sa may kakambal siya, kung hindi dahil sa para siyang si Richard Gutierrez sa “When I Met You” sa buhay ko. Ang aking kaklase, kabarkada at katoma na lampas anim na taon ko nang kilala subalit ngayon ko lang naging ka-close.  Ang lalakeng binasahan ako ng mga passages ng bibliya na nagsasabing “Trust in the Lord”, “There is hope” at “His ways are not your ways, His thoughts are not your thoughts”.  Ang lalakeng bumisita ng kwarto namin gabi-gabi upang kuwentuhan ako at tinulungan akong makalimot sa aking mga pangangamba. Ang lalakeng nagpakain sa akin ng brownies na pinadala ng kanyang girlfriend noong Valentine’s Day. Ang lalakeng nahalina yata sa aking angking alindog. Wahahaha, joke lang. Tigilan ko na ngang pag-usapan itong si Richard at baka mademonyo na naman ako. Umiiwas na nga ako sa gulo. Hmph!

O siya, araw na ng exam. Alas-syete daw dapat andun na kami sa testing center. Kasalukuyan akong nagtututhbrush ng biglang tumawag  sa cellphone ko ang Nanay ko. Imagine niyo na lang na habang puno ng toothpaste at bula ang bibig ko ay sa halip na “hello, ma?” ay isang malakas na hagulgol ang narinig ng Nanay ko mula sa akin. Ayun, waterworks early in the morning. At hindi pa natapos dun. Dahil pagkatapos na pagkatapos ng unang eksaminasyon (Biochemistry) ay lumapit ako sa aking bespren at humagulgol ulit. Na, sinong magsasabing isa akong tigasin? Kung makita lang ako ng lahat ng mga naging ex-boyfriend ko noong mga panahong yun, sigurado akong aatakehin sila sa gulat dahil wala sa personalidad ko ang maging iyakin. Hindi ko na nga alam paano ko nagawang ubusin yung pananghalian kong 1-piece chickenjoy at burger habang sige sa pag-iyak, pero malamang dahil matakaw naman talaga ako, kaya ayun, naubos ko rin siya. Kahit noong sinasagot ko na yung pangalawa at pangatlong eksaminasyon sa araw na iyon, ay pabalik-balik pa rin ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Hindi naman ako nakikipagkontes kay Judai pero drama queen talaga ako noong mga panahong iyon. At ng nakauwi na kami at inaakala kong naubusan na ako ng iluluha, bigla namang tawag ulit si Mader na siyang ilang beses ko na namang hinagulgulan.

Madrama ba?  Oo na, andrama ko. Pero ikaw ba naman, kung ang ineexpect lang sayo ng lahat ay pumasa o mag-top, tapos  12 exams ang kailangan mong ipasa with at least no exam less than 75%, tapos percentile ranking  at iniisip mong, there’s no way na maipapasa mo yung pinakaunang exam, tapos maririnig mo pang nasa samplex lang daw ng ibang mga eskuwelahan sa Cebu  yung 75% ng mga tanong dun sa exam na pinakanahirapan ka talaga, sige nga. Hindi ka ba naman mapraning niyan?

Sa tulong ng Diyos, ni Richard at ng aking mga kaklase, tumahan din naman ako. Or siguro nga, nadehydrate na rin ang mga tear ducts ko at wala na siyang luhang mailabas. Andun na yun. Wala na akong magagawa. Kaya nag-aral na lang ako para sa mga sumunod na exams. Ako yung matutulog pa lamang ng 2 AM kahit na kailangan ko nang gumising by 5 AM para maghanda na para sa susunod na araw ng exam. Tatlong sachet na ng kape ang nilalagay ko sa isang baso para lang sigurado akong matapang na matapang ito. Para kaming mga timang ng bespren kong nagsusumikap na makaubos ng pagquiquick reading sa  700 pages ng Surgical Recall sa gabi bago ang examinasyon sa Surgery. Kami ring dalawa ang huling naiwan sa pension house dahil nagsialisan na silang lahat para pumunta sa testing center, habang nagpupumilit pa kaming magquick review ng Pharmacology. Hanggang sa wakas, natapos din ang apat na araw ng pinakanakakawindang na eksaminasyon sa buong buhay ko.

At syempre, pagkatapos na pagkatapos ng exam, nagyayang lumamyerda na ang mga kaklase ko. May manonood ng sine, magshopping, mamasyal… Si bespren, anong trip? Uminom.  At kahit na antok na antok na ang beauty ng lola niyo, siyempre dapat samahan. Hindi naman kami umalis ng Christian-oriented pension house, ipinuslit lang namin ang dalawang bote ng Tequila paloob lingid sa kaalaman ni Manong Guard at doon kami sa kuwarto ng isang klasmeyt naming nag-inuman. Okey na sana noong una, masaya, kuwentuhan kaming magkaklase, hanggang sa napansin naming medyo knockdown na si bespren. At dahil roommates kami, responsibilidad kong samahan siya pabalik ng kwarto namin. Tama ba namang sa kalagitnaan ng paglalakad namin sa hallway, habang marahan naming sinisigurong walang nakakarinig sa amin habang akay-akay namin siya, ilang talampakan na lamang mula sa pintuan ng kwarto namin, ay saka naman siya nagsusuka? Ayun. Dahil sa takot kong mahuli kaming nag-iinom doon (kasi nga po, bawal), ako na ang kumuha ng dustpan, mop at balde at nagpunas sa kanyang mga isinuka.

 Ganyan ko kamahal ang mga kaibigan ko.

Wahahaha… Leche. Pasalamat siya at lasing na lasing siya dahil kung hinde baka pagmumukha niya ang ginawa kong mop para dun sa mga sinuka niya.

Okey, fastforward na nga tayo. Medyo gabi na at sigurado akong inaantok na kayo. Dalawang araw magkatapos ang araw ng huling exam, kasalukuyan na kaming naghahanda upang matulog. 11 na ng gabi. Nanonood kami ng palabas sa Cinema One ng isang roommate ko habang nasa banyo si bespren nang may narinig akong kaluskos ng mga paa sa may hallway. Ang unang pumasok sa isip ko, “Shit. Baka may sunog.” Tapos, biglang may malakas na kumakatok sa aming pintuan, binukas ko at ang pagmumukha ng aking klasmeyt na bading ang tumambad sa aking mukha. “Girl, may result na.” Kinabahan na ako. At kahit nakapajama na ako ay dali-dali naman kaming tumakbo lahat sa kuwarto ng kaisa-isang kaklase naming may Internet access sa kanyang laptop. Kasalukuyan naman nilang nirorollcall ang mga pangalan ng mga kaklase namin sa listahan ng mga pumasa. Una kong nakita yung pangalan ng kaapelyido ko. Hindi man kita kamag-anak o kakilala, congratulations. Natakpan ng ulo ng kaklase ko yung sumunod na apelyido. Pero natakpan man niya yung sumunod na apelyido, tumambad pa rin yung pangalan ko.

YES!!! PASADO AKO!

Yakap dito at yakap doon. Tawag ako kaagad sa mga magulang ko na gumising yata sa lahat ng mga tao sa bahay namin para lamang sabihing pumasa ako at makausap din ako sa telepono. Ilang yakap na naman mula sa mga kaklase ko. Sigawan, iyakan at mahaba-habang kuwentuhan pa ng matagal. Alas 2 na yata ng umaga ng bumalik kami ulit sa kanya-kanya naming mga kuwarto.

Saka ko lamang napansing nakalimutan ko palang magsuot ulit ng bra at kanina pa pala ako yakap ng yakap sa mga kaklase ko, mapababae man o lalake ng walang kabra-bra.

 Oh well… Sana walang nakapansin. Hehehe…

Ipinaskil sa Uncategorized . 27 Puna »

Pasasalamat Ni Doktora

Sa magulang kong sabay akong iniyakan habang iniiyakan ko sila sa bawat tawag nila sa akin sa telepono.

Sa mga kaklase kong walang sawa akong binusog sa tawa at kakakain ng Da Vinci’s pizza upang kahit ilang minuto lamang sa isang araw ay hindi ko naiisip ang mga lecheng “most common…” at “which of the following…” na yan.

Sa mabait na Manong  na masipag na winawalis yung mga upos ng yosi doon sa veranda na resulta ng aking mga walang kuwentang panic attacks.

Sa aming Dean na araw-araw kaming tinexan ng mga inspirational passages from the Bible na nakatulong din sa pagtahan ko sa aking paghahyperventilate.

Sa Nanay kong hindi na raw makatrabaho ng maigi dahil sa pag-aalala sa akin.

Sa mga naging roommates ko sa Cendet na tinanggap ang aking kakulitan at sandamakmak na  “Ano nga ba yung sagot sa…” kahit na naiistorbo ko rin ang kanilang pag-aaral. In fairness, may dilang anghel daw ako dahil karamihan ng mga tinanong ko, lumabas sa exam. Hehehe…

Sa bespren kong mahigpit kong niyakap at hinagulgulan pagkatapos kong hula-hulaan at ipag-bintut-bintut ang mga sagot sa karamihan ng mga tanong sa eksaminasyon sa Biochem at nagsabing “Hoy, lukaret! Ano ka ba? Ang drama mo!” 

Sa kabarkada kong duktora na walang sawang padalhan kami ng aking mga kaklase ng ice cream at magic Red Ribbon ensaymada na may powers daw na magpapass ng board exams. 

Sa Lola kong matagal ng yumao na malamang lumapit kay Lord at kinumbinsi siyang gumawa ng himala at dinggin ang mga dasal ko. Nakulitan siguro.  

Sa lalakeng nagsilbing Richard Gutierrez sa aking mala-When I Met You na love story dito sa Cebu. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng iyong mga “I miss you” at yung “Mwah” dun sa isang gabing tinext mo ako pero dahil kasalukuyan pa akong nag-aantay ng sign mula kay God tungkol sa ating dalawa kung kaya’t para sa ikabubuti ng nakararami, tukso, pwede ba? Layuan mo muna ako. 

Sa  mga kaibigan ko dito sa blogospero na hindi nagsawang magkumento kahit na halos dalawang buwan akong walang ni-Hi ni-Hoy sa kanilang mga blog.

Eto na ang kinalabasan ng aking hiatus. 

Maraming maraming salamat. 

INUMAN TAYO!

Ipinaskil sa Uncategorized . 7 Puna »

Asan Na Ang License Number Ko?

Yes!

PASADO NA AKO!

Maraming salamat sa mga nagdasal at sa lahat ng suporta ng aking mga naging kaibigan na rin dito sa blogosperyo. Sa totoo lang, may naihanda na talaga akong dalawang mala-nobelang posts kaso sa kasawian palad ay naiwan ko ang mga ito sa laptop ni Mader na dinala niya sa kanyang training seminar sa Pagadian. Sana lang, hindi niya iyon nabasa. Baka maiyak si Mader kasi sigurado akong matotouch siya. Hahaha… Ang yabang ko.  

Kaya eto na lamang sa ngayon at bibisitahin ko na lamang ang mga blog ninyo habang hindi pa umuuwi si Mader at ang laptop niya at may naiiwan pa akong konting baryang pang-Internet. Wala na kasi akong allowance ngayon. Huhuhu… At malas ko pa dahil aabutin pa ng ilang buwan bago ko mareceive ang aking license number kung kaya’t hindi pa ako pwedeng kumita ng pera. Ganyan kasi dito sa Zamboanga. Tatlong buwan bago mo makuha ang license mo. Mapapanis na ang novelty ng pagiging board passer mo dahil tatlong buwan ka ring magiging palamunin pa rin ng mga magulang mo. Badtrip… Hello! PRC! Naririnig mo ba ako? Yooohoooo…

Hirap pala nitong pasado ka na pero hindi ka pa makapagtrabaho. Gusto kong takpan ang aking pagmumukha lagi sa hiya kada beses na lalapit ako sa aking magulang upang humingi ng pera. In fairness, wala naman akong naririnig na hiyaw o anong mga parinig na reklamo mula sa aking magulang pero siyempre, ako na mismo ang nahihiya para sa sarili ko. Beinte-otso na rin ako. Dapat nga nag-asawa na ako sa edad kong ito. Hahaha, joke lang.  

O siya, mahaba na ito. Wala namang kabuluhan itong post ko. Hanggang sa muli!

 

P.S.

Kung sino man diyan ang mapadpad dito sa Zamboanga, tara na. Magpapainom ako. Hehehe… Ang yabang ko talaga. Alam ko namang wala ni isa sa inyong makakarating.  Hehehe… Joke lang. I missed you pips!!!

Ipinaskil sa Uncategorized . 24 Puna »

Waaaahhhh……

TOXIC AKO!!!!!

Takas lang itong post na ito dahil nakisingit lang ako sandali habang hinahantay ko si Mader matapos sa kanyang sandamakmak na paperworks.  Pasensya na at hindi ako nakapost ng bago. Kasalukuyan akong nagpapakalunod sa mga hand-outs at board reviewers. Failure is not an option daw kasi. Sawa na raw kasi akong bigyan ng allkowance ni Mader araw-araw. At sabi ni Pader, pag di daw kasi ako pumasa, gagawin daw niya akong tindera ng sari-sari store na itatayo niya. Hay naku, ayan tuloy at nagkandalabasan na ang mga taghiyawat ko sa mukha sa sobrang stress.

Ang panahon na ito na yata ang pinaka-stressful sa lahat ng mga naranasan ko. Isama na natin ang katotohanang ito na rin ang panahong napaka-pangit ko.  Hehehe…

Matapos lang ang lahat ng ito, babawi ako. At sa wakas, makaka-focus na rin ako sa mga tunay na mahalagang bagay sa mundo — ang paghahahanap ulit ng boypren.

Hehehe, joke.

Sensya na mga pips.  Temporary on hiatus ako.  I miss you all!!!! Nyahahaha… Ang showbiz ng dating. Hehehe. Mwah!

“Mamahalin Mo Pa Rin Kaya Ako Kahit Mataba Na Ako?” — Sam Milby (Big Love)

Belated Merry Christmas everybody!

Una sa lahat, may dalawang comments sa Kuwentong Kubeta na sa aking katangahan ay sa halip na iapprove ko ay accidentally ko pang nadelete. Sakali mang mapabisita ka ulit dito sa aking pamamahay at mapansin mong hindi ko naipost ang comment mo, sori talaga. Pasensya na. Paminsan talaga, hindi matatakpan ng aking kagandahan at alindog ng katawan (Wahaha! Pagbigyan niyo na ako. Christmas gift niyo na sa akin ang pagbigyan ako sa mga ilusyon ko!) ang aking pagiging tanga. Baka sabihin mo, suplada ako. Hinde ah. Tanga lang talaga. Pakisulat na lamang ulit ang iyong comment. Yan ay kung hindi ka lang naman tamarin.

So, kamusta naman ang mga pasko ninyo?

Masaya ako ngayong pasko dahil umuwi dito sa amin ang kapatid kong si Sis K. Sa Maynila kasi siya nagtratrabaho bilang isang social worker-slash-psychologist. At dahil Pebrero pa noong huli kaming nagkita, nagulantang na lamang ako sa laki niya ngayon. Tabain na si Sis K at kung sa pag-aakala naming papayat na rin siya sa wakas sa pagtratrabaho niya sa Maynila, eh, isa pala itong malaking pagkakamali dahil lalo lamang siyang tumaba ngayon. At ang masama pa nito, pagkakita niya sa akin ay ito ang una niyang sinabi sa akin:

“ANO NANG SIZE NG SHIRT MO NGAYON?”

Syetness. Obviously, kung ang mataba may nakikita nang kapintasan sa akin, isa lang ang ibig sabihin nito.

MATABA NA  RIN AKO.

Huhuhuhuhu…

May insecurity na nga ako dahil sa hindi ako rich kid at hindi ako naregaluhan nila Mader at Pader ng braces kung kaya’t lumaki akong sungki ang ngipin ko, pati ba naman sa katawan ko? Ano na lang ang magagamit kong pang-akit nito? Talino? Syet. Mas lalong wala ako non. Kayamanan? Pweh! Umalis ka na nga dito sa harapan ko! Kabaitan? Hay naku, mga babae lang ang naiinlab sa mga lalakeng pangit at mababait dahil bali-baligtarin man natin ang mundo, karamihan ng mga lalake ay superficial (O, wag nang magprotest. Mahahalata lang na guilty ka). Kahit kasya pa naman ang mga damit at pantalon ko, hindi ko maipagkakailang may kasikipan na rin ang mga ito sa akin. At kahit may mga namamansin pa rin naman sa aking boys, hindi ko ring maipagkakailang nabawasan na ang mga members ng Fan’s Club ko. Kung ano-anong tricks na yata ang natutunan ko upang takpan ang mga rolyo ng taba na namumuo sa aking waistline at sa kung saan-saang bahagi pa ng aking katawan. Andyan ang magsuot ng binders, mga empire-cut na blouse, jacket, blazers at iba pa, pero ang totoo, kung magpopost ako ng picture ko dito sa  na nakatwo piece ako, baka magsitakbuhan na kayong lahat at mawalan na ako ng readers dito sa blog ko.

Kaya huwag na kayong mag-alala, magkakamatayan muna tayo bago ko gagawin yun.

Paano naman kasi, kasabay ng pag-aaral ko para sa Board Exams ang kumain ng marami at uminom ng sandamakmak na kape. Siyempre, kailangan ng glucose ang ating mga brain cells dahil doon sila kumukuha ng enerhiya upang makapagfunction ng mabuti. Malamang yan rin ang dahilan kung bakit walang supermodel na rocket scientist, dahil kulang sa glucose ang kanilang mga brain cells. At may nabasa rin akong research dati na nagsasabing ang mga babae, upang makapag-aral ng mabuti, ay kinakailangang sabayin ang pagkain sa pag-aaral. Ang sabi pa nga sa akin ng kaibigan kong si HotNurse dati, mas mabuti nang tumaba ka at pumasa ka ng board exams kaysa sa pumayat ka at sumeksi pero bagsak ka naman.

Ewan ko na lang kung matutuwa pa si HotNurse kung makita niya ako ngayon. Mabuti na lang at nasa Dubai siya ngayon kung hinde ay malamang pagtataguan ko na siya.

Panahon na para mamaalam na ako sa mga panahong puwede pa akong magtago sa deskripsyong “chubby”. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko dahil magbabakasyon ako ng Maynila sa Marso at siguradong magugulantang ang mga kabarkada ko noon sa kolehiyo  pag nakita ako.

Kaya ayun, naisipan ko na lang magsimulang magjogging sa may oval araw-araw.

Hindi pala jogging. Madaya pa rin kasi ako. Brisk walking lang dahil kalahating round pa lang ng pagjojogging eh halos hikain na ako sa paghingal at kung hindi lang ako nahihiyang magpakita ng kahinaan sa mga jogging friends ko ay malamang napahiga na ako sa gitna ng racetrack sa sobrang pagod.

Noong isang araw, katatapos lamang ng klase at naglalakad na ako palabas ng eskuwelahan. Gawain ko na ang pumunta ng oval sa Grandstand araw-araw upang mag brisk walking/jogging ng isang oras pagkatapos ng klase. Habang naglalakad ako, timing namang  nakita ako ni Airsoft at pinara niya yung kanyang Ford sa tabi ko.

“Uy, Angel, hatid na kita.”

Nahiya naman ako. “Sige lang, Airsoft. Huwag na. Nakakahiya naman.”

“Ano ka ba? Halika na. On the way lang naman yung bahay niyo sa bahay namin.”

“Sige lang. Pupunta pa kasi ako ng GrandStand para magjogging.”

“Ganun ba? Sige, hatid na lang kita sa Grandstand.”

“Naku, baka ma-out of the way  ka na niyan.”

“Ano ka ba? Pwede naman akong dumaan ng Grand Stand tapos diretso pa rin yun papunta sa bahay namin.”

“Ay, huwag na, Airsoft. Nakakahiya naman.”

“Heh! Ano ka ba?”

“Huwag na. Thank you na lang.”

“O sige. Ikaw bahala.”

At humarurot na si Airsoft sakay ang kanyang gray na Ford, habang kinain ko na lamang ang abo ng kanyang pag-alis at pinagmasdan ang puwet ng kanyang magarang sasakyan.

Kung bakit pa kasi ako mahilig tumanggi ng grasya.

“Hoy, Airsoft, pakipot ko lang yun. Bumalik ka dito!”

Pero siyempre, hindi na niya ako narinig.

Katulad pa rin ng dati, pagdating kay Airsoft, nasa huli ang aking pagsisi.

P.S. Baka inaakala niyong nag-iinarte lang ako at hindi naman talaga ako mataba, o siya, magpopost ako ng picture ko. Pamasko ko na rin ito sa isang blogistang matagal ng nag-tag sa akin. Galing pa yan sa default pic ng Friendster ko. Kung sasabihin niyo pa ring nag-iinarte lang ako dahil hindi naman ako mukhang dambuhala dito, tol, nasa pagdadala lang yan (Insert EVIL LAUGH here). At syempre, blog ko to. Ang laki ko namang tanga kung magpopost ako ng litrato ko na ampangit-pangit ko. Hmph. Once in a lifetime lang mangyari to kaya, pwede ba? Pagbigyan niyo na lang ako. O siya, kunin niyo na ang inyong magnifying glass at eto na:

1_931323223l

Sa totoo lang, ampangit ko pala talaga. Hahaha… Ewan ko tuloy kung bakit ito ang naisip kong ipost. Bukod sa halata ang sungki ko eh nagmukha tuloy taghiyawat yang mga nunal nasa mukha ko. Oo, kung may nakilala kayong duktor sa ospital na inulan ng nunal sa mukha at sungki ang ngipin, ako na yun. Huwag niyo naman akong takbuhan at matakot na kayong magpakunsulta sa akin. Kailangan ko rin ng pangkain at pangload, okey?

At dahil abala ako sa pgtratrace ng pathway ng mevalonic acid na kinoconvert into 5-pyrophosphomevalonate which will be decarboxylated into isopentenyl pyrophosphate which will then be isomerized to 3,3-dimethylallyl pyrophosphate and then condensed to geranyl pyrophosphate, which will then be condensed to farnesyl pyrophosphate, which when combined with another molecule of farnesyl pyrophosphate will form squalene which will be converted to lanosterol which by shortening of the carbon chain from 30 to 27, removal of the two methyl groups at c-4, migration of the double bond from c-8 to c-5 and reduction of the double bond between C-24 and C-25 will finally result into cholesterol, at mukhang hindi na siguro ako magkakapanahon pang makabalik ulit dito sa blog ko bago magbagong taon, hayaan niyo na ring maaga akong babati sa inyong lahat ng:

HAPPY NEW YEAR!!!

P.P.S. Happy beerday nga pala sa ating blogistang friend na si Potpot na sa aking kamalasan ay nakadiskubre sa isa pa sa aking mga pinakatago-tagong blog. Hehehe. Sori po at hindi ako nakasama sa pakulo mo kahit nagpromise ako. Plug na lang kita dito sa blog ko, okey? At sana’y dumugin ka rin ng mga blogistang babati sayo. Happy beerday ulit! =)

P.P.P.S.  At baka magtampo sa akin ang kaguwapong si Brother Utoy na mas bata pala sa akin ng isang taon. Totoo ba yun? Hmmm… Pakita nga birth certificate, pwede? Happy birthday din sayo, Bro!!! Sigurado rin akong dudumugin ng mga babati sayo sa blog mo. Ang masasabi ko lang sayo: God Bless! Happy birthday ulit! =)

Kuwentong Kubeta

Tatlong araw na akong hindi nakakapag-fufu.

 

Dahil sa aminado akong may pagka-ok-ok (Obsessive-Compulsive) ako at naka-iskedyul na kada alas otso ng umaga ay dapat handa nang magrelaks ang aking anal sphincter at magrelease ng toxins, ewan ko ba kung bakit sa ngayon, mukhang nahihiyang makipaglandian ang aking anal sphincter  sa aming kubeta.

 

Aburido pa naman ako pag hindi ako nakakapag-fufu sa isang araw. Naisip ko tuloy na baka sa tagal na ng fufu sa aking katawan ay baka pilit na lang itong nirerecycle at pinipiga upang mapagkuhanan ng enerhiya, protina, taba at sustanya. Ewww to the nth level, di ba? Sinubukan ko nang magjogging ng 30-45 minuto kada araw, uminom ng kape, green tea, galon-galon ng tubig at halos masusuka na nga ako sa kakakain ng oatmeal, pero sad to say, wala pa rin.

 

Sa totoo lang, hindi masarap ang oatmeal, lalo na kung walang gatas o asukal. Magpakaplastic na kayo sa Quaker Oats hanggang gusto niyo pero hindi rin nila kayo mababayaran sa pagpapaka-Tupperware niyo. Syetness. Ayoko nang kumain ng oatmeal!

 

Hindi rin nakatulong ang panibagong iskedyul ng klase sa Board Review na 8-12 at 1-5 na kung saan mapipilitan akong magpakaprinsesang nakaupo sa kanyang trono ng alas syete ng umaga, sa halip na alas otso. Mas lalo lang nagfetal position ang aking rectum. Sinubukan ko na ring magdala ng toilet paper at mag-look to the left and to the right bago pumasok ng Girls’ Comfort Room sa eskuwelahan namin pero makalipas ang ilang minutong pagmumuni-muni habang nakaupo sa trono, wala ring success story na nangyari liban sa halos lunurin ko na sa halimuyak ng aking utot ang mga nasa kabilang stalls.

 

In fairness, mabango ang halimuyak ng aking tinae. Parang body spray ng Victoria’s Secret.

 

Kung naniwala ka sa sinabi ko, fine. Hindi ka naman siguro bored ano? Malamang ikaw rin yung tipo na naniniwalang pwede kang malasing pag kumain ka ng maraming-maraming ubas. Naman, kailan pa ba nagkaroon ng utot na amoy pabango, aber? At unless may brewery diyan sa iyong atay na puwedeng magundergo ng selective fermentation sa iyong kinain, hindi ka naman malalasing kahit isang kaing pa ng ubas ang iyong lamunin sa sobrang siba mo (Pssst… pashare naman. Tapon mo dito sa akin sa Mindanao!). Pero since magpapasko naman ngayon, pagbibigyan na kita sa mga paniniwala mo. Regalo ko na yun sayo. Merry Christmas!

 

Syempre, nawala na ako sa topic.

 

Dahil kuripot ako at ayoko ring idaan sa gamot aking 8 o’ clock habit, eto tinitiis ko na lang hanggang ngayon ang unti-unting paglaki ng tiyan (Nag-imbento pa ako ng excuse sa laki ng tiyan ko, ano? Hehehe. Oo na, taba talaga yun at hindi dahil sa constipation. Syet ka. Hindi mo man lang ako pinagbigyan. Asan na ang spirit of Christmas mo? Leche!) at matiyaga pa rin akong nag-aantay sa kanyang pagdating. Para tuloy akong nag-aabang ng dalaw galing sa aking pinakamamahal na jebs dahil naeeksayt na akong dumating ang sakit ng tyan na kakambal nito na nagbabantya ng kanyang pagdating. Naiinip na talaga ako. Pramis, pagnakafufu na ako, baka magpakain ako at magpainom sa sobrang tuwa. Yahooo!

 

Naaalala ko na lamang noong nasa probinsya pa kami ng mga kaklase ko nagduduktor-duktoran. Ang problema nila sa probinsya ay hindi tulad ng sa akin. Ang problema nila ay wala silang toilet. Kadalasan, kung darating na ang tawag ng tadhana, si Manang ay kukuha ng plastic na pinaglagyanan niya kanina ng bili niyang isang kilo ng bigas mula sa palengke, maglalakad ng ilang dampa mula sa kanyang bahay-kubo, sa bandang damuhan na walang tao at napapalibutan ng mga punong-kahoy, ilalapag ang nakabukas na plastic sa damuhan, magsusquat at ishushoot sa loob ng plastic ang kanyang masarap na personal sisig. Babalutin ni Manang ang kanyang fufu, itatali ang plastic ng maiigi, at paiikutin ang plastic sa taas ng ulo na tila cowboy na may lubid at PLOK! Ipapalipad na niya ang mahiwagang fufu palayo. Kung may malasin mang taong makapulot sa plastic at mag-akalang may mahalagang bagay sa loob ng tightly-sealed package (Arroz caldo kaya ito? Lumpia shanghai? Kaldereta?) ay tiyak na masusuka na lamang siya sa kanyang makikita. SURPRISE!

 

Siyempre, dahil graded ang aming pagduduktor-duktoran sa probinsya, nagpasya kami ng mga kaklase kong maghanap ng paraan upang mabigyan ng kubeta ang mga mamamayan. Pagkatapos naming mamalimos sa aming mga magulang, mag-ipon ng kickback, magbiyak ng mga piggy bank, magpaalipin sa mga DOM at sumayaw sa mga gay bar, nabigyan din namin ang ilan sa kanila ng toilet bowl. Ipinagdarasal na lamang namin na gagamitin nila ang mga ito sa maayos na paraan, sa halip na gawing sombrero o di kaya’y flower vase.

 

Pramis, meron talagang mga ginawang sombrero o di kaya’y flower vase ang mga water-sealed toilet bowls na pinamigay sa kanila. Malas ko lang at wala akong pictures nun.

 

Pero isa sa mga bilib na bilib talaga ako ay ang nagmamay-ari ng kubetang ito. Sa tingin ko lang, sa kada beses na gagamitin mo ang kubetang ito, kinakailangan mong magdala ng dyaryo. Hindi yung dyaryong tabloid lang na tulad ng Tiktik  di kaya’y Bandera. Dapat yung tipong Inquirer, Philippne Star o di kaya’y Manila Bulletin. Para ano? Click mo na lang dito kung bakit.               

 

Gotta go, sago. Sa wakas, najejebs na rin ako.

 

P.S. Maligayang Pasko sa lahat ng mga kaibigan ko dito sa blogosphere.  I lab yu all! Isang kiss na naglalaway pa ang ipalilipad ko papunta sa mga kabahayanan ninyo. Special mention sa nagkukunwari kong kapatid sa labas na si Helena. Excited na akong irepeat rotation ka. Ehehe, joke!!! Merry Christmas everybody! =)

Happy Beerday

Bente-otso

 

 

Dalawampu’t walong taon ang nakaraan. Kasalukuyang naggrogrocery si Mader at Pader sa Welcome Rotonda ng biglang bumaha sa paanan ni Mader habang siya ay namimili kung anong klaseng tutpaste ang bibilhin niya. Magkatapos sabihan si Pader ng “Dad, my waterbag broke,” nagmadali na ang dalawa upang pumunta ng ospital. Magkatapos ang ilang oras ng pag-iire kasabay ng kanyang pagtatae (na malamang dahilan kung bakit paminsan ay tila isip-tae ako sa sobrang katangahan) at matapos putulin ang umbilical cord na dalawang beses pumulupot sa aking leeg, lumabas na rin sa wakas ang kras ng bayan, este, salot ng lipunan.

 

Oh yes, dats me. Ako na nga yun.

 

Ipinagdiwang ko ang aking ika-dalawampu’t walong kaarawan noong Huwebes, ika-11 ng Disyembre, kasama ang aking mga kaklase sa isang popular na gimikan sa aming lugar. Billiards, Videoke, inuman at kulitan hanggang sa mamaos ang aming boses at manghina ang aming katawan sa katatawa. Taon-taon kong nililibre ang aking mga kaklase tuwing kaarawan ko. Paminsan nga, feeling ko namimihasa na ang mga ito at medyo nahihiya na rin ako sa aking mga magulang dahil ilang taon na rin akong hindi makapagdiwang ng aking kaarawan kasama ang aking pamilya. Paano ba naman, sa sobrang ingay naming magkaklase ay sinisiguro ko na lang na hindi ako sa bahay namin magpapainom dahil maiistorbo ang beauty sleep ng mga kasambahay ko dahil parang mga kuwago pa sa pagdilat ng mga mata ang mga kaklase ko pag nakainom kese hodang alas-dos na ng umaga at maaga pa kaming lahat pipila sa PRC kinabukasan. Paminsan nga, naisip ko, papansinin pa kaya ako ng mga kaklase ko kung hindi ako magdidiwang ng aking kaarawan sa taong ito? Natutukso akong sorpresahin sana sila at hindi na lamang magpakita noong kaarawan ko pero dahil lab ko ang mga damuhong iyon, hindi ko rin sila matiis at ayan, nagpainom nga ako.

 

Sensya na at hindi ko na kayo naimbitahan. Padadalhan ko na lang kayo ng serbesa. Antayin niyo lang yung isang case ng SMB na pinadala ko by LBC. Wala pa ba diyan? Baka itinungga na ng kartero at ng mga manggagawa sa Post Office. Oh, well. Sori. Next year ulit.

 

So, matanong niyo, ano ba ang wish ko sa beerday ko? Madami, actually. Pero kung ililista ko ito lahat ay baka antukin na kayo sa haba ng listahan. Eto na lang ang pinaikling bersyon. At dahil malapit na rin ang Pasko, may panahon pa para tulungan niyo akong matupad ito. Hindi naman ako namimilit, baka lang kasi kako may mga koneksyon kayo. O siya, dami pang satsat. Eto na nga.

 

1. Pumasa ng board exams. Obvious ba? Nakakapagod kaya mag-aral. Ikaw nga magtake two, ewan ko lang kung hindi ka maburn out sa kaaaral at mas gugustuhin na lang maging magsasaka at magtanim ng kamote. Pwede ring alternative career ang maging online stripper, yung tipong “See Me Strip for only $5/minute” pero baka iprotest ng madla ang pangangatawan ko at bayaran na lang akong magbihis sa halip na maghubad kaya, on hold na muna ang alternative career na yan… At dahil sa ibinalita na yata ni Mader at Pader sa buong opisina ng regional office ng DSWD at sa lahat ng mga kamag-anak naming nakakalat sa buong archipelago ng Pilipinas  na kukuha ako ng board exams sa Pebrero, hindi ko alam kung may pagmumukha pa akong maihaharap sa kanila kung hindi ako pumasa. Baka mapilitan tuloy akong magstokwa na lang papuntang Sabah, Malaysia at manirahan na lamang doon bilang isang domestic helper.     

 

2. Panibagong boypren. Masarap kasing ilunod na lamang sa kumunoy ang aking kasalukuyang boylalu (aka lalakeng kalandian). Tama ba namang makalimutan ang petsa ng aking kaarawan at sa 12, sa halip na 11, na ako binati? Pasalamat siya at nasa kabilang probinsya siya ng mga oras na iyon kung hinde, pinasabugan ko na yung bahay nila. Sarap sakalin. At wala man lang pinadalang maski Sampaguita o kuwintas na gawa sa Everlasting man lamang. Hay naku. Ayoko na lang magsalita.

 

3. Mga kaibigang may kwenta. Marami ako nito lalo na sa blogosphere actually (Tulad niyo. Ahaha. Sipsip ko no? Hehehe, joke!) pero naiisip ko rin paminsan na sa dami ng aking mga kaibigang may kwenta ay dumadami na rin ang pumapaligid sa aking mga nagkukunwaring kaibigan. Yung tipong nagsasaya kapag nakita nilang 2 out of 10 ka lang sa quiz habang nakachamba silang makakuha ng 3 out of 10. Yung tipong kung makatingin sayo, akala niya siya na ang pinakamaganda sa klase eh, kung tutuusin kung hindi lang inayos yung cleft palate niya nung bata pa siya eh, sigurado namang hindi siya papansinin ng manliligaw niyang kamukha ni Pacquaio (no offense sa mga Pacquaio fans diyan). Yung tipong dalawang linggo bago ang aking kaarawan eh papipilitan akong sumagot sa inumin sa bertdey parti ng anak niya dahil sabay naman daw kaming magdidiwang ng aming kaarawan kahit na hindi pa naman ako sigurado kung manlilibre nga ako sa mga kaibigan ko dahil hindi ko naman gawain ang kusang humingi ng pera kila Mader at Pader pag beerday ko. Hello! Wala na ako sa highschool!. Gawaing bata lang ang namimilit, no?… Okey, isang tao lang yun actually. Hindi ko lang alam kung paano ko siya sasabihan na tantanan na niya ako… Oo na, aaminin ko. Paminsan-minsan, nagpapaka-Tupperware din ako.        

 

4. Kalusugan para sa aking mga magulang. Diabetic si Mader. Si Pader naman, kahit hindi ko na ipa-lab test ang kanyang Serum Cholesterol ay halata naman sa itsura pa lang na mataas ito. Yoko silang magkasakit. Hindi lang dahil sa mapipilitan silang magretiro na mula sa trabaho (na matagal nang inaalok sa kanila ng gobyerno ng Pilipinas subalit dahil may mga anak pa silang nagtratrabaho ay ayaw pa nilang matukso sa alok na ito), hindi rin dahil sa magastos ang magkasakit (Heller! May Philhealth namang sasalo sa kanila. Ehehe, joke!), pero dahil sa ayoko silang namamalagi lang sa bahay namin. Bukod sa magiging sedentary ang lifestyle nila (at makakadagdag sa kanilang pagiging high-risk sa mga sakit) ay mapapadalas din ang kanilang pagpuna sa mga kalokohan at pakikialam sa mga desisyon sa buhay naming magkakapatid. Don’t get me wrong, mahal ko ang mga magulang ko. Pero maliban kay BBBro na nasa hayskul pa, halos lahat kaming magkakapatid ay masasabing may sariling nang pag-iisip. Kung 24 oras ay namamalagi lamang sa aming pamamahay ang aking mga magulang ay sigurado akong mamimiss ni Mader ang pagiging bosing sa opisina, mababanas sa pakikipag-usap sa kanyang mga orchids at mapapadalas ang pagbubunganga sa aming magkakapatid. Ewan ko na lamang kung anong gagawin ni Pader pag mamamalagi na lamang siya sa bahay subalit nag-aalala akong isiping baka gamitin niya ang panahong ito upang patayin kami sa nerbyos sa kanyang paggugol sa naudlot niyang midlife crisis. Sigurado ring babaha ang mga ubod sa kakornihan  niyang patawa na niplagiarize niya mula kay Gary Lising.

 

Lab yu, Ma at Pa. Hihihi…

 

Hindi na ako magwiwish ng mga materyales na bagay dahil pag pumasa ako ng board exams at matanggap sa trabaho ay siguradong mabibili ko na rin ang mga ito baling araw. Hindi rin naman talaga ako mahilig sa mga mamahaling bagay. Basta umaandar ang cellphone, nakakateks, tawag at nakakakuha ng letrato, solb na ako. Tumatakbo pa rin naman yung DVD player sa bahay at 1 Gig naman ang memory ng cellphone ko kung kaya’t hindi ko rin kailangan ng Ipod Nano. Gustuhin ko man ng sariling laptop na may Internet access, upang hindi na kami mag-uunahan sa bahay sa paggamit ng computer lalong-lalo na kay Pader na adik sa paglaro ng Hearts at Spider Solitaire, kahit lumuha pa siguro ako ng dugo sa harap ng magulang ko ay hindi pa rin nila ako marereguluhan nito. Ilusyonada!

 

Okey, fine. Pag-iipunan ko na lang ang mga ito.

 

Naisip ko, sa susunod na taon, malamang hindi ko na makakasama ang mga kaklase ko sa pagdiwang ng beerday ko. Siyempre, kanya-kanyang buhay na pagkatapos ng board exams. Nakakalungkot isipin na malamang hindi na mabubuo ang aming barkada sa pagdiwang ko ng aking kaarawan sa susunod na taon. Wala ng tawanang nakakapanghina ng katawan. At wala na ring mga matatamis na sandaling tulad nito:

 

kissing1

 

 

Ang sweet nila no? Ginawa nilang gaybar ang beerday ko. Hindi daw yan sila naghahalikan, sabi nila. Mukha lang daw. Hmmm… Palusot.   

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.